Share

LAB— 3

Penulis: Shynnbee
last update Terakhir Diperbarui: 2024-02-02 17:53:16

Hindi ako nasamahan ni Jacob sa pagsusukat ng mga wedding dress pero naintindihan ko naman, alam ko kung gaano siya ka-busy.

Mabuti na lang at sinamahan ako ng kaniyang mommy. Hindi nakasama si Cora ngayon. Masama ang kaniyang pakiramdam, kaya sinabi ko na magpahinga na lang siya.

Gusto kong maiyak dahil halos walang magkasya sa akin na wedding gown dahil sa laki ko. At ang mga big sizes na available dito sa boutique ay hindi pa mga wedding gown.

Nagpatahi na lang kami kaysa lumipat pa ng ibang boutique. Baka ganoon din sa iba, magsasayang lang kami ng oras.

Napakasimple lang ng pinagawa kong wedding gown. Sinunod ko na lang si Mommy at ang sinabi ng designer. Sabi nila bagay daw iyon sa akin. Masyadong mabilis. Kung next year pa ang kasal, baka pumayat na ako n'on. Kung alam ko lang na magpapakasal ako this year, sana sinunod ko ang new years resolution ko na mag-da-diet at magwo-work out ako, kahit na napakahirap gawin.

Pumili din kami ng shoes. Flat lang dahil masyado akong mabigat. Pagkatapos ay bumili kami ng jewelry.

Kahit napagod ako, nag-enjoy naman akong kasama si Mommy. Alas tres na nang matapos kami sa aming lakad kaya nagpasya na akong umuwi.

Habang nagpapahinga, tiningnan ko ang aking celphone. I was not expecting Jacob to text me, kaya naman ganoon na lang ang saya ko nang makita ko ang kaniyang text message. Tatlo ito.

"Kauuwi ko lang." Iyan ang sagot ko. I wanted to open some topics para sana mag-reply siya kaso hindi talaga ako magaling sa pakikipag-usap. Hindi talaga ako sanay makisalamuha. Hindi ako confident, nahihiya akong makisalamuha dahil pakiramdaman ko hinuhusgahan ako ng mga tao.

Tiningnan ko ang picture ni Mommy na nasa aking table. Ang ganda-ganda ni Mommy. Hindi ko man lang namana sa kaniya ang kaniyang ganda. Parang labanos ang makinis niyang kutis, habang ako ay hindi makinis, walang peklat pero magaspang ang aking balat at hindi pantay ang aking kulay. May dimples siya, samantalang madami naman akong mga pimples. Balingkinitan ang kaniyang katawan, samantalang ako ay dambuhala. Ninety five kilos ako, overweight. Pero buti na lang at matangkad ako.

Siguro kailangan kong alagaan ang sarili ko mula ngayon. Kailangan kong mag-diet at umiwas sa mga unhealthy foods. Mag-e-enroll na din ako sa gym, at magsisipag ng mag-skin care.

Kaso heto ako ngayon, kumakain ng cake at burger kasama si Cora. Dinalhan niya ako dito sa aking kuwarto.

"Mag-da-diet na ako, e," reklamo ko habang ngumunguya.

"Saka ka na mag-diet kapag married na kayo. Saka tanggap ka naman ni Jacob, iyon ang mahalaga."

Napangiti ako sa sinabi ng aking kaibigan. Oo nga, no. Kahit mataba ako at hindi maganda, tanggap niya ako. Pakakasalan pa nga.

"Kinilig ka naman," natatawang sabi ni Cora kaya inirapan ko siya.

"Niloloko mo yata ako, e."

"Hindi, ah. Siya kumain na tayo. Ubusin natin 'to." Mabuti pa si Cora, makinis at hindi tinitigyawat. Five flat lang pero balingkinitan ang katawan.

"Nga pala, kapag kinasal ka na, mag-isa na lang ako." Ngumuso siya.

