Share

Chapter 8.1

Author: Jhinnyy
last update Last Updated: 2021-09-20 00:27:28

Chapter 8.1

Masakit.

Iyon ang salitang naging dahilan nang pagkasira ko.

Ang salitang iba't ibang emosyon ang binibigay sa pagkatao ko. Ang salitang nararamdaman ko ngayon.

Bakit ganito? Bakit ganito ang buhay ko? Bakit ganito ang binigay sa akin ng mundo?

"Mga pangit na katulad mo ay hindi dapat narito!"

"Lumayas ka sa school namin, malas ka rito!"

"PANGIT! PANGIT! PANGIT!"

"Ang mga pangit ay walang lugar sa mundo namin!"

That's it? Just because I have that freaking ugly creature face does it mean na hindi na 'ko belong dito? Does it mean na hindi na ako nababagay sa mundong meron sila?

How could people say that so easily? How could they judge the person without knowing them properly?

"SHUU! SHUU! SHUU!"

"Bakit ba siya nakapasok dito? Hindi siya nababagay rito!"

"Siguro ginamit niya ang pagpapaawa effect kaya siya pinapasok dito. Gosh!"

"Your face is disgusting, yuck!"

"Mangkukulam ka!"

"Yuck! Ew! So pangit!"

Nagpatuloy sila sa pagbabato sa akin ng b****a. Nanatili naman akong nakaupo sa sahig at sinasalo ang lahat ng binabato nila. Hinayaan ko lang sila at hindi na 'ko nanglaban.

Ang pinipigilan kong luha ay tuluyan nang kumawala at tumulo sa aking pisngi. Masakit pa rin pala talaga. Kahit anong pigil kong huwag magpa apekto sa kanila ay hindi ko pa rin magawa.

Dear universe, of all people why me? Why do I have to suffer like this?

Basang basa na 'ko. Hindi lang papel, plastic at kung ano pang pagkain ang binabato nilang lahat dahil maging ang juice at tubig ay ibinubuhos din nila sa akin.

Awang-awa na 'ko sa sarili ko ngayon. Ano bang kasalanan na ginawa ko?

Naging masama ba 'kong anak kaya nangyayari ang lahat ng mga ito ngayon sa'kin?

Hindi ko na maintindihan ang kanilang sinasabi. Para na akong nabibingi dahil sa sari-saring emosyon na bumabalot sa puso ko.

Gamit ang nananakit na mga tuhod ay sinikap kong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Inayos ko ang salamin sa mata at binalingan nang tingin ang sandwich at chuckie na binili ko kanina na ngayon ay natapon na rin sa sahig.

Nakagat ko ang aking labi nang makita ang sandwich ko na mukhang nabulok na dahil sa ayos. Humakbang ako palapit at akmang kukunin ito nang may isang paa na tumapak dito.

Gano'n na lang ang pagyuko ko at ang pagtulo muli ng aking luha nang masilayan ang kakarampot na sandwich na ngayon ay nasa ilalim na ng sapatos.

"Ops! Is this yours?" Kinuha niya 'yon at itinaas sa ere. "I thought it was just a trash so... tinapakan ko na," aniya dahilan para muli silang tumawa nang malakas.

Mas lalo akong napayuko sa sinabi nito.

They're so cruel. Pati pagkain ay dinadamay nila sa mga walang kwentang kalokohan na ito.

"Poor little Trixie sandwich lang ang kinakain hahahaha,"

"Aww! Sayang naman ng food niya inapakan mo, Cindy,"

"Paano ba 'yan? Edi wala na siyang kakainin?"

Marami pa silang sinasabi na hindi ko na magawang intindihin pa. Nasa chuckie ko ang aking atensiyon na mukhang hindi pa nila napapansin.

Gutom na 'ko at wala na akong oras para bumili ulit ng pagkain. Bahala na kahit chuckie na lang ang magiging laman ng tiyan ko.

Mahina akong napabuntong hininga at muling humakbang palapit sa chuckie ko na nasa sahig pa rin. Yumuko ako para kunin 'yon nang muli na naman akong nabigo.

May isang kamay na nakaunang kumuha rito kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. Nakita ko ang kasamahan ng babaeng humablot kanina sa braso ko na nakangisi sa'kin at nakataas ang kilay.

Itinaas niya ang kaniyang kamay na may hawak na chuckie and then she smirked at me widely. Sinundan ko siya ng tingin nang maglakad siya sa kaniyang gilid.

