[After the Engagement]
Nang makauwi si Andrea sa kanila ay agad siyang naligo at nag bihis. Walang ibang tao sa bahay nila ng dumating siya kaya naman ay pumunta siya sa likod ng bahay nila. May tree house kasing nandon kaya don siya pumunta para mapag-isa. Hindi pa rin kasi nag si-sink-in sa kanya ang mga nangyayare. What if ma buntis siya? Hindi nya kilala ang lalaki.. "Andrea!" nagulat si Andrea ng may tumawag mula sa likuran nya. Masaya si Zhanea na tumabi sa kanya. "Bakit mukhang malungkot ka? Dapat maging happy ka kasi engage ka na. Excited na ako magkaroon ng pamangkin." Tahimik lang naman si Andrea na hindi alam ang sasabihin. Gusto nyang pa kalmahin ang sarili nya at 'wag ng isipin ang nangyare sa kanya kagabi pero hindi nya magawa. "May problema ka ba?" inosenteng tanong ni Zhanea. Kahit na sa loob nya ay masayang masaya siya. Lalo na ay mukhang nag tagumpay siya sa mga plano nya. "Ayos lang ako, medyo nalungkot lang ako sa isipin na mapapalayo na ako sa inyo." sagot ni Andrea. "Hayy naku, pwede mo naman kami dalawin kong gusto mo. Hindi naman siguro malayo ang magiging tahanan nyo ni Gabriel." Ngumiti ng pilit si Andrea. Tanging nasa isipan ni Andrea na sana ay hindi na sila magkita pa ng lalaking nakatalik nya kagabi. Ayaw nyang gumulo ang buhay nya ng dahil don. "Nakapag-usap na ba kayo ni Gabriel kong kailan ang magiging kasal nyo?" agad naman na umiling si Andrea sa tanong ni Zhanea. "Mauna na muna ako sa loob Zhanea, medyo masakit kasi ang ulo ko. Siguro sa alak na mga ininom ko kagabi." pagdadahilan ni Andrea. Sa totoo lang kasi ay wala talaga siya sa mood makipag-usap kahit kanino man. Gustuhin nya man sabihin kay Gabriel ang totoo ay baka yon pa ang maging dahilan para mag hiwalay sila. Sa loob ng tatlong taon na pagsasama nila ay bi-bihira lang ang pinag-aawayan nila. Pa-pasok na si Andrea sa loob ng bahay nila tsaka naman dumating si Gabriel. "Andrea!" Na estatwa naman sa kanyang kinatatayuan si Andrea. May dalang bulaklak at chocolate ang binata. Isa yon sa paborito nyang tsokolate at bulaklak. "I miss you!" Nang makalapit ang binata sa kanya ay agad siya nitong niyakap. Gumanti naman ng pagkakayakap si Andrea sa binata. "Hindi kita nakita kagabi pagkatapos ng engagement natin? Saan ka pumunta?" Agad naman napabitaw si Andrea sa pagkakayakap sa binata. Hindi nya kayang sagutin ang tanong ng binata. "Natulog na ako nun, na sobrahan kasi ako sa kakainom ng alak. Alam mo namang mababa ang tolerance ko when it comes to alcohol." pagdadahilan ni Andrea. "Hmm.. sabagay.. Naging busy din kasi ako kagabi, ayoko naman iwanan yong mga kaibigan ko lalo na birthday ko yon. Kaya hindi na din kita hinanap nun." "Ayos lang naman, naiintindihan ko." Pumasok ang dalawa sa loob ng bahay nila Andrea at naupo sa sofa. "Kailan mo gusto makasal tayo? Kasi kong ako ang tatanungin gusto ko ngayong month na. Pero syempre susundin ko pa rin naman kong anong gusto mong date." Nag alangan si Andrea na sumagot. Sa isip nya ay hindi na siya deserve pa ni Gabriel. "Sa sunod na lang siguro muna natin pag-usapan ang date ng kasal, Gabriel." nangunot naman ang noo