“Ano to?” nagtataka si Hannah ng tingalain ang isang building, “bakit tayo narito?”
“Basta, halika na,” hinila siya papasok ni Edward sa isang salon -boutique.
Ang lugar na iyon ay parang isang langit sa mga babaeng mahilig mag kolorete. May mamahaling mga damit, at istasyon para sa pag aaral ng pagmimake up.
“Hi sir..” bati ng isang staff ng makita sila.
“Nais kong turuan mo siya kung paano mag make up. Marunong na yan, wala lang practice,” tugon ni Edward.
“Ay, napakabait niyo naman sir.. Sana ako na lang ang maid niyo..” ngumiti ang baklang staff ng makita si Hannah.
“Hindi ko siya maid,” nakasimangot na sagot ni Edward, “asawa ko siya.”
“Ay, sorry sir.. Akala ko kasi–” muling tiningnan ng staff si Hannah mula ulo hanggang paa, “bweno, halika na, umpisahan na natin ang magic!”
Napatingin siya kay Edward, na bahagya namang tumango.
“Pakibihisan na rin siya,” bilin niya dito.
Inumpisahan na ang ‘pagpapalitada’ sa mukha ni Hannah.
Tatlong staff ang nagkakagulo sa kanya, pang apat ang pumipili ng damit. May nag aayos ng kanyang mukha, buhok at kuko..
“Ma’am, kailan ka huling nagpalinis ng kuko?” tanong ng staff.
“Bakit?” tanong niya dito.
“Kasi, parang panlalaki ang kuko mo, ang tigas. Pati ang iyong mga palad at talampakan.. Kailangan ng spa..” sagot nito sa kanya, saka nilagyan iyon ng parang lotion at kiniskis ng scrub.
Nakakatulog na siya, ng matapos ang lahat. Inaya siya ng isang staff para magbihis.
Isang gown long gown na kulay asul na may slit sa kaliwang bahagi ng hita ang ibinigay sa kanya. Manipis ang strap noon, na naghahantad ng kanyang mapuputing balikat.
Isang nude na kulay ng sandals ang isinuot niya na may pointed heels.
Nakita niya, ng manlaki ang mga mata ng staff, at natutop nito ang kanyang bibig. Nakatingin ito sa kanya na tila ba hindi makapaniwala.
Noon lang siya napatingin sa salamin. Hindi niya halos makilala ang kanyang sarili.
“Ang babaeng ito ay—” napaturo siya sa kanyang repleksiyon.
“Ikaw..” nilapitan siya ng baklang staff, at hinawakan ang kanyang balikat, “ikaw yan.. Isang napakagandang babae na nagtatago sa simpleng kasuotan.”
“Ako..” namuo ang luha sa kanyang mga mata.
Agad siyang pinigila ng staff saka pinatingala, “oops! Ibalik ang luha! Wag patuluin, masisira ang make up!”
Pigil na pigil niya iyong malaglag. Halos bumaliktad na siya, para hindi iyon tuluyang tumulo.
Si Edward naman, na nagbabasa ng magazine, ay napukaw ang atensiyon, ng tawagin ng isang staff.
“Sir.. ito na siya.”
Iniangat niya ang kape, at dahan dahang tumingin sa itaas. Nagpause ang kanyang kamay sa ere, lalo na ng makita niya kung gaano kaganda ang babae sa kanyang harapan..
Maganda na si Hannah, kahit simple lang ito. Ngunit may igaganda pa pala iyon, gaya ngayon.
Hantad ang makinis nitong braso, at ang mapuputing collarbone.
Isang larawan ng babaeng lilingunin ng sinuman!
Hindi aakalain ng makakaalam na ito ay isang babaeng niloko ng asawa at ipinagpalit sa iba.
Isang napakagandang nilikha ng Diyos!
“Sir? Okay na po ba?” agaw pansin ng staff sa pagmumuni muni ni Edward.
“Ha?” bigla niyang ibinaling ang ulo sa ibang bahagi ng boutique.
“Ito na po si Miss Hannah.. Ano pong masasabi niyo?”
Napalunok siya, nanuyo ang kanyang lalamunan, saka sinulyapan si Hannah ng panandalian, “okay lang.. Maayos naman.”
Napangiwi si Hannah ng marinig ang sinabi ng lalaki. Hindi niya akalaing masyadong mataas ang standards nito, para lang punahin siyang “okay lang, maayos naman.”
Maging ang mga staffs ay naguluhan, subalit lihim na napapangiti.
