Share

Chapter 4

Penulis: Middle Child
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-06 12:09:00

“Kaya kitang tulungan, Hannah, ng higit pa sa inaasahan mo. Subalit may mga kondisyunes ako na nais iparating sayo..” sabi niya sa babae. Puno ng pag asa ang kanyang mga mata na tatanggapin ni Hannah ang iaalok niya.

“Ano yun? Basta matulungan mo akong pabagsakin sila, papayag ako sa kahit anong nais mo..” maririnig ang determinasyon sa tinig ni Hannah.

“Hayaan mong maging malapit ako sayo, at protektahan ka, ng hindi ko na kailangang nakasunod sa anino mo. Nais kong malaman lahat ng iniisip mo.. Ako– ako ang bahala sa iyo..” tugon niya dito.

“Anong ibig mong sabihin, ninong?” naguguluhan niyang tanong.

Napalunok si Edward. Mabigat ang disisyong ito para sa kanya, lalo na at ang kanyang lihim ay nananatiling lihim. Hindi dapat malaman ni Hannah ang iba pang kaganapan sa buhay nila kasama ang magulang nito. Kung magiging legal siyang asawa ng babae, maaari niyang makuha ang nais niya ng hindi man lang nito nalalaman.

“Pakasalan mo ako.. Para magkaroon ka ng karapatan sa buong kayamanan ko, sa gayun, kaya mong labanan ng sabayan ang mga taong umapi sayo. Wag kang mag alala.. Wala akong ibang hihilingin sayo, kundi maging matagumpay ka..” nais ni Edward na magkaroon ng legal na karapatan kay Hannah, upang buo ang proteksiyon na maibigay niya sa babae. Hindi ito magalaw ni Caleb, at ng matupad na niya ang nais na mabawi niya ang kumpanya.

Bagaman at nag aalinlangan si Hannah sa alok na iyon, mas nananaig pa rin sa kanya ang tindi ng poot at sidhi ng paghihiganti. Nais niyang mapalubog sina Caleb hanggang gumapang ang mga ito na nagmamakaawa sa kanya. Tinanggap niya ang alok ng lalaki, na hindi na masyadong pinag iisipan ang lahat. Kung tutuusin, malapit ito sa kanyang mga magulang, at alam niyang hindi siya ipapahamak nito.

MATAPOS ang usaping iyon,napagkasunduan nilang magpakasal.

 Isang buwan matapos ang paghihiwalay nina Hannah at Caleb, nagdaos naman sila ni Edward ng kasal, kasama lamang ang dalawang saksi.

Nanirahan sila ni Edward sa iisang bubong, habang bumubuo ng mga plano ng paghihiganti. Ang kanilang pagiging mag asawa, ay tanging sa papel lamang, at natutulog sila ng magkahiwalay ng kwarto.

“Kumain ka muna, Ninong,” isang umaga ay alok ni Hannah sa lalaki, na halatang bagong ligo.

“Ikaw ba ang nagluto niyan?” tanong ng lalaki at naupo sa hapag, kung saan, nakahanda na ang isang masaganang almusal. “Saka.. di ba, sabi ko sayo, tawagin mo akong Edward?”

Sinalinan niya ng kape ang tasa ng lalaki, saka sinandukan ito ng pagkain. Nahihiya siyang sumagot, “hindi pa ako masyadong sanay.. Hayaan mo munang magkaroon ako ng oras na masanay na tawagin ka sa iyong totoong pangalan.”

Nasamyo ni Edward ang masarap na amoy ng mga putahe sa lamesa, at agad na tinikman ang mga iyon.

“Masarap ka palang magluto..” papuri niya kay Hannah.

“Tatlong taon akong tengga sa bahay, kaya iyan lang ang inaatupag ko,” nakangiti at tila nahihiya si Hannah ng sumagot.

“Iniintindi mo rin ang asawa mo sa umaga?” tanong nito sa kanya.

