Tila siya pagong sa paglabas ng building ng Unicorn Marketing Agency. Tiyak na naghihintay na sa kanya si Don Fausto. Kasal o kulong. May dalawa siyang pamimilian.
Hindi na siya sumakay ng dyip. Kung pwede lang pahintuin ang oras ay ginawa na niya. May nadinig siyang busina sa likuran. Ang magarang Bentley car ng CEO, si Ethan! Nagmamadali siyang lumapit sa car window nito at kinatok ng malakas.
“Sir, matindi lang ang pangangailangan ko. Kailangan ko po ng one million.”
“Hey, kapag nagasgasan mo ang paborito kong kotse, lagot ka sa akin.”
“Sir, parang awa mo na. Kailangan ko ng isang milyon dahil kung hindi ay mapipilitan akong magpakasal sa taong hindi ko gusto.”
Umismid ang binata. “Ilusyunada ka din. Ano ang akala mo sa sarili mo, bida sa telenobela? Ang sabihin mo ay gusto mong mag-shopping kaya ka nanghihingi ng isang milyon. Nakita ko kung paano mo inubos ang 250,000 na ibinayad ko sa’yo. Nagshopping ka at nagpa-salon. Tignan mo at puro bago ang gamit mo.”
Paano ba niya sasabihing sponsor ng nanay nito ang lahat ng bagong damit at gamit niya? Hindi nito dapat malaman.
“Sir, nagkakamali kayo. Kapag hindi ako nagpakasal o nagbayad ay makukulong ako at ang tatay ko.”
“Magpalit ka na ng trabaho. Dapat sa’yo writer at hindi janitress. Ang galing mong gumawag ng istorya." Naiiling na sabi nito at isinara na ang car window.
Dala ng kadesperadahan ay hinabol niya ang sasakyan nito at natilamsikan siya ng tubig sa kalsada. Basang basa ang pantalon at sapatos niya. Ngunit hindi na ito huminto. Wala na talagang pag-asa. Pinigil niya ang luhang nagbabadyang pumatak. Tumingala siya sa langit. Mukhang kapalaran na niyang mapangasawa si Don Fausto. Masama mang isipin kahit hindi pa siya naikakasal dito ay ipinapanalangin na niya na hindi naman siguro ito mabubuhay ng matagal.
Napadaan siya sa mahabang tulay ng San Jose. Parang gusto na lamang niyang tumalon ng matapos na ang lahat ng problema niya. Naisip niya ang ina at mga kapatid. Kailangan siya ng mga ito. Bawal siyang mamatay. Wala na talagang choice kundi ang magpakasal siya sa matandang negosyante. Ang dami pa naman nitong mga anak sa una at ikalawang asawa na masama ang tingin sa kanya dahil nga siya ang nililigawan nito.
Kumain muna siya ng fishball at samalamig sa parke. Tulala pa din siya habang naglalakad. Nakasalubong niya si Lyn.
“Hanna, bilisan mo. May bisita ka.” Tila excited ang kaibigang matalik at halos itulak pa siya papasok ng eskinita nila.
Sabi na nga ba at hindi magsasayang ng oras si Don Fausto at maniningil agad ito. Buti na lang at walang kasamang pulis.
Natanaw niya ang pamilyar na sasakyan. Teka, sasakyan ng CEO ng Unicorn Marketing Agency ang nakapark sa masikip na kalsada nila. Bakit andito ang boss niya?
Dali-dali siyang pumasok sa loob. Nakita niya ang boss na kausap si Don Fausto at ang ama. Masayang masaya ang tatlo at may alak pa sa harap. Nagtatanong ang kanyang mga mata at palipat lipat siya ng tingin sa tatlong lalaking nagbibigay sa kanya ng matinding stress.
“Hanna, kanina ka pa hinihintay ng boyfriend mo,” todo ang ngiti ng ama. Maluwang na maluwag ang bibig nito na tila mapupunit sa labis na kaligayahan. Napabuntunghininga siya ng malalim. Ayaw niyang malaman ng pamilya lalo ng ama ang tungkol sa boss niya dahil kilala niya ang pagiging oportunista ng ama. Kung walang pera itong si Ethan malamang ay nabugbog na ito pagpasok pa lang ng eskinita nila.
Umupo siya sa harap ng mga ito. “Hanna, pagpasensyahan mo na ang nasabi ko sa’yo kahapon. Nadala lamang ako ng aking emosyon. Suportado ko ang relasyon ninyo ni Charles Ethan Rodriguez.”
Wow, kumpleto pa ang pangalan ng CEO. Ang laki talaga ng nagagawa ng pera. Kilalang masama ang ugali ni Don Fausto pero tila anghel ito sa harap ng boss niya.
“Don Fausto, magkano nga ang nahiram sa’yo ng girlfriend ko?”
“Tsaka na natin pag-usapan kapag naayos na ang lupang ibinebenta ko sa’yo.”
“Ayokong may inaalala ang girlfriend ko kaya gusto ko ng ma-settle.” Inakbayan siya ng binata. Naghiyawan ang mga tsismosang kapitbahay na nakadungaw sa bintana ng bahay nila. Mapahawak siya sa mukha, tila may shooting sa labas. Headline na naman siya sa barangay nila.
