“Hon, rice please!” buong paglalambing na wika ni Zakari kay Vanilla. Kaagad namang tumalima si Vanilla na parang isang masunuring asawa na sinandukan ng pagkain si Zakari at maayos na inilagay sa pingan nito Hindi lang kanin ang nagawa niyang isandok dito kundi pati na din ulam. Para kumpleto rekado diba. “Thank you, Hon! The best ka talaga!” wika pa nga ni Zakari sa kanya. Pakiramdam naman ni Vanilla nakalutang siya sa alapaap. Ang dating sama ng loob na nararamdaman niya para kay Zakari ay biglang naglaho. Para siyang isang teenager na nakalutang ngayun sa alapaap. “Haysst ang sweet nila. Sana balang araw, makahanap din ako ng lalaking magmamahal sa akin ng sobra!” narinig pa nga nilang wika ni Cecil. Kaagad namang pinandilatan ng mga mata ni Nanay Teresa ang anak niyang si Cecil. “Hey! Tumigil ka ha? Ate mo lang ang may karapatang mag lovelife dahil tapos na sa pag-aaral iyan. Ikaw, kailangan mo munang maging doctor bago pumasok sa aag-ibig na iyan para hindi masira ang ko
VANILLLA NAGING maayos ang sumunod na sandali. Halos hindi pa rin makapaniwala si Vanilla sa mga nalaman Si Zakari na naman! Siya na naman ang hero ng buhay ng buong pamilya nila. Hindi niya akalain na nagawang tulungan ni Zakari ang mga magulang niya at mga kapatid. Ni sa hinagap hindi talaga ito sumagi sa isipan niya lalo na at iba ang pagkakakilala niya kay Zakari noon pa man. “Ate…ang swerte mo talaga kay Kuya. Alam mo ba, siya ang nagbigay sa amin ng bahay na ito. Siya din ang nagpaaral sa amin ni Robert at lahat ng mga pangangailangan namin, walang pag-aatubili na ibinigay niya.” Nakangiting wika sa kanya ni Cecil. Nandito silang dalawa ngayun sa kusina at tinutulungan niya itong ihanda ang mga pagkain sa mesa. “Talaga? Talaga bang ginawa ni Zakari iyan?” gulat niyang tanong dito. Natawa naman si Cecil. Nakangiti siya nitong tinitigan bago nagsalita. “Bakit parang hindi mo ito alam? Teka lang, ano nga pala ang nangyari? Bakit ngayun ka lang nagpakita sa amin.” Seryoson
VANILLA “NAY? Nanay, ikaw ba iyan?” mahinang bigkas niya at walang sabi-sabing mahigpit siyang yumakap dito “Nanay! Nanay ko!” Umiiyak niyang sambit “Diyos ko! Ikaw nga! Vanilla, anak ko!” ramdam niya din ang pag-iyak ng Nanay niya. “Nay, ano ang nangyari? Teka lang, bakit kayo nandito? Si Tatay? Sila Cecil at Robert? Nasaan sila?” naiiyak niyang tanong dito. Kusang kumalas sa pagkakayakap niya ang Nanay niya at naluluha siyang tinitigan nito sa mga mata. “Nasa loob sila. Teka lang, pumasok na muna kayo. Pasok kayo.” Bigkas nito. Tumitig muna siya kay Zakari bago sila tuluyang pumasok sa loob ng gate kung saan kaagad niyang nakita ang paglabas ng kanyang Tatay at dalawang kapatid sa loob ng bahay. Parehong makikita sa mga mata ng mga ito ang galak habang nakatitig sa kanya. ‘”Vanilla? “Ate?” Halos sabay-sabay pang wika nila Tatay at mga kapatid niya. Lalo siyang napahagulhol ng iyak at nang tuluyang nakalapit sa isat isa, kaagad na din siyang yumakap sa tatay niya.
VANILLA ANG MAAGANG pagdalaw ng mga magulang ni Zakari ay labis na nagbigay kasiyahan sa buong paligid. Lalo na sa kambal niyang anak na ngayun lang naranasan na makapiling ang mga lolo at Lola Hindi mapigilan na malungkot na mapangiti si Vanilla. Ibayong lungkot ang bigla niyang naramdaman nang bigla niyang maalala ang sarili niyang mga magulang at mga kapatid. Ilang taon na din niyang hindi nakikita at sobrang namimiss niya na din ang mga ito. Hangang ngayun, umaasa pa rin siya na sana muling magkrus ang landas nila “Hey, bakit parang sobrang tahimik mo yata ngayun?” hindi niya pa nga maiwasan na mapapitlag sa gulat nang bigla na lang nagsalita mula sa likuran niya si Zakari. Napalingon siya dito at pilit na nagpakawala ng ngiti sa labi. “Wala…wala! May naaalala lang kasi ako eh.’ Mahinang sagot niya. Muli niyang itinoon ang buo niyang attention sa mga bata na noon ay masayang kaharutan ang kanilang lolo at lola. “Nagpaalam na ako kina Mommy at Daddy kanina na sila na mu
VANILLA Dahil sa matinding pagkapuyat nang nagdaang gabi, tinanghali na siyang magising kinabukasan. Hindi niya pa nga maiwasan na magtaka dahil hindi niya nagisnan ang mga anak niya na nasa tabi niya. Hindi kagaya kahapon na nagising siya sa mga halik ng mga ito pero kakaiba yata ngayun. Mag-isa lang siya dito sa silid kaya naman dahan-dahan na siyang bumangon ng kama. Ginawa niya ang kanyang morning routine. Naligo na din siya at ilang saglit ang, lumabas ng siya ng silid na feeling fresh. Dinaanan niya pa nga ang mga bata sa silid ng mga ito pero tahimik ang buong silid. Lalo tuloy siyang nagtaka. Nagpasya siyang bumaba na at habang nasa may hagdan siya, nasalubong niya ang isa sa mga kasambahay kaya kaagad niya itong tinanong kung nasaan ang mga bata. “Good morning Mam. Nasa garden po sila.” Nakangiting sagot nito sa kanya. Hindi niya naman mapigilan ang mapangiti. Iniisip niyang baka naglalaro lang ang mga bata kaya dumircho na siya sa labas ng Villa kung saan kaagad na n
VANILLA Gabi na silang nakauwi ng Villa. Habang nasa biyahe sila pauwi, tulog na ang mga bata dahil sa matinding pagod. Maghapon ba naman na walang ibang ginawa kundi ang maglaro eh. Sinulit talaga nila ang araw kaya pagkasakay pa lang ng kotse, kaagad na ding nakatulog ang mga bata. Well, kahit siya na wala namang ibang ginawa kundi ang panoorin ang mga activities ng mga ito, napagod din eh. Habang nasa biyahe sila, hindi niya nga din namalayan pa na nakatulog din pala siya. Nagising na lang siya ulit na para bang idinuduyan na siya sa alapaap. Nang imulat niya ang kanyang mga mata hindi niya mapigilan ang magulat nang sumalubong sa paningin niya ang seryosong mukha ni Zakari. Direcho ang tingin nito habang kitang kita niya din sa mukha nito ang pagod. Karga-karga na siya nito na labis niyang ikinagulat,. Bigla siyang nakaramdam ng pagpapanik. Hindi niya din malaman kung ano ang gagawin niya. Napahimbing siya sa pagtulog tapos hindi man lang siya ginising ng lalaking ito ta