Gano'n na lang ang gulat at pagsinghap ko ng walang anu-ano'y itinapon niya sa basurahan ang chuckie ko.

Malakas na tawa na naman ang pumaibabaw sa loob ng caf dahil sa kaniyang ginawa.

"Opsss... I'm sorry my fault," sarkastikong sambit nito.

Sa muli ay wala na naman akong nagawa. Sobrang hina ko pagdating sa ganitong bagay. Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko sa takot na baka umabot ito kay Papa at ako na naman ang sisihin.

Napabuntong hininga na lang ako at kinagat ang loob ng aking pisngi.

Napayuko akong umatras sa kanila at mabilis na tumalikod. Pero hindi pa man ako nakakahakbang ay may humablot na sa mga braso ko at pwersahan akong hinila pabalik.

"Where do you think you're going ha?!"

"Tatakas ka?"

"Hindi pa kami tapos sa'yo pangit!"

Nagulat na lang ako nang pinagpasa pasahan nila ako. Mahigpit nilang hinawakan ang braso ko at marahas itong hinahablot.

"You freaking nerd tatakasan mo pa kami ha!"

"May atraso ka pang dapat pag bayaran, bitch!"

"T-tama na..." Nahihirapan kong sambit pero mukhang wala naman silang narinig.

Napapikit ako at hindi na napigilan ang mapahikbi.

"Umalis ka na sa school namin!"

"Hindi ka dapat nandito!

"Salot ka sa lipunan!"

"Mangkukulam ka!"

"Ang pangit mo!"

Marami pa silang sinasabi na hindi ko na magawang maintindihan pa. Ang alam ko lang ay nasasaktan ako ngayon dahil sa nangyayari.

Idagdag mo pa ang kanilang ginagawa sa akin ngayon. Nakakawalang lakas at nakakapanghina nang loob.

Masakit na rin ang dalawang braso ko dahil sa ginagawa nilang paghablot. Napayuko ako at tiniis ang kanilang walang awa pangbubully sa akin.

Maya-maya lang ay naramdaman ko na naman ang pambabato nang karamihan sa akin ng b****a.

Parang gripong umagos sa pisngi ko ang mga luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sitwasyon ko ngayon. Nahihirapan at nasasaktan na 'ko.

Ano bang kasalanan ko sa mundo ba't ginaganito ako ng mga tao?

Ano bang pagkakamaling ginawa ko bakit hindi nila ako kayang tratuhin ng mabuti?

I don't know what to do anymore. Can somebody help me to get rid from this toxic people?

Habang tumatagal ay mas lalong sumasakit ang mga braso ko pero mukhang hindi naman nila iyon nahalata lalo pa't mas lalo lamang nilang nilalakasan ang paghablot sa'kin.

Please... tama na.

Hindi ko na rin magawang isatinag ang salitang 'yon dahil nanghihina na 'ko. Ang natitirang lakas ko ay tuluyan ng kinain ng pagod at sakit...

"T-tama na... m-maaawa na kayo sa'kin..." mahinang bulong ko at sa sobrang hina no'n ay hindi ko alam kung narinig ba nila 'yon o hindi.

But I guess, hindi nga. Nagpatuloy pa rin talaga sila sa paghablot sa akin.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa sahig at pagsubsob ng mukha ko sa semento dahil may malakas na tumulak sa akin.

Dahil nanghihina na ang katawan ko ay wala na akong lakas pa para tumayo.

"You deserve it, bitch!"

"You're nothing but a trash, Trixie!"

"Trash!"

"Trash!"

"Trash!"

"Trash!"

"Trash!"

Napuno nang sigawan ang buong cafeteria at muli na naman nila akong binato nang b****a at binuhusan nang kung anu-ano dahilan kung bakit basang basa na ang likuran ko.

Ayoko na. Awang awa na 'ko sa sarili ko. How could they be so cruel? Hindi ba sila naaawa sa akin? Bakit kung ituring nila ako ay parang hindi isang tao?

Please, help me...

Right at this moment I am hoping that maybe... just maybe someone will pity my situation.

Kahit kaawaan na lang nila ako wala na akong pakialam basta ang importante ay maalis nila ako sa sitwasyong ganito.

Please...

