Share

Chapter 3

Ivy

"O muntikan ka na namang ma-late." Bungad sa akin ni Christy pagdating ko ng tindahan. Si Ka Ene naman ay nasa kabilang tindahan at nakikipag chikahan sa may ari din.

"Pasensya na, naglaba kasi ako eh." Hinging paumanhin ko at nilagay na ang bag sa pinag lalagyan ko. Tinali ko muna ang alon alon kong buhok para hindi ako masyadong mainitan.

"Bakit kasi nagtitiyaga ka dyan sa tiyang mo. Kung ako sa'yo nilayasan ko na sila matagal na." Singit ni Tina na nagsasalansan na ng mga prutas. Lumapit na ako sa kanya at tumulong.

"Saan naman ako pupunta kung lalayas ako? Kay lola? Eh di mahahanap din nila ako." Sagot ko. 

Bumuntong hininga sya at namaywang na parang namroblema sa sitwasyon ko.

"Eh kung mag asawa ka na lang kaya." 

Binalingan ko sya at tiningnan kung seryoso sa sinasabi. "Wala pa sa isip ko yan. Ang bata ko pa no. Mag aaral pa ako."

"Puwes isa isip mo na. Dahil yun lang ang tanging paraan para makalayas ka na sa poder ng tiyahin at tiyuhin mong mga sugarol at abusado."

"Oo nga! Tutal marami ka namang manliligaw. Pero advice ko lang sa'yo ha. Kung sakaling mag aasawa ka na, dun ka na sa mapera. Yung kaya kang buhayin at pag aralin." Sabat naman ni Christy habang binebentahan ang isang mamimili. Parang gusto kong batuhin sya ng durian. Hindi muna hinintay na makaalis ang mamimili bago nagsalita. Nakakahiya tuloy narinig pa ng iba.

"Hindi madali yang sinasabi nyo." Sabi ko.

"Sus! Madali lang yan no. Sagutin mo na kasi si Manuel. Gwapo yun! Mapera pa at patay na patay pa sa'yo." Ani Tina.

Si kuya Manuel ay may ari ng bigasan sa kabilang bahagi ng palengke. Matagal na itong nagpaparamdam sa akin na gustong manligaw. Hindi ko lang sya pinapayagan at  ang dinadahilan ko ay magagalit si tiyang Linda. Sampung taon ang tanda nya sa akin. May hitsura naman sya at mabait. Lagi nya akong binibigyan ng pagkain na pinagsasaluhan naming tatlo. Kahit na ilang beses kong sabihing wag na ay hindi naman sya nakikinig. Pero ok na rin atleast nabubusog ako. Pag uwi ko kasi sa bahay minsan ay kanin na lang ang natitira sa akin tutong pa.

"Tama na nga yan, magbenta na tayo baka bungangaan na naman tayo ni Ka Ene." Pagtatapos ko sa usapan namin.

Nagkibit balikat na lang silang dalawa at inasikaso na ang ilang mamimili.

Bumuntong hininga ako. Minsan rin naman naiisip ko rin ang maglayas. Pero yun nga, saan ako pupunta. May ipon nga ako kakarampot naman. At wala pa sa isip ko ang pagaasawa dahil desidido akong mag aral ulit..

Jeizhiro

"Yun lang ho ba?" Tanong ko kay Mang Teofilo sa kabilang linya.

Pinuntahan ko kasi ang kuhanan namin ng abono at kinuha ang order namin. Wala naman akong ginagawa kaya ako na ang nagpresinta. Tapos tumawag sya at nagsabing paubos na rin ang seedling bags.  Bibili na lang ako sa dating bilihan namin na madadaanan ko pauwi.

"O sige ho, ako na ang bahala." Sabi ko at pinatay na ang tawag.

Bumili na rin ako ng mamemeryenda ng mga tauhan sa farm tutal naman ay mag a-alas tres na ng hapon.

At dahil papasok sa palengke ang daan pauwi ay nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na excitement dahil madadaanan ko ang tindahan ng prutasan. Makikita ko ulit si ganda. Napangiti ako. Anong prutas naman kaya ang bibilhin ko ngayon? Saging? Mansanas? O ubas kaya?  At sana sya ang magbenta. Gusto kong muling marinig ang malamyos nyang boses.

Pero hindi pa man ako nakakalapit sa tindahan ng prutasan ay nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagkunot ng noo.

Si ganda, may kausap na lalaki at mukhang inaabutan sya ng pagkain. Matamis ang ngiti nila sa bawat isa habang masayang nag uusap. Bigla akong nakaramdam ng inis at ngitngit sa dibdib. Humigpit ang hawak ko sa manibela at mabigat na huminga. Kaya imbes na huminto ako sa tindahan ay dirediretso na akong umalis. Muntik ko pang masagi ang lalaki. Haharang harang sa daan eh!

Hindi ko maipaliwanag ang inis at ngitngit na nararamdaman ko. Humugot ako ng malalim na hininga para ikalma ang sarili. Sa ganda nyang yun ay hindi na ako dapat magtaka na may boyfriend sya.

