Share

It's Because of You

LISA's POV. 

"Good morning mga ate kong magaganda!" bati ko sa kanila pagtungo ko dito sa kusina.

"It's a beautiful life! Oohhh oohh woohhh!"

Ang ganda ng gising ko oh.

Napapakanta pa tuloy ako. 

"Hoy! Napano ka? BOANG KA NA?!" nagtatakang nakatitig si Nadia sakin. 

"Bakit mukha bang oo?? Masaya lang ako. Ganun dapat ate. Start your day with a smile. Try mo nakakagandang-gwapo ito! Hahaha." sagot ko sa kanya habang ako'y nagtitimpla ng kape. 

"HAHAHA ganda ng gising eh may pa ungol pa. Wala na malakas na tama nyang bunso natin!" sabat naman ni Sunny na biglang sumulpot sa likuran ko. 

"Hay naku. Bahala kayong dalawa dyan. Basta ako mag-aalmusal na at maghahanap pa ako ng trabaho nang makabayad na tayo ng kuryente." nakangisi kong sinabi sa dalawa. 

"Maghahanap ka ng trabaho? Saan at paano naman? Alam mo namang mababa lang ang natapos natin." sabi ni Nadia sakin. 

"Ate, kahit na ganito lang tayo meron pa rin naman dyang trabaho na pwede sa atin. At yun ang hahanapin ko. So baka gabihin ako ng uwi ha?" sagot ko pa sa kanila.

"Eh iyang ulo mo ha hindi na ba masakit yan? Baka lumala?" biglang napahawak si Sunny sa mga balikat ko at parang doktor na pinagmamasdan ako. 

"Okay lang ako. Para ito lang eh. Walang-wala ito." paniniguro ko sa kanilang dalawa. 

Kahit maloko itong dalawang ito eh ramdam ko naman ang pag-aalaga nila sa akin. 

Solid ang samahan naming tatlo at yun ang isang bagay na maipagmamalaki ko sa buhay ko.

Nagmadali na akong kumain at nang makapag handa na sa pag-alis.

-TIME SKIP- 

"Aalis na ako ha? Kayo na ang bahala dito." paalam ko sa kanilang dalawa. 

Hinatid pa nila ako ng tingin hanggang sa makalabas ako ng bahay. 

"Goodluck bunso. Swertehin ka sana." sabi pa nila. Pampa swerte ba ganun. At isang ngiti ang isinagot ko sa kanila. 

Ngayon ay nagsimula na akong maglakad, medyo pa tirik na din ang araw.

Nakasuot lang ako ng tshirt na plain at pants. 

Wala eh ganito lang ang afford kong pormahan. 

Tanging pagiging hot and gorgeous lang ang meron ako. Hehehe 

"Goodluck self. Wag kang uuwi hanggang wala kang nahahanap na trabaho okay?" pagpapalakas-loob ko sa sarili. 

Hindi ko man alam kung saan ako pupunta talaga pero magbabaka sakali ako sa bawat madaanan ko.

Naisip kong suyurin ang kalakihan ng lungsod ng Manila. 

Siguro naman ay may makikita ako dito.

Sa paglalakad ko, kung anu-anong personalidad ng mga tao ang nakakasalumuha ko. 

May mga nagtitinda sa bangketa, merong nag-uunahan sa pagsakay ng mga jip at bus. Mga abala sa pagpasok sa trabaho. Meron ding mga nakatunganga lang at naghihintay nalang ng grasya. 

Talagang madami kang makakatagpong iba't-ibang uri ng mga tao dito sa kalsada. 

Subalit nagulat ako nang may biglang kumapit sa braso ko. 

"Pssst, naghahanap ka ba ng trabaho? Meron akong alam para sa tulad mo. You look great. Bagay ito sayo." pauna nyang sabi habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.

Na engganyo ako kung ano ang tinutukoy nya kaya sumama naman ako. 

