Share

LAB— 2

Penulis: Shynnbee
last update Terakhir Diperbarui: 2024-02-02 17:52:49

Halos hindi ako nakatulog, pakiramdam ko ay lumulutang ako. Ang saya-saya ko at hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari. Ang hiniling ko lang naman ay magustuhan ako ni Jacob, pero higit pa doon ang binigay ng tadhana. Pakakasalan niya ako.

Maaga akong bumangon upang makapaghanda. Pupunta ngayon sina Jacob para pag-usapan ang gaganapin naming kasal.

Nagsuot ako ng pants at tshirt. Hindi ako makapag-dress dahil pumuputok ang bilbil ko. Alangan naman na magsuot ako ng maternity dress, e di, magmumukha lang akong malaki lalo.

Naglagay ako ng polbo at liptint. Hindi na ako nag-make up dahil mangangati lang ang mukha ko. Baka mag-break out na naman ako. Wala ng space sa aking mukha ang mga tagyawat. Labi at mata ko na lang ata ang hindi tinutubuan ng tagyawat. Maganda naman ako, e. Nang bata ako. Kaso habang lumalaki ako, literal na lumalaki ako dahil padagdag nang padagdag ang aking timbang. Tapos mula nang magkaroon ako hindi na din ako nawawalan ng tagyawat.

"Good morning, Nanay Sion," bati ko sa matandang katiwala namin. Siya na ang tumayo kong ina, dahil namatay ang mommy ko nang ipanganak niya ako. Hindi na din nag-asawa si Daddy. Pinili niyang alagaan ako at palaguin ang mga business niya. Single mother si Nanay Sion. At kasama niya na ding tumira dito sa bahay ang kaibigan kong si Cora. Sabay kaming lumaki, para na kaming magkapatid. Siya lang ang kaibigan na mayroon ako.

Gising na din si Cora. Naghahanda siya ng almusal namin. Sabay-sabay kaming kumain nina Daddy. Masaya si Daddy ngayon, pero hindi niya kayang itago sa akin ang kaba na nararamdaman niya.

Niyakap ko siya. "Huwag kang mag-alala, Daddy. Dito naman kami titira ni Jacob after the wedding, e."

"May bahay si Jacob at mas malapit iyon sa trabaho niya, Anak."

"Mami-miss kita, daddy." Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Masanay ka na, Anak. Hindi naman habang buhay na narito ang daddy. Masaya ako na lalagay ka na sa tahimik."

Bigla ko tuloy naisip ang bagay na gumugulo sa aking isipan mula pa kagabi. Bakit biglang nagpropose si Jacob? Did something happened that I didn't know?

Nag-tea kami ni Daddy sa kaniyang study room. At doon ko naisipang itanong sa kaniya ang nasa isipan ko.

"Dad, pinagkasundo niyo ba kami ni Jacob?"

Napaubo si Daddy. "Nakita mo na ba ang isang property natin na 'to, Anak?"

"Daddy?" Taas kilay ko siyang tiningnan.

Tumikhim siya at nakangiti akong pinagmasdan. "He likes you and he ask me your hand for marriage. I know that you likes him, so..." Nagkibit balikat siya. "You're at the right age to get married. Hindi na ako mag-aalala kapag nawala ako sa mundo."

"Daddy! Don't say that. Mabubuhay ka pa ng mahaba. Hanggang 100 years old." Tumawa siya.

"I hope so. Gusto kong makita pa ang mga apo ko. Gusto kong mag-alaga ng mga apo.. damihan niyo ang anak niyo, huh."

"Grabe naman ang damihan."

"Kayang-kaya niyo naman silang palakihin ng maayos. Kahit ilan pa iyan."

Kasal. Tapos ngayon anak. Hindi pa nagsi-sink in sa aking utak ang lahat. Hindi ko nga alam kung gusto na ni Jacob na magkaanak kami. At ilang anak naman kaya ang gusto niya?

Dumating sina Jacob ng lunch time. May meeting pa daw kasi siya kanina kaya lunch na sila nakapunta.