Naiiling na lang ako at nakadama ng panghihinayang.

Ivy

"Ay!" Napatili kaming tatlo ni Tina at Christy nang muntik nang mahagip ng rumaragasang malaking pick up truck na itim si kuya Manuel. Buti na lang ay hawak ko na ang bilao ng palabok na bigay nya.

"Ayos ka lang kuya Manuel?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

Matalim ang tingin nya sa papalayong sasakyan. "Lokong yun ah! Kung makaasta kala mo pag aari nya ang daan. Mabangga ka sana." Inis na sabi nya.

Hindi ko naman sya masisisi. May kabastusan naman kasi ang driver ng sasakyang yun. Dapat nagmemenor ang mga may sasakyang tulad nito kapag dumadaan sa mataong lugar kagaya nitong palengke. Mabuti na lang ay wala kaming mamimili ng oras na to.

"Hayaan mo na kuya. Ayos ka lang ba?" Ulit ko sa tanong.

Bumaling naman sya sa akin at ngumiti. "Ayos lang ako, hindi naman ako nahagip ng gagong yun. At saka ilang beses ko bang sasabihin sayo wag mo na akong tawaging kuya. Nakakahiya naman sa makakarinig na kuya ang tawag mo sa akin eh ang alam nila nanliligaw ako sayo." Aniya at bahagyang ngumuso pa.

Natawa na lang ko sa sinabi nya. "Subukan ko, pero salamat dito sa palabok. Nakakahiya na sa'yo."

"Wala yun. Next time lasagna naman ang ibibigay ko sayo. Baka kasi manawa ka na sa palabok pancit at spaghetti."

"Kami din!" Sabay pa na sabi ni Tina at Christy na nakikinig sa amin.

Pinanlakihan ko sila ng mata. Nakakahiya talaga tong mga to minsan!

"Syempre kasama kayo." Nakangiting turan ni kuya Manuel.

Parang mga bata namang pumalakpak pa ang dalawa.

"Naku wag na kuya Manuel. Eh ang mahal nun eh." Tanggi ko.

Nakakahiya naman kasi talaga. Baka mamaya isipin nya may pag asa syang sagutin ko sya eh sa totoo lang parang kuya lang talaga ang tingin ko sa kanya.

"Ayos lang Ivy. Para sayo." Sabi nya na mapupungay ang matang nakatingin sa akin.

Nailang naman ako sa klase ng tingin nya kaya nag iwas ako ng tingin.

"Ah sige balik na ako sa bigasan. Usap na lang uli tayo mamaya Ivy." Paalam nya sa akin at tumawid na ng kalsada.

Tumango na lang ako at ngumiti. "Salamat ulit dito kuya Manuel."

Napakamot na lang sya sa ulo at ngumiti.

Pumasok ako sa loob at nilapag ang bilao sa desk. Mag a-alas tres pa lang naman at hindi pa kami nagmimiyenda. Si Ka Ene naman ay nagsisyesta sa folding bed nya.

"Ayan! Ang sarap ng meryenda natin ngayon. Palabok with matching pagsintang pururot ni kuya Manuel. Kaya lang parang may kulang." Saad ni Christy.

"Walang panulak!" Sagot naman ni Tina na binubuksan na ang foil ng bilao. "Mas masarap to kung may coke."

"Mag tubig na lang kayo." Sabat ko at kumuha na ng pinggan at tinidor na baon ko. Kinuha ko na rin yung sa kanila.

Masarap ang palabok dahil maraming toppings. Nag uumapaw ang dinurog na chicharon. Marami ding hipon at slices ng nilagang itlog. May kalamansi ding hiwa na. Sa itsura pa lang ay talagang nakakatakam na.

Masaya naming pinagsaluhan ang masarap na palabok..

"Mano po tiyang, mano po tiyong." Bati ko at mano kanila tiyang Linda at tiyong Oca na prenteng nakaupo sa lumang sofa habang nanonood ng tv. Si Lileth at Kiko naman na naglalaro sa lapag ay sinalubong ako ng yakap. Ginulo ko naman ang mga buhok nila.

Himala hindi yata sila nag away ngayong araw.

"Kumain ka na sa kusina Ivy at pagkatapos mo mag usap tayo." Sabi ni tiyang na hindi inaalis ang mata sa tv. Si tiyong naman ay sumulyap pa sa akin.

"Tungkol po saan tiyang?" Curious kong tanong.

"Kumain ka muna." Madiin na sabi nya na tila nainis sa tanong ko.

Bumuntong hininga na lang ako. "Opo."

Pumunta muna ako ng kwarto namin nila Lileth at Kiko. Nilagay ko muna ang bag sa lumang aparador at nagbihis. Hindi naman ako masyadong gutom pero dinamihan ko na rin ang kain. Masarap kasi ang ulam at himala na marami silang tinira sa akin. Minsan lang naman to kaya sinulit ko.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Himala din na hugas na ang mga pinagkainan nila. Ano kaya ang meron?

