Share

Chapter 123

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2025-06-27 16:43:04

Biglang natigilan si Caleb. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang katawan. Hindi lang pala lihim ang itinatago ng ina—may buong plano, may manipulasyon, at higit sa lahat… may pag-ibig.

"Si... Mommy Romina?" halos pabulong niyang tanong, na para bang kinukumpirma kung sino talaga ang tinutukoy ni Miraflor.

Tumango si Miraflor habang nanginginig ang mga balikat. “Oo, anak. Si Romina… siya ang una kong minahal. Matagal bago ang daddy mo. Pero wala akong lakas ng loob noon. Hindi pa tanggap ng lipunan. Hindi ako pinayagan ng pamilya ko. Kaya pinilit ko ang sarili ko sa lalaking kaya akong 'ituwid'. Akala ko mawawala yung nararamdaman ko, pero hindi.”

Nagpalitan ng tingin sina Caleb at Leona. Ramdam nila ang bigat ng rebelasyong iyon—hindi lang ito simpleng pagkukubli, kundi isang buong buhay ng pagtanggi sa sarili.

"Pinilit ko namang mahalin ang daddy mo, Caleb. Nagkaanak pa nga kami. Subalit nitong magkita kaming muli ni Romina, pareho pala kami ng nararamdaman, noon pa man.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 123

    Biglang natigilan si Caleb. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang katawan. Hindi lang pala lihim ang itinatago ng ina—may buong plano, may manipulasyon, at higit sa lahat… may pag-ibig."Si... Mommy Romina?" halos pabulong niyang tanong, na para bang kinukumpirma kung sino talaga ang tinutukoy ni Miraflor.Tumango si Miraflor habang nanginginig ang mga balikat. “Oo, anak. Si Romina… siya ang una kong minahal. Matagal bago ang daddy mo. Pero wala akong lakas ng loob noon. Hindi pa tanggap ng lipunan. Hindi ako pinayagan ng pamilya ko. Kaya pinilit ko ang sarili ko sa lalaking kaya akong 'ituwid'. Akala ko mawawala yung nararamdaman ko, pero hindi.”Nagpalitan ng tingin sina Caleb at Leona. Ramdam nila ang bigat ng rebelasyong iyon—hindi lang ito simpleng pagkukubli, kundi isang buong buhay ng pagtanggi sa sarili."Pinilit ko namang mahalin ang daddy mo, Caleb. Nagkaanak pa nga kami. Subalit nitong magkita kaming muli ni Romina, pareho pala kami ng nararamdaman, noon pa man.

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 122

    KINABUKASAN, maagang nagkita sina Caleb at Leona sa isang maliit na café malapit sa subdivision nina Caleb. Tahimik silang nagkakape habang parehong nililikom ang lakas ng loob. Ilang beses nang sinubukang simulan ni Caleb ang pag-uusap, pero nauuwi lang siya sa pagtingin sa kawalan.“Handa ka na ba talaga?” tanong ni Leona, habang pinipisil ang kanyang tasa. "Masakit ang matutuklasan natin ngayon.""Sa totoo lang... hindi," sagot ni Caleb. "Pero kailangan na rin. Hindi na rin ako mapakali. Kung may totoo man sa lahat ng ito, ayoko nang maging bulag."Tumango si Leona. “Ako rin. Kahit masakit, gusto kong marinig mismo mula sa kanya. Kahit sana isang beses lang maging totoo siya sa akin.”Maya-maya, tumunog ang phone ni Caleb. Isang mensahe mula sa kanyang ina.___"Nasa bahay ako. Bumili ako ng paborito mong lasagna. Kumain tayo mamaya."Napatingin si Caleb kay Leona. “Si mama. Nasa bahay na raw. Nagluto pa ng lasagna. Akala mo wala siyang tinatago.”“Iyon ang pinaka-nakakagulat,” sago

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 121

    "Siya.. at si mommy ay--" hindi malaman ni Leona kung itutuloy ang sasabihin."Ano sila?" naghihintay ng kasagutan si Caleb."May-- may relasyon siya.." sabi ni Leona.Nangunot ang noo ni Caleb, saka biglang napaisip, "anong relasyon?" naguguluhan niyang tanong, "pareho silang babae.""Oo nga, ako din, nagulat, pero nakita ng dalawa kong mga mata ang mga mommy natin, Caleb, sa sarili pa naming bahay!""To--tomboy si mommy?" hindi makapaniwala si Caleb. Hindi niya inaasahang gugulantangin siya ng ganitong klase ng balita.Napayuko si Leona, pilit na hinuhugot ang lakas ng loob para ituloy ang sasabihin."Caleb... hindi ko sinasadyang makita, pero oo. Sa lahat ng lugar, sa mismong bahay namin. Magkayakap sila. Naghalikan at-- at gumagawa nhg-- alam mo na."Nanlaki ang mga mata ni Caleb. Napasandal siya sa upuan, natulala, at ilang saglit na hindi nakapagsalita."Imposible 'yan. Si mommy... si mommy 'yung tipo ng babae na ayaw ng same s*x marriage. Palagi niya akong pinapaalalahanan tung

