Share

FIVE

Author: Shynnbee
last update Last Updated: 2025-03-12 23:38:54

Hindi na din nagtagal iyong mga bisita nina Ate Rose. Nauna na silang umalis. Hindi pa naman ako agad nakaalis dahil kinukuwentuhan ako ni Ate Rose. Akala mo sabik sa tao.

Pumasok si Kuya Ethan dito sa kusina. Napangiti ito nang masilayan ang kaniyang asawa.

Lumapit ito at humalik sa kaniya.

Nakasunod sa kanila iyong isang maid na mayroong bitbit na mga pagkain.

"Saan galing ang mga iyan?" tanong ni Ate Rose kay Kuya Ethan.

"Kay Craig," sagot naman ng lalake.

Napangiti ako. Galante din pala siya kahit na mukha siyang seryoso. Sabagay, sobrang yaman niya at magkano lang naman ito sa kaniya. Parang barya lang.

Kapag nagkatuluyan kami, hindi na talaga ako maghihirap pa sa buhay. Hindi ko na kailangang magtinda ng pamparegla sa Quiapo.

Pagsisilbihan ko siya. Kahit hindi na kami kumuha pa ng katulong. Ako ang maglalaba, linis, luto at mag-aasikaso sa kaniya.

Napabuntong hininga ako. Ano'ng araw ba ngayon? Sakto, byernes pala ngayon. Mamaya ka sa akin. Dadasalan talaga kita.

Kinagat ko ang aking labi nang mapansin ko si Kuya Ethan na nakatingin sa akin. Nakangiti ako habang malalim na nag-iisip. Baka mamaya kung ano pa ang isipin niya tungkol sa akin.

"Ah, Ate. Uuwi na din po ako. Agahan ko na lang po ang balik ko bukas."

"Oh, sige. Pero teka lang. Dagdagan natin ang uwi mong pagkain."

Ngumiti ako. Hindi na ako tumanggi pa. Pagkain iyan. Bawal tanggihan ang grasya.

"Manang, mag-uwi ka din sa inyo. Paghatian niyo na lang iyan ni Anne," utos ni Ate sa maid.

Napangiti ako habang nakatingin sa mag-asawa. Ang lambing kasi ni Kuya Ethan. Nakayakap siya sa asawa.

Mukha siyang seryoso at masungit kung titingnan pero pagdating sa kaniyang asawa, sobrang lambing niya.

Ganito din siguro si Craig. Nakikinita ko na tuloy ang aming hinaharap. Ngayon pa lang ay kinikilig na ako.

"Thank you, Ate, Kuya," pasalamat ko nang ibigay ng katulong iyong pagkain na iuuwi ko. Tumayo na din ako. Handa na akong umuwi.

Hinatid ako ng mag-asawa hanggang sa kanilang pintuan.

"Balik ka bukas, ha," paalala ulit ni Ate Rose.

"Opo."

"Dapat pala sumabay ka na kay Marko kanina," sabi ni Ate Rose. Kay Marko? Eh, hindi ko nga siya gusto, e. Ewan ko ba. Parang ang presko kasi niya. Guwapong-guwapo sa sarili.

"Kahit ibaba ka na lang sa sakayan ng jeep."

"Okay na ako, Ate," sabi ko naman. English pa man din nang English iyon. Baka maubusan na ako ng dugo kapag sumabay ako sa kaniya. Madaldal pa man din.

Mukhang pinakain siya ng nanay niya ng p**i ng baboy, nang bata pa siya, kaya masyadong madaldal.

Tinanguan lang ako ni Kuya Ethan. Nagpasalamat ulit ako sa kanila bago ako tumalikod na.

Sabay kaming pumasok ng janitres sa pintuan na gumagalaw. Sa sumunod na palapag ay bumaba din siya agad.

Nagsara ulit at muling gumalaw.

Napatingin ako sa mga pindutan. Hindi ko na maalala kung ano'ng palapag ba kanina iyong pinasukan ko.

Napakamot ako ng ulo.

At bakit walang thirteen at fourteen dito?

Inisa-isa kong tiningnan ang pindutan. Nawawala ang dalawang numero! Bakit ganoon? Hindi ba marunong magbilang iyong gumawa ng bagay na 'to?

Tsk! Kahit hindi ako nakapag-aral, tinalo ko pa din siya pagdating sa pagbibilang.

Mabalik sa aking problema.

