“Huwag kang magsasalita ng masama tungkol sa akin sa harap ng mga magulang mo ha!" Pabulong na banta ni Edward bago pa kami tuluyang makalapit kila mommy. Hawak niya ang aking siko at pinaglapit ang aming katawan.
“Anak, Edward, buti nakarating kayo ng maaga. Halina kayo,” sabat sa amin ni mommy. Hinalikan ko lamang ang kanyang pisngi at si Edward naman ay nakipag beso.
"Maaga rin kasing nakauwi si Edward galing opisina, mommy.” Lumapit ako kay daddy at siya naman ang hinalikan ko sa pisngi.
“Magandang gabi, Mrs. Sunny!" bati ni Edward sa aking ina habang malawak ang ngisi. "Syempre hindi pwedeng mahuli kami ng dating gayong ipagseselebrar natin ang bagong posisyon ni Mr. Harret.”
“Naku! Mommy at daddy na lang sabi ang itawag mo sa amin. Pamilya mo na kami Edward kaya dapat hindi ka na nahihiya sa amin.” natatawang usal ni mommy bago naupo sa kaliwa na tinabihan naman ni daddy.
“Nakakahiya naman Mrs. Sunny. Parang wala akong respeto sainyo atsaka hindi po ako sanay," nakangiting tugon ni Edward ngunit kita ko ang pag-aalangan niya. Para bang na-aawkward siya. Hindi iyon napapansin ni mommy kasi mataas at positibo ang kanyang tingin dito.
“Napakabait mo talaga at may respeto. Kaya bagay kayo ni Solana, e.”
Napairap ako sa aking isip sa sinabi ni mommy. Naku, kung alam niya lang. Minsan ay pinepeke ni Edward ang ngiti niya sa aking mga magulang ngunit hindi naman nila iyon napapansin.
“Hi, dad! Na miss kita." Bumaling ako kay daddy at niyakap siya ng mahigpit. Nakatayo ako sa kanyang gilid habang siya ay nakaupo sa tabi ni mommy. Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik sa akin.
“I miss you too, anak. Dalasan mo ang pagbisita sa amin, ha."
"I will, dad.” Pinikit ko ang aking mga mata at mas pinakiramdaman ang kanyang yakap.
Daddy's girl ako kaya ganito ko siya mamiss. Sobrang close kami ni daddy lalo na noong bata pa lamang ako. Matapos ang ilang segundo ay kinalas ko na ang aking kamay at naupo sa harap ni daddy. Si Edward naman ay nakipag kamayan sa kanya.
“Congratulations, Mr. Harret!" bati niya bago naupo sa tapat ni mommy.
“Salamat iho," tipid na tugon ni daddy.
Habang kumakain ay nag uusap-usap kami. Minsan tungkol sa kompanya kaya hindi ako nakakasabay sa usapan. Minsan naman ay tungkol sa amin ni Edward.
“Kamusta kayo, anak?" Pagtukoy ni mommy sa buhay namin bilang mag asawa. Nakatingin siya sa amin ngayon at si daddy naman ay binaba ang kanyang hawak na wine. Tumagos ang tingin ni daddy sa tabi ko. May kung anong kilabot akong nararamdaman dahil sa dilim ng kanyang ekspresyon.
“Uhm.." Lumingon ako sa aking tabi kung nasaan ang aking asawa. Sakto ay nakatingin din pala siya sa akin kaya nagtama ang aming mata. Tinaas niya ang kanyang dalawang kilay kaya nagets ko agad iyon. Napatikom ako ang aking bibig. Ayaw niyang magsalita ako kasi baka madulas ako at kung anong masasama ang masabi ko.
Si Edward ang sumagot, “Ayos lang po kami. Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko sa kompanya para masuportahan ang aking asawa. Siya naman ay nagpapahinga sa bahay. Ayoko kasing makita siyang napapagod.”
Hinawakan niya ang aking kamay na nasa ibabaw ng mesa at marahas na pinagsalikop iyon. Nakita kong sinundan iyon ng tingin ni mommy at tumili pa ng tahimik. Ang hindi niya alam ay pagpapakitang-tao niya lamang ito. Napairap ako sa inis. Dahil kung wala sila sa harap namin ay hindi niya naman hahawakan ang aking kamay.
“Aww, sweet naman," ani ng aking ina.
Taliwas kay mommy ang reaksyon ni daddy. Matalim ang tingin na pinupukol sa aking asawa. Hindi ko matukoy kung bakit siya ganyan. Nang bumaling ang kanyang tingin sa akin ay biglang lumambot ang kanyang ekspresyon.
“Anak, bakit hindi mo subukan na magtrabaho sa kompanya natin? Sooner ay kailangan mo na rin pamahalaan ito. Alam mo na, para may experience ka na,” ani daddy.
Ngunit bago pa man ako makasagot kay daddy ay naunahan na ako magsalita ni Edward. "Kahit ‘wag na Mr. Harret. Kaya ko naman gawin iyon. Mas gusto ko na magpahinga lang siya sa bahay.”
