Share

Love Of Tomorrow
Love Of Tomorrow
Author: Roviiie

Prologue

Author: Roviiie
last update Last Updated: 2022-06-02 11:31:30

Love Of Tomorrow

     "MAGNANAKAW!"

Wala atang kapitbahay ang hindi kinamumuhian ang binatang si Lutcho dahil sa kasalanang nagawa nito.

Usap-usapan lang naman sa buong bayan ang ginawa nitong panloloob sa pamilya Francisco at sinibat ang mga mamahaling mga gamit saka ibinenta.

     "Ate! Ayokong makulong dito.. nanghihinang saad nang binata.

Puro galos ang buong katawan nito at nangingitim ang kaliwang mata.

Naiyak na lamang si Maxine dahil sa itsura ng kanyang kapatid. Hindi n'ya na alam kung ano ang gagawin n'ya upang mailabas ang kapatid sa kulungan.

Mayaman ang pamilya Francisco, tiyak na hindi nito papalampasin na makalabas ang kanyang kapatid. Malamang ay sila rin ang nag utos na bugbugin ang kanyang kapatid habang nakapiit sa kulungan.

     "Kung hindi lang sana ako nawalan ng trabaho. Baka wala ka sa ganitong sitwasyon, Lutcho."

Tuluyan ng bumigat ang kalooban ni Maxine. Mahirap lamang sila. Ang mga magulang n'ya ay wala ring trabaho at ang kanyang tatay ay nakaratay pa sa ospital.

     "Uuwi muna ako. Gagawa ako nang paraan, Lutcho." Saad ng dalaga at agad na pinahid ang kanyang luha na naglandas na sa kanyang magkabilaang pisngi.

Tanging tango lamang ang naging tugon ng binata at matapos no'n ay dali-daling lumabas ang dalaga dahil hindi n'ya na kayang makita ang sitwasyon ng kanyang kapatid.

Paano na lang ang mga anak ni Lutcho? Sino ang bubuhay sa kanila gayong matagal na ring patay ang ina ng mga bata.

Lutang ang isip ng dalaga habang naglalakad pauwi. Ni pisong duling ay walang makikita sa kanyang bulsa. Ni hindi na nga s'ya nakapag almusal dahil mas pinili n'yang ibigay na lamang sa kanyang mga pamangkin ang kakarampot na tinapay.

Ilang pagbuntong hininga na rin ang nagawa n'ya dahil sa mga problema na kanilang kinakaharap. Magtatatlong buwan na simula nang mawalan s'ya ng trabaho, kasunod no'n ay natanggal naman si Lutcho sa pinapasukan nito kaya nagawa nitong nakawan ang pamilya Francisco upang maoperahan ang kanilang ama.

Pakiwari n'ya'y pinaparusahan sila ng langit. Para bang pasan n'ya ang buong mundo. Bente-singko anyos pa lamang s'ya ngunit halos malubog na s'ya sa mga problema.

Nang makarating si Maxine sa tapat ng kanilang bahay ay napahinto s'ya nang makita ang isang magarang sasakyan. May iilan rin sa mga kapitbahay ang naroon at mukhang gusto na namang sumagap ng tsismis.

"Naku, buti naman at dumating ka na Maxine! Nandyan sa loob ng bahay n'yo ang pamilya Francisco!" Ani ng isa sa mga kapitbahay nila kaya dali-dali s'yang pumasok sa loob.

Napaisip ang dalaga kung bakit sila narito, iuurong na kaya nang pamilya Francisco ang kaso laban sa kapatid?

Nadatnan n'yang masinsinang nakikipag-usap ang pamilya Francisco sa kanyang ina. Nahinto lamang ang mga ito ng mapansin s'ya.

     "Maxine, anak!" Ani ng kanyang ina na si Maribeth.

     "Magandang umaga ho." Nakayuko n'yang binati ang kanilang mga panauhin bago naupo sa tabi ng kanyang ina. "Ma, bakit ho sila nandito?" Bulong n'yang tanong sa ina kaya ngumiti naman ito.

     "May paraan pa para makalabas si Lutcho sa kulungan, anak!" Mababakas ang kasiyahan sa boses ng ginang habang s'ya naman ay bahagyang nakaramdam ng kakaiba.

     "You heard it right, Maxine. Tulad nga ng sinabi ng ina mo, there will be a possibility na makalaya ang kapatid mong si Lutcho- kung susundin mo ang bagay na gusto naming mangyari." Nakataas pa ang kaliwang kilay ni Donya Sylvia habang nakatingin sa dalaga na may halong inis at pandidiri.

