Naaninag namin ang nagtatawanang si mommy at si Edward habang papalapit. Nang magpaalam sa kanila ay pinigilan kami ni daddy.
“Mag usap muna tayo saglit." Tukoy ni daddy sa aking asawa. Naaamoy ko na seryoso ang kanilang pag uusapan kaya naman ay nagpaalam ako na mauuna na sa kotse na tinangoan nila.
Naglakad ako papunta sa garahe. Nakasara ang ilaw ng daanan kaya naman ay hindi ko masyado maaninag ang dinadaanan ko. Naisip kong kunin ang aking cellphone na nasa maliit na bag para may magamit akong flashlight ngunit bago ko pa man malabas ay may nasagi ang paa ko. Nawalan ako ng balanse at lumundag ang puso ko sa kaba nang makitang wala akong makapitan. Napapikit na lamang ako para ihanda ang aking sarili sa pagbagsak.
Isang braso ang mahigpit na pumulupot sa aking baywang dahilan para hindi ako tuluyang bumagsak. Nanuot agad sa aking ilong ang bango ng taong may hawak sa akin. Bahagya akong nakayuko paharap at nasa may tabing likod ko naman ang taong tumulong sakin dahilan para hindi ko makita kung sino. Ang isang kamay ko ay napahawak sa kanyang braso at ang isa naman ay nasa kanyang palapulsuhan.
Mahahalatang braso ito ng lalaki dahil na rin sa kanyang maskulado at matigas na braso. Nangunot ang aking noo dahil sigurado akong hindi ito ang aking asawa base na rin sa kanyang amoy.
“Ma'am, mag-iingat kayo palagi," aniya at kumalas sa akin. Saka pa lamang ako humarap at nakita kung sino. Ang driver namin.
“Uhh, salamat…” napatigil ako nang makalimutan ko ang kanyang pangalan. “Ano nga ulit ang pangalan mo?"
“Keith." Lumingon siya sa baba. Nakita kong bahagya niyang sinipa sa tabi ang malaking bato para hindi na humarang sa daan.
“Maraming salamat, Keith. Hay! Lumundag puso ko ‘dun ah!" sambit ko at napahawak pa sa aking dibdib. Ramdam ko pa rin ang bilis ng pagtibok ng aking puso.
"Walang anuman ma'am. Mabuti at malapit lang ako nang matisod ka.” Nilabas niya ang kanyang cellphone at binuksan ang flashlight nito. Iginiya niya ako papunta sa garahe.
Tahimik lamang akong naglalakad sa tabi niya. Ngayon ay naging maingat na ako kaya naman nakatingin lang ako dinadaanan ko hanggang sa makarating na nga kami. Nakayuko pa rin ako ngunit sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko ang kanyang titig sa akin.
Sa akin ba talaga siya nakatitig o baka assuming lang ako?
Nagtatalo ang aking isip kung iaangat ko ba ang aking tingin para kumpirmahin ito o hayaan na lang. Nang gumalaw ang kanyang kamay ay napatingin na nga ako sa kanya. Kita ko kung paano niya pasadahan ng kamay ang kanyang itim at well-cut na buhok. Nagulat ako nang magtama ang aming mga mata. Confirmed! Sa akin nga nakatitig ang mabibigat niyang mga mata. Bigla ay napaiwas ako ng tingin at yumuko na lang ulit. Halos tumigil ako sa paghinga sa hindi malamang dahilan.
Ilang minutong katahimikan ang lumipas nang may marinig kaming yabag na papalapit. Pareho kaming napalingon at nakitang si Edward ito. Agad namang umalis sa aking tabi si Keith at hinanda na ang kotse. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Kanina ay parang biglang sumikip ang espasyo kahit dalawa lamang kami dito.
“May problema ba?” tanong ni Edward nang mahalata niya ang paghinga ko ng maluwag. Umiling agad ako sa kanya.
“W-wala,” nauutal kong sagot. Mabuti ay hindi na siya nag tanong pa at sumakay na lang sa kotse na agad ko namang sinundan.
Habang pauwi sa bahay ay hindi maalis sa aking isip ang nangyari kanina. Nakapwesto ako ngayon sa bandang kanan ng likod kaya naman nakikita ko ang mukha ni Keith pag tumitingin ako sa rearview mirror. Halos mga kalahating oras ang layo ng bahay namin sa bahay nila mommy kaya naman mahaba talaga ang byahe. Maya maya ay pasimple akong sumusulyap sa salamin sa harap para tingnan siya.
Kung iisipin ay napaka gwapo niya. May malinis na mukha, matangos na ilong at perpektong kurba ng panga. Ngunit dumidilim ang kanyang ekspresyon dahil sa kanyang makapal na kilay na halos magdugtong na sa isa't isa.