Pero palapit palang ay alam ko na kung saan kami patungo nito. 

"Hey! Ayaw ko dyan!" kontra ko habang inaalis ang kamay nya sa pagkakahawak sa braso ko. 

Papasok kami dito sa isang club.

"Bakit naman? For sure madaming mga babae at lalaki ang mahihibang sayo. Instant money yun!" tila kinukuha nya ako sa magagandang boka nya pero sorry kasi kahit mahirap ako hindi ako papatol sa ganung bagay. 

"HINDI! Iba nalang wag ako." madiin kong sinabi sabay takbo palayo.

"Wew. Muntik na yun!" bulong ko. Humahangos pa ako sa layo ng itinakbo ko.

Nang makabawi ako ng paghinga ay naglakad na akong muli.

Nagpatuloy lang ako pagtingin ng bawat karatulang may "WANTED" o "JOB HIRING" na nakapaskil. 

Merong mga namimigay ng flyers at nanghihila pa. Easily hired on the spot daw pero alam kong scam lang yon. Wew.

"Naku, nakakagutom pala itong ginagawa ko. Tanghali na pala." napa buntong-hininga ako sabay himas ng tyan ko.

May nadaanan akong lugawan dito sa gilid at pinili kong dito nalang kumain. 

"Ate! Isang plain lugaw nga oh. Pero kung may habag at awa ka sa cute na kagaya ko eh pwede mo na ding samahan ng itlog o tokwa man lang. Hehe." sabi ko sa babaeng tindera, baka gumana. 

"Hahaha. Nakakatawa ka naman." sagot naman nito. 

"Alam mo ba miss ha? Ang pag ngiti ay nakakadagdag ganda sa isang tao. Oh tingnan mo naka ngiti ka na lalo ka tuloy gumaganda." banat ko dito. 

"Uy talaga ba ha? Saan mo naman nalaman yan?" tanong nya sakin. 

"Tumingin ka lang sakin. Halata naman diba sa gandang-gwapo kong ito. At bibihira lang ang sinasabihan ko ng ganyan. Sadyang kanina pa kita napapansin kaya di na ako nakapagpigil na hindi sabihin sayo." hirit ko pa sabay kindat sa kanya. 

"Ay, thank you naman kung ganun. Hehe." sagot nya naman. Tingin ko eh nakuha ko na nga ang loob nya.

Nagugutom na talaga ako. 

Laking tuwa ko nang ihain na nya sakin ang lugaw na may kasamang iba pang pagkain. Wala na akong pinalagpas pa at agad na nilantakan ito. 

.

.

.

.

.

"AHH BUSOG!" sunod-sunod ang pag dighay ko.

Napahimas pa ako sa tyan ko at halos di makalakad sa kabusugan.

Biruin mo lugaw lang ang binili ko pero may libreng itlog, tokwa, lumpia at may pa softdrinks pa si ate. Hehehe. 

"Walang kupas ang moves mo Lisa!" bati ko sa sarili nang napadaan ako sa glass door at nakita ko ang sarili ko. 

Oh heto balik hanap-trabaho uli. 

Lakad dito, lakad doon. 

Usap dito, usap doon. 

Nakakapagod palang maging matinong tao pero ang sarap sa pakiramdam.

Tumingin ako sa relo ko, grabe ala-singko na pala pero wala pa akong nakikita. 

Masakit na din ang mga paa ko kakalakad. 

Pero hindi ako tumigil, hanggang sa may makita akong bar na may nakapaskil na "WANTED SINGER" 

Hmmm.. marunong naman akong kumanta at tumugtog. 

Subukan ko kaya?

Hindi naman siguro ito gaya ng napuntahan ko kanina kasi mukhang disente naman ito. 

.

.

.

"Ahm Good afternoon kuya. Nagtatanggap pa ba ng aplikante?" tanong ko sa guard sa labas.

"Ay sakto andyan pa si boss. Sige pasok ka na!" sabi nya sa akin kaya agad akong pumasok sa loob. 