Walang tigil pa rin sila sa pagbabato sa akin. Hindi lang iisa, dalawa o tatlong b****a kundi marami at hindi ko na mabilang. Hindi lang din isang beses kong naramdaman ang pagbuhos nang kung anong likido sa likod ko kundi marami.

Maybe I deserved all the hatred and cruelty from them.

Ilang sandali lang ay bigla akong nagtaka nang hindi ko na maramdaman ang pagbabato nang b****a sa akin at ang pagbuhos nang likido sa likod ko.

At ang kaninang maingay na paligid ay biglang tumahimik at kahit isang ingay ay wala akong marinig.

Para silang natameme sa hindi malamang dahilan. Kaya out of curiosity ay sinubukan kong gumalaw para sana tignan silang lahat pero agad akong napaigtad nang maramdaman ko ang sakit sa buong katawan ko.

"Aahh!" Mahinang daing ko.

Hindi lang ang braso ko ang masakit kundi pati ang likod ko at ang mga tuhod. Paano na 'ko makakatayo nito?

Muli kong sinubukang gumalaw. Hindi ako p'wedeng maging lampa sa mga oras na ito. Kailangan ko pang bumalik sa classroom dahil baka nagsisimula na ang next subject ko.

Hindi ako p'wedeng umabsent.

Ngunit ang pagsubok kong tumayo gamit ang nanghihina kong tuhod ay bigla na lang napatigil nang maramdaman ko ang dalawang kamay na humawak sa magkabilang braso ko at tinulungan akong tumayo.

Narinig ko ang malakas na pagsinghap sa paligid pero wala namang may nagsalita ni isa sa kanila.

Kumunot ang noo ko nang maamoy ang isang pabango na ngayon ko lang na amoy. Gustuhin ko mang lingunin ang taong tumulong sa akin pero sadyang wala na akong lakas pa para roon.

Nagpaubaya na lang ako nang hawakan ako nito sa braso at sa baywang para alalayang tumayo. Nanatili naman akong nakayuko at hindi magawang mag-angat nang tingin.

"Kaizer..."

Iyon ang huling narinig kong bulongan sa paligid bago ako inalalayan nang isang kamay palabas nang cafeteria. Gusto kong mag protesta lalo pa't narinig ko ang pangalan ng isang lalaking tumulong sa akin.

But I was too tired to do that. Wala na akong lakas para magpa ka choosy pa ngayon. All I wanted now is to get away from here. And I owe Kaizer a lot for helping me.

"Hold on tight, I will keep you away from them," he whispered huskily.

To be continued...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love and Expectation   Author's Note

    Hello, Jhines! Thank you for reaching this far and finishing this book. I finished it within two months! Despite of the busy schedules of mine, the school works, and revising my other stories I still made it to an end. I am beyond proud to myself for reaching this. Actually this is my first time writing a story on GoodNovel and now I was able to complete my first ever novel. I hope that despite of my mistakes as I write this novel I still make you smile. I hope you will continue to support my next stories. To all who read my first story, from the buttom of my heart thank you so much. May this story will serve as a lesson for you to still fight all the problems will comes in your life. That no matter how hard it is you won't give up and even if the person you love doesn't choose you, you will always choose yourself. Kairo Ace De Guzman and Zialla Trixie Alcantara is now signing off. Hanggang sa muli, jhi

  • Love and Expectation   EPILOGUE 1

    Epilogue 1Ang mga luha ko ay nagsunod sunod na ang paglandas ng makompirma kong si Kairo ang yumayakap sa akin. Nagkahalo halo na ang nararamdaman ko ngayon, inis, saya at galit kaya naman hindi ko napigilan ang kumawalang hikbi sa bibig ko.Nanigas si Kairo sa likod ko at maya maya lang ay pinihit niya na 'ko paharap sa kaniya."What's wrong?" he cupped my face and looked at me worriedly.I shook my head and bit my lower lip. Napayuko ako at hindi napigilan ang suntukin siya sa dibdib kaya napabitaw siya sa yakap sa beywang ko."It's your fault, you jerk! Sabi mo hindi ka pupunta tapos nandito ka ngayon sa harap ko!" singhal ko at sinamaan siya ng tingin.Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi habang hindi siya nilulubayan ng masamang tingin.Saglit na napaawang ang kaniyang labi bago marahang natawa."Oh. I was just kidding earlier," aniya. Inirapan ko naman siya."Kidding your ass." Tumalikod ako sa ka

