Chapter 8
Maaga akong pumasok sa school kinabukasan ng lunes. Pagdating ko sa classroom ay hindi ko nadatnan si Irish sa kaniyang upuan.
Nagtataka akong napatingin sa wrist watch ko. Malapit ng mag start ang klase ba't wala pa s'ya?
Kilala ko si Irish. Early bird siyang klaseng tao. Sa aming dalawa parati siya ang nauuna sa'kin sa school at minsan lang siya ma late.
Pero hindi late to the point na malapit na talaga mag start ang first period.
Dumiretso ako sa upuan ko at umupo. Nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa na minsan ko lang ginagamit at chineck kung may message ba si Irish.
Nang makitang may isa akong mensahe sa inbox ay mabilis ko itong binuksan at binasa.
Irish:
Trix, absent ako ngayon. May pupuntahan kami ni Mommy na importante. Ikaw na bahala sa teachers natin ha? Thanks!
Nang mabasa ang text ay napanguso akong ibinalik ang cellphone sa bulsa. Saktong pumasok na sa loob ng room si Ms. Helena kaya umayos na 'ko ng upo.
Nagsimula na siyang magturo at do'n ko na lang itinuon ang buong atensiyon ko. Nag discuss lang siya at nagbigay nang short quiz.
Nagsunod-sunod ang labas pasok ng subject teachers namin at wala akong ibang ginawa kundi ang makinig sa klase.
Kaya nang sumapit ang break time ay lumabas ako sa room at dumiretso sa cafeteria. Hindi ako sanay na hindi kasama si Irish sa t'wing break time pero wala akong choice dahil nagugutom na talaga ako.
Bakit naman kasi hindi ako kumain kanina ng marami?
"Oh, himala at mag isa lang ang pangit na 'yan?"
"Nasa'n na ang kaibigan niyang feeling hero?"
"Look at her kawawang pangit mag-isa lang na kakain,"
"Hahaha ano pa ba ang aasahan mo sa mga nerd? Kaya nga sila tinawag na loner 'di ba?"
Bulongan agad ng mga tao ang bumungad sa akin nang makapasok ako sa cafeteria. Napailing-iling ako sa mga sinasabi nila.
Hindi ko na lamang sila pinansin at nakayukong nagtungo na lang ako sa counter para bumili nang pagkain.
"Pabili po nito." Itinuro ko sa cashier ang sandwich at chuckie.
"Psh. Bakit may pangit na bumibili rito?"
Napatingin ako sa kaniya nang ibulong niya ang salitang iyon. Hindi naman gano'n kalakas ang boses niya pero dahil malapit lang siya sa'kin ay hindi nakatakas sa pandinig ko ang sinabi niya.
Padabog niyang kinuha ang order ko at titingin sa'kin pagkatapos ay iirap. Napabuntong hininga ako at hinintay na lang ang order ko.
Good thing is ako lang ang nakapila ngayon at walang may nakasunod sa akin.
"Oh, ito! Bayad na, bilis!" Napahugot ako ng malalim na hininga sa iniasta ng cashier.
Kumuha ako ng pera sa bulsa ng palda ko at ibinigay sa kaniya. Padabog niya ulit itong kinuha at inirapan ako.
"Alis na! Malas ng mukha mo!" Malakas niyang sabi dahilan para marinig ko ang malakas na tawanan sa paligid.
"HAHAHAHA BURN!"
"BOOO! PANGIT HAHAHAHA."
"SHUU! SHUU! BAWAL PANGIT DITO SA XAVIER!"
Nakagat ko ang aking labi at napayuko dahil sa narinig. Napuno nang tawanan at bulongan ang loob ng caf. Narinig ko ang matinding panlalait nila tungkol sa akin.
Ayoko na silang patulan. Gusto ko na lang umalis dito at umiwas sa gulo.
Bitbit ang sandwich at chuckie na binili ko ay nakayuko akong umalis sa counter. Hindi ko na pinansin ang paligid at basta na lang akong humakbang para makalabas nang cafeteria.
Malapit na 'ko sa exit ng caf ng may humarang sa daraanan ko. Tamad akong napaangat nang tingin at tinignan ito.
Tatlong mga babae ang nakaharang sa exit ng caf habang nakatingin sa akin at nakataas ang kanilang kilay.
"Excuse me you're blocking the way," sabi ko sa kalmadong paraan.
Hindi ako nagpakita kahit na anong emosyon sa mukha.
Hindi ko kilala ang mga ito pero alam ko na mga seniors na sila dahil sa kanilang uniform.
Pero imbes na paraanin ako ay nginisihan lang nila ako. Humakbang 'yong isang babae na nasa gitna palapit sa akin. She crossed her arms on her chest at ngitian ako ng nang-uuyam.
Sa itsura pa lang nito alam ko ng mahilig itong makipag-away.
"So? Who cares?" aniya.