Pinindot ko na lang ang one. Nakarating ako sa one, pero hindi ito iyong pinasukan ko kanina.

Bumaba ako sa LG. Tapos UG.

Naiinis na ako. Natatakot na din. Nakasakay lang naman ako dito pero naligaw pa ako.

Umakyat ulit sa one. May sumakay at pinindot niya ang three. May sumakay din pagdating ng three, pinindot niya ang twenty seven. Aakyat, bababa.

Hilong-hilo na ako.

Kanina pa ako pabalik-balik pataas pababa. Naglalaway na din ako sa labis na pagkahilo. Ano'ng oras na. Ilang minuto na akong pabalik-balik.

Naiiyak na ako. Naliligaw na din ako.

Kung puntahan ko na lang kaya ulit si Ate Rose sa taas para magpatulong sa kaniya. Magpapahatid ako doon sa baba.

Nakasandal sa dingding. Pababa na ulit ito. Galing ito sa thirty five.

Naalala ko iyong sinabi ng mga matatanda na kapag naliligaw ka, baliktarin mo daw ang suot mong damit.

Tama!

Baka pinaglalaruan lang ako ng mga engkanto. Alam ko, mayroong nakasama sa amin nang lumuwas kami nina Inay at Amang.

Nang bumaba ang kasama ko at magsara ang pintuan, dali-dali ko na ding hinubad iyong damit ko upang mabaliktad.

Nang biglang tumunog ang pintuan. Nagbukas ito at napatanga ako nang makita ko si Craig.

Nagkagulatan pa kaming dalawa. Hiyang-hiya ako.

Nagmamadali ko itong isuot.

Tumikhim siya at pumasok. Hindi na ako makapagsalita sa hiya, kahit na gustong-gusto kong hingin ang tulong niya.

Baka naano na siya sa akin. Ano ba ang tawag doon? English iyon, e.

Ano na ba iyon? Hay, buset! Ba't ba ang bobo ko at iyon lang hindi ko pa maisip.

"What happened?"

Ano ba iyan. Parang ako naman ngayon ang naano sa kaniya. Basta! Iyon na iyon!

Ba't ba siya nag-i-english din?

"Are you okay?"

Alanganin akong ngumiti. Umiling-iling ako.

"No okay," sagot ko.

Ngumisi siya. Sinabi ko na ngang no okay, natuwa pa siya.

Di bale, kahit na ganiyan ka, gusto pa din kita. Tayo ang nakatakda para sa isa't isa, e.

"Bakit binaliktad mo ang damit mo?"

"Eh, pakiramdam ko naengkanto ako." Ngumuso ako.

Sumandal siya sa dingding at tumingin sa akin. Nahiya ako pero lamang syempre ang kilig. Hindi ko lang masyadong pinahalata.

Kumunot ang kaniyang noo. "Naengkanto? Ano iyon?"

Hindi niya alam? Sabagay, laki kasi siya sa syudad.

"Pinaglalaruan ako ng engkanto." Salubong na ang kilay. Ang hirap magpaliwanag, ah. Pakiramdam ko hindi pa din kasi niya maintindihan iyong sinasabi ko.

"Naliligaw ako," sabi ko. Mas madali niyang maintindihan.

Napatingin siya sa pindutan.

""Bakit?"

Ano'ng bakit?

"Hindi ko na mahanap iyong pinanggalingan ko."

"Ano'ng connect sa paghubad at baliktad mo ng damit mo?"

"Ganoon kasi sa amin sa Probinsya. Kapag naliligaw ka, sabi ng matatanda, baliktarin mo ang damit mo."

Tumawa siya. Kahit na pinagtatawanan niya ako gusto ko pa din siya. Ang guwapo niya talaga.

Umiling siya.

"Saan ka ba uuwi? Isabay na kita."

Totoo? Parang gusto kong magtatalon sa tuwa. May magandang naidulot din 'tong katangahan ko ngayong araw.

"Sa Quiapo. Madadaanan mo ba doon?"

"Hindi, pero puwede kitang ihatid hanggang sa sakayan ng jeep sa Quezon Avenue."

Ngumiti ako.

"Sige. Salamat."

Tumunog at nagbukas ang pintuan.

Naglakad na siya palabas at nakasunod naman ako sa kaniya. Lumapit siya sa isang itim na sasakyan. Pinatunog niya din ito.