Oo nga, no. Ngayon ko lang naisip iyon. Tiningnan ko ang malungkot na itsura ng aking kaibigan.

"Hayaan mo, palagi naman tayong magkikita. Magkakape tayo araw-araw."

"Sige. Promise mo iyan, ha. Dadalawin din kita sa bahay niyo ni Jacob."

"Sige. Pasyalan mo kami."

Antok na antok ako pagkaubos ko ng kinain namin ni Cora. At nang magising ako, alas-dies na ng gabi. Dinampot ko ang cellphone ko na nasa aking tabi. Kanina ko pa 'to hinahanap, e.

"Shocks!" Ang daming mga text ni Jacob. May misscalls pa. Ngayon ko lang nabasa ang message niya kaninang alas-singko. Inaaya niya akong mag-dinner sa labas.

Nakakainis naman! Agad kong tinawagan ang lalake pero hindi na ito sumasagot. Mukhang nakatulog na siya.

Baka galit siya sa akin? Hindi na ako tuloy ako makabalik sa pagtulog. Nagpasya akong bumaba upang uminom ng tea, dahil sumasakit ang tiyan ko. Nasobrahan ata ako sa pagkain.

"Si Cora po tulog na?" Gising pa ang mga kasambahay namin. Sila na mismo ang nag-asikaso sa aking tea.

"Umalis po, Ma'am. Kanina pang alas-siete."

"Saan daw po nagpunta?"

"Hindi sinabi, Ma'am, e."

"Ali, saan daw nagpunta si Cora?"

"May birthday ata ang isa sa malayong kamag-anak?"

Napatango ako. May mga lakad talaga si Cora na hindi ako kasama. At kahit ayain naman niya ako, hindi ako sasama dahil mahiyain ako.

Pagkainom ko ng aking tea ay umakyat na ulit ako sa aking kuwarto. Wala pa ding text si Jacob. Tulog na siguro siya.

Kinaumagahan, nag-text uli ako sa kaniya. Sinabi ko na babawi ako sa kaniya ngayon, kung hindi siya busy. Natapos na akong maligo at magbihis pero wala pa din siyang reply. Siguro ayos lang naman na puntahan ko siya sa kaniyang opisina. Total fiance ko naman siya.

"Good morning po, Daddy!" Nakaupo na sa dining si Daddy. Nagbabasa siya ng dyaryo at nakabihis na din.

"Good morning, hija."

"Nasaan si Cora? Kakain na tayo," sabi ni Dad sa maid.

"Eh, hindi pa po umuuwi si Cora." Napatingin ako sa maid. Hindi pa umuwi? Bakit kaya?

"Nagpaalam po na hindi uuwi si Cora?" nag-aalalang tanong ko kay Manang.

Napakamot ito ng ulo. "Kanina lang. Kung hindi ko pa tinawagan hindi pa magpapaalam."

Tumawa si Daddy. "May boyfriend na ba si Cora?"

"Hindi ko alam, Sir. Wala naman siyang sinasabi sa akin."

Wala din siyang nakukuwento sa akin. Ako ang una niyang pagsasabihan kapag mayroon na siyang boyfriend. Wala pa siyang nakukuwento na manliligaw sa akin, o kahit ng lalakeng natitipuhan niya.

Uminom ako ng kape pagkatapos kong kumain ng isang slice ng loaf.

"Aalis na po ako, Dad. Pupuntahan ko po si Jacob."

"Sige, hija. Mag-ingat ka."

Nagpaayos pa ako sa isang parlor bago ako magpunta sa opisina ni Jacob.

"Wala po si Sir Jacob, Ma'am."

"May meeting ba? Hihintayin ko na lang."

"Nasa Batangas po, Ma'am. May biglaang meeting kasama ang isang client."

Gano'n? Ch-in-eck ko ang aking celphone. Wala pa din siyang reply hanggang ngayon.

"Sige, salamat."

