Share

Mutual

THIRD PERSON. 

Kinabukasan, maagang bumangon si Lisa para makapag-ayos na. Alas-otso kasi ang usapan nila ni Jane at ayaw nyang paghintayin ito. 

Pinili nya ang pinaka mainam nyang damit para naman di mapahiya pag nagkita na sila. 

"Naks ah! Ang cool mong tingnan ngayon bunso. At teka.. grabe umaalingasaw yang pabango mo. Hahaha." kantyaw ni Sunny kay Lisa nang sya'y bumaba na galing sa kuwarto.

Abalang nakaharap si Lisa sa salamin habang inaayos ang sarili. 

"Oh ano ang gandang-gwapo ko na ba ha?" tanong nya dito. 

"Oo na sige na wala na akong tutol hehe. Goodluck nalang mamaya!" sang ayon pa ni Sunny.

Matapos ay nagpaalam na sya sa kanila.

"Sige aalis na ako. Ayaw kong maghintay ng matagal ang misis ko hehe." sabi nya sa dalawa saka nagmamadaling umalis.

Hindi naman ganun kalayuan ang bahay nila sa bungad kung saan nya hihintayin si Jane. 

Napatingin siya sa relo nya at maaga pa naman siya ng labing-limang minuto.

"Hmm.. medyo napa aga yata ako ah. Hintayin ko nalang." bulong nya sa sarili at naupo muna sa waiting shed. 

Sa kabilang banda; 

"Irene, gagabihin na ako ng uwi. Ikaw na bahala kay Daniel ha? Take care here. Tatawag nalang ako." bilin ni jane sa kaibigan. 

Dumaan na muna siya sa kuwarto ng anak para silipin ito bago siya umalis. 

"Take care besh. Enjoy hehe." banat ni Irene. 

"Anong enjoy ka dyan? Psh!" taas-kilay na sagot ni Jane. 

Nagmadali na siya at baka maabutan pa ng traffic.

Sumakay na siya sa sasakyan at agad na umalis. 

Nagtext na din muna siya kay Lisa para malaman na parating na siya doon.

-TIME SKIP-

Hindi naman nagtagal ang paghihintay ni Lisa dahil maya maya pa ay natanaw na nya ang sasakyan ni Jane.

Napatayo agad siya nang makitang paparating na ito.

Nang huminto na ay sya namang lapit nya. 

"Hey bakit hindi mo nalang ako hinintay? Sumalubong ka pa." bungad ni Jane sa kanya. 

"Excited na kasi akong makita ka misis ko eh hehe." nakangiting sagot ni Lisa. 

"Aysus ayan ka na naman, ang aga pa sa banat mo. Get in the car na dali!" utos nya dito kaya sumakay na din agad si Lisa.

"Misis ko hindi ba ito abala sayo? Wala kang duty?" tanong nya kay Jane na seryoso sa pagmamaneho. 

"No. Kaya nga ako ang nag-aya sayo eh saka direcho duty ako maya pagtapos natin dun." sagot naman nya. 

"Okay po. Ako rin may pasok mamaya hehe. May trabaho na ako misis ko hindi na ako snatcher!" sabik nyang ikinwento sa kanya. 

"Ohh really? Wow. Good for you then. Sana pagbutihan mo yan. Keep it up." bati nya naman. 

Isang tipid na ngiti din ang pinakita nya kay Lisa.

"Thank you misis ko, para talaga sayo kung bakit ko ito ginagawa eh." tugon nito.

"Lisa, do it for yourself. Kapag umunlad ka sa buhay isa yang malaking achievement sayo. But thank you dahil sinunod mo sinabi ko." seryoso nyang sinabi.

"But wait! Are you sure kaya mo na? I mean you're still injured pa eh." dagdag pa nya. 

"Hehe ayos lang ako misis ko. Mas lalo na ngayon kasi kasama kita. Yiieee kilig ako." banat ni Lisa. 

"HAHAHA para ka na namang sira. Kinilig sa sariling banat..." 

Sa pagkalibang nila ay hindi na nila namalayan ang oras. .

.

.

"Oh we're here na pala oh. Di ko na  napansin ang corny mo kasi." sbi ni Jane.

She immediately parked the car. 

JANE's POV. 

Agad kaming tumungo sa doctor ni Lisa.

"Doc how is she? Wala naman bang infections or what?" usisa ko habang chinicheck nya ang sugat ni Lisa sa ulo. 

"Don't worry, nothing serious naman. But she still needs to keep it clean and change gauze everyday." sabi ng doctor. 

"How about work? Can she go to work na po ba?" tanong ko pa uli. 

Maganda nang maniguro. 

"She can do that naman but just don't do heavy movements to avoid bleeding baka kasi bumuka ang tahi." bilin pa ng doctor. At napatango naman ako bilang pagsang-ayon. 

