Share

29: Matured

Masaya kaming nagkukwentuhan habang lulan ng sasakyan papuntang mall. Si Harold ang nag dadrive at si Anna ang nasa passenger seat habang ako at ang kambal ay sa backseat.

Busy naman sa paglalaro sa kanyang tablet si Lucia at habang si Lucas naman ay nagmamasid lang sa bintana ng sasakyan.

"Sa ayaw at sa gusto mo sasakay ka ng rides." Napalingon ako kay Anna ng marinig ang sinabi niya.

Napansin ko naman ang mabilis na pag iling ni Harold.

"Alam mo naman na takot ako sa ganyan lalo na't sa matatayog, love." Sagot naman ni Harold.

"Kung mahal mo talaga ako sasamahan mo ako." Nakamangot na sabi pa ni Anna.

Hindi ko maiwasan ang matawa sa pagiging isip bata niya.

Tingnan mo nga naman ang tadhana, kay Luke lamang siya may gusto noon pero ngayon halos hindi na niya kayang lubayan si Harold.

"Huwag mong pilitin kung ayaw." Suhensyon ko at nilingon ako ni Anna habang nakataas ang kanyang mga kilay.

"Ah basta!" Sagot niya lang at hindi ko maiwasan ang mapailing.

Nang lingunin ko naman
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status