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 120

    Pagkarating niya sa café, agad niyang nakita si Leona. Nakaupo ito sa sulok, gaya ng dati, may hawak na mainit na tasa ng kape at tila kinakabahan. Nang makita siya, agad itong tumayo, ngumiti nang pilit, at kinawayan siya.Umupo si Caleb sa tapat nito, pilit na itinago ang bigat ng emosyon sa kanyang dibdib. Napatingin si Leona sa kanyang mga mata, at tila nakita ang luhang pilit na ikinukubli.“Salamat sa pagpunta,” bungad ni Leona, sabay abot ng isang paper bag. “Pasalubong ko galing Baguio. Naalala ko kasi, gusto mo ng strawberry jam.”Kinuha niya iyon at pinilit ngumiti. “Salamat. Pasensya ka na kung… parang lutang ako ngayon.”“Okay lang,” sagot ni Leona, pinipilit din ang tapang. “Kaya nga gusto kong makipagkita. Kasi… ayokong mas lalo ka pang masaktan. Ayokong isa pa akong maging dahilan ng bigat sa’yo.”Napakunot ang noo ni Caleb. “Anong ibig mong sabihin?”Huminga nang malalim si Leona bago nagsalita. “Caleb, alam kong hindi pa buo ang puso mo para sa akin. Alam kong bahagi

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 119

    Napatingin siya kay Renzelle na para bang hindi niya ito kilala. Ang buong mundo niya ay biglang tumigil sa pag-ikot. Anim na buwan? Anim na buwan na lang ang itatagal ni Hannah? Parang sinaksak ang dibdib niya ng paulit-ulit.“Anong… anong ibig mong sabihin?” paos niyang tanong. “Anim na buwan? Hindi... hindi puwede ‘yan. Hindi pwedeng ganyan na lang.”“Caleb…” umiwas ng tingin si Renzelle, pilit pinipigilan ang sariling luha, “Ginawa na ng mga doktor ang lahat. Wala nang pwedeng operahan, wala nang pwedeng subukang therapy. Kung susubukan pa naming isalba siya, baka mas lumala pa. Kaya pinili na lang naming… na maging tahimik. Na gawing magaan ang huling mga araw niya.”Hindi na niya napigilan. Tumulo na ang mga luha ni Caleb habang napaupo siya sa malamig na sahig ng hallway. Tinakpan niya ang mukha gamit ang kanyang mga palad, pilit sinisikil ang hikbi na gustong sumabog.“Bakit… bakit hindi sinabi sa akin?” basag na tanong niya. “Karapatan ko… kahit paano—”“Hindi mo na siya pag-

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 118

    Pagkalabas ni Caleb ng silid, parang nawala ang direksyon ng kanyang mga paa. Wala na siyang balak pumunta kung saan man. Ang tanging alam niya, masakit. Mas masakit pa sa inaasahan niya.Sa hallway ng ospital, napasandal siya sa malamig na pader, pilit pinipigilan ang pag-agos ng kanyang luha. Lalaki siya. Sanay na siyang saktan. Pero iba ang pakiramdam ngayon—ibang klase ang sakit kapag ang taong mahal mo, itinataboy ka na na parang wala kang karapatang mag-alala.Ganito rin kaya ang naramdaman ni Hannah, noong itaboy niya ito at harapan niyang pinili si Leona?"Mali ba na alalahanin siya?" mahina niyang bulong sa sarili. "Mali bang umasa na kahit kaunti... may halaga pa rin ako sa kanya?"Hindi niya namalayang nandoon na pala si Renzelle, lumabas para sundan siya.“Caleb…” mahinahon ang tinig nito, ngunit dama ang lungkot. “Sana.. hayaan mo na si Hannah na maghilom ng sugat na idinulot mo sa kanya. Hayaan mo na siyang makabangon ng maayos. Masaya na siya sa piling ni Edward."Napal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status