Sa loob ng tatlong buwan ay naging maayos ulit ang relasyon ni Gabriel at Andrea.
Kaya naman ay mas nainis si Zhanea dahil hindi siya nag tagumpay na paghiwalayin ang dalawa. "Bakit naman parang ang sama ng mukha mo Zhanea?" tanong ni Lia sa kanyang anak. Tumingin naman si Lia kong saan ang tinitignan ng anak. Nakatingin ito kay Andrea at Gabriel. Dumating kasi si Gabriel at susunduin si Andrea. Ipapakita raw kasi nito sa dalaga ang bahay na balak nitong bilhin once na makasal silang dalawa. "Hindi ka ba masaya sa kapatid mo, Zhanea?" tanong ng kanyang ina na si Lia. Humarap naman si Zhanea sa ina. "Hindi ko siya kapatid. Isa pa alam nyo ng matagal kong gusto si Gabriel pero hinayaan nyo pa rin siya na mapunta kay Andrea. Ina ko ba talaga kayo?" panunumbat ni Zhanea sa kanyang ina. "Zhanea, ano ba namang lumalabas dyan sa bibig mo? Hindi kita pinalaki na maging ganyan. Ano bang magagawa ko kong nagmamahalan ang dalawa? Kailangan ba hadlangan ko?" Naiiyak si Zhanea na sumagot sa ina. "Oo, sana hinadlangan mo, ma. Hindi mo man lang inisip na masasaktan ako. Ako yong anak mo hindi si Andrea pero mas pinili mo siya kaysa sa akin na sarili mong anak." matapos nitong sabihin ang saloobin sa ina ay agad itong umalis sa harapan nito. "Zhanea!" pasigaw na wika ni Lia pero hindi na siya nito pinansin pa. Napapailing na lang si Lia sa mga nangyayare. Gustuhin nya man pigilan si Andrea at Gabriel ay wala naman siyang magagawa doon. Pinangako nya sa sarili na magiging mabuti siyang ina sa kanilang dalawa. Ayaw nya man saktan ang sariling anak ay kailangan. Sa kabilang banda naman ay sakay ng kotse si Andrea at Gabriel. Masayang masaya ang dalawa na animo ay wala silang problema. "Gabriel.." "Hmm.." nakangiting tugon ni Gabriel kay Andrea. Pumasok ang sasakyan sa isang subdivision na halos ang bahay ay nagtataasan at halata na aabot sa ilang million kong bibilhin ang mga ito. Huminto ang sasakyan nila ng tuluyan ng makapasok sa loob ng subdivision. "Here the broucher pumili kana dyan Andrea. Kahit ano dyan basta kong anong gusto mo, bibilhin ko." "Gabriel, gusto ko sana yong malapit lang sa bahay para kahit pa-paano ay nadadalaw ko pa rin si papa, kong okay lang naman sa'yo." Nawala ang ngiti sa labi ni Gabriel ng sabihin ito ng dalaga. "Andrea, bubuo na tayo ng sarili nating pamilya. Pwede ba kahit dito naman ako naman ang isipin mo. Pwede mo naman sila dalawin kahit nasa malayo tayo. May kotse ka namang magagamit." Ngumiti ng pilit si Andrea. Tama naman kasi ang sinabi ni Gabriel. Pumayag siyang mag pakasal sa binata kaya dapat ay panindigan nya ito. "Sige." napilitang pag agree ng dalaga. "Good, pumili kana ng gusto mong magiging bahay natin. Kapag nakapili ka pwede na natin agad yon tignan dito." Tumango naman si Andrea sa binata. Habang namimili si Andrea sa broucher ay napatingin siya sa labas ng bintana. Nakikita nya ang mga bata na kumakain ng ice cream. Natakam siya ng makita ito at parang gusto nyang kumain ng ice cream. "Gabriel, pwede bang mamaya na muna ako pumili? Gusto ko kasi kumain ng ice cream." Nangunot naman ang noo ni Gabriel at halata dito ang bahid ng inis na agad din namang nawala after ilang seconds, na akala mo ay nagpipigil lang. "Andrea, mas importante pa ba yang ice cream kaysa sa magiging