Maaga akong nagising kinabukasan at naabutan ang aking asawa na tahimik na nag aalmusal. Lumundag ang aking puso sa tuwa habang nanlalaki ang mga mata. Masaya ako dahil naabutan ko pa siya at makakasabay.
“Honey…” Nagmadali akong bumaba at muntik pang matisod kung ‘di lang mabilis na nakakapit ang aking kanang kamay sa rehas ng hagdan. Bahagya siyang lumingon sa akin at tinuro ang katapat na upuan kaya naman kagat labi akong lumapit dito.
Tahimik akong kumuha na kanin at inilagay sa aking plato gayon din siya. Walang nagsasalita sa amin at ang tanging tunog lamang ng kutsara at plato ang maririnig kaya naman nag isip ako ng pwedeng maging topic.
Pinakiramdaman ko muna siya. Ang buong atensyon niya ay nasa pagkain. Nagkaroon ako ng pagkakataon para pagmasdan siya. Akala ko noon ay napaka cheerful niya dahil palagi siyang nakangiti at nakikipag tawanan sa ibang tao. Nauuna rin siya mag approach sa mga tao at tandang tanda ko pa kung paano siya lumapit sa amin nila mommy para makipag kamustahan. Tama nga sila, habang tumatanda ay nagbabago talaga ang behavior ng isang tao. Look at us now, kung hindi pa ako nag iisip ng topic ay wala talaga kaming mapag usapan.
Napapitlag ako ng bigla siyang mag angat ng tingin. Hindi ko namalayan na tumagal na pala ang titig ko sa kanya. Humalukipkip ito. Ako naman ay napangiti ng alangan at walang pag dadalawang isip na nag salita para maunahan siya.
“Honey, naisip ko kagabi na magandang ideya iyong suggestion ni daddy.” Napakagat ako sa aking pang ibabang labi. Ramdam ko ang biglang pagtalim ng kanyang titig sa akin.
“M-mas mabuti iyon ‘di ba? Para maging h-handa na rin ako kung sakali man na tayo na ang mamamahala sa kompanya,” maingat na pagpapatuloy ko. Yumuko ako dahil hindi ko kinakaya ang talim ng kanyang titig.
“Tsk. Gawin mo lang kung anong sasabihin ko sa’yo. Wala kang alam sa kompanya kaya dito ka lang sa bahay.” Naiinis siyang tumayo. Nakita kong wala ng laman ang kanyang plato habang sa’kin ay nangalahati pa lamang. Nakaramdaman ako ng munting kirot sa dibdib dahil hindi niya man lang ako pinatapos kumain bago siya tumayo.
“Shiela!” Pagtawag niya sa kasambahay namin habang naglalakad paalis. Sinalubong naman siya ni Shiela. Naririnig ko ang kanilang usapan dahil hindi naman close room ang aming dining area.
“Bakit ho sir?” tanong ni Shiela.
“Sabihin mo sa driver na maghanda na. Mga limang minuto ay aalis na rin ako.” Pinagmasdan ko ang pag alis ni Shiela at ang pag akyat ni Edward sa kwarto.
Ngayon ay mag isa na lamang ako sa kusina. Nakakabingi ang katahimikan. Hindi ko rin maaninag si manang, marahil ay namalengke siya. Dahil wala na akong kasama ay nawalan na rin akong gana na tapusin ito. Sumunod ako kay Edward sa taas at naabutan ko itong sinusuot ang kanyang neck tie.
Lumapit ako para tulungan siya nang tabigin niya ang aking kamay dahilan para maestatwa ako sa aking kinatatayuan. Malakas iyon kaya paniguradong namumula na ang aking namumutlang kamay. Napatingin siya sa aking kamay na ngayon ay hinihimas ko bago tumaas ang kanyang dalawang kilay.
“Nagpapaawa ka ba? Kung umasta ka parang ang lakas naman ng pagkakatabig ko sayo.”
Napaayos ako ng tayo. Nailagay ko rin ang dalawang kamay sa likod ko para itago ito. Imbis na ipagtanggol ang sarili ay hinayaan ko na lamang.
“Kakausapin ko sila daddy. Matuturuan nila ako kung paano i-handle ang kompanya kaya wala ka ng dapat ikabahala sa akin. Fast learner ako.”
“I said no!”
“Pero Edward, hindi naman pwedeng ganito na lang. Kailangan ko ring matutunan ang sariling kompanya. Kailangan ko ring lumabas ng bahay. Kailangan ko ring gawin ang mga gusto at dapat kong gawin. Tama iyong sinabi ni daddy. Atsaka…” napatigil ako ng malakas niyang hinampas ang mesa sa kwarto.
Tumungo ako. “Atsaka gusto ko ring makatulong sa’yo. Gusto kong mabawasan ang trabaho mo at magka oras ka sa akin!” Naglaho sa hangin ang boses ko sa sobrang hina na siguradong hindi umabot sa kanyang pandinig.