"Walang may pakialam pero dadaan ako," sagot ko.
"Paano kung ayaw namin? May magagawa ka ba?" she asked and pouted her lips. Talagang nang-aasar ang kaniyang itsura.
Napabuntong hininga ako at sinilip ang wrist watch. 5 minutes na lang ang natitira sa break time namin bago magsimula ang next subject.
Nag-angat ako ng tingin sa harapan.
"Miss whoever you are wala akong oras makipag biruan sa'yo. Kung wala kayong klase para mag aksaya ng oras sa'kin, pwes ako meron." Buong tapang kong sagot na ikinalaki nang mata niya.
Narinig ko rin ang mahinang pagsinghap sa paligid dahil sa sagot ko. Lihim kong kinagat ang loob ng aking pisngi at kinurot ang sariling daliri dahil sa katangahang ginawa.
Shit!
Nakita ko ang pagbabago ng emosyon sa mukha ng babaeng kaharap ko. Kung kanina ay puno ng pang aasar ang nakikita ko sa mukha niya ngayon naman ay nanlilisik na ang kaniyang mga mata.
Bago pa ako masabogan sa kaniyang galit ay mabilis ko na siyang nilampasan.
Ngunit agad din akong napatigil nang marahas niya akong hawakan sa braso at walang awang itinulak sa sahig dahilan para mapasubsub ako sa semento.
Ang mahinang singhap na narinig kanina ay biglang lumakas at dinagdagan pa ng mga bulongan dahil sa ginawa sa'kin ng babaeng ito.
Napapikit ako sa sakit na naramdaman.
"Ang lakas ng loob mong sagutin ako pero ang lampa lampa mo naman!" Galit na galit ang boses nitong sambit. "Wala kang karapatan na sagutin ako! You freaking nerd!"
Napayuko ako nang maramdaman ko ang malamig na likidong dumaloy sa ulo ko at ang pagkabasa nang damit ko sa likuran.
"Isa ka lang b****a kaya wala kang karapatan sumagot!" dagdag nito at bahagya pa akong sinipa sa paa.
Maya-maya lang ay naramdaman ko nang pinagbabato ako nang kung anu-ano. Hindi lang iisa o dalawang beses iyon dahil maraming beses. Hindi lang iisa o dalawang taong gumawa no'n kundi marami.
"Freak!"
"Pangit!"
"Nerd,"
"You're not belong here!"
"Lumayas ka sa school na 'to!"
"Hindi ka welcome rito!"
"Ang malas mo!"
"Malas ka sa school na ito!"
"Wala kang lugar dito!"
"Isa kang shit sa lipunan!"
"Kadiri ka! Ew, yuck!
"Paano ba 'yan nakapasok dito?"
"She doesn't belong here!"
"Pangit! Pangit! Pangit!"
"Mangkukulam!"
Iyon lahat ang mga salitang narinig ko sa paligid. Mas lalo akong napayuko at hindi alam ang gagawin sa mga oras na 'to. Hinayaan ko lang silang ipagbabato ako ng kung anu-anong b****a habang sinasabihan ng masasakit na salita.
Hindi ako nang laban o kahit ang tumayo man lang ay hindi ko ginawa. Kinagat ko ang sariling labi upang pigilan ang pagtulo nang aking luha.
Of all people in the world bakit ako pa ang napiling parusahan ng ganito? Hindi ba 'ko naging mabait na anak kaya ko nararanasan lahat ng 'to?
Gusto kong tanungin ang sarili ko o ang tadhana. Bakit ako? Wala naman akong ibang hangad sa mundong ito kundi ang mamuhay ng payapa pero bakit ganito ang ibinigay sa'kin?
Hindi ko ba talaga deserve maging masaya? Kahit... panandalian lang?
To be continued...