Bumalik na ako sa sala kung nasaan pa rin sila tiyong Linda at tiyong Oca. Sila Lileth at Kiko naman ay pinapasok na sa kwarto namin. Mukhang importante ang sasabihin ni tiyang dahil seryoso ang mukha nila ni tiyong.

Hindi pa man nag iinit ang puwitan ko sa pagkakaupo ay inabutan ako ng supot ni tiyang na sa tingin ko ay damit ang laman.

Nagtatakang kinuha ko ito. "Ano po ito tiyang?"

"Isuot mo." Maiksing sabi nya.

"Po?" Naguguluhang sabi ko. Nireregaluhan ba ako ni tiyang ng bagong damit.

"Ang sabi ko isuot mo bingi! Bilisan mo na at lumalim na ang gabi." Asik nya.

"Opo." Agad naman akong tumayo at dumiretso sa banyo na karugtong lang ng kusina para isuot ang damit.

Manghang mangha ako ng maisuot ang damit. Para akong lalamigin. Isang spaghetti strap na bestidang hapit na kulay itim na may kumikintab pang mga sequins na lampas kalahati ng hita ko. Halos kita ang kuyukot ko at kapag hinila ko naman pababa ang bestida ay halos lumuwa naman ang s**o ko. Ano ba to? Seryoso ba si tiyang na ipasuot sa akin to?

"Ivy! Lumabas ka na dyan! Ang tagal mo naman!" Sigaw ni tiyang Linda sa labas ng pinto.

"Opo tiyang, lalabas na!" Sagot ko.

Hawak hawak ang laylayan ng bestida ay binuksan ko na ang pinto ng banyo at lumabas. Nakaabang si tiyang Linda na hinagod ako ng tingin.

"Tiyang masyado po yatang maiksi." Sabi ko.

"Hindi tama lang yan, bagay nga sayo eh." Aniya at ngumisi.

"Ano? Nakapag bihis na ba?" Tanong ni tiyong na pumasok na ng kusina. Ngumisi sya at nakapamewang na hinagod ako ng tingin.

Kinilabutan naman ako sa paraan ng pagtingin nya.

"Aba, mas lalong gumanda ang pamangkin ko ah at ang seksi pa."

"Syempre, nasa lahi na namin yan." Sabat  ni tiyang Linda.

"Eh bakit ikaw hindi ganyan kaganda at seksi nung nakilala kita. Nagmana kasi sya kay Irene. Parehas sila ng mama nya maganda at seksi." Nakangisi pa ring bira ni tiyong Oca.

"Gago, patay na yung tao pinagnanasaan mo pa." Sikmat sa kanya ni tiyang Linda.

"Selos ka lang. Sige na, ayusan mo na yan para makaalis na tayo at naghihintay na si Mang Tano." Ani tiyong Oca at bumalik na sa sala.

Hinila naman ako ni tiyang Linda sa sala at pinaupo sa sofa. Umalis sya saglit at pagbalik ay dala nya ang make up kit nya at inumpisahan na akong lagyan.

"Tiyang san po tayo pupunta?" Tanong ko. Medyo kinakabahan na rin ako.

"Mamaya mo na malalaman, wag ka nang magtanong." Sagot nya.

Hindi na ako makapagsalita dahil nilalagyan na nya ako ng lipstick na pula. Inayos pa nya ang buhok kong alon alon.

"Hayan! Tapos na!" Nakangiting sabi nya at pinatayo ako. Inayos nya ang damit ko. Pinasuot din nya sa akin ang isang pares ng high heels sandals na itim na sa tantya ko ay tatlong pulgada ang taas.

"T-Tiyang hindi na lang kaya ako sasama?" Sabi ko. Iba na kasi ang pakiramdam ko.

Sinamaan nya ako ng tingin. "Wag kang mag inarte at para sa atin din to."

"Pero tiyang -- "

"Tumigil ka Ivy, tatamaan ka sa akin!" Sikmat nya sa akin.

"Oy oy! Wag mong gagalusan yan. Ayaw ni Ka Tano ng may galos ang bago nyang produkto." Saway ni tiyong Oca kay tiyang Linda. Magsusuot na ito ng jacket nyang maong.

"Ang arte arte kasi eh!"

"Tama na yan! Tara na!"

Hinawakan ako ni tiyang sa braso at halos kaladkarin na palabas ng bahay. Sinarado muna nya ang pinto. Si tiyong naman ay pumara ng tricycle. Muli akong hinawakan ni tiyang sa braso at hinila papasok ng tricycle. Umupo sya sa tabi ko at si tiyong Oca naman ay sa likuran ng driver.

"Tiyang! Ayoko hong sumama. Kayo na lang." Halos mangiyak ngiyak ng sabi ko. Kumalabog na ang dibdib ko sa kaba. Hindi na maganda ang pakiramdam ko.

"Tumahimik ka!" Muling sikmat nya sa akin at hinila pa ang buhok ko.

Wala na akong nagawa hanggang sa umusad na ang tricycle na lulan namin..

*****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status