ng binata sa sinabi ni Andrea. "What? Andrea naman.. Importante yon lalo na ay engage na tayo sa isat-isa. May dahilan ba kong bakit ayaw mong pag-usapan? Maiintindihan ko naman, 'wag mo lang akong pag-isipin ng ganito. Kasi para sa akin ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan!" Pinigilan ni Andrea na 'wag maiyak sa mga sinabi nito. "Bata pa naman tayo Gabriel marami pang time kong kailan tayo ikakasal." Nagulat si Andrea sa biglaang pag tapon nito ng flower base na nasa lamesa. "Gabriel!" "Edi sana kong yan pala ang gusto mo dapat hindi ka na lang nag agree sa engagement natin!" Galit na wika nito at iniwan siya. "Gabriel!" Sigaw ni Andrea habang hinahabol ito palabas. Pero huli na dahil humarorot na ang kotse nito paalis. Napaupo na lang si Andrea at hindi na napigilan pa ang sarili na umiyak. Ito ang unang beses na nasigawan siya ni Gabriel at nagalit ito ng ganon sa kanya. Sa totoo lang naman kasi sino ba ang hindi gusto na makasal? Gustong-gusto nya naman pero nag dalawang isip na siya simula ng nangyare sa kanya kagabi. "Andrea, are you okay?" worried na tanong ni Zhanea na kararating lang. Iniligpit nito ang mga nagkalat na basag na bote galing sa folower base. "Si Gabriel ba ang may gawa nito?" Hindi pinansin ni Andrea ang tanong ni Zhanea. Kahit nainis man si Zhanea ay hinayaan na lang din nya si Andrea na umiiyak. Lumapit siya kay Andrea at inalo ito. "Kong may problema man kayong dalawa for sure maayos din yan. Ikaw pa hindi ka naman matitiis ni Gabriel. Lalo na ngayon ay engage na kayo." pag-aalo ni Zhanea kay Andrea kahit na hindi ito bukal sa loob nya. "Hindi ko alam kong maayos pa namin ito." humikbi na sagot ni Andrea. "May problema ba?" tanong ni Zhanea. Agad naman umiling si Andrea. Gustuhin nya man sabihin sa kapatid nya ang problema ay hindi pwede. Mas lalong magkakagulo kapag nalaman nito ang problema nya. "Na isip ko lang na hindi pa ako handa mag pakasal sa kanya.." pagdadahilan ni Andrea. "Pwede mo naman siya kausapin ulit kapag kalma na siya. Malay mo pumayag na.." Tumango naman si Andrea bilang pag agree sa sinabi ni Zhanea. "Sana nga.. hindi naman kasi ibig sabihin non ay ayaw ko siyang pakasalan." "You're right, kaya 'wag kana nga umiyak dyan. Sayang ang ganda natin. If ever hindi pumayag si Gabriel sa decision mo mas good na mag hiwalay na lang kayo. For sure naman kasi kapag natuloy pa rin ang kasal nyo at hindi ka pa ready ay hindi kayo magkaka sundo sa mga bagay-bagay." Natahimik naman si Andrea.. "Don't be offended, sis sasabihin ko. Ayaw lang kita masaktan sa maaaring mangyare. Kasi ang kasal dapat pinag-iisipan yan. Kaya tama naman yang sinabi mo kay Gabriel. Tsaka isa pa nag basag pa siya ng gamit sa harapan mo. His not good for you, paano kapag naging mag-asawa na kayo paano kong saktan ka nya?" Marami pang ibang sinabi na negative si Zhanea. Isa kasi talaga sa plano nya na umatras si Andrea sa kasal nilang dalawa ni Gabriel. "Ano ka ba naman Zhanea. Kilala nating dalawa si Gabriel simula bata pa tayo. Alam mong hindi nya yon magagawa sa atin. Siguro ay na bigla lang siya kaya nakapag basag siya ng