Masuk( Emeryn's POV )
"Nandito na tayo!" Ang malakas na tinig ni Mama Rosana ang tuluyang nagpagising sa aking diwa. Simula biyahe namin ay ilang beses akong napapaidlip. Saka pa nga lang humaba at lumalim ang tulog ko nung may pinainom na tableta si Mama Rosana sa 'kin. At ngayon ay heto na nga, nagising na lamang ako na nandito na kami sa labas ng isang malaking bahay. Oo, malaking bahay kaya napatanong ako sa aking isipan kung may mga kasama ba si Mama Rosana na naninirahan dito dahil talagang napakalaki nito para sa isa o kahit sampung tao pa. O mas tamang sabihin na hindi lang ito basta bahay kundi mansyon ng maituturing. Hindi ko aakalaing ganito pala siya kayaman. "Feel at home dahil magiging bahay mo na rin ito." Anito sa 'kin kaya marahang akong ngumiti saka dahan dahang kumilos. Kinuha ko ang dalang bagpack at sunod na bumaba. At habang naglalakad na nakasunod kay Mama Rosana at sa driver nito ay hindi ko mapigilang ilibot ang aking mga mata sa kabuuan ng paligid. Pakiramdam ko ay para kaming nasa tagong lugar dahil parang katangi tanging bahay lang ito na nakatayo rito at pinapalibutan pa ng matataas na punong kahoy. Nag aagaw pa naman ang liwanag at dilim kaya talagang malinaw pa sa aking mga mata ang kapaligiran. Para akong biglang nakaramdam ng kuryosidad at pagtataka pero isinawalang bahala ko na lang ang lahat saka tuloy tuloy na humakbang hanggang sa makarating kami sa harapan ng maindoor ng bahay. At di pa man lang nakakapag doorbell si Mama Rosana ay bigla na lamang itong bumukas at bumungad sa amin ang isang may edad na babae na sa tingin ko'y katiwala rito ayon na rin sa suot nitong uniporme. "Maligayang pagdating po Senyora." Bati nito saka ako sunod na binalingan ng tingin. Iyon bang tipo ng tingin na hindi ko mabasa kaya nginitian ko na lamang ito. At akmang babatiin ko pa sana ito nang biglang nagsalita si Mama Rosana. "Linda, kunin mo na ang dalang gamit ni Emeryn at pakisamahan mo na rin siya sa kwartong tutuluyan niya. Ikaw na rin ang bahalang magpaliwanag sa kanya sa mga bagay na kailangan at dapat niyang malaman." Mariing utos ni Mama Rosana. At nang di sadyang napatingin ako sa gawi niya ay pansin ko ang matalim na tingin nito sa katiwalang tinawag nito sa pangalang Linda. Iyong tipo ng tingin na para bang may malalim na pinapahiwatig. Napalunok ako ng mariin. Hindi ko alam kung bakit biglang sumibol ang kaba sa dibdib ko. "Opo Senyora." Ani Manang Linda saka ito bumaling sa akin. "Ma'am, tara na po. Ihahatid ko na po kayo sa kwarto niyo." Anito kaya para akong biglang nanumbalik sa realidad mula sa malalim na pag iisip. "Emeryn anak, sumama ka na para makapagpahinga ka." Malumanay naman na tugon ni Mama Rosana sa akin kaya tumango na lamang ako saka sumunod kay Manang Linda. Bakit kaya ganoon ang reaksyon ni Mama Rosana kay Manang Linda? Tapos pagdating naman sa pakikipag usap niya sa 'kin ay mahinahon naman at napakaayos. "Uhmmm a-- ako na po ang magdadala ng bag ko Manang Linda." Pormal at magalang na turan ko habang nakasunod sa kanya sa paglalakad. Kanina kasi ay hindi ko na ito nagawang pigilan nang kunin nito ang bag na dala ko "Ako na po ma'am dahil trabaho ko ito." Sagot naman nito sa mariing tinig kaya napalunok na lamang ako at hindi na nagpumilit pa. At habang humahakbang ako ay nakaagaw pansin sa akin ang maraming kwartong nadadaanan namin. Parang sila lang naman ang tao rito sa mansyon pero bakit parang napakarami naman atang kwarto? "Isa sa ipinagbabawal ni Madam