Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2025-04-02 10:06:11

"Zhanea?!" tawag ni Andrea kay Zhanea.

Lumapit naman ito sa kanya.

"Why?"

Inabot ni Andrea ang cookies na binake nito.

"Nag p-practice ako mag bake. Balak ko kasi sa anniversary namin na lutuan siya ng home made cookies. Also may na isip na din akong gifts na para sa kanya." masayang pag bahagi ni Andrea.

"Talaga? Edi good for you." sagot naman ni Zhanea bago ay tinikman ang ginawang cookies ni Andrea.

"Ano maayos ba?" excited na tanong ni Andrea sa kapatid.

"Hmm. For me hindi siya ganon ka sarap. Medyo mapait basta hindi ko masyadong malasahan." napawi naman ang ngiti ni Andrea sa sinabi ng kapatid. "Mauna na muna ako may gagawin pa kasi ako."

Nang makaalis si Zhanea ay tinikman nya ang cookies na ginawa nya.

"Para namang maayos yong gawa ko. Siguro para sa akin ay maayos na ang lasa nya."

Nanlumo ito at balak na lamang itapon ang ginawang cookies. Mukha naman kasing walang magkaka gusto sa cookies na ginawa nya.

"Andrea, where you going?" ang ama nya ang nag tanong nakararating lang.

"Pa, ikaw pala. May niluto kasi akong cookies tapos sabi ni Zhanea ay ang pangit daw ng lasa." malungkot na wika ng dalawa. "Itatapon ko na lang."

"Teka hindi ko pa nga natitikman."

Kumuha si Anton ng cookies at ninamnam ang cookies.

"Mukhang binibiro ka lang ni Zhanea. Masarap naman."

Kuminang naman ang mga mata ni Andrea sa narinig mula sa ama.

"Talaga po? Promise?"

Agad naman tumango ang kanyang ama.

"Oo naman kahit ipatikim mo pa yan kay Gabriel magugustuhan nya yan."

Lumawak naman ang ngiti ni Andrea sa narinig mula sa kanyang ama.

"Thank you po."

Sa sobrang saya ay dalawa sila ng kanyang ama na pinagsaluhan ang cookies na ginawa nya.

"Nakita mo ba ang mama mo Lea?" tanong ng kanyang ama kay Andrea.

Si Lea ang step mother ni Andrea at tunay na ina ni Zhanea.

"Hindi pa po. Baka busy lang po sa farm."

May farm kasi na minamanage ang family nila Andrea. Ito ang naging kabuhayan nila noong nawalan ng trabaho ang kanyang ama.

Mas lalong lumago ang farm ng maging mag kaibigan ang ama ni Gabriel at ang kanyang ama na si Anton. Isa kasi sa kilalang pamilya sa lugar nila ang pamilya nila Gabriel. Malaki din ang sakop nitong business.

Nang dahil sa ama ni Gabriel ay lumawak ang farm na hawak nila. Pinahiram kasi ng malaking halaga ni George (ama ni Gabriel) si Anton.

"Ikaw wala ka bang balak mag trabaho?" nagulat naman si Andrea sa tanong ng kanyang ama.

Si Zhanea kasi ay nag t-trabaho na sa isang hotel na kilala sa kanilang lugar. Samantalang siya ay nasa bahay lang.

Gusto nya rin naman sana mag trabaho pero gusto nya muna sanang mag pahinga. Kakatapos nya pa lang din kasi mag-aral kaya gusto nya muna sana mag pahinga.

"Hindi kita pinipilit na mag trabaho anak. Ang ibig kong sabihin kong may mga gusto ka bang gawin? Kagaya na lang nga nyan na pag t-trabaho? Kong gusto mo pa makapag travel."

Napatango naman si Andrea sa ama.

"Hindi naman tayo naghihirap para mag trabaho ka. Kong ayaw mo ay okay lang, kong gusto mong dito ka lang sa bahay ay okay lang talaga. Mas gusto ko nga yon para matagal pa kitang makasama. Si Gabriel ba ang nakikita mong mapapangasawa mo?"

Nabigla naman si Andrea sa naging tanong ng kanyang ama.

"Wala pa po sa isip ko papa ang pag-aasawa. Pero kong si Gabriel sa tingin ko naman ay magiging mabuting asawa siya para sa akin. Simula bata pa lang kami ay magkakilala na kami. Pero hindi pa naman ako mag a-asawa po. Bakit po ba yan ang sinasabi nyo pa?"

"Naisip ko lang nadarating ang panahon na kami na lang din ni mama mo Lea ang nandito. Kayo ni Zhanea ay mag ka-kanya na rin dahil magkakaroon na din kayo ng sarili nyong pamilya."

"Papa naman eh. Pinapalungkot mo naman ako. Ano ka ba po matagal pa po yon mangyayare. Tsaka kong magkakaasawa naman ako lagi ko kayong dadalawin."

Nagtawanan naman ang mag-ama habang nag-uusap.

Habang si Zhanea naman ay papasok sa loob kasama ang kanyang ina na si Lea.