"Ilagay na lang natin muna sa likod iyang mga dala mo," sabi niya.

Inabot ko naman ito sa kaniya. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan. At dahil hindi ako marunong magsuot noong sinturon sa upuan, siya na ang nag-ayos nito para sa akin.

Hirap na hirap akong magtago ng aking kilig.

Hindi kami nag-usap. May mga katawagan kasi siya sa kaniyang telepono.

Di bale at hindi lang naman ito ang huli naming pagkikita.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa sakayan ng jeep.

Binaba na niya ako.

"Salamat."

Tumango siya at agad na din siyang umalis.

Hay, Craig. Ang guwapo mo talaga.

Kailangan ko ng magmadali. Dapat makarating ako sa bahay ng alas sais y media para masimulan ko na ang dasal ko sa kaniya.

Sinusumpa ko, magiging akin ka, Craig. Magigising ka na lang isang araw at ako ang hanap-hanap mo. Walang ibang maganda sa paningin mo kundi ako lang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
balayemargie440
Lagott hahaha natatawa ako habang nagbabasa heheh
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Love and Potion    EIGHTY

    "D-Daddy..." Tumalikod na si Daddy. Si Mommy naman ay nakangiwi na sumunod sa kaniya. Nakatanga naman si Lolo at maya-maya pa ay tumikhim siya. Nagmamadali ko namang sinuot ang aking tshirt. "Let's talk in the conference room," sabi ni Lolo. "Sì, Tata...""Umalis ka na," sabi ko kay Craig. Nalukot naman ang kaniyang mukha. "I won't leave...""And who told you that you can leave?" tanong naman ni Daddy. Hindi pa ito nakakalayo. Masungit na tumikhim si Lolo. Pinandilatan ko naman si Craig, pero hindi siya nakinig sa akin. Nauna pang maglakad kaysa sa akin. Nakarating na kami sa loob ng bahay. Nakasunod si Craig kina Mommy at Daddy. Si Lolo naman ay naglalakad sa gilid ko habang may sinasabi sa kaniyang assistant. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ibang lengguahe ang gamit niya. Hindi ko pa ito natutunan, hindi pa ako nakapag-take ng lesson. Apat na lengguahe pa lang ang natututunan ko. Pagod na pagod ang pakiramdam ko bago pa man kami makarating sa conference room. Sobra

  • Love and Potion    SEVENTY NINE

    Mom and I were both excited. Three weeks pa lang pero nagpa-schedule na kami ng ultrasound sa ob-gyne na kilala niya. We want to make sure that as early as now, the baby in my womb was well taken care of. Ayaw kong maulit iyong nangyari sa una kong baby. Hindi pa ako nag-pregnancy test. Sa clinic na lang mamaya. Muntik pa kaming himatayin nang bigla na lang sumulpot si Daddy sa aming harapan. "Where are you going this early?" May hawak siyang tasa sa isang kamay at celphone sa kabilang kamay. Napag-usapan namin ni Mommy na hindi muna ito puwedeng malaman ni Daddy. Busy naman siya sa work, kaya saka na namin sasabihin. Kapag nakalabas na ang baby at wala na siyang ibang magagawa pa. Baka kasi hanapin niya ang ama. Okay na kami ng baby ko lang. Iyon naman talaga ang plano ko. "We're going shopping. We're so bored!" Hindi puwedeng work ang idahilan dahil Sunday ngayon. Ganitong araw ay tanghali kaming gumigising ni Mommy. Dinadalhan na nga lang kami ng maid ng pagkain sa room, kaya

  • Love and Potion    SEVENTY EIGHT

    Gabi na pero hindi pa din bumabalik si Craig. Hindi pa din ako kumakain. Nakailang tanong na sa akin ang mga bodyguard kung ano ang gusto kong sabihin, pero sinasagot ko lang sila ng mamaya na. nakaidlip na nga ako. Nagigising-gising lang ako dahil akala ko dumating na si Craig. Nasaan na kaya ang lalakeng iyon? Naisip pa atang katagpuin ang kaniyang babae. Napairap ako. What am I thinking?Napataas ako ng kilay nang magbukas ulit ang pintuan. This time, si Craig na ang pumasok. Magulo ang buhok na para bang may sumabunot sa kaniya dahil sa sarap. Napangiwi ako kaya napakunot naman ang kaniyang noo. "Saan ka ba galing?" masungit kong tanong. "Let's go," aya niya sa halip. "Saan?""Kay Maisie.." Napatanga ako. Totoo? Nagawan niya ng paraan? Kaya niya?Naiiyak ako habang sakay kami ng elevator. Ilang araw na akong nangungulila kay Masisie. Akala ko nga hindi ko na siya makikita pa. "Si Marko?" tanong ko. Baka kasi nandoon ang lalake. Alam ko naman na hanggang ngayon ay galit pa din