"Narinig mo yon monkey?" sabi ko kay Lisa na parang naguguluhan. 

"Ah eh ano kasi di ko naintindhan masyado mga sinabi nyo. Puro english. Hehehe." nahihiya nyang nasabi sakin. 

Aish. I forgot about her educational background.

"Lisa sabi ni doc okay na daw yang sugat mo at makakapasok ka sa work pero kailangan mong linisin at palitan ng gasa yan araw-araw at wag gagawa ng mabibigat na gawain okay?" pagpapaliwanag ko sa kanya. 

At napangiti naamn siya, siguro naintindihan na nya. 

"Ay ayun pala yun. Thank you kamahalan." masayang sagot nya sa akin. 

Parang may kung anong kurot sa puso ko. Parang napahiya kasi sya. Hays. I guess i'm kinda insensitive kanina. 

I hate it. I don't want her to feel down. Gusto ko yung lagi syang nakangisi sa akin. 

"Doc, we need to go. Thank you po uli." nagpaalam na kami kay doc at umalis na. 

Sa hallway ay pareho kaming walang kibo habang naglalakad. 

I checked the time and it's almost lunch time. 

"Monkey, tara lunch tayo and after that ihahatid na kita sa inyo." pagyaya ko sa kanya. 

She nodded and just smiled at me. 

-TIME SKIP-

Dito lang kami nagpunta sa isang restaurant sa malapit lang din dito. 

Mula pa kanina pagkatapos ng check-up nya hanggang sa byahe ay hindi na siya nagsalita, puro ngiti at tango nalang ang tinutugon nya sakin. 

Agad kaming nag order ng pagkain at hanggang sa maihain na ito sa akin eh hindi pa din sya kumikibo kung kaya palihim ko syang pinagmamasdan. 

Tahimik lang siya habang kumakain kaming dalawa at di ko maiwasang hindi mapansin yun. 

Sanay na sanay kasi ako na maingay siya at lagi akong kinukulit. 

"Psssttt monkey?" tawag ko sa kanya. 

"Yes kamahalan??" sagot nya sa akin. 

"May itatanong ako at sagutin mo ha?" 

"Opo kamahalan." 

"Ahm monkey, mahilig ka ba sa asukal?" panimula ko. 

"O-opo? Hehe. Why?" 

.

.

.

"Kasi ang tamis ng mga ngiti mo. So please cheer up na." sabi ko. 

Halos hindi ako makapaniwalang sa bibig ko mismo nanggagaling ang mga corny na banat na ito. 

"HAHAHAHA misis ko ikaw ba yan? Aba bumabanat kana ha. Hehe pero kinilig ako hehe." sagot nya habang tumatawa. 

"That's it! I made you laugh na. Hahaha i won't do that again. Ang corny duhhhh." namumula kong sinabi. 

Gosh. First time ko yun.. Kakilabot. 

But in fairness napatawa sya. 

I just want to uplift her mood kasalanan ko kasi naging insensitive ako kanina. 

After naming kumain ay niyaya ko na syang umalis. Kailangan na kasi ako sa station eh nagtext na si Jillian.

"Ihahatid na kita sa inyo ha?" utos ko sa kanya kaso tumanggi sya meron pa daw pala syang pupuntahan so hindi ko na pinilit. 

"Misis ko, ingat ka sa pagpasok ha?" bilin nya. 

"Ikaw rin and goodluck sa work mo monkey." sagot ko at agad na din akong umalis. 

I can see her waving thru the side- mirror of my car. 

"That girl is really sweet." bulong ko sa sarili. 

LISA's POV. 

Hehehe kinikilig pa din ako sa banat niya. Iba ang epekto sa akin. 

Inlababo much na talaga ako sa kanya. Mamaya papasok ako sa trabaho na inspired. 

Sa sobrang kilig ko heto naglalakad ako pauwi. HAHAHA 

Naewan ako kanina sa pagsagot sa kanya kaya tumanggi nalang ako. 

Well di bale na atleast naglalakad akong malapad ang ngiti sa labi. Yun yon eh! 

"Misis ko, susuungin ko ang baha at bagyo mapalapit lang sayo." sabi ko sa sarili. 

Omyghad! Kinikilig ako. HAHAHA. 

Napatakbo ako ng mabilis. 

"Takbo dali takbo! isipin mo nasa finish line ang misis mo!" sabi ko pa uli sa sarili. 

Tumakbo lang ako ng tumakbo. 

Hanggang sa makarating na ako sa bahay. .

.

.

"SA WAKAS NAKAUWI DIN!"" sigaw ko habang humihingal. 

"Napapano ka na naman bunso?Sana normal ka pa." puna ni Nadia sakin. 

"HAHAHA bahala kayo dyan basta masaya ako." sagot ko sabay pasok sa kuwarto. 

-TIME SKIP- 

@The Bar 

Medyo maaga akong dumating dito. Bilin kasi ni madam eh. 