Huminto silang dalawa sa paglalakad ng makita na nagtatawanan ang mag-ama.

Ilang segundo pa ay lumapit na sa kanila si Lea na sinundan naman ni Zhanea.

"Mukhang ang saya nyo naman na mag-ama." nakangiting wika ni Lea na ikinahinto naman ng dalawa.

"Nandito ka na pala, kanina pa kita hinahanap." tumayo naman si Anton at inalalayan si Lea na umupo.

Napansin naman ni Lea ang cookies na hawak ni Andrea.

"Wala ka bang balak ipatikim yan sa akin Andrea?" saad nito habang ang tingin ay nasa cookies.

"Syempre ipapatikim ko pa yan sa inyo. Pero 'wag po kayong umasa na masarap hehe."

Inabot ni Andrea kay Lea ang cookies at agad naman kumuha ng cookies si Lea at ninamnam ito. Si Zhanea naman ay napapairap na lang.

"Anong hindi masarap? Ang sarap kaya, sino ba nagsabi na hindi masarap ito?" tanong ni Lea.

Napatingin naman saglit si Andrea kay Zhanea habang si Zhanea ay tinaasan lang siya ng kilay.

"Si Zhanea ba? Ano ba yang panlasa mo nak, ang sarap kaya." hindi naman pinansin ni Zhanea ang sinabi ng ina sa halip ay umalis ito.

"Kahit kailan talaga itong batang 'to.." namomoproblema na saad ni Lea.

"Hayaan mo na, alam mo naman ang bata na yon ganon talaga." Pag defend naman ni Anton.

"Sanay na rin naman po ako tita kay Zhanea. Tsaka sa ilang years namin na nagkasama hindi pa ba ako masasanay na ganyan ang ugali nya."

"Ewan ko ba kong saan nagmana ang bata na yan. Hindi pa ba kayo nagugutom ipaghahanda ko na kayo ng tanghalian." Pag-iiba ng topic ni Lea.

"Mabuti pa nga." sagot ni Anton.

Tumulong si Andrea sa paghahanda ng pagkain sa hapag kainan.

"Tatawagin ko muna si Zhanea kanina pa yon nagrereklamo na gutom." Ani ni Lea.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love Me Louder, Mr. Billionaire [R18+]   Chapter 12

    Nang magising si Andrea ay malakas pa rin ang ulan. "May bagyo ba?" tanong nya sa kanyang isipan. Nag bukas siya ng phone nya at tinignan ang news feed nya kong meron bang bagyo. Sa sobrang busy nya ay hindi nya na alam kong may bagyo ba. Meron ngang bagyo at mabuti na lang ay hindi sa kanila tatama pero kasama sila sa maapektuhan na lugar. Nag suspend na din ng class ang buong lugar nila. Kaya hindi nya na inabala pa si Elodia na gisingin. Mukhang napasarap kasi ang tulog nito dahil sa malamig na panahon. Pagbaba nya ay naabutan nya ang kanyang step mother na nagpapakain sa kanyang ama. "Nagluto na ako ng agahan. Si Elodia hindi pa ba gising?" umiling naman agad si Andrea sa kanyang step mother na si Lia. "Hindi ko na po muna ginising. Mukhang napasarap kasi ang pag tulog. Tsaka wala din naman silang pasok." Nang matapos kumain ni Andrea ay agad siyang naligo at nag bihis. Hindi nya alam kong may pasok ba siya sa trabaho dahil sa malakas ang ulan. Nag bigay naman ng

  • Love Me Louder, Mr. Billionaire [R18+]   Chapter 11

    Sobrang namangha si Andrea sa loob ng bahay. Kong titignan kasi ito mula sa labas ay hindi ito ganon ka ganda. Ang expected nya nga ay plain lang ang loob pero hindi. Sobrang ganda ng design at yong mga kagamitan. "Ikaw ba si Andrea?" agad naman tumango si Andrea. Hindi nya masasabi na katulong ito dahil sa porma nito ay hindi naman ito mukhang maid. "Ako si Glaiza, ito nga pala ang schedule ni Sir Dylan. Nakasulat na lahat dyan ang dapat na gagawin nyo kaya kailangan makumbinsi mo siya gawin yan lahat." Napatingin si Andrea sa sheets na binigay sa kanya. Kasi naman ay buong isang month na ang nakalagay don. Mukhang wala ng pahinga ang amo nya, syempre pati rin siya dahil mag kasama silang dalawa. "Mangangampanya siya?" agad naman na tumango sa kanya si Glaiza. "Yan talaga ang goal nya kaya umuwi siya dito sa Pinas. Kaya sana i-support mo siya." Maraming lugar na nakalagay na dapat nilang puntahan. Ang buong akala nya ay hindi siya magiging busy at mapapalayo sa anak. Pero nagk