“Tama! Mas mabuti kung magpahinga si Solana sa bahay at mag focus sa pagkakaroon ng anak. Limang taon na din kayong mag asawa pero hindi niyo pa rin kami binibigyan ng apo." Segunda naman ni mommy at nag akto pa na nalulungkot.
Napa iwas ako ng tingin sa kanila.
"Yes, maghintay lang kayo dahil malapit na ring dumating ang apo niyo." Pagkatapos ay tumingin siya sa akin ng makahulugan.
“Ayun naman pala, e!" masiglang sabi ni mommy. Tahimik lamang si daddy habang umiinom ng kanyang wine.
Aware pala siya na maaaring magbunga ang nangyari sa amin kagabi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Tuwa at kaba dahil sa wakas magkakaroon na kami ng anak. O lungkot dahil lasing siya nang mangyari iyon at hindi ko matawag na ‘making love’.
Natapos na kaming kumain kaya tumayo na rin kami. May inabot na regalo si mommy sa akin na tinanggap ko agad at sinabing sa bahay ko na lang bubuksan. Ngayon ay nakatayo ako sa gilid ng pool habang ang aking asawa at si mommy naman ay naiwan sa garden at nag uusap pa rin.
“Anak." Bumaling ako sa likod at nakita si daddy na papalapit sa akin.
“Sigurado ka bang okay lang kayo?" Kumunot ang aking noo sa kanyang tanong.
“What do you mean, dad?” naguguluhan kong tanong pabalik.
"Narinig ko kay manang na hindi kayo nagkakasabay sa pagkain ng asawa mo. At parang hindi asawa raw ang pagtrato saiyo. Hindi ako pumayag sa kasal niyo para lang ganyanin ka niya." Matalim ang boses na daddy na halatang nagpipigil ng inis.
Nagulat ako. Hindi ko alam na tumatawag pala siya kay manang. Pero hindi ko rin siya masisisi kung mangangamusta siya. Kilala ko si daddy at labis siya kung mag alala sa akin. Kahit pa totoo ang mga sinabi niya ay hindi ko ito aaminin. Ayokong mag away kami ni Edward.
“Hindi, daddy. Madalas lang talaga late umuwi kaya pinapauna ako kumain. Maayos ang pagtrato niya sa akin. Siguro ay na misinterpret lang ni manang.”
"Basta! If anything goes wrong sainyong dalawa sabihin mo kaagad sa akin, ha.” aniya.
“Yes dad!” Ngumiti ako at yumakap ulit sa kanya.
Nangalahati na namin ang strawberry cake kaya tumigil na rin kami at tinago ito sa loob ng ref. Tuwang-tuwa ako dahil kahit first try pa lamang ay naging maayos naman ang resulta. “Try naman natin ang paborito mong cake next time. Aaralin ko,” sabi ko kay Keith habang nililinis ang mga ginamit namin sa pag-bake.“Sure.” Tumango siya at tumulong na rin sa paglilinis.“Ahem!” pilit na tikhim ng kung sino mang nasa likuran namin.Sabay kaming napalingon at nakita ang kasambahay na bagong ligo soot ang maikling palda at v-neck na pantaas. Kitang kita ang malulusog niyang cleavage na mukhang sinadya pa para magpapansin sa katabi ko na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin rin sa kanya.Malanding ngumiti ito kay Keith na hindi nginitian pabalik. Nang bumaling sa’kin ang kanyang tingin ay bigla itong naasiwa at natanggal ang ngiti. May inilahad ito sa kanyang palad na maliit na papel.“Pinapabigay ni Sir,” mataray niyang sabi saka ito padabog na nilapag sa mesa. “Ano ‘to?” Mukha it
Nang makarating sa bahay ay agad kong nilantakan ang leche flan. Nandito ako ngayon sa veranda habang nakatingin kay Keith na naglilinis ng kotse. Seryoso ang kanyang mukha, malayo sa nang aasar at mahilig tumawa kapag magkasama kami. Ang kanyang noo ay bahagya pang nakakunot, kunti na lang talaga ay magdidikit na sila. May galit ba siya sa kotse?Naubos ko na ang isang tub kaya kumuha naman ako ng strawberry at ‘yun naman ang nilantakan. Madami rin ang strawberry na binili niya kaya sana may pera pa siya sa bulsa, mahal pa naman ang mga ito. Lumiwanag ang aking mukha ng may maisip. Sa sobrang dami nito ay siguradong hindi ko mauubos at baka masira lang. Kaya naisip ko na mag bake ng strawberry cake. Masayang tumayo ako at lumapit kay Keith na nagulat pa sa paglapit ko.“Bakit? Mababasa ka dito ma'am,” paalala niya. Ngumiti ako sa kanya ng malawak. Ilalabas ko na ang aking karisma at kapal ng mukha. “Sandali lang. Pwede ko bang mahiram cellphone mo? Titingin lang ako ng video kung