bahay natin?" "Sige na please.." nagpaawa ang dalaga sa binata. Iba kasi ang feeling nya, parang hindi nya kayang pigilan ang sarili kapag hindi nya nakain ang ice cream. "Okay." halata ang pagkairita sa boses ni Gabriel. Hinayaan lang naman ito ni Andrea dahil sa isip nya ay baka nakulitan sa kanya ang binata. Nang makahanap sila ng ice cream ay agad bumili si Andrea. Hinintay lang naman siya ni Gabriel sa labas ng convenient store. Nang makalabas si Andrea ay may naamoy siya na mabaho na hindi nya alam kong bakit parang nasusuka siya sa amoy nito. Nagmadali siya pumasok sa loob ng kotse dahil hindi nya na kinakaya ang amoy. "Anong nangyare sayo?" tanong ni Gabriel ng mapansin nito na parang naduduwal ang dalaga. "Wala may naamoy lang ako na mabaho sa labas. Pero okay na rin naman." Agad binuksan ni Andrea ang binili nyang ice cream. "Satisfied kana?" agad naman tumango si Andrea. "Yes, thank you." Nang matapos si Gabriel at Andrea ay agad naman nya hinatid ang dalaga sa bahay nito. Medyo sumasama na ang pakiramdam ni Andrea pero hindi nya pinahalata ito kay Gabriel. Nang makaalis ito ay tsaka siya nagmadali pumasok sa loob. Wala pa man siya nakaka akyat sa second floor ng tuluyang na siyang mahilo. "Andrea!" Huli nyang narinig ng bumagsak na ang katawan nya sa malamig na sahig. ****** Nang magising si Andrea ay nasa hospital na siya. Sumalubong sa kanya ang kanyang ama, Zhanea at step mother nyang si Lia. "May hindi ka ba sinasabi sa amin, Andrea?" tanong ng kanyang ama. Naguluhan naman ang dalaga sa tanong ng kanyang ama. "Umamin ka nga sa akin, buntis ka ba? Kaya ba gusto ka pakasalan ni Gabriel ay dahil buntis ka? Hindi ka pwedeng mag sinungaling ang doctor na ang nag confirm na buntis ka." Hindi nakasagot agad si Andrea sa naging tanong ng kanyang ama. Wala pa naman kasing nangyayare sa kanila ni Gabriel. Sa apat na taon nilang in a relationship ay tanging halik at yakap lang ang nagawa nila. May isang beses na muntik silang makalimot pero hindi yon natuloy dahil napigilan nya ang sarili. "Andrea, sumagot ka!" bumalik sa reyalidad ang isipan ni Andrea. "Pa..." halos walang boses na lumabas sa bibig ni Andrea. Hindi nya alam kong paano nya sasabihin sa kanyang ama na hindi si Gabriel ang ama ng dinadala nya. Gustuhin nya man mag sinungaling sa ama ay hindi nya magawa. Hindi siya pinalaki nito na isang sinungaling. "Wala pa pong nangyayare sa amin na ganon ni Gabriel." May pagtataka naman ang naging reaction ng kanyang ama at pati na nila Lea at Zhanea. Mukhang naguguluhan ang mga ito sa sinabi ni Andrea. "Ano ang ibig mong sabihin?" "Hindi ko po alam kong sino ang ama ng dinadala ko. Hindi ko akalain na mabubuntis ako kasi nagkaroon naman ako ng menstruation last month. Kaya ang buong akala ko ay hindi ako mabubuntis." "What? Hindi mo alam kong sino ang ama? Pinagloloko mo ba kami Andrea? Hindi mo na lang inamin na niloko mo si Gabriel." napamaang naman si Andrea sa tinuran ni Zhanea. "Hindi yan totoo, ni minsan hindi ko siya niloko. Noong gabi nong engagement party namin. Nagkamali ako ng room na pinasukan. Wala na ako nun sa katinuan dala ng kalasingan. Hindi ko akalain na may mangyayare na ganun. Tsaka ikaw ang huli kong kasama nun Zhanea," naiiyak na saad ni Andrea. "Ako pa talaga ang sinisi