Home / Romance / Love by Mission (The Billionaire's Spy) / ANG HULING PAGSUBOK (SPECIAL CHAPTER 1)

Share

ANG HULING PAGSUBOK (SPECIAL CHAPTER 1)

Author: Mariya Agatha
last update Last Updated: 2025-10-07 20:38:44

( Emeryn’s POV )

Napakatahimik ng umaga. Iyong klase ng katahimikan na parang ayaw kong sirain kahit isang buntong- hininga man lang. Ang liwanag ng araw ay marahang sumisilip sa mga kurtina ng veranda, hinahaplos nito ang balat ko na parang paalala na may bagong simula na naman.

Bagong simula. Bagong buhay at bagong pag-asa.

It’s been a year. Magmula ng matapos lahat ng gulo at ang lahat ng sugat na unti- unti kong pinapagaling. Ganoon kabilis ang pagtakbo ng mga araw at sa susunod na buwan na rin gaganapin ang kasal namin ni Zairus.

Hawak ko ang tasa ng kape, mainit pa, at habang tumatama ang liwanag sa singaw nito, ramdam ko ang kapayapaang matagal ko na ring natatamasa.

Tahimik din ang paligid maliban sa tunog ng mga dahon na hinahaplos ng hangin. At sa kabilang bahagi ng veranda, naroon si Zairus na abala sa pagbabasa ng mga papeles pero paminsan-minsan ay napapansin kong palihim itong sumusulyap sa akin.

I can feel his gaze even without looking. Kaya nang magsalita siya ay halos
Mariya Agatha

SURRRRRRPPPPRISSSSE!!!!!!!! SO majority requested kaya ito na po, dahil mahal ko kayo kaya ito na ang matinding pasabog!! Chariiz! Love you all!!!

| 9
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Jane
Thank you soooo much miss a at pinagbigyan u kami bet q talaga c emeryn at dreymon ang magkatuluyan, luv u po miss a.
goodnovel comment avatar
Regina Bernal
pina excited mo nman kami ms.A sana talaga sila Emery at dreymon ang magkatuluyan.
goodnovel comment avatar
Htebazile Onivolas
sana magkamaganak nlng sila ni Zyrus para ung kulang sa puso ni Emryn si Dreymon ang makapagbigay Ms. A
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   ANG HULING PAGSUBOK (SPECIAL CHAPTER 1)

    ( Emeryn’s POV )Napakatahimik ng umaga. Iyong klase ng katahimikan na parang ayaw kong sirain kahit isang buntong- hininga man lang. Ang liwanag ng araw ay marahang sumisilip sa mga kurtina ng veranda, hinahaplos nito ang balat ko na parang paalala na may bagong simula na naman.Bagong simula. Bagong buhay at bagong pag-asa.It’s been a year. Magmula ng matapos lahat ng gulo at ang lahat ng sugat na unti- unti kong pinapagaling. Ganoon kabilis ang pagtakbo ng mga araw at sa susunod na buwan na rin gaganapin ang kasal namin ni Zairus.Hawak ko ang tasa ng kape, mainit pa, at habang tumatama ang liwanag sa singaw nito, ramdam ko ang kapayapaang matagal ko na ring natatamasa.Tahimik din ang paligid maliban sa tunog ng mga dahon na hinahaplos ng hangin. At sa kabilang bahagi ng veranda, naroon si Zairus na abala sa pagbabasa ng mga papeles pero paminsan-minsan ay napapansin kong palihim itong sumusulyap sa akin.I can feel his gaze even without looking. Kaya nang magsalita siya ay halos

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 140 (SPECIAL FINALE CHAPTER)

    ( Author’s POV )Matapos ang lahat ng unos, intriga, at kasinungalingan ay unti-unti na ring bumalik ang katahimikan sa buhay ni Emeryn. Tuluyan ng natuldukan ang matagal na laban na kinasangkutan niya. At sa wakas ay nagkaroon na rin ng linaw ang lahat ng bagay na matagal ng nagpapabigat sa kanyang puso.Naaprubahan na rin ang annulment na inihain niya laban kay Dreymon. At bagaman naging mahaba at masakit ang proseso, naging malinaw sa lahat na iyon ang tanging tamang hakbang. Si Dreymon mismo ang sumuko sa huli dahil naubusan na ng lakas ang lalaki para ipaglaban ang pagmamahal na siya na lamang ang kumakapit.Tunanggap niyang hindi na maibabalik ang dati, na ang pagmamahalan nila ni Emeryn ay isa na lamang alaala na kailanma’y hindi na muling mabubuhay pa.At ngayon, narito si Emeryn, nakaupo sa terasa ng bahay nila ni Zairus habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Sa kanyang tabi, nakahilig ang ulo ni Zairus habang mahigpit ang hawak sa kanyang kamay. Sa kanyang kandungan, mah