Hobby niya ba ang magkunot ng noo kahit wala naman dahilan?
Nalunod ako sa kakasuri ng kanyang mukha kaya hindi ko namalayan na kinakausap na pala ako ni Edward. Mabuti na lang at hindi siya nakatingin sa akin.
“Ano yun?" Bahagya akong humilig paharap para makalapit sa kanya.
“Ano bang iniisip mo?" naiiritang tanong niya atsaka lamang siya lumingon sa akin. Napailing ako at umayos ng upo.
Nagtagal ang tingin niya sa akin bago nagsalita. Tila ba nagdalawang isip pa siya. “Kinausap ako ng daddy mo kanina na hikayatin raw kitang magtrabaho sa kompanya.”
Naalala ko ang pinag usapan namin ni daddy kanina. Masyado siyang nag aalala sa akin kaya ginagawa niya ito ngayon.
"Okay lang, pwede naman ako magsimula bukas,” sagot ko para hindi na mag alala si daddy.
"You don't need to!" Napapitlag ako sa biglang pagtaas ng kanyang boses. Kahit siya ay nagulat rin sa sarili niya. Tumikhim muna siya bago nagsalita ulit. “I mean, hindi mo naman na kailangan, e. Nandito naman ako. Kaya kong asikasuhin ang kompanya. Doon ka na lang sa bahay.”
Matapos niyang sabihin iyon ay humarap na siya sa unahan. Ako naman ay hindi pa nga nakakabawi sa gulat ay nalulunod na sa mga isipin.
Minsan ay nararamdaman kong nasasakal na ako sa aking asawa. Palaging siya na lang ang masusunod, ni hindi niya nga ako pinagbibigyan sa mga gusto kong gawin. Nakailang beses na rin akong humingi ng permiso sa kanya ngunit ang lagi niyang sagot ay “dito ka na lang sa bahay". Pakiramdam ko tuloy ay nawawalan ako ng kalayaan para sa mga gusto kong gawin. Ngunit wala akong magawa. Hindi ako makareklamo dahil mahal ko siya. At lahat gagawin ko, lahat susundin ko para lang mahalin niya ako pabalik.
Alam kong one-sided lamang ang aming kasal. Ngunit kahit ganoon ay umaasa akong magbabago siya. Kaya ayokong bumitaw sa relasyong ito. Kahit pa nakakasakit na ng damdamin…
Nangalahati na namin ang strawberry cake kaya tumigil na rin kami at tinago ito sa loob ng ref. Tuwang-tuwa ako dahil kahit first try pa lamang ay naging maayos naman ang resulta. “Try naman natin ang paborito mong cake next time. Aaralin ko,” sabi ko kay Keith habang nililinis ang mga ginamit namin sa pag-bake.“Sure.” Tumango siya at tumulong na rin sa paglilinis.“Ahem!” pilit na tikhim ng kung sino mang nasa likuran namin.Sabay kaming napalingon at nakita ang kasambahay na bagong ligo soot ang maikling palda at v-neck na pantaas. Kitang kita ang malulusog niyang cleavage na mukhang sinadya pa para magpapansin sa katabi ko na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin rin sa kanya.Malanding ngumiti ito kay Keith na hindi nginitian pabalik. Nang bumaling sa’kin ang kanyang tingin ay bigla itong naasiwa at natanggal ang ngiti. May inilahad ito sa kanyang palad na maliit na papel.“Pinapabigay ni Sir,” mataray niyang sabi saka ito padabog na nilapag sa mesa. “Ano ‘to?” Mukha it
Nang makarating sa bahay ay agad kong nilantakan ang leche flan. Nandito ako ngayon sa veranda habang nakatingin kay Keith na naglilinis ng kotse. Seryoso ang kanyang mukha, malayo sa nang aasar at mahilig tumawa kapag magkasama kami. Ang kanyang noo ay bahagya pang nakakunot, kunti na lang talaga ay magdidikit na sila. May galit ba siya sa kotse?Naubos ko na ang isang tub kaya kumuha naman ako ng strawberry at ‘yun naman ang nilantakan. Madami rin ang strawberry na binili niya kaya sana may pera pa siya sa bulsa, mahal pa naman ang mga ito. Lumiwanag ang aking mukha ng may maisip. Sa sobrang dami nito ay siguradong hindi ko mauubos at baka masira lang. Kaya naisip ko na mag bake ng strawberry cake. Masayang tumayo ako at lumapit kay Keith na nagulat pa sa paglapit ko.“Bakit? Mababasa ka dito ma'am,” paalala niya. Ngumiti ako sa kanya ng malawak. Ilalabas ko na ang aking karisma at kapal ng mukha. “Sandali lang. Pwede ko bang mahiram cellphone mo? Titingin lang ako ng video kung