ang pagpasok sa mga kwarto rito pagkat maraming mga pribadong gamit dito sa mansyon ang nakatago sa loob." Biglang pahayag ni Manang Linda na parang nababasa ang katanungan sa aking isipan kaya namilog ang mga mata ko sa pagkagulat. "Huwag na po kayong magtaka kung bakit napakalaki ng mansyon na ito para sa ilang taong nakatira dahil talagang napakayaman ni Madam." Segundang salaysay pa ni Manang Linda kaya napalunok ako ng mariin saka tumango. Sabagay, hindi na iyon nakakapagtaka sa mga mayayaman. Sadyang nagulat lang talaga ako dahil wala naman akong masyadong alam sa background ni Mama Rosana. Sapat na kasi sa akin na pinagkatiwalaan siya nina Sister Carolina sa pagkupkop sa akin kaya alam ko na safe ako. "Matagal na po kayo rito Manang?" Kuryusong tanong ko. "Oo, Ilang dekada na rin. Maliit pa lamang si Senyora ay ako na ang nag alaga sa kanya. Dito na ako nagkaedad kaya hindi na rin nakapag asawa pa." Paliwanag nito at ramdam ko ang kalungkutan sa tinig nito. "Pasensiya na po sa tanong ko Manang." Turan ko nalang hanggang sa huminto ito sa tapat ng isang kwarto. "Nandito na tayo ma'am. Ito po ang magiging kwarto niyo." Imporma ni Manang saka nito pinihit ang doorknob kaya sumalubong sa amin ang malaki at malawak na loob ng kwarto. Dahan dahan ang naging hakbang ko papasok sa loob habang manghang nakalibot ang mga mata sa bawat sulok. "Pa--- parang ang laki naman po ata." Komento ko dahil buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita at nakapasok sa ganito kalawak na kwarto. Idagdag pa ang magandang disenyo nito. May malaki at malambot na sofa at napakalaki rin ng kama. At ang nakakamangha lalo ay ang mga kagamitan na malaking telebisyon at mini refrigerator. "Wow! Grabe. Ako lang po mag isa ang matutulog dito?" Di pa rin makapaniwalang turan ko sala puno ng kagalakang umupo sa malaking kama. Seryoso lang na tumango si Manang Linda. "Isa rin po sa kailangan niyong malaman ay hindi po kayo pwedeng basta na lamang lumabas ng kwarto hanggat walang pahintulot galing kay Senyora. Kaya po kinompleto na po rito sa kwarto ninyo para hindi niyo na po kailangang lumabas pa." Mariing tugon pa ni Manang Linda na siyang bigla kong ipinagtaka. Mas lalo lang nadagdagan ang mga katanungan sa isipan ko. At sa akmang pagbuka ko dapat ng aking bibig para magtanong ay muli na naman itong nagsalita. "Maraming pagkain sa ref kung sakali mang magutom kayo. May telebisyon din para hindi kayo mabagot." Dagdag pa na salaysay ni Manang Linda kaya napalunok ako ng mariin. Bakit niya ito sinasabi? Bakit parang napakarami naman atang bawal? At saka anong dahilan ni Mama Rosana? Paano ako makakapag aral kung ganito kahigpit dito? "Lalabas na po ako ma'am. Pupuntahan ko po kayo rito kapag inutos po ni Senyora." Tugon pa nito at akmang tatalikod na sana ito para umalis nang mabilis ko itong pigilan. "Manang, sandali lang po." Ani ko kaya napatigil ito. "Ba--- bakit po? Bakit parang napakahigpit naman po ata ni Mama?" Puno ng pagtatakang tanong ko kasabay ng malakas na kabog ng aking dibdib. "Si Senyora po ang makakasagot sa inyo niyan ma'am. Magpahinga na po kayo." Walang paligoy ligoy na sagot nito saka napakabilis ng naging hakbang nito papalabas ng kwarto. Napailing ako. Ang weird lang. Nakakapagtaka. Pagkalabas ni Manang Linda ay patakbo din akong naglakad papalapit sa pintuan para habulin ito. Rinig ko pa ang malakas na pagkakasara nito sa pintuan. "Manang, sandali lang po---" Malakas na tawag ko saka pinihit ang