Marami na silang nakikitang ganitong uri ng lalaki. Hindi ilalabas ang totoong papuri, dahil nahihiya. Mas nais pa nilang ilihim ang kanilang nararamdaman, kesa ihayag ito.
Matapos magbayad, inalalayan si Hannah ni Edward patungo sa sasakyan, kung saan binuksan ng driver ang pintuan.
“Saan po tayo pupunta, sir?” tanong nito.
“Sa Manila Hotel. May party doon ng mga negosyante,” sagot ni Edward.
“Ni–ninong?” biglang kinabahan si Hannah ng marinig ang party na sinabi ng lalaki.
“Ayan na naman ang ninong na yan.. “ napataltak si Edward. “Oo, mag uumpisa ka na ngayon. Naroroon sila. Malamang, upang magyabang. Kaya, tatagan mo ang iyong loob..” hinawakan nito ang kanyang nanlalamig na palad. “Oh, makinis na ang palad mo?”
“Inayos nung mga staff, kasi parang kamay daw ng lalaki sa tigas,” ngumiti siya saka ipinakita ang kuko, “tatlong taon na akong hindi nagpapa nail salon, ang sarap sa pakiramdam.”
Napangiti ang lalaki sa narinig buhat sa kanya.
“Talaga bang nasa bahay ka lang sa loob ng tatlong taon?”
“Lumalabas din naman ako, pero hindi gumagala. Kapag namamalengke lang, o kaya kapag may iniuutos sa akin si Caleb.”
Nakaramdam ng lungkot si Edward sa naging buhay ni Hannah. Ang dating si Hannah na laging nasa gimikan, ay na-inlove at naging isang taong bahay na lamang, at sa huli, nakuha pa ring lokohin ng asawa.
Pagdating nila sa event place, medyo hapon na. Nag uumpisa ng magdatingan ang mga taong imbitado sa event.
“Mr. Ignacio!” bati ng mga naroroon, “kumusta na kayo?”
“Okay naman ako,” tiningnan siya saglit ni Edward, “maiwan muna kita saglit dito, okay lang ba?”
“Okay lang ako, sige na. Ako na ang bahala sarili ko,” sagot niya sa lalaki.
Iniwan siya sa isang stand table nito, at inalok siya ng waiter ng drinks at complimentary food.
Sa pintuan ng bulwagang iyon, dalawang familiar na tao ang biglang sumulpot, ang kanyang dating asawa, at siyempre, ang kabit nito.
Biglang kumabog ang kanyang dibdib. Sa hindi inaasahang pagkakataon, napatingin sa kanya si Caleb.
“Sinong tinitingnan mo?” tanong ni Leona habang nakahawak sa braso ng lalaki.
“Parang kilala ko ang babaeng iyon..” sabi nito, na agad namang nilingon ni Leona.
“Ex- wife mo ba yan? Paano siya nakapasok dito?” ang mga mata ni Leona ay nananaghili, dahil sa napansing malagkit na tingin ni Caleb sa dati nitong asawa.
Hindi pa nila nakikita, na nagbihis ng ganito ang babaeng ito, kaya marahil ay nagulat din ang lalaki. Binalewala iyon ni Leona at agad na naglakad papalapit kay Hannah.
“Hannah.. Paano ka nakapasok dito?” mapanuyang tanong ni Leona, habang hinahagod ang kabuuan ng babae.“Ikaw ngang ahas, nakapasok, ako pa bang tao?” ngumiti si Hannah ng sabihin iyon. Kitang kita niya ng gumuhit ang inis sa mukha ni Leona.
“Hannah, bakit ganyan ka magsalita?” tanong ni Caleb na naniningkit ang mga mata.
“Anong pakialam mo? Nun niloko niyo nga ako, wala naman kayong narinig sa akin, kaya wala kayong paki, kung ano man ang sasabihin ko..”
“Umayos ka ng pananalita mo!” hinawakan ni Leona ang pulso niya, “baka nakakalimutan mo kung sino ka? Isa ka lang basura!”
“Basura? Sino ba ang kumain ng tira tira ko, hindi ba ikaw?” nakangisi niyang sabi, “isa pa, anong karapatan mong alipustahin ako? Eh kumabit ka lang naman sa dati kong asawa, kaya akala mo, mataas ka na. Isa kang langaw, na nakatuntong lang sa likod ng isang kalabaw.”