Hello, Jhines! Thank you for reaching this far and finishing this book. I finished it within two months! Despite of the busy schedules of mine, the school works, and revising my other stories I still made it to an end. I am beyond proud to myself for reaching this. Actually this is my first time writing a story on GoodNovel and now I was able to complete my first ever novel. I hope that despite of my mistakes as I write this novel I still make you smile. I hope you will continue to support my next stories. To all who read my first story, from the buttom of my heart thank you so much. May this story will serve as a lesson for you to still fight all the problems will comes in your life. That no matter how hard it is you won't give up and even if the person you love doesn't choose you, you will always choose yourself. Kairo Ace De Guzman and Zialla Trixie Alcantara is now signing off. Hanggang sa muli, jhi
Epilogue 1Ang mga luha ko ay nagsunod sunod na ang paglandas ng makompirma kong si Kairo ang yumayakap sa akin. Nagkahalo halo na ang nararamdaman ko ngayon, inis, saya at galit kaya naman hindi ko napigilan ang kumawalang hikbi sa bibig ko.Nanigas si Kairo sa likod ko at maya maya lang ay pinihit niya na 'ko paharap sa kaniya."What's wrong?" he cupped my face and looked at me worriedly.I shook my head and bit my lower lip. Napayuko ako at hindi napigilan ang suntukin siya sa dibdib kaya napabitaw siya sa yakap sa beywang ko."It's your fault, you jerk! Sabi mo hindi ka pupunta tapos nandito ka ngayon sa harap ko!" singhal ko at sinamaan siya ng tingin.Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi habang hindi siya nilulubayan ng masamang tingin.Saglit na napaawang ang kaniyang labi bago marahang natawa."Oh. I was just kidding earlier," aniya. Inirapan ko naman siya."Kidding your ass." Tumalikod ako sa ka
EpilogueLIFE IS FULL OF CHALLENGES.Hindi mo makakamit ang tunay na kasiyahan kung hindi mo mapagdadaanan ang mga problema at masasakit na pangyayari sa buhay mo.Sabi nga nila ang buhay ng tao ay hindi lang puro saya at kailangan din nating maramdaman ang sinasabi nilang lungkot at sakit. Dahil pagkatapos daw nito ay roon mo lang makikita o mararamdaman ang isang kasiyahan na hindi mo pa naramdaman sa buong buhay mo.Iyon ang natutunan ko sa mga pinagdaanan ko. Maraming pagsubok ang dumating pero lahat ng iyon ay nalampasan ko kasi hindi ako sumuko. Hindi ako nagpadala sa takot at pangamba sa halip ay mas lalo ko pang pinatapang ang sarili.Kung hindi ko ginawa iyon siguro wala ako ngayon sa kung nasaan man ako. Hindi ko makakamit ang tagumpay kung hinayaan ko ang takot at pangamba na manaig.It's been a month since our moving up. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay marami ng nagbago. Naging mas close kami ng pamilya
Chapter 50.2Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon kasi ang totoo ay hindi na talaga ako umasa na makakapunta pa siya ngayon.Pero nandito na siya at hindi na dapat ako mag aksaya ng oras. Kailangan ko siyang makausap at kung kinakailangan kong takbuhin ang distansiya namin ngayon ay gagawin ko makausap ko lang siya.Nakita kong sinuotan ng medalya si Kairo ng Mommy niya—Mabilis akong napalingon kay Papa ng maalala ang tungkol sa nalaman kong ugnayan niya sa Mommy ni Kairo. Bahagya akong nagulat nang makitang nakatitig na siya sa akin."Papa..." usal ko.Pakiramdam ko nabasa niya ang laman ng isip ko dahil mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti sa akin."It was all in the past now, Princess. What we had before was just an infatuation. You don't need to worry anything, hm?" aniya.Tumango naman ako at sinulyapan ang pwesto ni Mama. Nagsalubong agad ang mga mata namin at binigyan n
Chapter 50.1Nang matapos lahat ng boys ay kinabahan ako dahil girls na sa section namin ang tinawag. Kaya naman isa-isa na kaming tumayo at pumila sa hagdan ng stage."Alcantara, Zialla Trixie, M. With highest honor," ani ng emcee.Pumaibabaw naman ang malakas na palakpakan sa buong gym ng makaakyat ako sa stage. Nilibot ko ang paningin sa paligid at hindi ko maiwasan ang maluha lalo na't nakikita ko ngayon ang mga taong naging dahilan kung ba't naging miserable ang buhay ko sa school na ito na nakangiti sa akin ngayon.Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mukha nilang lahat at ang mga ngiti sa kanilang mga labi ay mas lalong nagpapalambot sa puso ko.Sino ang mag aakala na ang binubully nila noon ay narito ngayon sa harap nilang lahat at may pinakamataas pa na award? Oh God, this is beyond my imagination."Congratulations, anak. I am so proud of you,"Nawala ang atensyon ko sa paligid nang magsalita si Papa sa tabi k
Chapter 50"Congratulations, baby!"Masayang pagbati ni Mama sa akin nang makababa ako sa hagdan namin. Naroon na silang dalawa ni Papa at naghihintay sa akin.Mabilis akong niyakap ni Mama kaya niyakap ko rin siya pabalik."We're so proud of you, baby. You really did your best on your studies!" aniya ng kumawala sa yakap namin."Thank you, Ma. This is for you and Papa," sabi ko at tinignan si Papa. Ngumiti siya sa akin at lumapit."Saludo ako sa'yo, anak,"Kusang naluha ang mga mata ko ng marinig ang salitang 'yon mula sa bibig ni Papa. Niyakap niya 'ko kaya niyakap ko rin siya pabalik.Ngayong araw ang moving up namin at walang paglagyan ang tuwa sa puso ko nang makita ang kasiyahan na nakaguhit sa mukha ng mga magulang ko. Lalo pa silang naging masaya ng malaman nila na ako ang highest honor sa batch namin.I can't believe this is happening right now. Kahit ang pagiging highest hono