doorknob. At ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang malamang nakalock ito. "Nakalock!? Pero bakit naman nakalock? Ikukulong ba nila ako sa kwartong ito?" Kinakabahan at di mapakaling sigaw ng aking isipan. "Hindi... Hindi naman siguro. Kalma Emeryn! Kumalma ka! Kakarating mo pa lang pero kung anu- anong negatibong bagay na agad ang pumasok sa isipan mo. Baka ginagawa lang ito sayo para sa seguridad mo lalo pa at wala ka namang ka alam alam sa lugar na ito. Hindi ka ipapahamak nina Sister Carolina. Panigurado namang may impormasyon sila sa katauhan ng nag ampon sayo at hinding hindi nila hahayaang mapunta ka sa masamang tao." Mahabang litanya na pangaral ko sa sarili para pakalmahin ang naguguluhang isipan at kinakabahang damdamin. Bumalik na lamang ako sa kama saka inayos ang mga dala kong damit sa malaking cabinet para ituon ang atensyon sa ibang bagay.( Author’s POV )Tahimik ngunit napakalamig ng hangin bago sumikat ang araw. Sa malayo, maririnig ang mumunting hampas ng alon at pag-awit ng mga ibon na tila ba sumasalubong sa isang araw na napakahalaga, ang araw ng pag iisa para sa panibagong yugto ng naudlot na pagmamahalan.Sa isang pribadong bench malapit sa bagong tayong mini garden sa kanilang bakuran ay nakaupo sina Emeryn at Dreymon, magkahawak-kamay habang nakatanaw sa malawak na karagatan na abot tanaw. Nasa pagitan nila ang malamig na kape at dalawang white roses na ipinulot lamang ni Dreymon kaninang umaga para ibigay sa babaeng minamahal.Maganda ang panahon, may banayad na hangin na humahaplos sa mukha nila. Ilang buwan na ang lumipas mula nang bumalik ang lahat sa dati, o marahil higit pa sa dati, dahil mas matibay na ang tiwala at pagmamahal na bumabalot sa kanila ngayon. Pagmamahalang alam nila na walang sinuman ang makakatibag.Muling bumalik ang lakas ni Dreymon. Matapos ang mahabang gamutan, therapy at panalangin
( Emeryn’s POV )“Resort Paraiso’’Naririto kami ngayon ni Zairus sa isang napakagandang beachfront resort na may puting buhangin, malamig na hangin at napakalinaw ng dagat na tila nanunuya sa kaguluhan ng isipan ko. Napakabiglaan ng pag-ayang itong ni Zairus at wala siyang naging ibang paliwanag kundi nais niyang makapagrelax ako sa lahat ng mga nangyari these past few weeks. And I really appreciate his effort kahit pa man inaalala ko pa rin ang kalagayan ni Dreymon ngayon. Na kahit hindi ko na siya ulit nadadalaw ng palihim ay updated naman sa akin ang doktor niya at ayon nga sa impormasyon ay nakalabas na raw si Dreymon ng hospital kahapon pa. Kaya kahit papaano ay napanatag ako kahit pa gustong gusto ko pa rin na personal siyang makita.Feeling ko nga nagiging sobrang unfair na ako kay Zairus dahil I am physically present by his side but I am mentally and emotionally absent naman. But I am really trying my best na ibigay ang atensyon ko sa kanya para hindi niya naman maramdaman n
(Zairus POV)Tahimik ang gabi. Tahimik pero parang may mga sigaw na gustong kumawala sa dibdib ko.Nasa sofa ako ngayon hawak ang tasa ng kape na kanina pa malamig. Sa ibabaw ng mesa ay may mga papeles galing sa kumpanya, pero hindi ko mabasa kahit isang linya dahil sa totoo lang — wala naman talaga akong ibang naiisip kundi ang babaeng minamahal ko.Si Emeryn.Ang babaeng akala ko’y sa wakas ay sa akin na matapos niyang tanggapin ang kasal na alok ko.Ang babaeng matagal kong inalagaan, minahal, inunawa, at pilit kong pinasaya.Pero ngayong mga huling araw… parang unti-unti na siyang lumalayo, hindi man sa kilos ngunit sa isip.Ramdam ko. Ramdam kong hindi na ako ang laman ng isipan niya. Na kapag tinitingnan ko siya ay parang nakatingin siya sa malayo —sa kung saan naroon ang isang lalaking minsang nanakit sa kanya ngunit ngayo’y muling pinatunayan ang pagmamahal na handang magsakripisyo at ialay ang buhay para sa kanya.At sa tuwing maririnig ko ang pangalan ni Dreymon, aaminin kon