mo? Kasalanan ko bang namali ka ng room na pinasukan? Mahirap paniwalaan yang sinasabi mo Andrea." "Zhanea!" napatigil naman si Zhanea sa matigas na salitang binitiwan nito. Mukhang pinapatigil na siya sa pagsasalita. "Kong hindi man si Gabriel ang ama ng dinadala mo. Malaking gulo ang mangyayare, Andrea. Sana alam mo yan. Anong plano mo?" tanong ng kanyang ama. Hindi makasagot si Andrea sa kanyang ama dahil wala naman siyang plano. Hindi nya rin inaasahan na mabubuntis siya ng kong sino. Iniisip nya pa lang ngayon ang kalalagyan ng relationship nila ni Gabriel ay hindi nya na kakayanin.Kinabukasan ay inasikaso lang ni Andrea si Elodia sa pag pasok bago ay dumalaw na ito sa hospital. Nagising na rin ang ama nya, yon nga lang ang pinoproblema nya ay ang bayarin sa hospital. Hindi naman yon ganon kalaki pero sa katulad nya na naghihirap ay mahihirapan siya maka hanap ng pambayad. Isa pa iniisip nya pa ang about sa therapy nito. Kong maayos lang sana si Zhanea ay for sure hindi siya ngayon nahihirapan. Na late na siya sa pag pasok sa work dahil sa mga ginawa nya. Ang balak nya nga kasi talaga ay di na pumasok pa, kaso lang ay kailangan nya ng malaking pera. Nang dumating siya sa mansion ay wala ang kanyang amo na si Dylan. Kaya tuloy wala rin siyang nagawa buong mag hapon. "Anong oras ba darating si sir?" tanong ni Andrea sa guard. "Hindi ko rin alam. Hindi ba't ikaw ang assistant, dapat alam mo ang schedule nya." napangiwi na lang si Andrea sa sinabot sa kanya ng security guard. Tama naman kasi talaga ito, assistant siya tapos hindi nya man lang alam kong n
Nang dumating ang step mother ni Andrea na si Lia ay agad tinanong ni Andrea ang about sa kanyang ama. Ito kasi ang unang beses na nagka ganito ito makalipas ang ilang taon. Isa pa ay pinagtataka nya ang pananahimik ng kanyang step mother na si Lia. Parang ayaw sa kanya ipaalam ang mga nangyare. Kanina pa kasi ito nag-iiwas sa mga tanong nya. "Ano po ba talaga ang nangyare kay papa? Sabihin nyo na po, may karapatan naman akong malaman." hindi makatingin kay Andrea si Lia para bang ayaw talaga nito sabihin ang totoo kay Andrea. Nag buntong hininga si Lia at naka pag decide na sabihin na ang totoo kay Andrea. Matagal na din naman ang nakalipas siguro naman ay move-on na si Andrea, ani ng isipan ni Lia. "Si Zhanea.." tumigil ito saglit sa pagsasalita na mas lalong nag paalala kay Andrea. "Siya po ba ang dahilan?" marahan na tumango si Lia kay Andrea. "Ako na humihingi ng pasyensya sayo Andre. Sa lahat ng mga ginawa ni Zhanea." hindi sumagot si Andrea sa sinabi ni Lia. May p
Kinabukasan ay agad na nag ayos ng mga gamit nya si Andrea. Gusto nya na kasi talagang makauwi isa pa ay mis na mis nya na ang anak nyang si Elodia. Ilang araw na kasi din silang di nakakapag-usap ng maayos ng anak nya. Hindi alam ni Andrea kong pwede na ba silang umuwi pero hindi na talaga siya mapakali. Kanina pa din nya kasi tinatawagan ang kanyang step mother na si Lia ay 'di nito sinasagot ang phone nya. Kaya naman may namutawi na kaba sa kanyang dibdib at pag-aalala.Hindi na napigilan ni Andrea na hindi mag tanong sa mga kasama nya sa loob ng room. Busy din ang mga ito mag impake."Mga anong oras ba tayo aalis?" "Ang sabi ngayong 9 am pero si Sir Dylan ay paalis na ngayong 8 am."'Paalis na siya?' Agad naman napatayo si Andrea at binitbit lahat ng gamit nya palabas ng room nila. Tinignan lang naman siya ng mga kasama nya.Takbo at lakad ang ginawa ni Andrea para lang maabutan nya pa ang kanyang boss na si Dylan.Hingal na hingal ito habang tumatakbo hanggang sa makarating sa