  • Love Me Louder, Mr. Billionaire [R18+]   Chapter 10

    Kinabukasan ay maagang nag asikaso si Andrea kahit na gabi pa naman nya susunduin ang amo nya.Pagkatapos nya maihatid ang anak sa eskwelahan ay dumaan siya pauwi sa malaking bahay na pag-aari ng amo nya. Doon nya kasi kukunin ang sasakyan.Hindi nya nga sure kong ipapahiram na ba talaga sa kanya ang sasakyan. Masyado pa kasing maaga para i-pick-up ito.Pero nang makarating siya at tinanong sa guard ang about sa sasakyan ay agad siya nitong sinamahan para kunin sa garage.Mabuti na lang talaga ay marunong siya mag drive kasi kong hindi ay baka unang araw pa lang ng pasok nya ay natanggal na siya. Hindi naman kasi nakalagay don sa application na kailangan pala ay marunong mag drive."Ito po ang susi." inabot sa kanya ng guard.Sobrang kinis pa ng kotse at mukhang kakabili lang talaga. Natakot tuloy siya na baka magasgasan nya ito or baka maibangga.Kong kanina ay excited siya ngayon naman ay kinakabahan habang inalalabas nya ang kotse sa malaking bahay.Binalak nyang mag diritso grocer

  • Love Me Louder, Mr. Billionaire [R18+]   Chapter 9

    Maagang gumising si Andrea para sa interview nya sa Moon Star. Nag-ayos talaga siya ng sarili nya, mahirap na ay baka 'di pa siya matanggap dahil 'di formal ang deess nya.Pagkatapos nyang maihatid sa eskwelahan ang anak ay nag diritso siya agad sa Moon Star Resort. Halos malula siya sa lawak ng buong resort pag pasok nya pa lang.Sobrang ganda ng makita nya ito, pinangarap nya na tuloy na sana kahit isang gabi lang ay maka pag check-in sila ng anak nya sa resort.Pumunta sa front desk si Andrea para mag tanong kong saan ang venue ng interview nya."Ano pong pangalan nyo?" tanong ng staff sa kanya."Andrea Elodie Rivera po, ako yong nag apply bilang personal assistant ni Mr. Carter po.""Wait po, check ko lang. Upo na lang po muna kayo, tawagin ko lang po kayo once na confirm ko na po."Marahan lang naman tumango si Andrea at umupo sa lobby. Ilang minuto din siyang nag hintay before siya tinawag ng babaeng nasa front desk."Hello ma'am, as per our admin personnel po na finorward ni Mr

  • Love Me Louder, Mr. Billionaire [R18+]   Chapter 8

    SEVEN YEARS LATER "Andrea, wala ka bang balak mag trabaho? Alam mo naman na hirap na tayo. Si Zhanea naman ay hindi naman gumagastos dito sa bahay puro luho nya lang ang inaatupag nya. Maliit na lang din ang nakukuha ng ama mo sa pension nya kaya hindi na kakayanin pa ng budget natin dito. Malaki naman din yang anak mo." Matagal ng gusto ni Andrea na mag work pero hindi nya magawa dahil walang mag-aalaga sa anak nya. Natatakot kasi siyang iwan ito ganon din ang ama nya. Baka hindi maasikaso ng maayos, lalo na ay alam nyang busy din ang kanyang tita Lia sa tindahan. Pero mukhang pabigat na nga talaga sila ngayong malaki na ang anak nya. Pag affiliate kasi ang naging work nya pansamantala upang makapag provide siya ng mga dapat bilhin sa anak nya. Pero ngayong malaki na ito ay kinukulang na rin ang kinikita nya lalo na ay nag-aaral na ang kanyang anak. "Sige po, mag t-try po ako mag apply." "Mabuti naman kong ganon. Alam mo naman na maliit lang naman ang kinikita natin dito. T

  • Love Me Louder, Mr. Billionaire [R18+]   Chapter 7

    Inalalayan ni Zhanea si Andrea na makauwi sa kanilang bahay. Naabutan nila ang kanilang ama na mukhang nag-aalala ganon din ang kanilang ina. "Andrea, anong nangyare sayo?" salubong na tanong sa kanya ng ama. "Maayos lang po ako." Agad na pansin ng ama ang pamamaga ng pisngi ng anak. "What happened to your face?" may banta sa tuno ng pananalita nito. "Wala po ito.." Ayaw sabihin ni Andrea ang ginawa sa kanya ni Gabriel. Alam nya kasing magkakagulo kapag nalaman ng ama nya na sinaktan siya ni Gabriel. "Tell me!" pasigaw na wika nito. Kahit si Zhanea ay natakot. Ito kasi ang unang beses na nagka ganito ang kanilang ama. "Si Gabriel ba ang may gawa nyan? Sinaktan ka nya?" Agad naman umiling si Andrea. "Hindi, papa." Agad na tanggi ni Andrea. "Hwag ka na mag sinungaling pa! Hwag mo ng ipagtanggol pa si Gabriel. Akala ko ay lubos na kilala ko na ang batang 'yon pero hindi pa pala. Hindi ako papayag na basta ka na lang saktan nya! Kong hindi pa sinabi sa akin ni Zhanea na sinakt

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status