  • Love and Potion    SEVENTY SEVEN

    Katatapos lang maligo ni Mommy. Mukhang nahimasmasan na siya ng kaunti. Nagpagawa siya ng tea sa kaniyang personal assistant. Tapos na din akong maligo. Naglalagay ako ng facial mask dahil pakiramdam ko nagka-wrinkles ako sa stress kay Craig. Mayroon akong pasa sa tuhod dahil sa pagkakasubsob ko kanina. Kapag naaalala ko iyong nangyari kanina, hindi ko mapigilang mapangiwi at malukot ang aking mukha. Ang kapal-kapal ng pagmumukha niya. "Anak..."Nagtaas ako ng kilay. Hindi ko yata gusto ang tono ni Mommy. Mukhang may karugtong pa ang sinasabi niya at hindi ko magugustuhan. "Daughter dear," paglalambing niya. Nanatili akong tahimik. I was using different stones to massage my face. "You know that I support you naman to be single all your life, di ba?"Here she comes. Tumikhim ako. Tuloy pa din ang pag-massage ko. Pataas para hindi mag-sag ang aking mukha. "Ayaw mo ba'ng magkaanak, kahit isa pa? Kahit isa lang..." Nananantiya ang boses ni Mommy. Nag-aalangan ang mukha niya dahil

  • Love and Potion    SEVENTY SIX

    "Xandria dear..."Hindi ko pinansin si Mommy. Nanatili akong nakahiga habang yakap ang picture ni Maisie. It's been two weeks. Miss na miss ko na siya. Bawat oras at araw na lumilipas para akong pinapatay. Gusto ko siyang puntahan pero saan? Wala sila sa condo ni Marko. Wala din sa mansyon ng parents ni Marko. Tingin ko ay lumipat sila ng bahay o baka nangibang bansa din upang taguan ako. My baby Maisie. Baka umiiyak siya at hinahanap ako. Baka namimis na niya kami ng mamita niya. "Kumain ka na." Nakahilera ang mga maid na may bitbit na kung ano-anong pagkain para sa akin. Ang dalawa ay may bitbit na bulaklak. Ilang araw ng nagpapadala si Craig ng bulaklak. Sabi ni Mommy ay nasa labas daw ito ng bahay. I sighed. Hindi naman na nagtangkang ilapag pa ng mga maid ang bulaklak sa table dito sa silid ko. Hindi ko na kailangang sabihin pa sa kanila na ayaw kong tumanggap ng kahit na ano mula kay Craig. Pinapakita lang nila sa akin. Sinenyasan ko sila na ilabas na ang bulaklak. Bin

  • Love and Potion    SEVENTY FIVE

    "W-What?" Lito akong nakatingin kay Marko. "What did you say, Marko?"Hindi nagsalita si Marko. Humakbang siya palapit kay Maisie. Nakatulala lang naman ang bata. Naguguluhan sa paligid. "Marko, I'm asking you!" sigaw ko. May kailangan ba akong malaman? Ilan pa ba ang kailangan kong malaman?Para bang may sarili silang mga mundo at hindi ako kasali. Nagsusumamong nakatingin si Anne kay Marko. Yumuyugyog na din ang kaniyang balikat. "No! Ako ang mommy ni Maisie. Ako ang nagpalaki sa kaniya! Ako ang nasa birth certificate niya," giit ni Anne."You know to yourself that you're not the mother."Teka, sino ba ang Mommy ni Maisie? At bakit siya napunta kay Anne? Bakit kay Anne iniwan si Maisie? Kilala ni Anne iyong babae? Nang mabanggit ko kay Marko kanina na may anak sila ni Anne, hindi siya agad maniwala. Inakala pa niya na anak namin iyon ni Anne. Pero anng mabanggit ko na kamukha niya iyong bata, ang bilis niyang naniwala. Sino iyong babae?At ano iyong sinabi ni Marko kanina? May

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status