Nagplano kami ng tungkol sa kasal. Gusto ni Daddy na enggrandeng church wedding, but Jacob wants a beach wedding at pili lang ang imbitado. Iyong mga kamag-anak lang namin. Gusto ko din iyon, dahil wala naman akong mga kaibigan. Magandang ikasal sa sunset. Ito ang idea ni Jacob. Ngayon ko lang nalaman na romantic pala siya. Seryoso kasi siyang tao. Nagkaroon naman siya ng mga girlfriends pero parang hindi siya sweet sa mga ito. O siguro hindi lang siya seryosong sa kanila noon. I'm a lucky bitch.

Two weeks lang ang preparation namin, bago ang kasal. Kinikilig ako dahil parang nagmamadali na si Jacob na ikasal kami.

"Bukas, sasamahan kita na magsukat ng dress," sabi ng kaniyang mommy na magiging mother in law ko na soon.

"Sige po, T-Tita," nahihiya kong sambit.

"Mommy, hija." Namumula ang pisngi ko dahil sa hiya.

"Oh, siya mauna na kami. Sunduin na lang kita bukas dito."

"Sige po, M-Mommy." Sumama din sa kanila sa pag-alis si Jacob. May meeting daw ulit ito. Gusto ko pa man din sana siyang makausap. Pero di bale na nga lang, sa oras na ikasal na kami araw-araw na kaming magkasama. At magkatabi pa kami sa pagtulog.

Impit akong napatili sa kilig.

"Grabe naman iyan! Ano'ng iniisip mo, huh?" Tukso sa akin ni Cora.

"W-Wala."

"Ikaw talaga. Aalis pala ako. Bibili ako ng regalo para kay Nanay.".

"Gusto mong samahan kita?"

"Hindi na. Kaya ko na 'to, saka di ba, may gagawin ka pa na work?"

"Oo nga pala. Pero sure ka na hindi kita samahan? Puwede ko namang gawin iyong trabaho ko mamayang gabi."

"Ano ka ba, kayang-kaya ko na iyon. Sige na."

Nagmamadali na itong umalis. Nag-book siya ng grab. Hindi niya ginamit ang kaniyang sasakyan. Regalo ko sa kaniya nang birthday niya last year.

Umakyat na din ako sa taas. Madami akong gagawin at hindi ako puwedeng matambakan ng trabaho, lalo at plano kong magpahinga ng ilang linggo after ng wedding. Gusto kong pagsilbihan si Jacob. Wala pa pala kaming napag-usapan about honeymoon. Nag-init ang aking mukha. Honeymoon. Gagawin namin ang bagay na iyon.

Dapat pala magpa-wax ako bukas, para honeymoon ready ako. Magpapa-salon din ako at magpapa-body scrub para tanggal ang mga libag ko sa katawan.

Excited na ako. Ganado akong nagtrabaho at hindi ko namamalayan na gabi na pala.

Nagugutom na ako pero naisipan ko na kailangan kong mag-diet kaya hindi na lang ako kakain ngayong gabi. Iinom na lang ako ng madaming tubig tapos itutulog ko na lang.

Naligo na muna ako at habang nagpapaantok ay nag-text ako kay Jacob.

"Hi, nakauwi ka na ba?"

Habang naghihintay ako ng kaniyang reply, pinalitan ko ang naka-register niyang pangalan sa aking contacts.

Hubby... Iyan ang pinalit ko.

"Pauwi pa lang."

Kumunot ang aking noo. Hindi man lang tinanong kung ano ang ginagawa ko. Pero okay na din 'to na nag-reply siya. Dati never siyang nag-text sa akin. Kahit nang binati ko siya nang Christmas, new year, valentines day at birthday niya. Pati nang birthday ng mommy at daddy niya t-in-ext ko din siya para batiin ang mga 'to pero hindi man lang siya nag-reply.

Bumuntong hininga ako. Matutulog na nga lang ako.

Nag-beep ang celphone ko. Hindi ko na sana titingnan ito pero nasilip ko ang pangalan ni hubby.