Grabe ang ganda dito.

Bar sya pero elegante ang dating hindi gaya sa mga napasukan ko na. 

Siguro ay pang mayayaman ito. 

.

.

.

.

"Meron pa bang applicant dyan?" tinig na narinig ko mula sa harap. 

Napasigaw naman ako sa pagsagot. 

"Opo. Meron pa!" sabi ko. 

"On the stage now!" utos nito sa akin kaya naman dalian akong naglakad paakyat sa entablado. 

Teka parang bigla akong kinabahan pag-akyat ko ganoong ako at tatlong tao mula sa harap lang naman ang nandito ngayon. 

"You may start now." sabi ng isa. Medyo di ko maaninag ang mga mukha nila dahil naka dim light. 

Napabuga muna ako ng hangin saka nag-umpisang kumanta. 

-🎵-

L- is for the way you look at me 

O- is for the only one i see 

V- is very very extra ordinary 

E- is even more than anyone that you adore can

Love is all that i can give to you 

Love is more than just a game for two 

Two inlove can make it 

Take my heart and please don't break it 

Love was made for me and you 

Oh love was made for me and you.

-🎵-

.

.

.

"Okay, you may stop." biglang sinabi nito at saka naman nagliwanag ang paligid. 

"Lapit ka dito please." sabi pa nya at agad naman akong sumunod. 

"Your voice is charming and sweet at gusto ko yun. May i know what's your name?" tanong nya sa akin. 

"Ahh a-i am Lisa Mendez. I'm 24 years old." utal kong sagot sa kanya. 

"Hahaha. Hey wag kang kabahan please. Do i look like a serious one? Sorry hehe." sabi pa nya at napangiti naman ako. 

"Do you have an ID with you? Kahit isa lang." sabi pa nya. Mabuti at lagi kong dala ang Driver's License ko. Dati din kasi akong nag sideline as driver.

Saglit nyang tiningnan ito. 

"Okay then you're hired. Pwede ka nang mag umpisa bukas ng gabi" anynsyo nya sakin. 

"Talaga po? Pasok na ako?" tanong ko sa pagka gulat.

"Oo nga. Bukas agahan mo ha? And by the way i'm Roseann. We're just the same age kaya wag ka nang masyadong pormal sakin okay?" pahabol nya pa. 

Sige naman ako sa pag papasalamat sa kanya dahil sa natanggap ako. 

At masaya akong lumabas ng bar bitbit ang mga ngiti ko sa labi.

.

.

.

"YES! MAY TRABAHO NA AKO!" napasigaw ako sa saya.

Ngayon ay pauwi na ako.

Dumaan muna ako sa carinderia at bumili ng pagkain sa bahay. 

Napabili na din ako ng ilang bote ng beer para naman makapag celebrate kaming tatlo kahit kaunti hehe. 

~~~~~~ 

-TIME SKIP- 

"Good evening mga ate ko!" bungad ko sa dalawa. Sabay pa silang napatingin sa akin.

Naabutan ko silang dalawa na nakaupo sa labas habang nagpapaypay.

"Grabe naka busangot kayong dalawa dyan. Oh bumili na ako ng pagkain. Kain na tayo dali! Iinom pa tayo mamaya!" nakangisi kong sinabi sa kanila. 

"Oh himala ah! Anong meron bunso?!" tanong nila sa akin. 

"Well, congratulate me dahil may trabaho na ang bunso nyo! Bukas na bukas papasok na ako hehe." sabi ko. 

"Wow! Congrats bunso! Ang galing ah!" napatayo silang dalawa at napayakap sa akin. 

"Ano namang trabaho yan bunso?" usisa ni Nadia.

"Singer. Hehe. Akalain mo may pinatunguhan yung pakanta-kanta ko sa ilalim ng overpass. HAHAHA." sagot ko.

Nagtawanan kaming tatlo na parang mga sira. 

Matapos ay kumain na kami at saka pumwesto na para uminom. 

