Pagkababa ni Ellaine sa elevator ay halos hindi na niya napigilan ang luha. Humalo sa bawat hakbang ang sakit ng pagtanggi, ang pagkabigo, at ang pagkakabunyag ng kanyang tunay na layunin. Hindi niya maintindihan kung paano siya napunta sa ganitong posisyon—na siya ang kontrabida sa kuwento, gayong lahat ng ginawa niya ay para kay Josh.O iyon ang akala niya.Lumabas siya ng ospital at sumakay sa kanyang kotse.Kailangan na niyang lumayo, hanggang kaya niya pang tanggapin ang katotohanan....na sa mundong ito, hindi sapat ang intensyon kung ang paraan ay mali.Habang nakaupo sa driver's seat, mahigpit niyang hinawakan ang manibela. Nanginginig ang mga daliri niya habang pinipilit pigilan ang sariling hindi mapahagulgol. Ngunit sadyang matindi ang sakit—hindi lang dahil sa pagkatalo, kundi dahil sa pagkalugmok ng imahe niya sa mata ng mga taong mahalaga sa kanya.“Mahal ko naman siya, eh...” bulong ni Ellaine sa sarili habang nakatanaw sa basang salamin ng sasakyan. “Bakit parang ako l
Pagkaalis ni Ellaine ay binalot ng katahimikan ang buong silid. Ilang segundo rin ang lumipas bago nagsalita si Renzelle."Napahiya siya," naiiling na sabi ni Renzelle.“Alam ko,” sagot ni Josh, lumapit at muling hinawakan ang kanyang kamay. “Pero kailangan nang wakasan ang kasinungalingan. Masyado nang maraming nasaktan. At hindi mo kailangang palaging umintindi o umiwas para lang manatiling tahimik ang lahat.”Napayuko si Renzelle. Totoo ang sinabi ni Josh, ngunit hindi pa rin niya maikakaila ang bigat ng tagpong iyon. Hindi siya masaya sa pagkatalo ni Ellaine—lalo’t sa likod ng pagkakamali nito, alam niyang may sakit din itong naramdaman. Isa rin itong babae, marunong magmahal, marunong masaktan. Kung kalokohan lang ang ginawa nito sa kanya, parang hindi ganito kasakit. Subalit iba pala talaga ang nagagawa ng pagmamahal.. hahamakin ang lahat, masunod lamang ang nais.Ngunit higit pa roon, may parte sa puso ni Renzelle na sa wakas ay muling gumagaan. Isang lamat ang naayos. Isang pu
"Daddy?" gulat na gulat si Josh ng makita ang ama na nasa bungad ng pinto. Ngumiti ang ama, saka tulutang pumasok.May dala itong bulaklak at prutas."Anak, ako na ang dumalaw kay Renzelle, mukhang hindi pa siya lalabas, naiinip na rin akong makilala siya," sabi ng matanda, sabay lapit sa kanila.Umusod si Josh upang bigyan ang ama ng pagkakataong maipatong sa mesa ang mga dala, at makalapit kay Renzelle."Sa wakas, hija, nagkakilala din tayon" nakangiting sabi nito."Kumusta po kayo.. pasensiya na po kayo at dito pa tayo unang nagtagpo.." nahihiyang sabi ni Renzelle."Naku, ako nga ang nahihiya, hindi ko kasi alam na nag asawa na itong binata ko.. at ngayon ko lang nakilala ang magandang babaeng nakapagpatino sa kanya.." nakangiting sabi ng matanda."Hindi naman po.." lalo siyang nahiya sa sinabi nito."Welcome sa family hija," nagulat si Renzelle ng yakapin siya ng matanda. "Salamat. Napaka swerte ng anak ko sayo.."Napasinghap si Renzelle. Hindi niya inaasahan ang mainit at taos-pu
Napahawak si Josh sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay unti-unting nabubuo ang nawasak niyang puso sa simpleng katagang iyon. “Asawa pa rin naman kita.” Hindi niya inakalang maririnig pa niyang muli 'yon mula sa mismong taong halos isinuko na siya noon.“Renzelle…” mahina ngunit puno ng emosyon ang tinig ni Josh. “Hindi mo alam kung gaano kahalaga sa akin ang marinig ‘yan galing sa’yo. Akala ko… tuluyan mo na akong isinantabi. Akala ko tapos na talaga tayo.”“Akala ko rin,” mahinang tugon ni Renzelle habang pinipilit igalaw ang kanyang katawan. “Pero nung makita ko kung paano mo ako inalagaan nitong mga araw na nasa ospital ako… kung paano ka natulog sa sahig, talagang napatunayan kong.. mahal mo pa rin ako..""Mahal naman talaga kita," nakangiting sabi ni Josh, saka hinalikan ang kamay ni Renzelle.Napayuko si Josh, at hindi na napigilang mapaiyak. Hindi siya umiyak nang malakas. Tahimik lang, habang pinupunasan ang mga luha gamit ang manggas ng damit niya.“Hindi kita bibiguin, Renzel
Napabuntong-hininga si Josh, tumayo siya mula sa upuan at lumapit sa bintana ng silid. Sa labas, tanaw ang madilim na langit na tila sumasalamin sa bigat ng sitwasyong kanilang kinakaharap.“’Yan nga ang sinusubukan kong gawin, Dad. Pero kahit anong pag-iingat namin, laging may sumusulpot na bago. Parang hindi nauubos ang panganib. At sa totoo lang... natatakot na rin ako.”Tumayo ang kanyang ama at lumapit sa kanya, marahang tinapik ang balikat ng anak. “Natural lang ang matakot, anak. Pero huwag mong hayaang lamunin ka ng takot. Kung mahal mo talaga si Renzelle, kung gusto mong ilaban ang pamilyang binubuo n’yo, kailangan mong tumayo nang mas matatag kaysa dati.”"Sana.. dumating ang panahon na mapatawad na ako ni Renzelle ng tuluyan.. Masakit sa akin na madalas pinipili ko si Ellaine dahil sa sitwasyon, dahil akala ko, mauunawaan niya ako. Iba pala ang babae kapag nanahimik na, dad.. nakakatakot.." sagot ni Josh sa ama.Tumango ang kanyang ama, mabigat ang titig kay Josh. “Tama ka,
"Baka mahal ka lang talaga ni Ellaine.." naiiling na sabi ng kanyang ama."Daddy.. asawa jo si Renzelle.. asawa ko na siya.." sagot ni Josh.Nangunot ang noo ng kanyang ama sa kanyang sinabi.Asawa?"Anak, anong ibig sabihin ng asawa? kasama mo sa bahay? naglilive in na kayo?""Hindi, daddy, asawa ko na talaga siya.. asawa ko siya, kasal kami..""Ha?" nagulat ang kanyang ama sa sinabi niya, "kasal ka na? totoo? akala ko noong una, live in lang kayo?"Napasinghap ang ama ni Josh, kita sa kanyang mukha ang pagkagulat at tila bahagyang pagkadismaya. “At kailan mo balak sabihin sa amin ’yan, anak? Paano na lang kung hindi ko tinanong ngayon? Aasa na lang ba kaming malaman kapag may apo ka nang biglang lumitaw sa pintuan?”Huminga nang malalim si Josh, pinilit ang sarili na manatiling kalmado kahit alam niyang may bahid ng pagkukulang sa ginawa niya. “Dad… pasensya na. Hindi ko talaga sinadya na itago. Nangyari ang lahat nang sobrang bilis, at sa dami ng gulo… parang hindi ko na rin alam k