Share

Chapter 166

Penulis: Middle Child
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-15 18:58:35

Hindi makapaniwala si Renzelle, agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan si Edward.

"Totoo bang nagpadala ka ng mga bodyguard dito?" bungad niya sa lalaki.

"Oo, para na rin sa kaligtasan ng mag ina. May banta mula sa kampo nina Caleb na kukunin nila si Hope," tugon ni Edward. "Pero, wag mo na lang ipaalam kay Hannah, ayokong mag alala ang asawa ko. Makakasama sa kanya yun."

"Hindi na talaga tumigil ang lalaking yun!" inis na sabi ni Renzelle, "ano pa bang habol niya!"

"Pinag uusapan pa namin ngayon ng mga lawywer ko."

"Pinag-uusapan pa namin ngayon ng mga lawyer ko," seryosong dagdag ni Edward. "May posibilidad na maghain sila ng petition para sa custody. Gusto nilang palabasin na si Caleb ang ama ni Hope."

Napasinghap si Renzelle, halos mabitawan ang cellphone sa narinig. "Anong—anong sinabi mo? Custody? Si Caleb? Pero... paano nila nagawang umabot sa ganito?"

"May hawak silang mga pekeng dokumento, Renzelle. Pinapakita raw na si Caleb ang ama, na si Hannah ay hindi fit
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 213

    Napaupo si Leona dahil sa sakit na kanyang nadarama.Agad nagsilapit ang mga pulis sa kanila at ang mga medic na may dalang stretcher."May patay dito!" sigaw ng isang pulis. Binulatlat nito ang bulsa ni Caleb. "Caleb Endaya."Napatingin si Edward kay Leona, "pinatay mo si Caleb?"Napangisi si Leona, kahit halatang nasasaktan sa tama ng bala sa kanyang tagiliran. "Oo-- nakakainis siya. Isusunod ko sana si Hannah, nahuli niyo lang ako.""Pinagkatiwalaan ka namin.." gigil na sagot ni Edward."Eh.. anong magagawa ko, kung bobo kayo?" pilit pa ring nagpapakatatag si Leona, kahit may sugat na.Nagmamadaling lumapit ang mga pulis, ngunit nagalit si Leona."Wag kayong lalapit!" itinutok niya ang baril sa kanyang sentido, "subukan niyo lang!"Agad kinuha ng mga doctor ang baby, at marahang dinala sa ambulansiya. Sumama na si Edward sa kanila kasama ang yaya na kinidnap din ni Leona.Bago isara ang ambulansiya, umalingawngaw ang isang putok mula sa loob ng beach house.Tumingin lang si Edward

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 212

    “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Caleb, habang nakatingin sa nanginginig na katawan ni Leona, na tila nawawala na sa sarili. "Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad? na may balak kang ganito? nagtago ka pa sa ilalim ng Madam X?""Bakit ko naman sasabihin sayo? eh bobo ka!" ito na ang pagkakataon ni Leona, para mapabagsak si Caleb."Ano???" hindi makapaniwala si Caleb sa sinabi ni Leona sa kanya.Napangisi si Leona, isang uri ng ngiting hindi na niya kayang itago—ang uri ng ngiting nabubuo sa kabaliwan at matinding poot."Ibig sabihin, galit din ako sayo! makakaganti na ko kay Hannah, pati sayo!" sabay itinutok niya ang kanyang baril sa noo ni Caleb ng walang pasubali at pinaputok iyon.Nagkalat ang utak at dugo sa sahig. Maging sila ng baby ay natalsikan niyon.Napahiyaw ang sanggol sa kanyang bisig—isang iyak na pumunit sa katahimikan ng tagpong iyon. Si Leona, hawak pa rin ang baril, ay parang wala na sa sarili. Nanginginig ang kanyang mga kamay ngunit nanatiling mata

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 211

    PAGKARATING NI Edward, agad niyang nalaman ang nangyari..Hindi siya makapaniwala, si Hannah, hindi na kinaya ang lahat, naipasok na itong muli sa ICU."Ilang oras na kaming tumatawag sayo.." sabi ni Renzelle. "Naitakas ni Leona si Hope.."Napakuyom ang mga kamao ni Edward habang nakatitig sa salamin ng ICU. Mula sa labas, tanaw niya si Hannah—pale, walang malay, at tila muling binabalikan ang impyerno na matagal na sana nilang nilisan.“Leona…” bulong niya sa sarili, nanginginig sa galit. “Bakit si Hope pa? Anong kasalanan ng anak ko sa’yo?”Nilapitan siya ni Josh. “Edward, kailangan nating kumilos. Hindi lang ito basta galit o selos—si Leona, delikado siya. At kung totoo ang mga recordings na pinadala ni Rico, may koneksyon pa rin siya kay Caleb. Ginagamit niya ang galit ni Caleb para sirain si Hannah.”Napailing si Edward, pigil ang pag-iyak. “Hindi ako makapaniwala… pinapasok natin siya sa buhay natin. Pinayagan ko pa siyang alagaan si Hope. Akala ko, talagang nagbabago siya.”"Ga