Napaamang naman ng dalaga sa narinig. Ibig sabihin ay may kapalit ang paglaya ng kanyang kapatid at nakasalalay lamang iyon sa kanya.

     "A-Ano ho ba ang dapat kong gawin?" Tanong ng dalaga at kasabay no'n ay ang pag ngiti ni Lawrence.

Ang nag iisang anak ng mag-asawang Sylvia at Ramon Francisco.

     "Papakasalan mo lamang ako, Maxine. Paniguradong makakalaya ang kapatid mo! Bukod pa do'n ay isasama ko na din s'ya sa opisina at bibigyan nang maayos na trabaho upang hindi na kayo mamoblema pa sa pinansyal." Paliwanag ng binata at mababakas ang kasiyahan sa tono ng pananalita nito.

Pasimpleng napayukom ng kamao ang dalaga. Napatingin s'ya sa kanyang ina at tanging ngiti at tango ang sumalubong sa kanya.

Para bang may bumaon na tinik sa kanyang dibdib at hindi n'ya magawang makahinga ng maayos.

     "Anak, hindi mo naman gustong maghirap tayo ng ganito hindi ba? Isa pa, ito na ang pagkakataon upang tuluyang makalabas ang ama mo sa ospital!" Bulong ni Maribeth sa dalaga kaya agad na nag init ang mga mata ni Maxine dahil sa narinig.

Nasasaktan s'ya sapagkat hindi man lang nito iniisip ang mararamdaman n'ya.

     "Bueno, aalis na muna kami. Pag isipan n'yong mabuti ang inalok namin. Bibigyan namin kayo nang tatlong araw upang makapagdesisyon." Malamig na saad ni Donya Sylvia at agad na tumayo.

Taas noo nitong nilagpasan ang mag-ina at sumunod rin naman ang asawa at anak nito sa kanya.

Naiwang tulala ang dalaga at may kung ano pang sinasabi ang ina n'ya ngunit wala na s'yang maintindihan pa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nazzhli-hannaj Hazhymezikiah Allives-Fine
Aguii...Yan Ang mahirap...pero Sabi nga matutunan din Ang love in the long ran way ..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Love Of Tomorrow   Epilogue

    My heart raced when I saw her rushing came to my car, asking for helped and she looked so helpless. I recognize her when I saw the picture from Don Ignacio which was happened to be his biological father. I immediately opened the door so she can hop in, that was the night where all it started. My feelings towards her were undeniable! I can't help it, I can't help myself to be so in love with that woman who stole my heart and effortlessly change my whole damn life. "You may now kiss the bride!" I smiled at her when Tyler and Aria sealed their promises, today is their wedding. And I am right here beside with the woman I love most. "They look good together!" "Daddy, picturan mo kami ni mommy!" Yes, my daughter knows how speak Filipino language since natuto na ito nang husto. I really love seeing them together, with their beautiful sweetest warming smiles! I promise to my self to be the best dad and husband to my family. I did my best to give the best life

  • Love Of Tomorrow   Kabanata 37

    Maxine's POV TODAY is the day I have been waiting for. Ngayon kasi ang kaarawan ni Dianara and she's officially become my daughter! Alam kong napasaya ko s'ya noong nalaman n'yang ako mismo ang magiging mommy n'ya. Naging emosyonal ito at mas lalong naging sweet noong maiuwi na namin s'ya sa bahay.Rusty and I decided na dalhin s'ya rito sa pilipinas. Gusto ko kasing makilala n'ya si daddy pati na rin ang iba pa naming kaibigan na tinanggap naman s'ya ng buo. I become an instant mom when I had Dianara ever since kahit noong nasa bahay ampunan pa lamang s'ya, kaya nga ganito ang closeness naming dalawa at kahit ang iba ay sinasabi nagiging magkamukha na kami! Nakakatuwa lang dahil natupad ko ang pangako ko sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano kasarap magkaroon ng isang pamilya, gusto kong maintindihan n'ya na may pamilyang handang gumabay sa kanya sa lahat ng oras. Si mommy Katy ang mismo nagpaasikaso sa venue, mas excited pa nga silang dalawa ni daddy kaysa sa akin.

