Napabuntong-hininga si Josh, tumayo siya mula sa upuan at lumapit sa bintana ng silid. Sa labas, tanaw ang madilim na langit na tila sumasalamin sa bigat ng sitwasyong kanilang kinakaharap.“’Yan nga ang sinusubukan kong gawin, Dad. Pero kahit anong pag-iingat namin, laging may sumusulpot na bago. Parang hindi nauubos ang panganib. At sa totoo lang... natatakot na rin ako.”Tumayo ang kanyang ama at lumapit sa kanya, marahang tinapik ang balikat ng anak. “Natural lang ang matakot, anak. Pero huwag mong hayaang lamunin ka ng takot. Kung mahal mo talaga si Renzelle, kung gusto mong ilaban ang pamilyang binubuo n’yo, kailangan mong tumayo nang mas matatag kaysa dati.”"Sana.. dumating ang panahon na mapatawad na ako ni Renzelle ng tuluyan.. Masakit sa akin na madalas pinipili ko si Ellaine dahil sa sitwasyon, dahil akala ko, mauunawaan niya ako. Iba pala ang babae kapag nanahimik na, dad.. nakakatakot.." sagot ni Josh sa ama.Tumango ang kanyang ama, mabigat ang titig kay Josh. “Tama ka,
"Baka mahal ka lang talaga ni Ellaine.." naiiling na sabi ng kanyang ama."Daddy.. asawa jo si Renzelle.. asawa ko na siya.." sagot ni Josh.Nangunot ang noo ng kanyang ama sa kanyang sinabi.Asawa?"Anak, anong ibig sabihin ng asawa? kasama mo sa bahay? naglilive in na kayo?""Hindi, daddy, asawa ko na talaga siya.. asawa ko siya, kasal kami..""Ha?" nagulat ang kanyang ama sa sinabi niya, "kasal ka na? totoo? akala ko noong una, live in lang kayo?"Napasinghap ang ama ni Josh, kita sa kanyang mukha ang pagkagulat at tila bahagyang pagkadismaya. “At kailan mo balak sabihin sa amin ’yan, anak? Paano na lang kung hindi ko tinanong ngayon? Aasa na lang ba kaming malaman kapag may apo ka nang biglang lumitaw sa pintuan?”Huminga nang malalim si Josh, pinilit ang sarili na manatiling kalmado kahit alam niyang may bahid ng pagkukulang sa ginawa niya. “Dad… pasensya na. Hindi ko talaga sinadya na itago. Nangyari ang lahat nang sobrang bilis, at sa dami ng gulo… parang hindi ko na rin alam k
Lumipas ang ilang minuto. Tahimik ang buong ospital. Ngunit sa ilalim ng katahimikan, may umaaligid na panganib.Sa labas ng ospital, isang puting van ang nakaparada sa gilid ng kalsada, hindi kalayuan sa entrance. Sa loob nito ay isang babae—mahaba ang buhok, nakasuot ng hoodie at itim na gloves, pinagmamasdan ang ospital sa pamamagitan ng binoculars.Kasama niya sa loob ang isang lalaking may hawak na laptop, konektado sa signal jammer at mga portable surveillance equipment."Signal’s clean. Wala pang palatandaan na napapansin tayo," ani ng lalaki.“Perfect,” sagot ng babae. “Huwag kang magkamaling pumalpak, Vince. Isang maling galaw mo lang, ikaw ang isusunod ko kay Caleb. Babaliwin din kita!”“Copy that, boss.”Binuksan ng babae ang isang maliit na box. Naroon ang larawan ni Hannah—at ng isang sanggol."Magpakasaya lang kayo.. mamamatay naman kayo ng magkakasama..*******************Samantala, sa silid ng NICU, isang nurse ang dahan-dahang pumasok—pero may kakaiba sa kanya. Kulay
Habang nagpapahinga si Hannah, lumabas saglit si Edward upang alamin kung ano na ang progress ng lahat.."Sir, hindi matukoy kung nasaan si Caleb Endaya, pero may mga nagmamanman pa rin sa bahay nila upang hindi siya makabalik doon.""Sige, hindi pa ba napipiga si Miraflor?""Hindi pa sir. Masyadong nagmamatigas ang kanyang ina at ipinagpipilitan na si Caleb ay wala sa sarili. Nababaliw na daw ang kanyang anak.""Hmm.. sa rest house nina Josh? anong balita?""Gumuho na iyon ng tuluyan sir. May ilang tauhan doon na nasugatan, ngunit wala namang namatay..""Mabuti naman kung ganoon.. pero yung rest house, ipa estimate agad kung magkano.. para mapalitan agad natin.."Muling huminga ng malalim si Edward bago siya tumalikod at bumalik sa corridor ng ospital. Pagdaan niya sa hallway, napansin niya si Josh na palabas ng silid ni Renzelle. Tumigil ito nang makita siya.“Edward,” sabay lapit ni Josh. “Kumusta si Hannah?”"Okay naman siya, nagpapahinga na. Si Renzelle?""Maayos naman siya.. hih
Samantala, sa recovery room, nagising si Hannah. Mahina pa ang katawan niya pero agad siyang naghanap.“Si Hope?” agad na tanong niya.“Andito lang po, Ma’am,” sabi ng nurse na nagbabantay. “Mahimbing pa rin ang tulog niya, pero stable ang vital signs. Makakahinga na po kayo nang maluwag.”Napaluha si Hannah sa sobrang ginhawa. Ngunit agad ding bumalik ang kaba.“Si Josh? Si Renzelle?” aniya.“Si Sir Josh po ay nasa OR, nagbabantay po kay Ma’am Renzelle. Nasugatan po siya sa insidente. Pero maayos na pong inaasikaso.”“Gusto ko siyang makita… kung maaari…” mahina ngunit mariin ang tono niya."Hannah," pumasok si Edward at inalalayan siya, anong problema?""Gusto kong makita sina Renzelle at Josh..""Nasa operating room pa si Renzelle..""Kahit na! Dalahin mo ko sa kanya.." pakiusap ni Hannah, may halong luha ang kanyang mga mata."Nurse," tinanguan ni Edward ang nurse na naroroon.Nag-ayos agad ang nurse ng clearance mula sa attending physician. Ilang minuto pa, pinayagan siyang maka
“RENZELLE!” sigaw niya habang hawak ito nang mahigpit.Nagkakagulo sa labas. May sumisigaw ng “May bomba!” at “Secure the perimeter!” habang ang mga pulis ay nagsimulang magsilapitan.Agad na tumayo si Josh at hinila si Renzelle papalabas ng dining area patungong hallway.“Dumaan tayo sa emergency exit!” sigaw niya.Medyo sugatan si Renzelle sa braso, pero hindi niya ito inalintana. “Si Hannah—si Hope—kailangan nating makaalis agad! Baka kasunod na ang pag-atake!”"Ako na ang bahala sa kanila, kapag nailabas kita!"Agad silang sinalubong ng ibang tauhan. Pagbalik ni Josh, kasunod na niya ang mga doctor at nurses na inaalalayan si Hannah pagbaba ng hagdan.Agad niyang sinalubong ang mga ito, at binuhat si Hannah palabas.Dala naman ng isang nurse ang bata at ang maliit na oxygen."Bilis! sumakay kayo sa ambulansiya!" sigaw niya sa mga nurse, at doon na rin isinakay si Hannah, "sa ospital!"Binalikan ni Josh si Renzelle.Nag alingawngawan na ang palitan ng putukan sa lugar. Umuusok sa b