“Hmmm.. oo, pati mga isusuot niya, ako ang naghahanda..” nakatungo si Hannah, subalit hindi na ganoon kalungkot ang tinig niya.

“Kung isa ka naman palang mabuting may bahay, bakit ka niya hiniwalayan?” nalilitong tanong ni Edward sa kanya.

Huminga siya ng malalim, bago nagsalita, “may mga lalaking naboboring kapag ang mga asawa nila ay plain house wife lamang. Marami pa rin ang may nais ng mga career woman. Ang sabi nung kabit niya, boring daw ako at mukhang losyang.”

Natigilan si Edward pagkarinig niyon. Napatingin ito sa kanya. Si Hannah naman ay parang natauhan, “kalimutan mo na lang iyon ninong, naalala ko lang ang sinabi nila sa akin.”

“Iyan ang una nating babaguhin..” sabi ni Edward sa kanya.

“Ang alin?” nakakunot ang noo na tanong niya dito.

“Ang pagiging losyang na sinasabi mo. Kailangan mong matutong mag ayos. Isa pa, ayoko ng idinadown mo ang sarili mo, hindi ganyan ang espiritu ng paghihiganti,” pangaral nito sa kanya.

“Kung nais mong maghiganti, dapat, confident ka.” isinubo ni Edward ang pagkain na nasa kanyang kutsara, “kailan mo ba gustong mag umpisa?”

“Sa lalong madaling panahon,” iniangat ni Hannah ang kanyang ulo upang salubungin ang titig ni Edward.

“Kailangan mo munang maging handa sa lahat, Hannah. Ang paghihiganti ay hindi isang piraso ng tinapay na kapag inaamag na ay itatapon mo na lang basta. Dapat may konkreto kang plano para sa lahat. Kung saan ka mag uumpisa.. At ano ang dapat mong unahin,” payo sa kanya ni Edward.

“Kung gayon, Ninong, I mean, Edward,  ano ang dapat kong unahin?”

“Ang tamang pakikisalamuha sa mga tao. Alam ko, noon na socialite ka, pero tatlong taon ka ng wala sa lime light. Kailangan mong matutunan kung paano dadalahin ang sarili mo.”

“Paano ko iyon gagawin?”

“Simula ngayong araw, sasama ka sa akin sa opisina, pag aaralan ang tamang pagtatrabaho. Nais mo bang makapasok sa kumpanyang inagaw nila? Kailangan mo ng maraming pera, at ako lang ang makakapagbigay sayo ng ganoon. Kayamanan at kapangyarihan. Pero may nais akong hilingin..”

“Ano yun?”

“Maaari mo ba akong ipagluto araw araw? Hindi kasing sarap ng luto mo, ang luto ng aking mga kasambahay. Kaya madalas, sa labas na lang ako kumakain,” malapad ang ngiti nito ng sabihin iyon sa kanya, “hindi ko akalaing sa galing mo sa mga bagay bagay, makukuha ka pang talikuran ni Caleb.”

“Okay na yun,Edward.. Tapos na. Nais ko na lang ay matutunan ang lahat at ng makakilos ako ng dapat. Ang tagumpay nila ay pasakit sa akin, ang pagbagsak nila ang kaligayahan ko. Sa mundong ito, na puno ng manlilinlang na gaya nila, hindi na sapat na masarap ka lang magluto at maasikaso ka, dapat, alam mo rin ang iyong halaga.”

“Nabulag man niya ako noon, sisiguraduhin kong pipilayan ko siya ngayon.”

“Yan! Ganyan dapat.. Yan ang isang Hannah Agoncillio Ignacio!” tumango si Edward saka sumilip sa kanyang relo, “panahon na para umalis.”

“Saan tayo pupunta?” tanong niya sa lalaki.

“Basta, maghanda ka na, may pupuntahan tayo. Uumpisahan na natin ang transformation ng image mo. Hindi na ikaw si Sarah Geronimo na pangiti ngiti lang sa tabi.. Ikaw na ngayon si Khendall Jenner.”

