Mag-log inDEVI POV"Mas okay nang late kaysa hindi kumain." Sagot din naman niya sa akin. Hindi ko na naman mapigilan ang mapabuntong hininga. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayun.Trenta’y otso na siya pero bakit ganito siya kung umasta? Talo niya pa ang mga batang nging pasyente ko?“Halika ka na, samahan mo na akong kumain. Sige ka, kung hindi mo ako sasamahan, hindi na lang ako kakain.” Nakangisi niyang muling wika. Awtomatiko na napataas ang kilay ko sa sinabi niya."Nangongonsensya ka ba?" yamot kong wika sabay halukipkip."Konti." Natatawa niyang sagot. Hindi ko mapigilan ang mapairap." Ang kapal mo !!! Idinamay mo pa ako sa kalokohan mo!” naiinis kong sagot sa kanya. “Alam ko kaya, sorry na. So, paano ba iyan, pasok na tayo sa loob?” at habang sinasabi niya ang salitang iyun, nakita kong ngingiti-ngiti pa ang loko.Wala na akong nagawa pa kundi ang tumango na lang. Nauna siyang bumaba ng sasakyan, tsaka agad na umikot sa kabilang bahagi upang pagbuksan ako ng pinto."Ma'
DEVI POV "WINSTON, ano ba? Sinabi ko nang umuwi na tayo. Saan pa ba tayo pupunta?" hindi ko na napigilang sita sa kanya habang nakakunot ang noo. Kanina pa kami umaandar, pero imbes na tahakin ang daang pauwi, napansin kong palayo nang palayo ang direksiyong tinatahak niya. Napalingon ako sa labas ng bintana. Pamilyar ang ilang gusali, pero malinaw na hindi ito ang rutang dinaanan namin kanina. Hindi ko na naman mapigilan ang mapabuntong hininga para mabawasan man lang ng kahit na kaunti ang inis na unti-unti na namang nangingibabaw sa puso ko Anong oras na at nandito pa rin kami sa gitna ng kalsda. At itong si Winston, kahit na kakagaling lang sa biyahe, wala yatang balak na umuwi ng bahay para magpahinga? Kakaiba din eh at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya at kung bakit siya ganito. Tsaka, ano na naman kaya ang plano niya? Minsan talaga, gusto ko nang pagdudahan si Winston. Hindi ko alam kung sadya ba siyang mahilig mang-inis o talagang likas lang sa
DEVI POV ANO? Anong sabi mo?" gulat kong tanong kay Winston. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko sa kanya kanina pero kung tama man iyon... God, gaano kalakas ang loob nitong si Winston para alukin ako ng mga ganitong bagay? "I'm serious! Hindi ba't palagi mong sinasabi na outsider ka lang sa pamilyang Imperial? Now, Devi... let's get married. Gusto kong maging asawa ka," seryoso niyang wika. Mariin kong naipikit ang aking mga mata kasabay ng pagtangka kong ibaba ang bintana ng sasakyan. Feeling ko kasi, bigla akong nahirapang huminga. Parang naging masikip ang loob ng sasakyan. Pakiramdam ko, parang biglang naging estranghero itong si Winston sa paningin ko ngayon. Ilang malalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko siya muling nilingon. Umaasa akong nagbibiro lang siya pero nang makita ko ang mukha niya doon ko nakita kung gaano siya ka seryoso Hindi siya nagbibiro, hindi din iya ako ginu-good time pero hindi siya nakakatuwa. Hindi ko tuloy mapigilan
DEVI POV Ilang segundo ang lumipas na tanging mahinang ugong lang ng makina ang naririnig namin. Pakiramdam ko, kahit ang hangin sa loob ng sasakyan ay biglang bumigat. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya. Para bang masyado siyang apektado sa isang desisyong buhay ko naman ang nakasalalay. "Congresman Winston. Ano na? Ano ang plano?” seryosong tanong kong muli sa kanya. Wala na yata siyang plano pang umusad ulit. Napatitig ako sa harapang bahagi ng sasakyan at hindi ko mapigilan ang mapailing. Pagkatapos noon, kusa kong isinandal ang aking ulo sa sandalan ng upuan para makapag relax kahit papaano. "Alam mo, hindi ko talaga kayo maintindihan. Kahit sila Mommy at Febe, pinipigilan nila akong umalis. I have my own life. Trenta’y sinko na ako and then, kung totoosin, hindi na kayo dapat pang mag-aalala sa akin lalo na at sanay na din naman ako sa mga ganitong klaseng trabaho.” Mahaba kong paliwanag sa kanya. Hindi ko alam kung paano kami dumatin