"Go to sleep. Goodnight, wife." Napatili ako sa kilig. Grabe, ang sweet naman ng hubby ko.

Halos mapunit ang labi ko sa laki ng pagkakangiti ko habang nagtitipa ako ng reply.

"Goodnight too, hubby." Naglagay din ako ng emoji kisses at hearts.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku may matinding dahilan si jacob kaya inaya ksng magpakasal siguro nalulugi na negosyo nila
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Love and Betrayal    SPECIAL CHAPTER.

    One year later..."Kumusta ang mga babies ko?" Nadatnan ko sina Zion, Pearl at Saphire na naglalaro sa garden. Dito sila naglalakad-lakad kapag ganitong oras. Paggising nila, gusto na nilang lumabas agad. Sobrang kulit at likot na nilang tatlo. Tumatalbog ang mamula-mulang pisngi ng tatlong babies na nag-uunahan na lumapit sa akin. Miss na miss ako ng mga anak ko. Natatawa naman akong naghintay sa kanila na makalapit. Gustong-gusto ko na silang mayakap pero hinayaan ko silang lumapit sa akin. Nauna si Zion na makalapit sa akin. Si Pearl naman ay ilang hakbang pa ang layo sa akin. Samantalang si Sapphire naman ay sinadyang dumapa at umiyak. Siya ang artista sa mga triplets. Masyado siyang madrama. Natatawa namang lumapit sa kaniya si Ziyad. Kauuwi lang din niya galing trabaho. "Don't cry, Daddy is here." Syempre, Daddy to the rescue na naman. Hindi niya matiis na umiiyak ang kaniyang anak. Hinalikan niya ito pero umiiyak pa din si Saphire. Gusto niyang siya ang mauna sa akin. Bin

  • Love and Betrayal    SPECIAL CHAPTER

    Nagkatitigan kami ni Ziyad. Alas-tres na ng madaling araw pero hindi pa din kami natutulog. Pinagtutulungan naming alagaan ang triplets. Masama ang pakiramdam ni Mommy kaya pinatulog na muna namin siya. Kailangan niya ng pahinga.Kahit walang maayos na tulog gabi-gabi, masaya kaming mag-asawa. Ang tatlong munting anghel namin na mga iyakin ang nagiging source ng lakas at kaligayahan namin sa araw-araw. Tulog na si Zion. Siya ang pinakamabait sa kanilang tatlo. At siya din ang kamukhang-kamukha ng kaniyang Daddy. Ang dalawang babae naman ay hati sa mukha namin. Kamukha sila ng aming mga ina. Hati ang mukha nila. Gising pa sila. Nagpapakarga habang nakatitig sa aming mukha. Hinawakan ko ang kamay ni Pearl at agad naman niyang hinawakan ang aking daliri. "Hindi ka pa inaantok?" malambing kong tanong sa kaniya. Kinakausap ko kahit na hindi pa naman siya nakakaintindi at hindi pa nakakapagsalita. She's just two months old. "Inaantok ka na?" masuyo naman na tanong ni Ziyad sa aking tab

  • Love and Betrayal    EPILOGUE

    ZIYAD Wala naman akong ibang intensiyon sa pagkupkop sa kaniya sa resthouse namin noon sa Romblon, pero nang magising siya at malaman ko na wala siyang maalala, doon pumasok sa utak ko ang idea na magpanggap na asawa niya. Kahit ngayon lang, kahit sandali lang at kahit kunwari lang. Sinamantala ko ang pagkakataon. Nakakaramdam ako ng guilt pero mas lamang iyong saya na kasama ko siya. Nalalapitan at nahahawakan ko siya. Nasasabi ko sa kaniya na mahal ko siya at kahit alam kong kunwari lang, masaya ako kapag naririnig ko ang paglalambing niya sa akin. Alam ko namang sandali lang lahat ng ito. May nagmamay-ari sa kaniya, may asawa siya at lalong may iba ng laman ang puso niya pero naging selfish ako. Hindi ko siya kayang ibalik, lalo pa at kakaiba ang nararamdaman ko sa pagsabog ng yacht few weeks after her Dad's death. Paano kung hindi natural ang cause of death niya, kung hindi pinatay din siya. Wala man lang naghanap sa kaniya. After few weeks nag-assume na agad sila na patay na