  • Love Of Tomorrow   Kabanata 36.2

    Maxine's POVHALOS hindi ko na ata mabilang sa aking daliri kung ilang beses na akong bumuntong hininga sa araw na ito. I'm still with Rusty at sa oras na ito ay hindi na ako natutuwa dahil ang dami n'yang gustong gawin. "Can I stay with you? I mean, you know I don't have a house-" hindi ko na pinatapos pa ang balak nitong sabihin dahil mukhang alam ko na ito. Inis ko itong sinipat dahil hindi ko alam kung sinasadya n'ya ba talaga ito o hindi pero naiinis pa rin ako kahit na ano pang gawin n'ya. Alam mo yung pakiramdam na kahit wala din s'yang ginagawa pero mas lalo kang naiinis? Damn, hindi ko alam kong may sayad na ba ako dahil sa ganitong pangyayari! "Ang daming hotels d'yan, Rusty! Puwede kang mag stay buong magdamag." Malamig kong tugon ngunit talagang hindi ito nagpapatinag! "We're going to be a husband and a wife," pilosopo nitong pahayag na ikinailing ko na lamang. "So, I think it's inappropriate if we're separated?"And yes, for the sake of Dianara's

  • Love Of Tomorrow   Kabanata 36.1

    Maxine's POV NAPANGITI ako nang tuluyang makita si Dianara kasama si Jasper. Agad itong tumakbo papalapit sa akin habang suot ang paborito nitong damit at may dalawang ribon pang tali sa kanyang buhok. "I miss you!" Bulong ko rito nang mayakap ko ito ng mahigpit. Ngumiti ito sa akin at agad na humalik sa aking pisngi. "I miss you more, Miss M!"Nakita kong maging si Jasper ay napangiti na lamang sa aming dalawa agad kong hinawakan ang kamay ni Dianara saka hinarap si Jasper. "Any update?" Tanong ko rito at bahagya pang napatango ito sa narinig. "Don't worry, dear!" Nakangisi nitong tugon na ikinairap ko sa kawalan. "May nahanap na ako! And take note, malinis ang record, mabait, mayaman, at guwapo na matipuno pa!" Aniya na ikinailing ko na lang. Hindi ko alam kung may mga katotohanan ba ang mga pinagsasasabi n'ya pero siguraduhin n'ya lang talaga! Iyon na lang ang hinihintay ko para mapasaakin si Dianara bago ito magdiwang ng kaarawan n'ya! I'm planni

  • Love Of Tomorrow   Kabanata 35.3

    Maxine's POV GUSTO ko itong itulak papalayo ngunit agad nitong hinapit ang aking bewang papalapit sa kanya. Unti-unting namuo ang inis sa aking dibdib dahil sa kalapastanganan nitong halikan ako nang basta-basta! "How dare you!" Sa wakas ay matagumpay ko itong naitulak papalayo sa akin at agad na dumapo ang palad ko sa pisngi nito. Malamlam ang mga mata nitong tumingin sa akin habang punong-puno nang galit ang puso ko dahil pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako nito. "Kung sa tingin mo, kagaya pa rin ako ng dating Maxine na nakilala mo puwes, nagkakamali ka Rusty!" Madiin kong saad bago ito nilampasan ngunit agad nitong hinigit ang aking kamay na ikinahinto ko. "I-I'm s-sorry-"Inis ko itong pinasadahan nang tingin at hinarap ng maayos. "Sorry? Sorry for what Rusty? I'm supposed to be with Dianara's operation! But look what you did! Kailangan bang hanggang ngayon guluhin mo pa rin ang buhay ko?!" Gusto kong pigilan ang sarili kong h'wag magsalita nang ma

  • Love Of Tomorrow   Kabanata 35.2

    Maxine's POV PAGOD akong naupo sa kama nang makapag-check-in ako rito sa isang hotel. Sobrang daming tumatakbo sa isip ko at hindi ko na alam kung ano pa nga ba ang dapat kong unahin. I get mad, I'm damn really mad because I should be the one taking care of Dianara. I can't imagine the fact na galit ito sa akin dahil hindi ko natupad ang pangako ko. Sana ay pinag-isipan ko muna ang pagpunta rito, kung puwede ko lang ibalik ang oras I would rather spend my time with that kid! She's precious. I love her and I cannot afford losing her! Akala ko, I can able to do everything for her! But I failed her! I failed her so many times! Napahinto ako sa pag-iisip nang tumunog ang buzzer kaya naman inis akong tumayo! Pinaalala ko nang ayokong may nang-iistorbo sa akin ngunit mukhang hindi ata nila maintindihan iyon! "What is it?" Inis kong tanong nang mabuksan ang pinto dahil inakala kong isa ito sa mga staff ng hotel. Ngunit, napaawang na lamang ang aking labi nang makita si Tyler sa labas.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status