Naiiling na lang siya at nag iisip, kung binubuska ba siya ng lalaki o ano. Basta ang alam niya, ito na lang ang kakampi niya sa ngayon, at hindi niya ito maaaring awayin. Ito ang tutupad ng lahat ng pangarap niyang paghihiganti.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 213

    Napaupo si Leona dahil sa sakit na kanyang nadarama.Agad nagsilapit ang mga pulis sa kanila at ang mga medic na may dalang stretcher."May patay dito!" sigaw ng isang pulis. Binulatlat nito ang bulsa ni Caleb. "Caleb Endaya."Napatingin si Edward kay Leona, "pinatay mo si Caleb?"Napangisi si Leona, kahit halatang nasasaktan sa tama ng bala sa kanyang tagiliran. "Oo-- nakakainis siya. Isusunod ko sana si Hannah, nahuli niyo lang ako.""Pinagkatiwalaan ka namin.." gigil na sagot ni Edward."Eh.. anong magagawa ko, kung bobo kayo?" pilit pa ring nagpapakatatag si Leona, kahit may sugat na.Nagmamadaling lumapit ang mga pulis, ngunit nagalit si Leona."Wag kayong lalapit!" itinutok niya ang baril sa kanyang sentido, "subukan niyo lang!"Agad kinuha ng mga doctor ang baby, at marahang dinala sa ambulansiya. Sumama na si Edward sa kanila kasama ang yaya na kinidnap din ni Leona.Bago isara ang ambulansiya, umalingawngaw ang isang putok mula sa loob ng beach house.Tumingin lang si Edward

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 212

    “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Caleb, habang nakatingin sa nanginginig na katawan ni Leona, na tila nawawala na sa sarili. "Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad? na may balak kang ganito? nagtago ka pa sa ilalim ng Madam X?""Bakit ko naman sasabihin sayo? eh bobo ka!" ito na ang pagkakataon ni Leona, para mapabagsak si Caleb."Ano???" hindi makapaniwala si Caleb sa sinabi ni Leona sa kanya.Napangisi si Leona, isang uri ng ngiting hindi na niya kayang itago—ang uri ng ngiting nabubuo sa kabaliwan at matinding poot."Ibig sabihin, galit din ako sayo! makakaganti na ko kay Hannah, pati sayo!" sabay itinutok niya ang kanyang baril sa noo ni Caleb ng walang pasubali at pinaputok iyon.Nagkalat ang utak at dugo sa sahig. Maging sila ng baby ay natalsikan niyon.Napahiyaw ang sanggol sa kanyang bisig—isang iyak na pumunit sa katahimikan ng tagpong iyon. Si Leona, hawak pa rin ang baril, ay parang wala na sa sarili. Nanginginig ang kanyang mga kamay ngunit nanatiling mata

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 211

    PAGKARATING NI Edward, agad niyang nalaman ang nangyari..Hindi siya makapaniwala, si Hannah, hindi na kinaya ang lahat, naipasok na itong muli sa ICU."Ilang oras na kaming tumatawag sayo.." sabi ni Renzelle. "Naitakas ni Leona si Hope.."Napakuyom ang mga kamao ni Edward habang nakatitig sa salamin ng ICU. Mula sa labas, tanaw niya si Hannah—pale, walang malay, at tila muling binabalikan ang impyerno na matagal na sana nilang nilisan.“Leona…” bulong niya sa sarili, nanginginig sa galit. “Bakit si Hope pa? Anong kasalanan ng anak ko sa’yo?”Nilapitan siya ni Josh. “Edward, kailangan nating kumilos. Hindi lang ito basta galit o selos—si Leona, delikado siya. At kung totoo ang mga recordings na pinadala ni Rico, may koneksyon pa rin siya kay Caleb. Ginagamit niya ang galit ni Caleb para sirain si Hannah.”Napailing si Edward, pigil ang pag-iyak. “Hindi ako makapaniwala… pinapasok natin siya sa buhay natin. Pinayagan ko pa siyang alagaan si Hope. Akala ko, talagang nagbabago siya.”"Ga