  • Love and Betrayal    LAB— 66

    "Mataba! Pangit! Walang Mommy!" Binu-bully na naman nila si Precious Real. Tiningnan ko ang pinsan ko at nakuha naman niya agad ang gusto ko. Inutusan niya ang mga kaibigan niya na sawayin ang mga babae na nanlalait at nanunukso kay Precious. "Balyena!""Elepante!""Hoy, ano'ng ginagawa niyo? Huh?! Makalait kayo, ah." Lumapit na ang mga kaibigan ng pinsan ko. "Bakit, totoo naman na mataba siya, ah.""Oh, ano ngayon? Madami silang pambili ng pagkain, e! Mayaman sila! Eh, kayo ba mayaman ba kayo? Eh, nagtatrabaho lang naman ang mama mo sa factory ng mga Smirnova, ah! Ah, poor!"Ngayon nabaliktad na ang sitwasyon. Sila naman ang na-bully. Walang kasama si Precious ngayon. Hindi niya kasama ang kaibigan niya na si Cora. Anak ng kanilang maid. How did I know this? I did some research. Grade two pa lang kami nang napapansin ko na siya. Hindi pa siya ganoon kataba noon, pero ngayon na grade five na kami, tumaba siya lalo. Pero wala naman akong makita na masama kung mataba man siya. She'

  • Love and Betrayal    LAB— 65

    Simpleng kasal lang naman ang plano namin, pero hindi simpleng kasalan ang nangyari. Our wedding was held in Chateau de Chantilly. This venue holds only few weddings a year and I feel so lucky and thankful that my first wedding was held here. Mayayakap ko talaga ng mahigpit ang Mommy ni Ziyad mamaya. Nagsimula na akong magmartsa. At hindi ako mag-isa na maglalakad sa aisle na mayroong nagkalat na mga pale pink at puting mg flower petals. Ihahatid ako ng Daddy ni Ziyad sa altar. Siya mismo ang nag-offer sa akin kagabi. Emosyonal ako ngayon, dahil bukod sa wala na akong mga magulang at kamag-anak na saksi sa pagpapakasal ko, sobrang saya din ng puso ko. Dahil pagkatapos ng pinagdaanan ko at pagkatapos ng sakripisyo na ginawa ni Ziyad, here we are today, ready to commit to each other until death do us part. "My dearest, Ziyad. We've come a long way until we found our way back in each others arms. As I set foot here at the City of Love, I already made a promise to love you and serve y

  • Love and Betrayal    LAB— 64

    "Why are you looking at me like that?" nagtataka ngunit may ngiti sa labi na tanong ni Ziyad. I giggled. "Nagkuwentuhan kami ng Mommy mo kanina. Pinakita niya sa akin iyong mga photo album mo. Pati iyong mga pictures ko mula elementary." Ngumuso ako. Nag-iinit pa ang pisngi ko dahil sa kilig. Mahina naman siyang tumawa. Binitawan niya saglit ang kaniyang celphone upang ituon ang buong atensyon sa akin. "Did you hire a private investigator? Kahit nang umalis ka na ng bansa, may mga kuha ka pa din kasi na mga pictures ko.""Yeah. Iyong scholar namin."Sumimangot ako. "Kawawa naman. Ginawa mo pang stalker ko.""Bayad naman siya. I'm sending him money monthly, in exchange for the pictures."Iiling-iling kong hinaplos ang guwapo niyang mukha. "Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Napapatanong ako kung bakit ako? Sa dinami-dami ng babae sa mundo, bakit ako?""Kasi naniniwala ako na nakatadhana talaga tayo sa isa't isa. Kaya hindi ako tumigil na mahalin ka kahit sa mga panahon

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status