PERO…….. Hindi ko aakalaing dito na pala unti- unting guguho ang mundo ko. Sa mabilis na paglipas ng mga araw ay walang Emerald na bumalik. I stayed here for how many days, hindi ako umalis dahil pinanghahawakan ko ang pangako niya na babalik siya….. but she never showed up. I even contacted her number matapos kong ipahatid sa sekretarya ko ang bagong aparatu na mismong pinabili ko nung araw na umalis siya but she’s unattended. She left without any trace and that keeps me so fucking worried. “Boss, halos nahalughog na po namin ang buong Maynila pero hindi pa rin po namin mahanap si Ma’am Emerald. May tauhan na rin pong nakabantay araw araw sa apartment niya pero wala daw pong tao. Hindi na po raw umuuwi si ma’am doon.” Balita ng tauhang pinagkakatiwalaan ko kaya napakalalim ng pinakawalan kong buntong hininga. Muli kong tinungga ang bote ng alak na hawak ko saka problemadong nahilot ko ang aking sintido. I don’t know where to find her kaya pinakalat ko na ang mga tauhan ko
( Dreymon’s POV ) Nagising ako nang maramdaman ang sinag ng araw na tumama sa aking hubad na katawan. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at gayung na lamang ang pagtataka ko nang masilayang wala si Emerald sa aking tabi. Nasanay kasi ako na kapag katabi ko siya sa kama ay gigising akong may kayakap habang nakaunan siya sa aking braso. Pero ngayon ay wala ito. Tiningnan ko ang oras sa suot na wristwatch at mas lalo lang akong nilukob ng kaba at pagtataka nang malamang alas nuebe na pala ng umaga. Nakakapagtaka lalo kasi nasanay ako na ginigising niya with breakfast in bed. Ganoon siya ka maalaga kaya nga mas lalo ko pa siyang minahal. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang pagkataranta sa sarili. Damn! Bakit ako nag iisip kaagad ng negatibo gayung hindi ko pa naman siya hinahanap. At nasa resort kami kaya marahil ay nasa labas lang iyon, baka namasyal o nagpahangin. O di kaya ay baka nag order ng makakain namin. Matapos mapakalma ang sarili ay tumayo na rin ako kaag
“Emeryn, Anak, kung nababasa mo man ito ngayon marahil ay dahil nakaratay na ako dahil sa aking karamdaman na siyang dulot mo. Masyado akong nasaktan at labis na nagdamdam dahil sa pagtalikod mo sa akin para mas piliin ang lalaking kinasusuklaman ko. Hindi ka man lang ba nakonsensiya? Hindi ka man lang ba naguilty? Wala bang halaga sayo ang pagpapakaina ko sayo sa loob ng maraming taon? Hindi mo man lang ba ako binigyang halaga sa buhay mo kahit ako ang tumulong at nagbigay sayo ng pangalawang pagkakataon na mabuhay? Kahit na ako ang nagbihis sayo at nagpaaral? Sabagay, bakit ko pa nga ba tinatanong gayung marahil ay 'OO' ang sagot sa lahat ng katanungan ko dahil nagpapatunay lamang ang pagtalikod mo sa akin. Siguradong magiging masaya ka pa siguro kapag wala na ako dahil wala ng hahadlang pa sa inyo. Pero sana usigin ka man lang ng konsensiya mo. Dahil kung hindi dahil sa akin ay wala ka na ngayon. Ang kahilingan ko lang, sana ay mahanap mo diyan sa puso ang napakalaking uta
Pagkasagot ng katulong kung saang ospital isinugod si Mama Isabela ay taranta kong ibinaba ang aparatu para maghanda sa pagpunta roon. Oo, syempre pupuntahan ko si Mama Isabela dahil misyon ko lang naman ang tinalikuran ko pero hindi siya, hindi ang pagiging anak ko sa kanya kahit pa hindi kami totoong magkadugo. Hindi ko na rin napigilan ang pagbuhos ng malaulang luha sa aking mga mata dahil sobra akong nagui- guilty. Kahit hindi pa malinaw sa akin kung ano nga ba ang dahilan sa nangyari kay Mama Isabela ay sinisisi ko na ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan. Tahimik kong pinakawalan ang aking mga luha dahil magpahanggang ngayon ay malalim pa rin ang tulog ni Dreymon at ayaw ko rin siyang magising. Hindi niya pwedeng malaman na aalis ako, kung saan ako pupunta at kung sino ang pupuntahan ko. Mas lalo namang hindi siya pwedeng sumama dahil baka matuluyan pa si Mama Isabela kapag nakita ang lalaking labis niyang kinasusuklaman. Sana lang ay wala itong mga bo
( Emeryn's POV ) "That's it?" Tanging naging komento ni Dreymon matapos kong isalaysay sa kanya ang katotohanan ng gabing iyon. Kung paano ako nalasing ng mabilis at napagkamalan ko pa ang kaibigan niya na akala ko talaga ay siya kaya walang malisya akong napahawak at napakapit sa lalaki. Kumunot ang noo ko at nagsalubong pa ang mga kilay habang nakatitig sa kanya. "That's it? Yan lang ang magiging reaksyon mo? Eh nabalitaan ko nga na muntikan mo ng bugbugin ang kaibigan mo eh." Palatak ko dahil nakukulangan ako sa sagot at reaksyon niya. May hinihintay akong salita na babanggitin niya para makasiguro naman ang puso ko. Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga bago sumagot. "Yeah, you're right. Muntikan ko na ngang mapuruhan si Bruce kagabi it's because kinain na ako ng selos nang makita kayong sobrang magkalapit sa isa't isa. Nang magpaliwanag siya ay doon lang ako kumalma." Anito sa marahan boses kaya agad na sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Oh my good
( Dreymon's POV) "So what question do you want me to answer first babe?" Malambing na usal ko habang nakahaplos sa hubad na likuran nito. Nakahiga ito sa braso ko at ang kamay nito'y mahigpit na nakayakap sa hubad ko ring katawan. Tanging kumot lang ang nakatakip sa kahubdan namin. Kapwa kami pagod dahil sa makailang ulit na pagniniig. Damn! I am so fucking love this woman. At kagaya ng palagi kong sinasabi sa kanya, ay hinding hindi ako kailanman magsasawa sa pag angkin sa kanya. Inangat nito ang kanyang mukha kaya kita ko ang seryosong tingin nito. Ilang saglit pa ay kumalas ito sa pagkakayakap sa akin saka dahan dahang umupo sa kama. "Question? Questions kamo kasi ang dami dami! As in sobrang dami. Gusto mo bang isa- isahin ko talaga? Para magkaalaman na tayo! Total naman pumunta ka lang ata dito para angkinin ako at pagsawaan eh!" Salaysay nito na parang puno ng hinanakit kaya bahagyang umawang ang aking mga labi. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga saka tumabi sa