Sayang naman ang pagpapaganda ko, hindi ko din naman pala makikita ngayon si Jacob.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Margie Roylo
Aguy bestfriend mo ang kameeting niya Precious isip isip din wag magpadalusdalos
goodnovel comment avatar
laysamaesuleik
c cora at jacob ata may relasyon ei ginagamit lng tong bida para magkalapit pa sila lalo
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Love and Betrayal    SPECIAL CHAPTER.

    One year later..."Kumusta ang mga babies ko?" Nadatnan ko sina Zion, Pearl at Saphire na naglalaro sa garden. Dito sila naglalakad-lakad kapag ganitong oras. Paggising nila, gusto na nilang lumabas agad. Sobrang kulit at likot na nilang tatlo. Tumatalbog ang mamula-mulang pisngi ng tatlong babies na nag-uunahan na lumapit sa akin. Miss na miss ako ng mga anak ko. Natatawa naman akong naghintay sa kanila na makalapit. Gustong-gusto ko na silang mayakap pero hinayaan ko silang lumapit sa akin. Nauna si Zion na makalapit sa akin. Si Pearl naman ay ilang hakbang pa ang layo sa akin. Samantalang si Sapphire naman ay sinadyang dumapa at umiyak. Siya ang artista sa mga triplets. Masyado siyang madrama. Natatawa namang lumapit sa kaniya si Ziyad. Kauuwi lang din niya galing trabaho. "Don't cry, Daddy is here." Syempre, Daddy to the rescue na naman. Hindi niya matiis na umiiyak ang kaniyang anak. Hinalikan niya ito pero umiiyak pa din si Saphire. Gusto niyang siya ang mauna sa akin. Bin

  • Love and Betrayal    SPECIAL CHAPTER

    Nagkatitigan kami ni Ziyad. Alas-tres na ng madaling araw pero hindi pa din kami natutulog. Pinagtutulungan naming alagaan ang triplets. Masama ang pakiramdam ni Mommy kaya pinatulog na muna namin siya. Kailangan niya ng pahinga.Kahit walang maayos na tulog gabi-gabi, masaya kaming mag-asawa. Ang tatlong munting anghel namin na mga iyakin ang nagiging source ng lakas at kaligayahan namin sa araw-araw. Tulog na si Zion. Siya ang pinakamabait sa kanilang tatlo. At siya din ang kamukhang-kamukha ng kaniyang Daddy. Ang dalawang babae naman ay hati sa mukha namin. Kamukha sila ng aming mga ina. Hati ang mukha nila. Gising pa sila. Nagpapakarga habang nakatitig sa aming mukha. Hinawakan ko ang kamay ni Pearl at agad naman niyang hinawakan ang aking daliri. "Hindi ka pa inaantok?" malambing kong tanong sa kaniya. Kinakausap ko kahit na hindi pa naman siya nakakaintindi at hindi pa nakakapagsalita. She's just two months old. "Inaantok ka na?" masuyo naman na tanong ni Ziyad sa aking tab

  • Love and Betrayal    EPILOGUE

    ZIYAD Wala naman akong ibang intensiyon sa pagkupkop sa kaniya sa resthouse namin noon sa Romblon, pero nang magising siya at malaman ko na wala siyang maalala, doon pumasok sa utak ko ang idea na magpanggap na asawa niya. Kahit ngayon lang, kahit sandali lang at kahit kunwari lang. Sinamantala ko ang pagkakataon. Nakakaramdam ako ng guilt pero mas lamang iyong saya na kasama ko siya. Nalalapitan at nahahawakan ko siya. Nasasabi ko sa kaniya na mahal ko siya at kahit alam kong kunwari lang, masaya ako kapag naririnig ko ang paglalambing niya sa akin. Alam ko namang sandali lang lahat ng ito. May nagmamay-ari sa kaniya, may asawa siya at lalong may iba ng laman ang puso niya pero naging selfish ako. Hindi ko siya kayang ibalik, lalo pa at kakaiba ang nararamdaman ko sa pagsabog ng yacht few weeks after her Dad's death. Paano kung hindi natural ang cause of death niya, kung hindi pinatay din siya. Wala man lang naghanap sa kaniya. After few weeks nag-assume na agad sila na patay na