Nandito kami sa backstage kasama ang ilan pang performers. 

Napasilip ako sa labas at nakita kong madami nang tao. 

Grabe biglang dinaga ang dibdib ko. Ibang-iba kasi ito sa mga babaeng tumitili sakin sa ilalim ng overpass hehe. 

"Lisa? Ready ka na? Dala mo ba ang gitara mo?" usisa sakin ni Mam Roseann.

"Ah opo okay na dala ko na." at pinatingin ko ito sa kanya. 

"Pwede bang parinig ng kakantahin mo mamaya??" utos nya at syempre ginawa ko naman.

.

.

.

.

"Hmmm. That's good. Nagustuhan ko. But siguro mas okay kung itong gitara ko ang gagamitin mo. Meron akong extra dyan." sabi nya sa akin. 

"Ipapagamit mo po sa akin ang gitara mo??" nabibigla kong tanong. 

"Yes sure. You can use it all the time kapag nandito ka." 

"Thank you mam." sagot ko. 

Lumabas na sya dahil may mga kaibigan daw syang hinihintay na dumating. 

~~~~~~ 

After some minutes; 

Turn ko na para mag perform sa stage. 

Nakakakaba naman. Paano yun mga nauna sakin may mga band silang kasama samantalang ako.. gitara, boses at ang hot kong katawan ang puhunan ko. Hehehe

Napatitig ako sa dami ng tao na nasa harap. 

Well medyo madilim kaya di ko gaano maaninag ang mukha. 

At heto na nga... 

.

.

.

.

"Good evening sa inyong lahat. Sana magustuhan nyo ang kanta ko." pauna kong salita. 

At nag-umpisa na akong tipahin ang gitara. 

-🎵- 

Wise men say only fools rush in

But i can't help falling inlove with you. 

Shall i stay? Would it be a sin? 

For i can't help falling inlove with you.

Like a river flows surely to the sea 

Darling so it goes 

Something's are meant to be. 

(Nanlaki ang mga mata ko nang may nakita akong pamilyar na mukha. Yung babaeng gusto kong pag-alayan ng kanta, nandito sya ngayon sa harapan ko! Si Jane nandito sya!) 

Take my hand 

Take my whole life too 

For i can't help falling inlove with you. 

(Mula dito ay nagtama ang aming mga mata. Nakangiti ako sa kanya habang nakatitig na tila kami lang ang taong nandito) 

For i can't help... 

Falling inlove with you.. 

-🎵-

Matapos kong kumanta ay agad akong bumalik sa backstage. 

Nilapag ko ang gitara at mabilis na lumabas upang hanapin siya.

Subalit paglabas ko wala na siya sa kinauupuan nya. 

"Hays. Nasaan ka na misis ko bulong ko sa sarili. 

.

.

.

.

"Are you looking for me monkey?" nagulat ako nang may nagsalita mula sa likuran ko. At di ako nagkakamali sya yon. 

"Misis ko! Ikaw nga talaga ang nakita ko!" nakangiti kong sinabi sa kanya. 

"Bakit? May iba pa bang kasing ganda at hot ko??" sagot nya sakin. 

"Wala Ikaw lang nag-iisa. Ikaw lang ang nakikita ng mga mata ko." nauutal kong sinagot sa kanya. 

Laking gulat ko nang hilahin nya ako palapit sa kanya. 

Ngayon ay magkalapit na ang aming mga mukha. 

.

.

.

"Lisa, do you like me? May gusto ka ba sakin?" seryoso nyang tanong habang nakatitig sa mga mata ko. 

Parang may kung ano sa mga titig nya na hindi ko magawang makatagal na makipagtitigan kaya naman napapa-iwas ako ng tingin. 

"Lisa, ano na bakit hindi ka makasagot? Gusto mo ba ako?" tanong nya pa uli. 

"Oo gustong-gusto kita. Ay mali, mahal kita. Mahal na kita.." direcho kong pag-amin sa kanya. 

Hindi naman sya sumagot pero isang ngiti ang binigay nya sakin. 

Parang mahihimatay na yata ako nang nilapit nya pa lalo ang mukha nya sakin. 

Na istatwa nalang ako, namalayan ko nalang na may binulong sya sa tenga ko.

.

.

.

.

.

.

"I like you too, Monkey." bulong nya sabay lakad palayo. 

.

.

Parang biglang huminto ang oras. 

.

.

Tama ba ang narinig ko? 

Gusto nya ako? 

Sinampal-sampal ko pa ang sarili ko at baka nananaginip na naman ako ng gising pero pota ang sakit. 

Totoo nga ito. 

Gusto nya ako! 

Gusto nya din ako!

.

.

.

.

"Hey! Wait. Misis ko?! Sandali!" sigaw ko pero agad na syang nawala sa paningin ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status