“Ang kapal–” iniangat ni Leona ang kanyang kamay, saka akmang sasampalin siya.
“Ooops, laitan lang.. Walang sakitan. Baka pagsisihan mo yan. Wala akong iniingatang imahe, eh kayo?” pigil niya dito, “Caleb, umalis nga kayo ng kabit mo sa harapan ko. Nananahimik ako dito, guguluhin niyo ko.”
“Let’s go, Leona..” hinawakan ni Caleb ang braso ng babaeng kasama para ilayo.
“Teka, wag mong sabihing natatakot ka sa gate crasher na to?” naiinis ang tinig ni Leona habang nakatingin kay Hannah.
“Nakakahiya na.. Dumadami na ang nakikiusisa..” bulong ni Caleb.
Maririnig ang bulung bulungan doon..
“Eskandalosa talaga ang babaeng yan.”
“Ang tanso talaga, balutan mo man ng ginto, tanso pa rin.”
“Sayang si Caleb, ipinagpalit ang asawa niya sa isang mababang uri lang..”
Ang lahat ng iyon ay nakarating sa kanilang pandinig. Tiningnan ni Hannah ang dalawa, saka muli siyang nagsalita, “ang sakit naman ng naririnig ko.. Aray..”
"Pero--" parang nag aalinlangan si Hannah, "yung totoo, ayaw mo na bang balikan ang asawa mo? I mean.. ano bang balak mo sa relasyon niyong dalawa?""Marami pa siyang kailangang iaccomplish sa buhay ng hindi ako kasama.. matuto siya sa mga bagay bagay at malaman niyang hindi lahat ng nais niya ay makukuha niya." nakangiting sagot ni Renzelle. "Ayokong sumabay sa kanya, nais kong tumahak siya ng landas na hindi ako kasama, baka sakaling matagpuan niya ang tunay kong halaga."“Ang totoo,” dagdag pa ni Renzelle habang bahagyang tinutok ang tingin sa kisame, “mahal ko pa rin siya… Hindi basta mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Nag iisa siyang lalaki sa buhay ko.. pero hindi sapat ‘yung pagmamahal lang. Hindi na ako puwedeng bumalik sa cycle na ako lang ang laging sumusubok. Kailangang matutunan niya na ang tunay na pagmamahal, hindi inaasahan—pinaglalaban, pero hindi pinipilit. Naniniwala kasi ako na ang pagmamahal, kapag totoo, kahit ano pa ang dumating, kahit ano pa ang kaharapin, hi
"Nagkabalikan na kayo?" gulat na tanong ni Hannah.“Hindi naman… pero nakapag-usap na kami tungkol sa lahat.”Napakunot-noo si Hannah, sabay upo ng mas maayos sa kama. “As in, lahat-lahat? Closure?”Tumango si Renzelle, sabay buntong-hininga. “Oo. Yung totoo, hindi ko alam kung closure ba talaga ‘yon o kung parte pa rin ng puso ko ang umaasang baka... alam mo na. Pero nung nakita ko siya, naramdaman ko rin na tapos na talaga kami. Wala nang hinanakit, wala nang tanong. Lahat ng sakit, parang nabura nang marinig ko ‘yung paghingi niya ng tawad. At higit sa lahat—napatawad ko na siya. Parang iyon na lang naman ang nakakapagpabigat ng aking damdamin, kaya ibinigay ko na lang sa kanya.”Tahimik si Hannah. Saglit itong nag-isip bago ngumiti. “Ang bigat nun, Renzelle. Pero ang tapang mo. Hindi lahat kaya ‘yan. Yung humarap sa taong minsang bumasag sa’yo, at piliin pa ring ipikit ang mata para sa kapayapaan. Naging matatag ka na sa paglipas ng panahon, nakakaproud ka..”“Hindi madaling pilii
Sa loob ng sasakyan, habang binabaybay ni Renzelle ang kalsada papuntang ospital, marahang tumutugtog sa radyo ang isang pamilyar na awitin—isa sa mga paborito nilang pinakikinggan ni Hannah noong mga panahong parehong magulo ang kanilang mga mundo. Napangiti siya. Minsan pala, kahit gaano kagulo ang paligid, may musika pa ring nagbibigay ng kapayapaan.Pagdating sa ospital, agad siyang sinalubong ng isang nurse.“Ma’am Renzelle, nasa garden po si Ma'am Hannah. Nagpapahangin daw habang hinihintay kayo,” nakangiting sabi nito.Tumango si Renzelle. “Salamat po.”Sa likod ng ospital ay may maliit na hardin—simple, pero sapat na para makalanghap ng sariwang hangin ang mga pasyente. Doon niya nakita si Hannah, nakaupo sa isang bench, tangan ang maliit na stuffed toy na bigay ni Edward noong nakaraang buwan. Tahimik ito, pero mapayapa ang ekspresyon sa mukha.“Hannah,” tawag niya habang papalapit.Sabay na lumingon ang mag asawang Edward at Hannah. Nakangiti ang mga ito sa kanya."Ipapasok