“Lintik naman, Solana! Huwag ka nga mag inarte. Kita mong nagmamadali ako.” Padarag siyang lumabas ng kwarto at halos mapatalon pa ako sa gulat sa lakas ng lagabog ng pinto.
Hindi pa man nakakabawi ay narinig ko na ang makina ng kotse sa garahe. Nagmadali akong lumabas at sinundan siya. Nakita kong palabas na siya ng main door at patungo sa kotse. Ngunit nalipat ang tingin ko sa lalaking nagbukas ng pinto sa backseat suot ang kanyang black polo shirt na kanyang ginagamit sa trabaho. Si Keith.
Bago pa pumasok si Edward sa kotse ay bumaling pa siya sa’kin dahilan para mapatingin din ang driver. Nagtama ang aming tingin ngunit mabilis siyang umiwas kaya itinuon ko na lamang ang tingin sa aking asawang nakabusangot ang mukha.
“Huwag kang basta-basta tatawag sa ama mo ng wala ako ha!” aniya sa naiiritang boses at walang pasabing pumasok at sinara ang pinto. Umikot si Keith papunta sa driver's seat at agad na rin silang umalis.
Malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago nagpasyang pumunta sa garden. May kalawakan ang garden namin ngunit mas malawak pa rin iyong kila mommy. Sa gitnang espasyo ay mga sopa at mesa. Dumiretso ako sa pinakadulo, ang favorite place ko. Bukod sa tago at tahimik, napakaganda rin ng view. Naupo ako sa hanging chair na pinasadya ko pa talaga para may matambayan ako.
Ilang minuto akong nakatulala sa kawalan na para bang nakikipag paligsahan ng titigan sa mga bulaklak sa harap bago naisipang kunin ang cellphone. Pumunta ako sa contacts at hinanap ang pangalan ni daddy. Akmang pipindutin ko na ang call button nang maalala si Edward.
Kung susuwayin ko siya ay mas lalo lamang siyang magagalit. Kamumuhian niya ako at baka hindi na mahalin pabalik. Ayoko. Ayaw ko ng ganon. Gusto ko magkaroon ng masayang pamilya kagaya ng ini-imagine ko noon. Kasama si Edward. Kasama ang mga magiging anak namin. Sa kakaisip ng kung ano ano ay hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha. Dibale, kaunting tyaga pa at pasensya, alam kong mapapansin niya na rin ang halaga ko.
Nangalahati na namin ang strawberry cake kaya tumigil na rin kami at tinago ito sa loob ng ref. Tuwang-tuwa ako dahil kahit first try pa lamang ay naging maayos naman ang resulta. “Try naman natin ang paborito mong cake next time. Aaralin ko,” sabi ko kay Keith habang nililinis ang mga ginamit namin sa pag-bake.“Sure.” Tumango siya at tumulong na rin sa paglilinis.“Ahem!” pilit na tikhim ng kung sino mang nasa likuran namin.Sabay kaming napalingon at nakita ang kasambahay na bagong ligo soot ang maikling palda at v-neck na pantaas. Kitang kita ang malulusog niyang cleavage na mukhang sinadya pa para magpapansin sa katabi ko na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin rin sa kanya.Malanding ngumiti ito kay Keith na hindi nginitian pabalik. Nang bumaling sa’kin ang kanyang tingin ay bigla itong naasiwa at natanggal ang ngiti. May inilahad ito sa kanyang palad na maliit na papel.“Pinapabigay ni Sir,” mataray niyang sabi saka ito padabog na nilapag sa mesa. “Ano ‘to?” Mukha it
Nang makarating sa bahay ay agad kong nilantakan ang leche flan. Nandito ako ngayon sa veranda habang nakatingin kay Keith na naglilinis ng kotse. Seryoso ang kanyang mukha, malayo sa nang aasar at mahilig tumawa kapag magkasama kami. Ang kanyang noo ay bahagya pang nakakunot, kunti na lang talaga ay magdidikit na sila. May galit ba siya sa kotse?Naubos ko na ang isang tub kaya kumuha naman ako ng strawberry at ‘yun naman ang nilantakan. Madami rin ang strawberry na binili niya kaya sana may pera pa siya sa bulsa, mahal pa naman ang mga ito. Lumiwanag ang aking mukha ng may maisip. Sa sobrang dami nito ay siguradong hindi ko mauubos at baka masira lang. Kaya naisip ko na mag bake ng strawberry cake. Masayang tumayo ako at lumapit kay Keith na nagulat pa sa paglapit ko.“Bakit? Mababasa ka dito ma'am,” paalala niya. Ngumiti ako sa kanya ng malawak. Ilalabas ko na ang aking karisma at kapal ng mukha. “Sandali lang. Pwede ko bang mahiram cellphone mo? Titingin lang ako ng video kung