  • Love and Expectation   EPILOGUE

    EpilogueLIFE IS FULL OF CHALLENGES.Hindi mo makakamit ang tunay na kasiyahan kung hindi mo mapagdadaanan ang mga problema at masasakit na pangyayari sa buhay mo.Sabi nga nila ang buhay ng tao ay hindi lang puro saya at kailangan din nating maramdaman ang sinasabi nilang lungkot at sakit. Dahil pagkatapos daw nito ay roon mo lang makikita o mararamdaman ang isang kasiyahan na hindi mo pa naramdaman sa buong buhay mo.Iyon ang natutunan ko sa mga pinagdaanan ko. Maraming pagsubok ang dumating pero lahat ng iyon ay nalampasan ko kasi hindi ako sumuko. Hindi ako nagpadala sa takot at pangamba sa halip ay mas lalo ko pang pinatapang ang sarili.Kung hindi ko ginawa iyon siguro wala ako ngayon sa kung nasaan man ako. Hindi ko makakamit ang tagumpay kung hinayaan ko ang takot at pangamba na manaig.It's been a month since our moving up. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay marami ng nagbago. Naging mas close kami ng pamilya

  • Love and Expectation   Chapter 50.2

    Chapter 50.2Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon kasi ang totoo ay hindi na talaga ako umasa na makakapunta pa siya ngayon.Pero nandito na siya at hindi na dapat ako mag aksaya ng oras. Kailangan ko siyang makausap at kung kinakailangan kong takbuhin ang distansiya namin ngayon ay gagawin ko makausap ko lang siya.Nakita kong sinuotan ng medalya si Kairo ng Mommy niya—Mabilis akong napalingon kay Papa ng maalala ang tungkol sa nalaman kong ugnayan niya sa Mommy ni Kairo. Bahagya akong nagulat nang makitang nakatitig na siya sa akin."Papa..." usal ko.Pakiramdam ko nabasa niya ang laman ng isip ko dahil mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti sa akin."It was all in the past now, Princess. What we had before was just an infatuation. You don't need to worry anything, hm?" aniya.Tumango naman ako at sinulyapan ang pwesto ni Mama. Nagsalubong agad ang mga mata namin at binigyan n

  • Love and Expectation   Chapter 50.1

    Chapter 50.1Nang matapos lahat ng boys ay kinabahan ako dahil girls na sa section namin ang tinawag. Kaya naman isa-isa na kaming tumayo at pumila sa hagdan ng stage."Alcantara, Zialla Trixie, M. With highest honor," ani ng emcee.Pumaibabaw naman ang malakas na palakpakan sa buong gym ng makaakyat ako sa stage. Nilibot ko ang paningin sa paligid at hindi ko maiwasan ang maluha lalo na't nakikita ko ngayon ang mga taong naging dahilan kung ba't naging miserable ang buhay ko sa school na ito na nakangiti sa akin ngayon.Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mukha nilang lahat at ang mga ngiti sa kanilang mga labi ay mas lalong nagpapalambot sa puso ko.Sino ang mag aakala na ang binubully nila noon ay narito ngayon sa harap nilang lahat at may pinakamataas pa na award? Oh God, this is beyond my imagination."Congratulations, anak. I am so proud of you,"Nawala ang atensyon ko sa paligid nang magsalita si Papa sa tabi k

  • Love and Expectation   Chapter 50

    Chapter 50"Congratulations, baby!"Masayang pagbati ni Mama sa akin nang makababa ako sa hagdan namin. Naroon na silang dalawa ni Papa at naghihintay sa akin.Mabilis akong niyakap ni Mama kaya niyakap ko rin siya pabalik."We're so proud of you, baby. You really did your best on your studies!" aniya ng kumawala sa yakap namin."Thank you, Ma. This is for you and Papa," sabi ko at tinignan si Papa. Ngumiti siya sa akin at lumapit."Saludo ako sa'yo, anak,"Kusang naluha ang mga mata ko ng marinig ang salitang 'yon mula sa bibig ni Papa. Niyakap niya 'ko kaya niyakap ko rin siya pabalik.Ngayong araw ang moving up namin at walang paglagyan ang tuwa sa puso ko nang makita ang kasiyahan na nakaguhit sa mukha ng mga magulang ko. Lalo pa silang naging masaya ng malaman nila na ako ang highest honor sa batch namin.I can't believe this is happening right now. Kahit ang pagiging highest hono

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status