Share

Chapter 1

last update Last Updated: 2025-04-02 09:54:56

Before the Engagement Party]

"Zhanea, ano sa tingin mo ang pwedeng i-gift ko kay Gabriel? Bukas na kasi yong third year anniversary namin." tanong ni Andrea kay Zhanea habang nagtutupi ito ng damit.

Palihim namang napairap si Zhanea.

"Ano ba mga bagay na favorite ni Gabriel? Sa tagal nyo di mo pa alam kong anong ireregalo sa kanya. Ano ba yan!"

Natawa lang naman si Andrea.

Sanay na rin naman kasi siya sa ugali ng kapatid. Hindi sila ganon ka close na dalawa dati pero nong tumagal ay naging close din naman sila sa isat-isa.

Namatay kasi ang ina ni Andrea ng pinanganak siya kaya naman after seven years ay naka pag asawa ulit ang kanyang ama.

May anak din ito sa pagka dalaga at ito nga si Zhanea. Halos mag kasing age lang silang dalawa. Sampung taon si Andrea ng kinuha siya ng ama nya sa kanyang lola na yumaon na din.

Kaya naman simula nun ay na kasama nya na ang kanyang step sister na si Zhanea.

Si Zhanea, Andrea at Gabriel ay magkakasama simula noong sampung taon pa lang sila. Sa katagalan ay nagkamabutihan si Gabriel at Andrea at naging legal ito sa mga kanya-kanyang parents ng bawat isa.

Magkaibang matalik din kasi ang ama ni Andrea at ang ama ni Gabriel.

"May naiisip naman na ako kaya lang baka meron na rin nun si Gabriel."

May kaya kasi ang pamilya ni Gabriel sa kanilang lugar. May business kasi ang ama nito at binabalak pa nga ng ama ni Gabriel na tumakbo na Mayor sa darating na election.

"Hmm.. bahala ka na nga! Na stress ako mag-isip! Hindi naman ako kasama sa relasyon nyo sinasama mo pa ako sa problema mo."

Umalis si Zhanea sa kanilang bahay at balak nitong pumunta kila Gabriel.

Matagal ng may lihim na pag tingin si Zhanea kay Gabriel pero hindi siya gusto ng binata. Sa halip ay si Andrea ang gusto nito.

Hindi din naman nag balak si Zhanea na sabihin ang nararamdaman sa binata.

Sa may gate pa lang siya ng bahay nila Gabriel ay naririnig nya na ang tawanan ng kanyang ama at ang ama ni Gabriel. Nandon din si Gabriel na nakikitawa din sa dalawang matanda.

"May sasabihin po pala ako uncle Anton." natigil naman ang pagtawanan ng mga ito.

"Ano naman yon Hijo?" tanong ng ama ni Andrea na si Anton.

Malapit na si Zhanea ng mapahinto siya sa paglalakad ng marinig ang sinabi ni Gabriel na nagpatigil ng mundo nya.

"Balak ko pong mag propose na kay Andrea. Gusto ko na po siyang pakasalan. Siya lang po yong babaeng nakikita ko na makakasama ko habang buhay. Nasa tamang edad na rin po kami ni Andrea, humihingi po ako sa inyo ng pirmiso uncle Anton."

Naramdaman na lang ni Zhanea ang pag patak ng luha nya sa pisngi. Sobrang nasaktan siya sa narinig. Hindi nya akalain na aabot sa kasalan ang dalawa. Matagal nya ng hinihiling na sana ay mag hiwalay na mga ito pero umabot pa nga ng tatlong taon.

"Aba, ikaw pa malakas ka 'ata sa akin. Pero ito lang sinasabi ko sayo hindi ko naman hawak ang desisyon ng anak ko. Sa huli siya pa rin ang mag de-desisyon kong papayag ba siya makasal sayo."

Hindi na pinakinggan pa ni Zhanea ang mga narinig. Lumayo na ito sa mga ito mas lalo kasing sumakit ang dibdib nya sa mga naririnig.

'Hindi ako papayag na makasal kayo!'

Tanging nasambit ni Zhanea..

"Zhanea!" sigaw mula sa likod ni Zhanea.

Agad pinunasan ni Zhanea ang luha. Si Gabriel ang tumawag sa kanya.

"Sabi ko na nga ba ikaw eh." tumigil ito saglit sa pag salita ng mapansin ang namumulang mata ni Zhanea. "Anong nangyare sayo? Okay ka lang ba?"

Agad umiwas ng tingin si Zhanea.

"May kailangan ka?"

"Oo sana." nahihiyang sagot ni Gabriel habang napapakamot pa ito sa ulo. "Gusto ko sana na tulungan mo ako mag handa para sa anniversary namin ng kapatid mo."

Lumapit sa kanya si Gabriel at bumulong na mas lalong nagpalakas ng tibok ng puso ng dalaga.

"Gusto ko na siya pakasalan." masayang sabi ni Gabriel.

"Talaga?" pinilit ni Zhanea na maging masigla ang boses nya.

"Oo, gusto ko sana matulungan mo ako sa venue ng anniversary namin. Don ko kasi balak mag propose."