Habang nakaupo siya sa kama, tinanggal niya ang suot na hikaw—ang huling regalo ni Josh noong sila ay nagsasama pa. Sa loob ng maraming buwan, hindi niya ito masikmurang alisin, dahil iniisip niyang baka magkabalikan pa sila. Parang bahagi pa rin iyon ng kwento nila. Pero ngayong gabi, handa na siyang isara ang kabanatang iyon—hindi dahil sa galit, kundi dahil sa wakas, napatawad na niya hindi lang si Josh, kundi pati ang sarili niya.Alam niya sa kanyang sarili, na kaya na niyang mabuhay ng mapayapa ngayon.Naglakad siya patungo sa aparador at inilagay ang hikaw sa isang maliit na kahon. Maingat. Mapayapa. Isang simpleng kilos na sumisimbulo ng paghilom.Tinitigan pa niya iyon, bago tuluyang isara ang aparador.Bulamik siya sa kama, saka nahiga. Hindi niya maiwasang mapangiti. Maaaring malungkot ang pinagtapusan nila ni Josh, subalit maayos iyon at walang bahid ng mga masasakit na salita.***********SAMANTALA.. si Josh ay nakaidlip sa loob ng kanyang sasakyan. Hindi niya makuhang um
Nanlaki ang mata ni Renzelle. “Josh?” gulat niyang sambit. “Bakit ka nasa labas? hindi mo ba babantayan ang mommy mo?”Tumango si Josh, ngumiti ng matipid. "Babantayan ko na lang siy kapag naihatid na kita.."Napailing si Renzelle, halos hindi makapaniwala. “Akala ko tapos na ang usapan natin.”“Tapos na nga,” mahinang tugon ni Josh, “pero hindi pa ako tapos sa paninindigan. Gusto kong simulan agad ang sinabi mo. Hindi na ako lalayo pa, Ren. Hindi ko alam kung may patutunguhan pa tayo, pero gusto kong simulan ang pagbabagong ‘yon—dito, ngayon, kasama mo… kahit ihatid lang muna kita pauwi.”Tahimik si Renzelle. Ramdam niya ang sinseridad sa mga mata ni Josh, pero ramdam din niya ang sariling puso—na sa kabila ng pagbitaw, ay nananatiling mahinahon.“Josh…” malumanay niyang wika, “hindi lahat ng ginagawa natin ay kailangang may kapalit. Hindi lahat ng kabutihan ay sinusuklian ng pagbabalikan. Minsan, sapat na ang presensya. Sapat na ‘yung alam mong hindi ka na pinipilit.”Tumango si Jos
“Josh,” marahang bulong niya, “lahat ng tao nagkakamali. Pero hindi lahat marunong humarap sa pagkakamaling ‘yon. Sa totoo lang, ang mas kinakatakutan ko noon… ay ‘yung hindi ka na babalik para humingi ng tawad. Kaya salamat. Kahit huli na ang lahat… nandito ka.”Napatingin si Josh sa kanya, nabalot ng lungkot at pag-asa ang kanyang mga mata. “Gusto ko sanang magsimula ulit… kung puwede pa. Kahit hindi bilang mag-asawa. Kahit bilang magkaibigan man lang. Kahit bilang dalawang taong may pinagsamahan.”Saglit na natahimik si Renzelle. Tumingin siya sa bintana ng silid, pinakikiramdaman ang bigat sa dibdib niya. Totoong may sugat pa. Totoong may lamat. Pero marahil, mas matimbang pa rin ang kabutihan ng puso kaysa sa bigat ng kahapon.“Simula?” ulit niya, saka siya ngumiti—malungkot ngunit payapa. “Siguro puwede. Pero hindi para balikan ang dati, Josh. Kundi para tumulong sa isa’t isa… para sa bagong tayo—kung anuman ang ibig sabihin ng ‘tayo’ ngayon.”Napalunok si Josh. Hindi ito ang sa