Pasensiya na po sa super late update dahil stress ang author niyo. Nagkasakit po kasi itong maliit ko, nilalagnat at hindi pa kumakain ng maayos kaya eto hindi na rin ako makapagfocus huhu. Salamat sa walang sawang pag aabang. Godbless us all!
[ SA KASALUKUYAN] "Dre---- Dreymon? ---- ikaw!? Ikaw ang may utos na kidnapin ako? Ikaw ang may gawa sa akin nito!?" Her voice were shaking and trembling. At ang kanyang maamong mukha ay binalot ng labis na gulat, pagtataka at kalituhan. So silly na inaabangan ko pa kung may makikita ba akong pagkamiss at pangungulila sa hitsura nito nang masilayan ako nito....... but I found none. Dahilan para mas madagdagan ang poot na nararamdaman ko sa babaeng ito. I stood still. Nanatiling matigas ang anyo ko habang ang mga mata'y matalim na nakatutok sa kanya. At mula sa pagkakaupo ay dahan dahan siyang tumayo. "Su--- Sumagot ka! Bakit?" Ngayo'y garalgal na ang boses niya, animo'y nanghihina. Pero hindi ako sumagot. At imbes na magsalita ay nilapitan ko ito saka sarkastikong hinaplos ang mukha nitong maamo ngunit mapagbalat kayo! "Sa tingin mo, bakit ko nga ba ito ginagawa? Do you have any idea?" Mariin at matigas na tanong ko. At ang dahan dahan kong paghaplos sa mukha nito ay u
But...... What I thought about her is not what it seems. Dahil nang bumalik ang tauhan ko para ereport sa akin ang nakalap niyang impormasyon ay halos manlumo ako. "Boss," Marahang bati nito saka yumuko pagkalabas ko galing sa kwarto ni granny. Kasalukuyan akong nasa ospital ngayon kaya dito na ito nagtungo. Marahan lang akong tumango saka nito inilahad ang dala niyang envelope na may lamang mga dokumento. "Nandiyan po ang kailangan niyong impormasyon boss." Pahayag nito na ngayo'y mababanaag ang kapanatagan sa boses nito na para bang proud ito na naisagawa ang utos ko sa mabilis lamang na panahon. Tumango ako bilang sagot at di makapaghintay na kinuha ang nilalaman ng envelope saka ko ito seryosong tiningnan at binasa. "Emeryn Del Rosario? And who the heck is Emeryn Del Rosario!?" Napakunot ang noo ko habang mariing nakatitig ang mga mata sa pangalang ito. At hindi ko alam kung bakit biglang nagwala ang dibdib ko. O baka dahil nagpupuyos ako sa galit dahil ito ang kri
( Dreymon's POV ) [ Weeks earlier ] "Yes boss, at kailangan niyo po itong makita!" Diretsahan at walang paligoy ligoy na sagot ng tauhang inatasan ko na siyang nagpalakas ng kabog ng aking dibdib. Napakunot ang noo ko kasabay ng mariing pagtutok ng aking mga mata sa monitor ng laptop. "Iyan po ang napansin namin sa paghalungkat sa mga CCTV footages boss. Sunod sunod po na nakakatanggap ng boxes ang abuela niyo. At kung titingnan maigi ay mukhang napakasaya ng lola niyo kaya siguradong mga regalo po itong natanggap niya." Paliwanag nito na siyang nagpaigting sa aking panga. Regalo? At sino ang magbibigay ng regalo kay granny gayung sa tinagal tagal kong nanirahan sa mansyon kasama siya ay napakabihira lang niyon mangyari, not unless kung birthday niya. Pero tapos na rin iyon kaya binalot ako bigla ng labis pagtataka at kuryosidad. Hindi kaya ay may kinalaman ang mga regalong ito sa nangyari sa kanya!? Did someone intentionally sent this to poison her? Oh fuck! My jaw cl
Walang pakundangan sa pagwawala ang dibdib ko hanggang sa huminto ang sasakyan sa hindi ko pamilyar na lugar matapos ang mahabang oras na tantiya ko ay dalawa o baka tatlo na nga marahil. "Hawakan niyong mabuti iyan pagkababa at baka makatakas pa!" Mariing utos ng lalaking siyang nagmaneho ng SUV kaya ramdam ko kaagad ang mahigpit na pagkakahawak sa akin ng dalawang kasamahan nito sa magkabilaan kong braso. "Dahan dahan naman po. Sa liit ng katawan ko sa tingin niyo makakatakas pa ba ako?" Nanghihinang pakiusap ko kaya saglit na nagkatinginan ang dalawa. "Naniniguro lang Miss ganda dahil kami ang malilintikan kapag nakawala ka." Sagot ng isa kaya napabuntong hininga na lamang ako ng malalim kasabay ng tahimik na pagdaloy ng aking mga luha. "Anong Miss ganda? May pagnanasa ka ba? Siraulo ka ata eh! Gusto mo bang malumpo sa bugbog? Alam mo na ang mariing ibinilin sa atin kaya ayus ayusin mo iyang bibig mo!" Matigas na sita ng isang lalaki sa kasama nitong pumuri sa akin. Napak
"Naku! Naubusan na pala ng gamot si mama mo Ma'am Emeryn." Imporma ni Manang Esther matapos itong lumabas galing sa kwarto ni Mama Estella. Kasalukuyan akong nakaupo sa couch na nasa sala. Saglit na muna akong nagpahinga dahil sa pananakit ng aking ulo at sa nararamdamang katamlayan ng aking katawan. Pero gayunpaman, nang marinig ko ang sinabi nito ay dahan dahan akong tumayo. "Ako na po ang bibili sa labas Manang." Usal ko saka kinuha sa kamay nito ang reseta. "Sigurado po kayo ma'am? Magpahinga na po muna siguro kayo. Ilang araw ko na rin pong napapansin na mukha po kayong matamlay. May masakit po ba sa inyo?" Concern na tanong ni Manang saka nito sinapo ang aking noo. "Ayos lang ako Manang. Baka kulang lang po ako sa tulog." Marahang sagot ko na may kasamang ngiti. Halata pa sa mukha nito ang pag aalala pero hindi na rin ako nagpapigil pa saka tuloy tuloy na humakbang papalabas ng mansyon. At dahil nagkataon pang walang pasok ang family driver namin ngayon ay nag aban
( Emeryn's POV ) Palakwento at may pagkapalabiro sa Liam kaya hindi naging boring ang mahabang biyahe namin patungong ospital. Yon nga lang, hindi ko mawari na sa tuwing nagtatanong ako tungkol sa ina nito at kay Mama Estella ay parang napakatipid lang ng sagot nito. Pero hindi ko alam kung bakit may nagtutulak pa rin sa akin na mag usyuso. "May larawan ka ba ng mommy mo? Gusto ko lang sanang makita." Seryosong tanong ko. Hindi na ako nag- eenglish dahil marunong na marunong naman itong umintindi ng tagalog. Kung hindi lang sinabi ni Mama Estella sa 'kin na laki ito sa Amerika ay iisipin kong taga Pilipinas lang ito. Iyon bang banyaga ang hitsura pero pinanganak lang dito sa Pilipinas. Pansin ko ang pagalaw ng panga nito nito saka napailing. "I---- I'm sorry but taking a picture isn't my thing. And mom is also like that so I don't have any on my phone." Sagot nito na bahagya kong ikinaawang. "Ahhhh ganoon ba. Uhmmm wala rin sa wallet mo?" Paniniguro ko pa dahil may mga tao