"Oo naman. Ikaw pa ba malakas ka kaya sa akin. Mabuti na lang talaga nakapagtsaga sa ugali mo si Andrea." pagbibiro ni Zhanea kahit sa loob nya masakit na.

"Kaya nga, eh. Basta siya lang yong babaeng gusto kong makasama."

Kumirot ang dibdib ni Zhanea ng makita ang pag kinang ng mga mata ng binata.

"Kong doon na lang kaya sa Hotel na pinagtratrabuhan ko yong venue." suggest ni Zhanea.

"Oo nga no? Mas maganda don isasabay din kasi ni papa ang birthday party ko. One day lang din naman kasi ang pagitan ng annivesary namin ni Andrea and nong birthday ko."

"Oo nga pala. Ako ng bahala sa venue 'wag kang mag-aalala."

"Thank you, Zhanea. The best ka talaga bestfriend."

Hindi napigilan ni Zhanea na mapangiwi sa tinuran nito. Hindi din naman ito na pansin ni Gabriel sa sobrang saya.

"Mauna na muna ako Zhanea, pipili pa kasi ako ng ring na babagay kay Andrea."

"Sige."

Tinap pa ni Gabriel ang ulo nya before ito umalis.

Nanghina ang mga tuhod ni Zhanea at napasalampak na lamang ito sa buhanginan.

"Bakit?"

Tumulo ang luha nya..

"Anong meron kay Andrea na wala ako Gabriel? Bakit siya? Bakit hindi na lang ako? Ikaw na lang ang meron ako kukunin nya pa!"

Tumayo si Zhanea sa pagkakasalampak. Kong kanina ay umiiyak ito ngayon ay makikita sa mga mata nito ang galit. Pinunasan nito ang mga luha at nagmadali na pumunta sa hotel kong saan siya nagt-trabaho.

Pagdating sa hotel ay gumawa ng costing si Zhanea sa lahat ng gagastusin para sa preparation.

'Hindi ako papayag na sa iba ka mapunta Gabriel!'

May sumilip na maliit na ngiti sa labi ni Zhanea na nagbabadya ng hindi magandang gagawin.

Pinasa ni Zhanea sa email ni Gabriel ang ginawa nya.

Ilang oras lang din ay nag reply si Gabriel sa email ni Zhanea at nag agree sa proposal ng dalaga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love Me Louder, Mr. Billionaire [R18+]   Chapter 12

    Nang magising si Andrea ay malakas pa rin ang ulan. "May bagyo ba?" tanong nya sa kanyang isipan. Nag bukas siya ng phone nya at tinignan ang news feed nya kong meron bang bagyo. Sa sobrang busy nya ay hindi nya na alam kong may bagyo ba. Meron ngang bagyo at mabuti na lang ay hindi sa kanila tatama pero kasama sila sa maapektuhan na lugar. Nag suspend na din ng class ang buong lugar nila. Kaya hindi nya na inabala pa si Elodia na gisingin. Mukhang napasarap kasi ang tulog nito dahil sa malamig na panahon. Pagbaba nya ay naabutan nya ang kanyang step mother na nagpapakain sa kanyang ama. "Nagluto na ako ng agahan. Si Elodia hindi pa ba gising?" umiling naman agad si Andrea sa kanyang step mother na si Lia. "Hindi ko na po muna ginising. Mukhang napasarap kasi ang pag tulog. Tsaka wala din naman silang pasok." Nang matapos kumain ni Andrea ay agad siyang naligo at nag bihis. Hindi nya alam kong may pasok ba siya sa trabaho dahil sa malakas ang ulan. Nag bigay naman ng

  • Love Me Louder, Mr. Billionaire [R18+]   Chapter 11

    Sobrang namangha si Andrea sa loob ng bahay. Kong titignan kasi ito mula sa labas ay hindi ito ganon ka ganda. Ang expected nya nga ay plain lang ang loob pero hindi. Sobrang ganda ng design at yong mga kagamitan. "Ikaw ba si Andrea?" agad naman tumango si Andrea. Hindi nya masasabi na katulong ito dahil sa porma nito ay hindi naman ito mukhang maid. "Ako si Glaiza, ito nga pala ang schedule ni Sir Dylan. Nakasulat na lahat dyan ang dapat na gagawin nyo kaya kailangan makumbinsi mo siya gawin yan lahat." Napatingin si Andrea sa sheets na binigay sa kanya. Kasi naman ay buong isang month na ang nakalagay don. Mukhang wala ng pahinga ang amo nya, syempre pati rin siya dahil mag kasama silang dalawa. "Mangangampanya siya?" agad naman na tumango sa kanya si Glaiza. "Yan talaga ang goal nya kaya umuwi siya dito sa Pinas. Kaya sana i-support mo siya." Maraming lugar na nakalagay na dapat nilang puntahan. Ang buong akala nya ay hindi siya magiging busy at mapapalayo sa anak. Pero nagk