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 210

    "Si LeonaBermudez! siya ang Madam X na tumutulong kay Caleb! Nais niyang magpatayan sina Caleb at Hannah, para malinis ang kanyang kamay. Ngayon, pumalpak si Caleb, at hindi pa rin niya alam, na si Leona si Madam X na tumutulong sa kanya para makuha si Hannah. Nais ni Leonang patayin ang mag ina!"Napasinghap si Renzelle. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Nanlaki ang mga mata niya habang hawak pa rin ang cellphone, nanginginig ang mga daliri."Ano?!" halos pasigaw niyang sabi. “Imposible. Si Leona? Siya ang... Madam X?”Tumango si Josh, na kitang-kita rin ang pagkagulat. “Renzelle, totoo ba 'yan? ‘Di ba nagkakaayos na sila ni Hannah?”"Oo nga! Araw-araw siyang nandoon, tinutulungan si Hannah, inaalagaan si Hope—paanong siya?!" Halos hindi makapaniwala si Renzelle. Ngunit sa puso niya, may biglang gumuhit na duda."May ipinadala akong file," sabi ni Rico sa kabilang linya. "Voice recording, screenshots ng chat nila ni Caleb—lahat. Si Leona ang utak ng lahat. Lahat ng kilos ni

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 209

    ..Nagkatinginan sina Edward at Hannah, sabay ngiti.“Ginusto na rin siguro ng Diyos na magkahiwa-hiwalay tayo noon,” sabi ni Hannah. “Para mahanap ko kung sino talaga ang dapat kong piliin—hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa anak ko.”Napayuko si Leona, ngunit may ngiting sumilay sa kanyang labi. “Siguro nga. At ngayon, gusto kong ayusin kahit konti man lang sa mga pagkukulang ko. Ayokong may mangyaring masama kay Hope… o sa inyo.”"Salamat sayo.."Nanatili doon si Leona ng matagal na oras, bago nito naalala si Renzelle."Nasaan si Renzelle?""Umuuwi siya kapag araw, sa gabi siya bumabalik. Nagkabalikan na kasi sila ni Josh."Oh, tingnan mo nga naman ang pagkakataon, buti naman at nagkabalikan na sila."Marami pa silang napagkwentuhan, hanggang naisipan ng magpaalam ni Leona."Aalis na ako.. babalik ako upang madalaw kayong muli.." nakangiting sabi nito.LUMIPAS ang araw, laging naroroon si Leona. Tumutulong ito pag aalaga kay Hope sa araw, habang sa gabi naman ay si Renzelle

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 208

    SA OSPITAL – LOOB NG KWARTO NINA HANNAH AT EDWARD..Katatapos lang suyuin ni Edward si baby Hope sa kanyang bisig, habang si Hannah naman ay maingat na inaayos ang kumot ng bata sa crib. Tahimik ang paligid, para bang isang sandaling pahinga sa gulo ng mga nakaraang araw.Naputol ang katahimikan nang bumukas ang pinto.“Leona?” gulat na gulat ang boses ni Hannah.Pumasok si Leona, may kasamang kaba at pagmamadali sa kilos. Agad siyang lumapit sa kanila at walang pag-aalinlangang niyakap si Hannah ng mahigpit.Hindi nakakilos si Hannah, labis ang kanyang pagkabigla. Ang alam niya, galit sa kanya ang babae, bakit siya niyakap nito ngayon?"Kumusta naman kayo dito?" tanong ni Leona, sabay tingin kay baby Hope. May ngiti sa kanyang mukha—pero saglit lang iyon bago ito napalitan ng galit. “Napakawalanghiya talaga ng Caleb na ‘yan!”Napatingin sina Edward at Hannah sa isa’t isa, bahagyang nabigla sa bigat ng sinabi."Nagtago rin ako dahil sa kanya," patuloy ni Leona habang iniikot ang panin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status