  • Love and Betrayal    LAB— 66

    "Mataba! Pangit! Walang Mommy!" Binu-bully na naman nila si Precious Real. Tiningnan ko ang pinsan ko at nakuha naman niya agad ang gusto ko. Inutusan niya ang mga kaibigan niya na sawayin ang mga babae na nanlalait at nanunukso kay Precious. "Balyena!""Elepante!""Hoy, ano'ng ginagawa niyo? Huh?! Makalait kayo, ah." Lumapit na ang mga kaibigan ng pinsan ko. "Bakit, totoo naman na mataba siya, ah.""Oh, ano ngayon? Madami silang pambili ng pagkain, e! Mayaman sila! Eh, kayo ba mayaman ba kayo? Eh, nagtatrabaho lang naman ang mama mo sa factory ng mga Smirnova, ah! Ah, poor!"Ngayon nabaliktad na ang sitwasyon. Sila naman ang na-bully. Walang kasama si Precious ngayon. Hindi niya kasama ang kaibigan niya na si Cora. Anak ng kanilang maid. How did I know this? I did some research. Grade two pa lang kami nang napapansin ko na siya. Hindi pa siya ganoon kataba noon, pero ngayon na grade five na kami, tumaba siya lalo. Pero wala naman akong makita na masama kung mataba man siya. She'

  • Love and Betrayal    LAB— 65

    Simpleng kasal lang naman ang plano namin, pero hindi simpleng kasalan ang nangyari. Our wedding was held in Chateau de Chantilly. This venue holds only few weddings a year and I feel so lucky and thankful that my first wedding was held here. Mayayakap ko talaga ng mahigpit ang Mommy ni Ziyad mamaya. Nagsimula na akong magmartsa. At hindi ako mag-isa na maglalakad sa aisle na mayroong nagkalat na mga pale pink at puting mg flower petals. Ihahatid ako ng Daddy ni Ziyad sa altar. Siya mismo ang nag-offer sa akin kagabi. Emosyonal ako ngayon, dahil bukod sa wala na akong mga magulang at kamag-anak na saksi sa pagpapakasal ko, sobrang saya din ng puso ko. Dahil pagkatapos ng pinagdaanan ko at pagkatapos ng sakripisyo na ginawa ni Ziyad, here we are today, ready to commit to each other until death do us part. "My dearest, Ziyad. We've come a long way until we found our way back in each others arms. As I set foot here at the City of Love, I already made a promise to love you and serve y

  • Love and Betrayal    LAB— 64

    "Why are you looking at me like that?" nagtataka ngunit may ngiti sa labi na tanong ni Ziyad. I giggled. "Nagkuwentuhan kami ng Mommy mo kanina. Pinakita niya sa akin iyong mga photo album mo. Pati iyong mga pictures ko mula elementary." Ngumuso ako. Nag-iinit pa ang pisngi ko dahil sa kilig. Mahina naman siyang tumawa. Binitawan niya saglit ang kaniyang celphone upang ituon ang buong atensyon sa akin. "Did you hire a private investigator? Kahit nang umalis ka na ng bansa, may mga kuha ka pa din kasi na mga pictures ko.""Yeah. Iyong scholar namin."Sumimangot ako. "Kawawa naman. Ginawa mo pang stalker ko.""Bayad naman siya. I'm sending him money monthly, in exchange for the pictures."Iiling-iling kong hinaplos ang guwapo niyang mukha. "Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Napapatanong ako kung bakit ako? Sa dinami-dami ng babae sa mundo, bakit ako?""Kasi naniniwala ako na nakatadhana talaga tayo sa isa't isa. Kaya hindi ako tumigil na mahalin ka kahit sa mga panahon

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status