( Emeryn’s POV )Tahimik na ang buong bahay, pero pakiramdam ko ang ingay-ingay ng kalooban ko. Nakauwi na ako mula sa ospital, mula sa gulong halos kumitil ng buhay ko— at ng buhay ni Dreymon.Pero kahit anong gawin ko, kahit ilang beses kong pilitin ang sarili ko na magpahinga at huwag na munang mag-isip ay binabagabag pa rin ako, siya pa rin ang laman ng isip ko.Dreymon…..Ang pangalan niya ay parang dumadaloy sa bawat tibok ng puso ko. Paulit-ulit. Unti-unti. Masakit at parang nilalamon ako ng guilt. Papaano nga bang hindi gayung committed na ako kay Zairus at sa susunod na buwan na gaganapin ang kasal namin, pero ang laman ng isipan ko ay ang ibang lalaki. Na hindi lang basta lalaki kundi ex husband ko pa.Oh shit!Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama habang hawak ang baso ng tubig na kanina pa hindi ko maubos- ubos. At ang mukha ng anak kong mahimbing na natutulog sa aking tabi ay mas lalo lang dumagdag sa pag-iisip ko kay Dreymon dahil talagang parang pinagbiyak na bunga ang d
LOVEBYMISSION Kabanata 146(Dreymon’s POV)Tahimik. Nagising akong napakatahimik ng paligid na ang tanging naririnig ko lang ay ang mahina at tuloy-tuloy na beep ng makina sa tabi ko. Mabigat ang talukap ng aking mga mata at tila ayaw pang bumukas pero pinilit ko. Kasabay ng tuluyan kong pagdilat ay unti-unti ko ring nararamdaman ang hapdi sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. Ang paalala ng bala na muntik ng kumitil sa buhay ko.Bala…..Muling lumitaw sa utak ko ang huling nangyari. Napakurap ako ng ilang beses habang dahan dahang inilibot ang mga mata sa kabuuan ng paligid. Maputi ang kisame at ang pader. Amoy antiseptic na para bang nasa ospital ako.Ospital? Does it mean nakaligtas ako!??Pero bago ko pa masagot ang sariling katanungan ay bigla kong napansin ang isang babaeng nakaupo habang natutulog, nakasandal ang ulo nito sa upuan kaya kitang kita ko ang kagandahan ng maamo nitong mukha. E—- Emeryn!??Damn! Parang napahinto ang hininga ko at biglang bumagal ang mundo. Ang bawat hi
( Emeryn’s POV ) Tuluyang bumagsak ang katawan ni Dreymon sa harapan ko at dito ay parang biglang tumigil ang oras. “Dreymoooooon!” Isang sigaw ko pa na halos mapunit ang lalamunan ko. At lahat ng ingay sa paligid, ang kalansing ng mga baril, ang mga yabag ng mga tauhan ni Sophie, ang ugong ng mga sirena sa labas—- lahat ng iyon ay tila naglaho sa pandinig ko. Nilamon ako ng takot na siyang sumakal sa dibdib ko kaya parang hindi ako makahinga. Si Dreymon.. duguan siya.. may ilang tama ng baril sa katawan niya. At ang t-shirt na suot niya na madalas kong nakikita noon na sinusuot niya, ngayon ay puno ng pulang likido. Parang napakainit at lagkit nito sa mga kamay kong nanginginig…. “Jusko! Hindi… hindi… hindi totoo ito…” paulit-ulit kong bulong habang hinahaplos ang mukha niya. “Drey— mon— gu—mi– sing ka!!” Nagkandautal utal na wika ko at halos wala ng boses na lumalabas sa bibig ko sa lubhang pag-aalala at pagkataranta. Ngunit siya gumising at sumagot dahilan para humagulhol



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