~~~~~~~ 

JANE's POV. 

Pagpasok ko palang sa station kaninang umaga eh panay na ang kantyaw sakin ni Jillian. Naikwento kasi ni Irene sa kanya ang nangyari kahapon. 

"OMG. From Prisoner to Lover girl real quick. HAHAHA!" pang-aasar nito sakin habang nagla lunch kami. 

"Shut up jill! Hindi nakakatuwa!" saway ko sabay irap.

"Eh kanino ka natutuwa? Kay Lisa?Yiieee!" pagpapatuloy nya. 

"Isa pa hindi ko babayaran yang mga kinain mo!" inis kong sinabi sa kanya. 

"HAHAHA inis ka na nyan? Pero bakit nagba blush ka? Hehe." 

"JILLIAN?!" 

"Shut-up na ako. Hahaha." 

Tsk. Lakas ng loob talaga nitong asarin ako. 

I'm not blushing kaya like why should i? Psh. 

.

.

.

.

"Ayy jane, nagtext si Roseann oh?" sabi nya. 

"Bakit daw?" tanong ko naman. 

"Eh niyayaya tayo bukas ng gabi daw sa bar nya. Bonding naman daw tayong tatlo. Anong isasagot ko? Pwede ka ba?" 

Napaisip muna ako saglit. 

Next week eh magiging busy na kami ni Jillian with our mission, so better relax muna. 

"Okay tell her na pupunta tayo bukas ng gabi." sagot ko sa kanya at saka nagreply na. 

-TIME SKIP- 

7:00 PM nang nakauwi ako dito sa bahay. 

I was tired the whole day kaya nagshower na ako agad.

Sya nga pala, i need to remind Lisa tungkol sa check-up nya bukas ng umaga. 

Kailangan ko syang samahan don para naman makampante ako na maayos na siya.

Pagtapos nun ay saka nalang ako didirecho sa station.

Itetext ko na siya para mapa-alalahanan na. 

-✉️- 

ME: Good evening Lisa. Check-up mo bukas kaya susunduin kita dyan sa inyo bukas ng umaga. Around 8:00 in the morning.

LISA: Oo nga pala, salamat sa pag remind kamahalan. Mag-iingat ka papunta dito ha? Sa bungad nalang kita abangan para di ka na pumasok dito. 

ME: Okay i will. You should rest now para mapahinga ka na. 

LISA: Yie ang concern naman ng misis ko. Kinikilig ako. Ajujuju 

ME: Whatever monkey! 

LISA: Ay wait misis ko! 

ME: Oh?? 

LISA: May knock-knock ako dali hehehe. 

ME: I knock-knock mo sa noo mo. 

LISA: Dali na kasi, wag KJ misis ko nakakabawas ganda yan sige haha. 

ME: Daming alam. Oo na sige. Who's there?? 

LISA: Pancit Canton ka ba??

ME: Hmp. Why? 

LISA: Eh kasi sa tuwing nakikita kita eh.. "LUCKY ME"!... BOOM KILIG!!! 

ME: Corny duhhh! Parang kang tanga. 

LISA: Mabuti nang maging tanga basta kasama ka, kesa ang dami kong alam wala ka naman. Ayiieee kilig na yan! 

ME: Lakas tama mo monkey.. itulog mo yan. Goodnight na. See you tomorrow. 

LISA: HAHAHA. Goodnight na misis ko. Date tayo sa dreamland. Sweet dreams of me hehe 

-✉️- 

"HAHAHAHAHAHAHA yong unggoy na yon she's so funny!" napatawa ako ng malakas. 

Kanina pa ako nagpipigil ng kakatawa eh. Ang corny talaga non hahaha. 

I put my phone on the table at nagdecide ng matulog. 

I'll be sleeping with a big smile on my face. 

.

.

.

.

"See you tomorrow Lover Girl.." and i closed my eyes. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status