  • Love Me Louder, Mr. Billionaire [R18+]   Chapter 10

    Kinabukasan ay maagang nag asikaso si Andrea kahit na gabi pa naman nya susunduin ang amo nya.Pagkatapos nya maihatid ang anak sa eskwelahan ay dumaan siya pauwi sa malaking bahay na pag-aari ng amo nya. Doon nya kasi kukunin ang sasakyan.Hindi nya nga sure kong ipapahiram na ba talaga sa kanya ang sasakyan. Masyado pa kasing maaga para i-pick-up ito.Pero nang makarating siya at tinanong sa guard ang about sa sasakyan ay agad siya nitong sinamahan para kunin sa garage.Mabuti na lang talaga ay marunong siya mag drive kasi kong hindi ay baka unang araw pa lang ng pasok nya ay natanggal na siya. Hindi naman kasi nakalagay don sa application na kailangan pala ay marunong mag drive."Ito po ang susi." inabot sa kanya ng guard.Sobrang kinis pa ng kotse at mukhang kakabili lang talaga. Natakot tuloy siya na baka magasgasan nya ito or baka maibangga.Kong kanina ay excited siya ngayon naman ay kinakabahan habang inalalabas nya ang kotse sa malaking bahay.Binalak nyang mag diritso grocer

  • Love Me Louder, Mr. Billionaire [R18+]   Chapter 9

    Maagang gumising si Andrea para sa interview nya sa Moon Star. Nag-ayos talaga siya ng sarili nya, mahirap na ay baka 'di pa siya matanggap dahil 'di formal ang deess nya.Pagkatapos nyang maihatid sa eskwelahan ang anak ay nag diritso siya agad sa Moon Star Resort. Halos malula siya sa lawak ng buong resort pag pasok nya pa lang.Sobrang ganda ng makita nya ito, pinangarap nya na tuloy na sana kahit isang gabi lang ay maka pag check-in sila ng anak nya sa resort.Pumunta sa front desk si Andrea para mag tanong kong saan ang venue ng interview nya."Ano pong pangalan nyo?" tanong ng staff sa kanya."Andrea Elodie Rivera po, ako yong nag apply bilang personal assistant ni Mr. Carter po.""Wait po, check ko lang. Upo na lang po muna kayo, tawagin ko lang po kayo once na confirm ko na po."Marahan lang naman tumango si Andrea at umupo sa lobby. Ilang minuto din siyang nag hintay before siya tinawag ng babaeng nasa front desk."Hello ma'am, as per our admin personnel po na finorward ni Mr

  • Love Me Louder, Mr. Billionaire [R18+]   Chapter 8

    SEVEN YEARS LATER "Andrea, wala ka bang balak mag trabaho? Alam mo naman na hirap na tayo. Si Zhanea naman ay hindi naman gumagastos dito sa bahay puro luho nya lang ang inaatupag nya. Maliit na lang din ang nakukuha ng ama mo sa pension nya kaya hindi na kakayanin pa ng budget natin dito. Malaki naman din yang anak mo." Matagal ng gusto ni Andrea na mag work pero hindi nya magawa dahil walang mag-aalaga sa anak nya. Natatakot kasi siyang iwan ito ganon din ang ama nya. Baka hindi maasikaso ng maayos, lalo na ay alam nyang busy din ang kanyang tita Lia sa tindahan. Pero mukhang pabigat na nga talaga sila ngayong malaki na ang anak nya. Pag affiliate kasi ang naging work nya pansamantala upang makapag provide siya ng mga dapat bilhin sa anak nya. Pero ngayong malaki na ito ay kinukulang na rin ang kinikita nya lalo na ay nag-aaral na ang kanyang anak. "Sige po, mag t-try po ako mag apply." "Mabuti naman kong ganon. Alam mo naman na maliit lang naman ang kinikita natin dito. T

  • Love Me Louder, Mr. Billionaire [R18+]   Chapter 7

    Inalalayan ni Zhanea si Andrea na makauwi sa kanilang bahay. Naabutan nila ang kanilang ama na mukhang nag-aalala ganon din ang kanilang ina. "Andrea, anong nangyare sayo?" salubong na tanong sa kanya ng ama. "Maayos lang po ako." Agad na pansin ng ama ang pamamaga ng pisngi ng anak. "What happened to your face?" may banta sa tuno ng pananalita nito. "Wala po ito.." Ayaw sabihin ni Andrea ang ginawa sa kanya ni Gabriel. Alam nya kasing magkakagulo kapag nalaman ng ama nya na sinaktan siya ni Gabriel. "Tell me!" pasigaw na wika nito. Kahit si Zhanea ay natakot. Ito kasi ang unang beses na nagka ganito ang kanilang ama. "Si Gabriel ba ang may gawa nyan? Sinaktan ka nya?" Agad naman umiling si Andrea. "Hindi, papa." Agad na tanggi ni Andrea. "Hwag ka na mag sinungaling pa! Hwag mo ng ipagtanggol pa si Gabriel. Akala ko ay lubos na kilala ko na ang batang 'yon pero hindi pa pala. Hindi ako papayag na basta ka na lang saktan nya! Kong hindi pa sinabi sa akin ni Zhanea na sinakt

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status