“Dati ka bang clown sa past life mo?” pigil tawa kong tanong sa kanya. Pansin ko ang pamumula ng kanyang tainga at ang aligaga na mata, hindi matukoy kung saan nga ba ito ipupukol. Halatang nahihiya siya. Mas ginanahan tuloy akong asarin siya. “Ang effortless mo magpatawa, minsan sa joke mo minsan naman sa itsura mo. Sigurado ka bang hindi ka joker sa past life mo?” Pinakawalan ko ang aking halakhak at hinuli ang kanyang tingin. Ang kanyang kulay itim na mata ay tumitig sa akin. Ngayon na magkalapit kami ay mas lalo kong natitigan ang kanyang mga mata. Nakikita ko ang aking repleksyon dito at may kung ano akong naramdaman, tila ba hinihigop ako ng kanyang mga titig. Umawang ang kanyang labi kaya bumaba ang tingin ko doon. He then licked his lower lip, making it wet. “Saan ka nakatingin, ma'am? Gusto mo ba ako halikan?”Sa isang iglap, bumaliktad ang mesa. Ako na ngayon ang namumula ang mukha at nabitag sa kanyang pang aasar.“Hindi ‘no!” agap kong depensa sa sarili.“Sus, okay la
Nagising ako dahil sa sama ng aking pakiramdam at muntikan pa ngang matumba pagkabangon. Kahit masakit ang buong katawan ay pinilit kong makapasok sa banyo at sumuka. Matapos ang kalahating oras na pagpapakalma sa sarili ay napatitig ako sa salamin.Magulo ang buhok, ang nangangayayat na katawan ay halos matabunan na ng mga pasa at sugat. ‘Kaya mo yan, Solana. Magpakatatag ka para sa anak mo at sa pamilya,’ bulong ko sa sarili habang hinihimas ang aking sinapupunan. Lantang gulay akong bumaba para kumain ng agahan. Matapos ang interaksyon namin ni Keith sa garden noong isang araw ay hindi ko na siya nasilayan pa. Hindi na rin ako nagtaka dahil may mga araw talaga na pinapatawag siya ni Edward sa building.Habang pinagpapatuloy ko ang aking pagkain ay may narinig akong mga yabag papasok sa kusina. Lumundag ang aking puso sa kaba at natigil sa ere ang kamay na nagtatangkang abutin ang baso sa pag-aakalang si Edward ang papalapit.Bumaba ang aking balikat nang tumambad ang lalaking mat
Matapos niya akong gamutin ay sinamahan niya naman ako tumambay sa garden. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Edward, kung bakit hindi niya sinasama ang driver niya sa building. Hindi ko masabing good thing ‘to para sa’kin dahil hindi ko rin alam kong kaninong side talaga ang driver na’to.Kahit pa ilang beses niya na akong tinulungan, may duda pa rin ako. Still, I'm thankful that he was with me. He comforted me in some ways. Nang makaupo sa hanging chair ay saka lamang niya napansin na kanina pa ako nakatitig sa kanya. “Bakit?” nagtataka niyang tanong. Nakatayo siya sa harapan ko soot ang kanyang black polo shirt na bumabagay sa kanyang pangangatawan. Hapit na hapit ito kumpara sa una niyang soot na black polo shirt. Bumabakat tuloy ang kanyang muscles na gustong gusto kong tingnan. Napa-iwas agad ako ng tingin at naramdaman ang pag iinit ng aking mukha. Hindi kasi ganyan kay Edward kahit pa maskulado naman siya. Kahit nagtataka ay hindi pa rin mawala ang halos magdugtong niyan
Sa mga oras na’to, wala na akong ibang maisip kundi ang tahimik na magpasalamat na may pumagitna sa amin. “Huwag kang makikialam dito, away mag asawa ‘to!” Ang galit na tingin ni Edward ay napunta kay Keith na marahas pa niyang tinabig para maabot ako. Ngunit nabigo lamang siya dahil kung ipagtatabi sila ay nag-mistulang maliit si Edward sa tangkad at malaking pangangatawan ni Keith. Kaya hindi man lamang naalis sa pwesto si Keith.Nakikita ko mula sa aking kinatatayuan ang lapad ng kanyang likod maging ang balikat nito. Walang duda, napakabatak ng kanyang muscle na animo’y nag g-gym. Walang-wala ang katawan ni Edward dito. “Sir, mas maganda kung mag usap kayo kapag pareho na kayong kalmado. Hindi sa lahat ng bagay ay madadaan sa away at pisikalan,” walang emosyong sabi ni Keith. “Aba, pinapangaralan mo ba ako?” naiinis na sagot naman ng aking asawa. “Advice lang ho, sir.” Sabay silip sa akin. “Umalis ka sa harap ko ngayon din!” Muli ay humakbang ito palapit at pinilit na maalis