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 210

    "Si LeonaBermudez! siya ang Madam X na tumutulong kay Caleb! Nais niyang magpatayan sina Caleb at Hannah, para malinis ang kanyang kamay. Ngayon, pumalpak si Caleb, at hindi pa rin niya alam, na si Leona si Madam X na tumutulong sa kanya para makuha si Hannah. Nais ni Leonang patayin ang mag ina!"Napasinghap si Renzelle. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Nanlaki ang mga mata niya habang hawak pa rin ang cellphone, nanginginig ang mga daliri."Ano?!" halos pasigaw niyang sabi. “Imposible. Si Leona? Siya ang... Madam X?”Tumango si Josh, na kitang-kita rin ang pagkagulat. “Renzelle, totoo ba 'yan? ‘Di ba nagkakaayos na sila ni Hannah?”"Oo nga! Araw-araw siyang nandoon, tinutulungan si Hannah, inaalagaan si Hope—paanong siya?!" Halos hindi makapaniwala si Renzelle. Ngunit sa puso niya, may biglang gumuhit na duda."May ipinadala akong file," sabi ni Rico sa kabilang linya. "Voice recording, screenshots ng chat nila ni Caleb—lahat. Si Leona ang utak ng lahat. Lahat ng kilos ni

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 209

    ..Nagkatinginan sina Edward at Hannah, sabay ngiti.“Ginusto na rin siguro ng Diyos na magkahiwa-hiwalay tayo noon,” sabi ni Hannah. “Para mahanap ko kung sino talaga ang dapat kong piliin—hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa anak ko.”Napayuko si Leona, ngunit may ngiting sumilay sa kanyang labi. “Siguro nga. At ngayon, gusto kong ayusin kahit konti man lang sa mga pagkukulang ko. Ayokong may mangyaring masama kay Hope… o sa inyo.”"Salamat sayo.."Nanatili doon si Leona ng matagal na oras, bago nito naalala si Renzelle."Nasaan si Renzelle?""Umuuwi siya kapag araw, sa gabi siya bumabalik. Nagkabalikan na kasi sila ni Josh."Oh, tingnan mo nga naman ang pagkakataon, buti naman at nagkabalikan na sila."Marami pa silang napagkwentuhan, hanggang naisipan ng magpaalam ni Leona."Aalis na ako.. babalik ako upang madalaw kayong muli.." nakangiting sabi nito.LUMIPAS ang araw, laging naroroon si Leona. Tumutulong ito pag aalaga kay Hope sa araw, habang sa gabi naman ay si Renzelle

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 208

    SA OSPITAL – LOOB NG KWARTO NINA HANNAH AT EDWARD..Katatapos lang suyuin ni Edward si baby Hope sa kanyang bisig, habang si Hannah naman ay maingat na inaayos ang kumot ng bata sa crib. Tahimik ang paligid, para bang isang sandaling pahinga sa gulo ng mga nakaraang araw.Naputol ang katahimikan nang bumukas ang pinto.“Leona?” gulat na gulat ang boses ni Hannah.Pumasok si Leona, may kasamang kaba at pagmamadali sa kilos. Agad siyang lumapit sa kanila at walang pag-aalinlangang niyakap si Hannah ng mahigpit.Hindi nakakilos si Hannah, labis ang kanyang pagkabigla. Ang alam niya, galit sa kanya ang babae, bakit siya niyakap nito ngayon?"Kumusta naman kayo dito?" tanong ni Leona, sabay tingin kay baby Hope. May ngiti sa kanyang mukha—pero saglit lang iyon bago ito napalitan ng galit. “Napakawalanghiya talaga ng Caleb na ‘yan!”Napatingin sina Edward at Hannah sa isa’t isa, bahagyang nabigla sa bigat ng sinabi."Nagtago rin ako dahil sa kanya," patuloy ni Leona habang iniikot ang panin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status