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 139

    Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan at dito na pumasok si Zairus habang buhat si Zairah.“Siya si Zairus,” Sabi ko, tuwid ang tinig ko kahit nanginginig ang puso ko. “Ang lalaking tumulong sa akin sa gitna ng kapahamakan, ang lalakinf nasa tabi ko sa panahong wala na akong ibang malapitan. Ang lalaking hindi ko namalayang minamahal ko na pala at siya ring minahal ng anak ko.”Napaawang ang mga labi ni Zairus sa narinig dahil ito ang unang beses na umamin ako. Dahil kahit hindi pa man siya umaamin sa damdamin niya sa akin na alam kong pinipigilan lang niya, ramdam na ramdam ko ang taos pusong pagmamahal niya sa akin at kay Zairah.Manghang naglakad si Zairus papalapit sa akin saka ako hinalikan sa ulo ko. “Damn! I love you so much more than ever Emeryn.” He uttered full of love kaya sa kanya napatutok ang ningning sa mga mata ko. Ni hindi ko na naisip na nakatingin ngayon si Dreymon sa amin. At hindi na rin naman mahalaga sa akin kung anong nararamdaman niya, gusto ko lang magpak

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 138

    Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatayo ako sa labas ng pintuan ng isang pribadong silid sa isang kilalang café. Ito ang napiling lugar ni Zairus para sa pagtatagpo namin ni Dreymon. Isang lugar na tahimik, malayo sa mga mata ng iba at ligtas para sa akin at kay Zairah.Naroon lamang sa labas si Zairus, nakabantay, kasama ang mga tauhan niya at si Zairah na mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. Pinakiusapan ko siya na maghintay lamang, na huwag munang magpakita hangga’t hindi ko sinasabi. Gusto kong ako muna ang humarap kay Dreymon. Na ako ang magsalita at ako ang magtapos sa lahat ng sugat na iniwan ng nakaraan.Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko itinulak ang pintuan.At bumungad agad sa mga mata ko ang mukha ng lalaking ilang taon kong pinagtaguan. Nakatayo siya, nakasuot ng simpleng polo at bughaw na pantalon. At ang presensya niya ay sumisigaw pa rin ng kapangyarihan at karangyaan.Ngunit higit sa lahat, ang hitsura niya ang unang tumama sa mg

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 137

    ( Emeryn’s POV )Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat ng ito. Para bang ang bigat-bigat ng dibdib ko mula nang ibinalita sa akin ni Zairus ang nangyari sa kanilang pagkikita ni Dreymon kasama si Estella.Ilang araw na rin akong balisa, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Zairus lalo na ang mga rebelasyong ibinunyag sa ni Estella kay Dreymon.I can’t imagine. Parang hindi pa rin ako makapaniwala. Ang lahat ng paratang niya, lahat ng sakit at paghihirap, lahat ng sugat sa puso at pagkatao ko na siyang bunga ng kasinungalingan at pagmamanipula ni Sophie ay nalaman na rin ni Dreymon sa wakas!Ngunit may parte pa rin sa puso ko ang nanlulumo sa tuwing naiisip ko kung gaano karaming taon ang nawala at nasayang, kung gaano karaming gabi ang umiyak akong mag-isa, nagsusumamo ngunit di man lang niya magawang paniwalaan.At ngayon, sa wakas ay nasampal din siya ng katotohanan. At hindi ko na alam kung ano pang mararamdaman ko para kay Dreymon.“Emeryn…”

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 136

    Hindi ko na kayang palipasin pa ang isang araw, matapos kong malaman ang buong katotohanan ay hindi ko na hahayaang maging malaya pa si Sophie. Lahat ng mga inamin ni Estella ay parang apoy na patuloy na naglalagablab sa dibdib ko. Ang galit na itinago ko sa maling tao ay ngayon ay sumiklab ng buo laban sa babaeng yon na walang puso, walang kaluluwa!And this time, hinding hindi ko hahayaang matakasan pa niya ang batas! Hindi ko na hahayaang manatili siyang malaya matapos niyang wasakin ang buhay ko, ang muntikang pagkawala ni granny noon at lalong lalo na nangyari kay Emeryn dahil sa lahat ng kasinungalingan at kahayupan niya.“Lintik lang ang walang ganti Sophie! Putang ina! Magbabayad ka!” Gigil at puno ng poot na asik ko. Wala na akong ibang inisip kundi ang pagpaparusa kay Sophie. Kaya naman agad akong tumawag sa mga abogado at sa mga taong may koneksyon sa mga awtoridad. Ako na mismo ang kusang kumilos dahil ayaw ko ng patagalin pa ang lahat.“Prepare the charges. Lahat ng ebi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status