DEVI POV "GUSTO mo akong makausap? Gabi na ah?" alanganing sagot ko dito kay Winston. Pero, hindi na ako nakapalag pa nang bigla na lang niya akong hawakan sa kamay at hilain paalis Nakarating kami sa labas ng bahay at nagulat na lang ako nang bigla na lang niya akong hilain patungo sa nakaparada niyang sasakyan At doon na ako pumalag. Liban kasi na hating gabi na, medyo inaantok na din ako. Kailangan ko nang matulog "Teka lang, Winston, akala ko ba gusto mong mag-usap lang tayo? Saan ba tayo pupunta?" nagtataka kong tanong sa kanya Kaya lang, wala akong nakuhang kahit na anong sagot mula sa kanya. Halos patulak niya akong isinikay ng sasakyan at nang makasakay na ako, tsaka naman siya umikot sa kabila Kukunin ko sanang pagkakataon iyun para makalabas kaya lang, hindi ko na mabuksan ang pintuan. Feeling ko, naka childs lock ito eh. At nang pumwesto na si Winston sa manibela, muli na naman akong nagsalita para sana pumalag sa kung ano man ang gusto niyang gawin ngayun or
DEVI POV "Ate, feeling ko, mahal ka ni Kuya Winston." walang pagdadalawang-isip na wika ni Febe na labis kong ikinatawa nang malakas. "Ano? Hahahaha! Ikaw ha... napakabata mo pa, pero kung anu-ano na iyang mga sinasabi mo!" sagot ko habang napapailing. Kaagad naman itong napaingos. "Ate, wala sa edad iyan. Tsaka, teenager na ako, 'noh!" depensa niya habang nakasimangot. "Eh kahit na! Tsaka, Febe, puwede ba? Huwag kang magsalita tungkol sa mga ganiyang bagay. Nakakahiya kay Kuya Winston kapag nalaman niya." "Bakit? Di ba posible naman iyon? Dalaga ka, binata si Kuya Winston at higit sa lahat, pareho kayong walang mga kasintahan. Ate, kung kayo na lang kaya ni Kuya Winston? Posible naman iyon, di ba? Lalo na at hindi naman kayo magkadugo, tapos hindi naman magkapatid ang turingan ninyong dalawa." Hindi ko malaman kung tatawa ba ako o sesermunan ang batang ito. Ang seryoso kasi ng mukha niya habang sinasabi ang mga iyon na para bang may matibay siyang ebidensya. Pero sa t
VENUS POV “Darren, may problema ba? Teka lang, akala ko ba susunduin mo lang ako? Bakit parang ibang way naman yata itong dinadaanan natin? Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko dito. Totoo naman kasi eh…salungat kasi ang tinatahak nitong daan pauwi ng bahay. "Hindi ba’t day off mo bukas?
Venus pov Sa paglipas ng mga araw, mas lalong naging maayos ang buhay ko. Kagaya ng inaasahan, nang malaman ng mga kamag-anak namin dito sa compound na may regular na akong trabaho sa isang kilalang hospital, nagbago ang kapalaran ko. Kung noon, ang baba ng tingin nila sa akin at sa mga magulan
VENUS POV Pagkatapos namin kumain ni Aldrin, muli kaming tumawid ng kalsada patungo sa pinapasukan naming hospital. Hindi ko pa nga maiwasan na magtaka nang madaanan namin ang magandang sasakyan. Hindi pa rin ito umaalis doon at halatang may tao sa loob dahil bukas ang makina noon. Gayunpaman,
VENUS POV “I-ikaw nga! Darren?” gulat kong bigkas. Gosh, sino ba naman ang hindi magugulat kung nandito sa harapan mo ang isang taong hindi mo inaasahan muling makikita “May iba ka pa bang taong ini-expect na makita ulit ngayun? Teka lang, halika na. Hanap tayo ng rignt place kung saan tayo pwe