ANDREA POINT OF VIEWIsang oras din ang byahe namin bago kami nakarating sa venue. Pag dating namin ay maraming tao ang naghihintay para ma bigyan ng ayuda.Nag tingin pa ako sa paligid kong nandito na ba si Sir Dylan. Pero hindi ko man lang nakita ang kotse nya.'Wala ba talaga siyang care?' napapailing na lang ako sa isipin na mukha talagang napipilitan lang siya.Ni ready lang mo na namin ang mga ipapamigay at tapos non ay nag salita lang ang barangay captain nitong barangay na pinuntahan namin. Nag pa salamat lang naman siya about sa pamimigay ni Sir Dylan. Ang sabi lang kaya hindi ito nakarating dahil sa may emergency.Pagkatapos non ay ipinamigay na namin ang mga pinang repack namin na goods. Hapon na ng matapos kami at wala man lang kami naka panghalian."Guys, punta na tayo sa resort. Don tayo kakain at matutulog." nagulat naman ako sa part na don kami matutulog.Hindi ko na inform si tita Lia about sa overnight. Tsaka hindi man lang ako naka paalam kay Elodia."Need bang mag
Nang magising si Andrea ay malakas pa rin ang ulan. "May bagyo ba?" tanong nya sa kanyang isipan. Nag bukas siya ng phone nya at tinignan ang news feed nya kong meron bang bagyo. Sa sobrang busy nya ay hindi nya na alam kong may bagyo ba. Meron ngang bagyo at mabuti na lang ay hindi sa kanila tatama pero kasama sila sa maapektuhan na lugar. Nag suspend na din ng class ang buong lugar nila. Kaya hindi nya na inabala pa si Elodia na gisingin. Mukhang napasarap kasi ang tulog nito dahil sa malamig na panahon. Pagbaba nya ay naabutan nya ang kanyang step mother na nagpapakain sa kanyang ama. "Nagluto na ako ng agahan. Si Elodia hindi pa ba gising?" umiling naman agad si Andrea sa kanyang step mother na si Lia. "Hindi ko na po muna ginising. Mukhang napasarap kasi ang pag tulog. Tsaka wala din naman silang pasok." Nang matapos kumain ni Andrea ay agad siyang naligo at nag bihis. Hindi nya alam kong may pasok ba siya sa trabaho dahil sa malakas ang ulan. Nag bigay naman ng
Sobrang namangha si Andrea sa loob ng bahay. Kong titignan kasi ito mula sa labas ay hindi ito ganon ka ganda. Ang expected nya nga ay plain lang ang loob pero hindi. Sobrang ganda ng design at yong mga kagamitan. "Ikaw ba si Andrea?" agad naman tumango si Andrea. Hindi nya masasabi na katulong ito dahil sa porma nito ay hindi naman ito mukhang maid. "Ako si Glaiza, ito nga pala ang schedule ni Sir Dylan. Nakasulat na lahat dyan ang dapat na gagawin nyo kaya kailangan makumbinsi mo siya gawin yan lahat." Napatingin si Andrea sa sheets na binigay sa kanya. Kasi naman ay buong isang month na ang nakalagay don. Mukhang wala ng pahinga ang amo nya, syempre pati rin siya dahil mag kasama silang dalawa. "Mangangampanya siya?" agad naman na tumango sa kanya si Glaiza. "Yan talaga ang goal nya kaya umuwi siya dito sa Pinas. Kaya sana i-support mo siya." Maraming lugar na nakalagay na dapat nilang puntahan. Ang buong akala nya ay hindi siya magiging busy at mapapalayo sa anak. Pero nagk