“Dati ka bang clown sa past life mo?” pigil tawa kong tanong sa kanya. Pansin ko ang pamumula ng kanyang tainga at ang aligaga na mata, hindi matukoy kung saan nga ba ito ipupukol. Halatang nahihiya siya. Mas ginanahan tuloy akong asarin siya. “Ang effortless mo magpatawa, minsan sa joke mo minsan naman sa itsura mo. Sigurado ka bang hindi ka joker sa past life mo?” Pinakawalan ko ang aking halakhak at hinuli ang kanyang tingin. Ang kanyang kulay itim na mata ay tumitig sa akin. Ngayon na magkalapit kami ay mas lalo kong natitigan ang kanyang mga mata. Nakikita ko ang aking repleksyon dito at may kung ano akong naramdaman, tila ba hinihigop ako ng kanyang mga titig. Umawang ang kanyang labi kaya bumaba ang tingin ko doon. He then licked his lower lip, making it wet. “Saan ka nakatingin, ma'am? Gusto mo ba ako halikan?”Sa isang iglap, bumaliktad ang mesa. Ako na ngayon ang namumula ang mukha at nabitag sa kanyang pang aasar.“Hindi ‘no!” agap kong depensa sa sarili.“Sus, okay la
Nagising ako dahil sa sama ng aking pakiramdam at muntikan pa ngang matumba pagkabangon. Kahit masakit ang buong katawan ay pinilit kong makapasok sa banyo at sumuka. Matapos ang kalahating oras na pagpapakalma sa sarili ay napatitig ako sa salamin.Magulo ang buhok, ang nangangayayat na katawan ay halos matabunan na ng mga pasa at sugat. ‘Kaya mo yan, Solana. Magpakatatag ka para sa anak mo at sa pamilya,’ bulong ko sa sarili habang hinihimas ang aking sinapupunan. Lantang gulay akong bumaba para kumain ng agahan. Matapos ang interaksyon namin ni Keith sa garden noong isang araw ay hindi ko na siya nasilayan pa. Hindi na rin ako nagtaka dahil may mga araw talaga na pinapatawag siya ni Edward sa building.Habang pinagpapatuloy ko ang aking pagkain ay may narinig akong mga yabag papasok sa kusina. Lumundag ang aking puso sa kaba at natigil sa ere ang kamay na nagtatangkang abutin ang baso sa pag-aakalang si Edward ang papalapit.Bumaba ang aking balikat nang tumambad ang lalaking mat
Matapos niya akong gamutin ay sinamahan niya naman ako tumambay sa garden. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Edward, kung bakit hindi niya sinasama ang driver niya sa building. Hindi ko masabing good thing ‘to para sa’kin dahil hindi ko rin alam kong kaninong side talaga ang driver na’to.Kahit pa ilang beses niya na akong tinulungan, may duda pa rin ako. Still, I'm thankful that he was with me. He comforted me in some ways. Nang makaupo sa hanging chair ay saka lamang niya napansin na kanina pa ako nakatitig sa kanya. “Bakit?” nagtataka niyang tanong. Nakatayo siya sa harapan ko soot ang kanyang black polo shirt na bumabagay sa kanyang pangangatawan. Hapit na hapit ito kumpara sa una niyang soot na black polo shirt. Bumabakat tuloy ang kanyang muscles na gustong gusto kong tingnan. Napa-iwas agad ako ng tingin at naramdaman ang pag iinit ng aking mukha. Hindi kasi ganyan kay Edward kahit pa maskulado naman siya. Kahit nagtataka ay hindi pa rin mawala ang halos magdugtong niyan
Sa mga oras na’to, wala na akong ibang maisip kundi ang tahimik na magpasalamat na may pumagitna sa amin. “Huwag kang makikialam dito, away mag asawa ‘to!” Ang galit na tingin ni Edward ay napunta kay Keith na marahas pa niyang tinabig para maabot ako. Ngunit nabigo lamang siya dahil kung ipagtatabi sila ay nag-mistulang maliit si Edward sa tangkad at malaking pangangatawan ni Keith. Kaya hindi man lamang naalis sa pwesto si Keith.Nakikita ko mula sa aking kinatatayuan ang lapad ng kanyang likod maging ang balikat nito. Walang duda, napakabatak ng kanyang muscle na animo’y nag g-gym. Walang-wala ang katawan ni Edward dito. “Sir, mas maganda kung mag usap kayo kapag pareho na kayong kalmado. Hindi sa lahat ng bagay ay madadaan sa away at pisikalan,” walang emosyong sabi ni Keith. “Aba, pinapangaralan mo ba ako?” naiinis na sagot naman ng aking asawa. “Advice lang ho, sir.” Sabay silip sa akin. “Umalis ka sa harap ko ngayon din!” Muli ay humakbang ito palapit at pinilit na maalis