“Dati ka bang clown sa past life mo?” pigil tawa kong tanong sa kanya. Pansin ko ang pamumula ng kanyang tainga at ang aligaga na mata, hindi matukoy kung saan nga ba ito ipupukol. Halatang nahihiya siya. Mas ginanahan tuloy akong asarin siya. “Ang effortless mo magpatawa, minsan sa joke mo minsan naman sa itsura mo. Sigurado ka bang hindi ka joker sa past life mo?” Pinakawalan ko ang aking halakhak at hinuli ang kanyang tingin. Ang kanyang kulay itim na mata ay tumitig sa akin. Ngayon na magkalapit kami ay mas lalo kong natitigan ang kanyang mga mata. Nakikita ko ang aking repleksyon dito at may kung ano akong naramdaman, tila ba hinihigop ako ng kanyang mga titig. Umawang ang kanyang labi kaya bumaba ang tingin ko doon. He then licked his lower lip, making it wet. “Saan ka nakatingin, ma'am? Gusto mo ba ako halikan?”Sa isang iglap, bumaliktad ang mesa. Ako na ngayon ang namumula ang mukha at nabitag sa kanyang pang aasar.“Hindi ‘no!” agap kong depensa sa sarili.“Sus, okay la
Nagising ako dahil sa sama ng aking pakiramdam at muntikan pa ngang matumba pagkabangon. Kahit masakit ang buong katawan ay pinilit kong makapasok sa banyo at sumuka. Matapos ang kalahating oras na pagpapakalma sa sarili ay napatitig ako sa salamin.Magulo ang buhok, ang nangangayayat na katawan ay halos matabunan na ng mga pasa at sugat. ‘Kaya mo yan, Solana. Magpakatatag ka para sa anak mo at sa pamilya,’ bulong ko sa sarili habang hinihimas ang aking sinapupunan. Lantang gulay akong bumaba para kumain ng agahan. Matapos ang interaksyon namin ni Keith sa garden noong isang araw ay hindi ko na siya nasilayan pa. Hindi na rin ako nagtaka dahil may mga araw talaga na pinapatawag siya ni Edward sa building.Habang pinagpapatuloy ko ang aking pagkain ay may narinig akong mga yabag papasok sa kusina. Lumundag ang aking puso sa kaba at natigil sa ere ang kamay na nagtatangkang abutin ang baso sa pag-aakalang si Edward ang papalapit.Bumaba ang aking balikat nang tumambad ang lalaking mat
Matapos niya akong gamutin ay sinamahan niya naman ako tumambay sa garden. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Edward, kung bakit hindi niya sinasama ang driver niya sa building. Hindi ko masabing good thing ‘to para sa’kin dahil hindi ko rin alam kong kaninong side talaga ang driver na’to.Kahit pa ilang beses niya na akong tinulungan, may duda pa rin ako. Still, I'm thankful that he was with me. He comforted me in some ways. Nang makaupo sa hanging chair ay saka lamang niya napansin na kanina pa ako nakatitig sa kanya. “Bakit?” nagtataka niyang tanong. Nakatayo siya sa harapan ko soot ang kanyang black polo shirt na bumabagay sa kanyang pangangatawan. Hapit na hapit ito kumpara sa una niyang soot na black polo shirt. Bumabakat tuloy ang kanyang muscles na gustong gusto kong tingnan. Napa-iwas agad ako ng tingin at naramdaman ang pag iinit ng aking mukha. Hindi kasi ganyan kay Edward kahit pa maskulado naman siya. Kahit nagtataka ay hindi pa rin mawala ang halos magdugtong niyan
Sa mga oras na’to, wala na akong ibang maisip kundi ang tahimik na magpasalamat na may pumagitna sa amin. “Huwag kang makikialam dito, away mag asawa ‘to!” Ang galit na tingin ni Edward ay napunta kay Keith na marahas pa niyang tinabig para maabot ako. Ngunit nabigo lamang siya dahil kung ipagtatabi sila ay nag-mistulang maliit si Edward sa tangkad at malaking pangangatawan ni Keith. Kaya hindi man lamang naalis sa pwesto si Keith.Nakikita ko mula sa aking kinatatayuan ang lapad ng kanyang likod maging ang balikat nito. Walang duda, napakabatak ng kanyang muscle na animo’y nag g-gym. Walang-wala ang katawan ni Edward dito. “Sir, mas maganda kung mag usap kayo kapag pareho na kayong kalmado. Hindi sa lahat ng bagay ay madadaan sa away at pisikalan,” walang emosyong sabi ni Keith. “Aba, pinapangaralan mo ba ako?” naiinis na sagot naman ng aking asawa. “Advice lang ho, sir.” Sabay silip sa akin. “Umalis ka sa harap ko ngayon din!” Muli ay humakbang ito palapit at pinilit na maalis