“Hesusmaryosep!” narinig ni Venus na bulong ni Manang nang marinig nila ang malakas na sigaw ni Mr. Darren! Nandito na sila sa last step nang general cleaning kaya lang biglang dumating ang dragon at nagsisisigaw na naman! "Diyos ko! Nandito na siya, Nurse Venus! Ano ang gagawin natin?” pabulong din na bigkas ni Judy. Ang maruming kurtina na hawak nito ay nabitawan nito dahil sa gulat. “Relax lang! Ako ang bahala! Sige na po, ilabas niyo ang mga marurumi na iyan at ako na ang bahala diyan kay Mr. Darren.” Nakangiti niyang wika pero ang totoo, kinakabahan siya. Mukhang galit na galit ang alaga niya dahil sa pakikialam niya sa kwarto nito “Manang, sino ang nagbigay ng pahintulot na pakialaman ang kwarto ko?” galit na tanong ni Mr. Darren kay Manang na noon ay halos manginig na sa takot. Paano ba naman kasi, nanlilisik ang mga mata ng binata habang nakatitig dito “Ako! Ako ang may pakana ng lahat!” lakas loob niyang sagot. Kaagad namang dumako sa kanya ang nanlilisik nitong mga ma
Puro magagandang tanawin ang nasa harapan ni Darren pero hindi niya kayang ma-enjoy iyun. Wala siyang maramdaman na kahit na anong saya at appreciation. Ang tanging laman lamang ng puso niya ngayun ay puro lungkot. “Janna, alam kong masaya ka na sa piling ng lalaking pinili mo pero paano naman ako? Hangang kailan ko dadalhin sa puso ko ang lungkot?” mahina niyang bulong sa kanyang sarili. Kaninang umaga pagising niya, nabalitaan niyang ikinasal na daw si Janna kay Gabby Razon sa Germany. Ganoon lang kabilis ang mga pangyayari. Matagal niya nang kinundisyon ang sarili niya na kalimutan na si Janna pero hindi niya talaga kaya! Nandoon pa rin ang sakit! Lalo na nang malaman niya na ikinasal na pala ito sa iba. “Darren, Iho!” nasa ganoon siyang pagmumuni-muni nang marinig niya ng malambing na boses ni Mommy Laura. Hindi na siya nag-abala pang lingunin ito. Alam niya kung ano na naman ang kailangan nito sa kanya “Anak, alam mo bang nakausap ko kahapon ang doctor mo at---” “Mom, h
VENUS TAHIMIK niyang sinundan si Mr. Darren hangang sa makalabas ito ng Villa. Mukhang alam na nito ang pupuntahan nito. Patungo ito sa spot ng dalampasigan kung saan nila ito naabutan ni Madam Laura kagabi. Hindi niya mapigilan na mapatitig sa asul na karagatan na nasa harapan niya. Ang ganda pala talaga ng lugar na ito. Nandito sila sa isang Isla na walang ibang nakikita kundi ang mahabang puting-puti na buhangin at walang katapusang karagatan. Kaya lang, sa kabila nang magandang lugar, siyang sama ng ugali ng amo niya. Haysst, sana lang talaga makatagal siya sa trabaho niyang ito. Nilalakasan niya lang talaga ang loob niya eh. Kailangan niya ang trabahong ito para hindi na siya matahin ng mga pinsan niya. Tsaka, kung hindi niya kayanin ang ugali ni Mr. Darren, sayang din ang sweldo. Hindi na siya makakahanap ng trabaho na ganito kalaki ang sweldo tapos iisang pasyente lang ang aalagaan niya. “Nurse Venus?” nakatutok ang mga mata niya sa magandang tanawin na nasa harapan niy
VENUS“Are you kidding me? Miss, hindi ako nakikipagbiruan sa iyo kaya stop talking nonsense. Where is my foods?” muli, seryosong tanong sa kanya ni Mr. Darren! Well, nakakaramdam din naman pala ng gutom ang ugok na ito pero kay lakas ng loob nito na itapon ang pagkain kanina. Pahirapan niya kaya ito? Huwag niya kaya itong pakainin buong araw para magtanda? Ang mahirap kasi sa lalaking ito, idinadaan sa init ng ulo ang lahat eh. Pwede naman sana silang mag-usap ng maayos pero bakit palaging nakasimangot at nakasigaw?“Hindi din po ako nagbibiro, Mr. Sungit and I am not talking nonsense. Sinasabi ko lang ang gusto kong sabihin. Kung nanghihingi ka ngayun ng pagkain, so ibig sabihin ba niyan, gutom ka? Kung bibigyan baki ta ng pagkain, hindi mo na ba itatapon?” nakataas ang kilay na tanong niya dito. Aba’t huwag na huwag talaga siya nitong subukan kung hindi mapapalaban talaga sa kanya ang masama nitong ugali. Hindi naman siya nito magagantihan dahil lumpo naman ito eh.“Miss, sino ba
"Mahirap talagang pasunurin si Darren! Ini-expect ko na mahihirapan ka sa kanya pero sa nakita ko kanina, mukhang nakahanap na ng katapat ang anak ko, Venus.” Seryosong muling wika ni Madam laura sa kanya. Nandito sila sa garden ngayun dahil gusto daw siya nitong makausap bago siya bumalik kay Darren para hatiran ulit ito ng makakain. “Madam..medyo masama nga po ang ugali ng anak niyo at pinipilit ko lang din po na labanan siya kahit na nanginging na po ang tuhod ko sa takot. Tsaka, kung hindi niyo po mamasamain, ano po ang nangyari kay Sir Darren at bakit siya nagkaganiyan?” seryoso niyang tanong dito. Siguro naman, may karapatan siyang malaman ang tungkol sa buhay ng alaga niyang si Darren para naman hindi siya nangangapa diba? Tsaka, para alam niya din kung papaano pakisamahan ang anak nito “Mahabang istorya, Venus. May suicidal attempt ang anak kong Darren kaya siya nagkaganyan ngayun. Sinadya niyang sunugin ang bahay bakasyonan naming habang nasa loob siya pagkatapos niyang
Hindi mapigilan ni Venus na mapakagat labi nang marealized niya ang ginawa niya sa bago niyang alaga. Hindi niya talaga nakontrol ang inis niya at talagang nasabunutan niya ito kaya ang ending, halos umusok ang ilong nito sa galit sa kanya.Sabagay, sino ba namang amo ang matutuwa kung sasabunutan ka bigla ng taong sini-swelduhan mo. Kung ano man ang galit na nararamdaman sa kanya ni Sir Darren ngayun, valid iyun. Hindi niya napigilan ang kamay niya at talagang nahawakan niya ang buhok nito sa sobrang inis at nasabunutan ng kaunti lang naman. Wala namang nabunot sa buhok nito kaya walang dapat na ikabahala.Kaya lang, unang araw niyang alagaan ito at mukhang bad shots na kaagad siya dito. Hmmp, ano pa nga ba ang magagawa niya kundi tangapin ang hatol ni Madam Laura kapag malaman nito na sinabunutan niya ang anak nito.Sa panig niya, hindi naman kasi talaga nakakatuwa nag ginawa nitong si Sir Darren eh. Nagmagandang loob na nga siya ng dalhan ito ng pagkain tapos, basta nalang nitong