gamit." Pagtatanggol ni Andrea kay Gabriel. "Sabagay, pero malay mo 'di ba may tinatago pa pala siyang ugali na hindi natin alam." Hindi na pinakinggan pa ni Andrea ang iba nitong sinabi. Hindi naman kasi yon ang problema nya. At isa pa ay tiwala siyang hindi siya sasaktan ni Gabriel.Nang magising si Andrea ay malakas pa rin ang ulan. "May bagyo ba?" tanong nya sa kanyang isipan. Nag bukas siya ng phone nya at tinignan ang news feed nya kong meron bang bagyo. Sa sobrang busy nya ay hindi nya na alam kong may bagyo ba. Meron ngang bagyo at mabuti na lang ay hindi sa kanila tatama pero kasama sila sa maapektuhan na lugar. Nag suspend na din ng class ang buong lugar nila. Kaya hindi nya na inabala pa si Elodia na gisingin. Mukhang napasarap kasi ang tulog nito dahil sa malamig na panahon. Pagbaba nya ay naabutan nya ang kanyang step mother na nagpapakain sa kanyang ama. "Nagluto na ako ng agahan. Si Elodia hindi pa ba gising?" umiling naman agad si Andrea sa kanyang step mother na si Lia. "Hindi ko na po muna ginising. Mukhang napasarap kasi ang pag tulog. Tsaka wala din naman silang pasok." Nang matapos kumain ni Andrea ay agad siyang naligo at nag bihis. Hindi nya alam kong may pasok ba siya sa trabaho dahil sa malakas ang ulan. Nag bigay naman ng
Sobrang namangha si Andrea sa loob ng bahay. Kong titignan kasi ito mula sa labas ay hindi ito ganon ka ganda. Ang expected nya nga ay plain lang ang loob pero hindi. Sobrang ganda ng design at yong mga kagamitan. "Ikaw ba si Andrea?" agad naman tumango si Andrea. Hindi nya masasabi na katulong ito dahil sa porma nito ay hindi naman ito mukhang maid. "Ako si Glaiza, ito nga pala ang schedule ni Sir Dylan. Nakasulat na lahat dyan ang dapat na gagawin nyo kaya kailangan makumbinsi mo siya gawin yan lahat." Napatingin si Andrea sa sheets na binigay sa kanya. Kasi naman ay buong isang month na ang nakalagay don. Mukhang wala ng pahinga ang amo nya, syempre pati rin siya dahil mag kasama silang dalawa. "Mangangampanya siya?" agad naman na tumango sa kanya si Glaiza. "Yan talaga ang goal nya kaya umuwi siya dito sa Pinas. Kaya sana i-support mo siya." Maraming lugar na nakalagay na dapat nilang puntahan. Ang buong akala nya ay hindi siya magiging busy at mapapalayo sa anak. Pero nagk
Kinabukasan ay maagang nag asikaso si Andrea kahit na gabi pa naman nya susunduin ang amo nya.Pagkatapos nya maihatid ang anak sa eskwelahan ay dumaan siya pauwi sa malaking bahay na pag-aari ng amo nya. Doon nya kasi kukunin ang sasakyan.Hindi nya nga sure kong ipapahiram na ba talaga sa kanya ang sasakyan. Masyado pa kasing maaga para i-pick-up ito.Pero nang makarating siya at tinanong sa guard ang about sa sasakyan ay agad siya nitong sinamahan para kunin sa garage.Mabuti na lang talaga ay marunong siya mag drive kasi kong hindi ay baka unang araw pa lang ng pasok nya ay natanggal na siya. Hindi naman kasi nakalagay don sa application na kailangan pala ay marunong mag drive."Ito po ang susi." inabot sa kanya ng guard.Sobrang kinis pa ng kotse at mukhang kakabili lang talaga. Natakot tuloy siya na baka magasgasan nya ito or baka maibangga.Kong kanina ay excited siya ngayon naman ay kinakabahan habang inalalabas nya ang kotse sa malaking bahay.Binalak nyang mag diritso grocer
