Share

LAB— 22

Pagkatapos ko sa clinic, sumunod ako kay Jacob. Nauna na siya sa bahay ni Daddy. Mag-uusap siguro sila about sa business. May bakas pa ng laser ang aking mukha pero ayos lang 'to. Masasanay na lang si Jacob sa akin kalaunan. Total, para sa pagpapaganda ko din naman 'to.

"Ano'ng nangyari sa mukha mo?" nakangiwing tanong ni Cora pagdating ko.

"Nagpa-laser ako."

"Para saan naman iyan? Baka nagsasayang ka lang ng pera." Heto na naman siya. Ganito na talaga siya kahit noon pa.

"Mga six sessions pa siguro bago makita ang magandang result. Sina Daddy pala?"

"Nandoon sa garden, nagkakape sila."

Sumunod na ako sa garden.

"Daddy!" Tumatawang niyakap ako ni Daddy.

"Kumusta na ang unica hija ko? Lumiit ka yata."

Tumawa ako. "Yes, Dad."

"Pumusyaw ka din. Nagiging kamukha mo na ang mommy mo." Hinaplos niya ang buhok ko dahil hindi niya puwedeng haplusin ang aking pisngi na nakasanayan na niyang gawin.

"I miss you, Daddy."

"Na-miss din kita, Anak."

"Sorry at busy ako palagi, hindi ako nakakapu
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Margie Roylo
as in gulat ako Miss Shynn nakakaexcite ang galing mo po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status