Maagang gumising si Andrea para sa interview nya sa Moon Star. Nag-ayos talaga siya ng sarili nya, mahirap na ay baka 'di pa siya matanggap dahil 'di formal ang deess nya.Pagkatapos nyang maihatid sa eskwelahan ang anak ay nag diritso siya agad sa Moon Star Resort. Halos malula siya sa lawak ng buong resort pag pasok nya pa lang.Sobrang ganda ng makita nya ito, pinangarap nya na tuloy na sana kahit isang gabi lang ay maka pag check-in sila ng anak nya sa resort.Pumunta sa front desk si Andrea para mag tanong kong saan ang venue ng interview nya."Ano pong pangalan nyo?" tanong ng staff sa kanya."Andrea Elodie Rivera po, ako yong nag apply bilang personal assistant ni Mr. Carter po.""Wait po, check ko lang. Upo na lang po muna kayo, tawagin ko lang po kayo once na confirm ko na po."Marahan lang naman tumango si Andrea at umupo sa lobby. Ilang minuto din siyang nag hintay before siya tinawag ng babaeng nasa front desk."Hello ma'am, as per our admin personnel po na finorward ni Mr
SEVEN YEARS LATER "Andrea, wala ka bang balak mag trabaho? Alam mo naman na hirap na tayo. Si Zhanea naman ay hindi naman gumagastos dito sa bahay puro luho nya lang ang inaatupag nya. Maliit na lang din ang nakukuha ng ama mo sa pension nya kaya hindi na kakayanin pa ng budget natin dito. Malaki naman din yang anak mo." Matagal ng gusto ni Andrea na mag work pero hindi nya magawa dahil walang mag-aalaga sa anak nya. Natatakot kasi siyang iwan ito ganon din ang ama nya. Baka hindi maasikaso ng maayos, lalo na ay alam nyang busy din ang kanyang tita Lia sa tindahan. Pero mukhang pabigat na nga talaga sila ngayong malaki na ang anak nya. Pag affiliate kasi ang naging work nya pansamantala upang makapag provide siya ng mga dapat bilhin sa anak nya. Pero ngayong malaki na ito ay kinukulang na rin ang kinikita nya lalo na ay nag-aaral na ang kanyang anak. "Sige po, mag t-try po ako mag apply." "Mabuti naman kong ganon. Alam mo naman na maliit lang naman ang kinikita natin dito. T
Inalalayan ni Zhanea si Andrea na makauwi sa kanilang bahay. Naabutan nila ang kanilang ama na mukhang nag-aalala ganon din ang kanilang ina. "Andrea, anong nangyare sayo?" salubong na tanong sa kanya ng ama. "Maayos lang po ako." Agad na pansin ng ama ang pamamaga ng pisngi ng anak. "What happened to your face?" may banta sa tuno ng pananalita nito. "Wala po ito.." Ayaw sabihin ni Andrea ang ginawa sa kanya ni Gabriel. Alam nya kasing magkakagulo kapag nalaman ng ama nya na sinaktan siya ni Gabriel. "Tell me!" pasigaw na wika nito. Kahit si Zhanea ay natakot. Ito kasi ang unang beses na nagka ganito ang kanilang ama. "Si Gabriel ba ang may gawa nyan? Sinaktan ka nya?" Agad naman umiling si Andrea. "Hindi, papa." Agad na tanggi ni Andrea. "Hwag ka na mag sinungaling pa! Hwag mo ng ipagtanggol pa si Gabriel. Akala ko ay lubos na kilala ko na ang batang 'yon pero hindi pa pala. Hindi ako papayag na basta ka na lang saktan nya! Kong hindi pa sinabi sa akin ni Zhanea na sinakt