Parang nahihiya si Don Fausto ng sumagot. “Isang milyon kasama na ang utang ng tatay niya dahil sa sugal. Pero hindi naman ako naniningil agad. Kung kailan lang sila magkapera.”
Tinawag nito ang secretary na si Terry. Nagsulat ito sa tseke at pinirmahan. “Dalawang milyon. Ayoko lang na malalaman na ginugulo mo ang babaeng pinakamamahal ko at ang pamilya niya.”
Ang luwang din ng ngiti ni Don Fausto. “Makakaasa ka sa proteksyong ibibigay ko sa pamilya ni Hanna.”
Nasamid siya sa sinabi nito. Ang sarap pagbuhulin ng tatay niya at ni Don Fausto.
“Kumain na tayo, nakahain na ang pagkain,” tawag ng kanyang ina. Nag-uunahan ang kanyang mga kapatid sa mesa.
“Hindi na ‘nay. Aalis na si Ethan.” Hinila niya ito palabas ng bahay.
“Sige po, ‘nay kakain po ako ng niluto ninyo at mukhang masarap.” Lumapit na ito sa mesa.
Wala na siyang magawa. Hindi naman sa ikinakahiya niya ang simpleng pamumuhay nila. Ngunit sa estado ni Ethan, tiyak na maselan ito. Baka sumakit pa ang tiyan nito at sila ang sisihin.
Napatingin siya sa hapag kainan. Napadilat siya sa mga bagong pinggan, baso, kutsara at tinidor. May mga nakatago pala silang matinong gamit. Nawala sa tauban ang plastic na pinggan at ang basong pinagbasyuhan ng cup noodles. Magaling naman talaga magluto ang ina, pero saan naman ito nakakuha ng iluluto? May dalawang klase ng ulam, sinigang na bangus at ginisang gulay na may brocolli. At napatingin siya sa kanin. Nasaan ang nakasanayan nilang NFA rice? Bakit dinorado ang nakasaing ngayon? Napailing na lamang siya. Tiyak na nangutang ang ina para sa inaakalang mayamang boyfriend niya.
Hindi niya malulon ang pagkain. Tulala pa din siya. Natapos nga ang problema niya kay Don Fausto. Ngunit paano niya ipapaliwanag sa pamilya ang relasyon niya sa CEO ng Unicorn Marketing Agency?
Napansin ni Ethan ang pananahimik niya. Sinubuan siya nito ng pagkain. Wala siyang nagawa kundi ang tanggapin ang kutsarang iniuumang nito sa kanyang bibig. At muling may hiyawan sa labas mula sa mga kapitbahay nila. Hindi pa pala tapos ang shooting.
Ito na yata ang pinakamahaba niyang hapunan. “Uuwi na po si Ethan.” Itinulak na niya ito sa pinto.
Umawat ang ama. “Maaga pa naman. Shot muna tayo ng konti.”
“Tay, busy po si Ethan. May pasok pa siya bukas.”
“Sunday, sweetheart. Walang pasok. Pagbibigyan ko si tatay Edgar.” Halos pumalakpak ang tenga ng tatay niya pagkadinig sa sinabi ng binata.
Sweetheart? Bakit tila may lason ang salitang iyon kapag galing sa boss niya. Pero kinilig siya sa totoo lang.
“Oo nga naman. Mainam na makapag-usap kami ni Ethan upang mas makilala ko siya.”
“Tay, nagpabili ako ng imported na alak, gusto kong ipatikim sa inyo. Tawagin mo din ang mga kumpare mo.”
“Ethan, madaming kumpare ang tatay ko. Huwag na, umuwi ka na. Malayo pa ang bahay mo.” Ngunit hindi siya nito pinansin.
Bumaha ng alak at pulutan sa harap ng maliit nilang barong barong. Nagpabili pa si Liam ng lechon. Huwag naman sanang ikaltas nito ang nagastos ngayong araw sa bayad sa kanya.
Nakita niyang masayang nakikipag-usap si Ethan sa ama niya pati sa mga kaibigan nito. Napakalayo ng estado ng buhay nito sa kanila. Kitang kita niya na nangingibabaw ang itsura ng binata sa kanilang lahat. Napakagwapo nito. Mas gwapo pa kaysa sa mga artista. Pati ang pananamit at kilos nito ay may class. Naaaliw siyang titigan ang binata. Sana ay totoo na lang na kasintahan siya nito.
Malakas din pala itong uminom dahil kaya nitong makipagsabayan sa mga sunog baga sa kanilang lugar. Inihatid na niya ang binata sa sasakyan nito. Mabait at humble naman pala ang boss niya. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito para matulungan siya.
“Maraming salamat.” Kinikilig niyang sabi sa binata.
“Para saan?”
“Sa pagpunta mo at sa pagligtas sa amin ng tatay ko. Tatanawin ko itong malaking utang na loob. Hayaan mo at makakabawi din ako sa’yo.”
“At sa tingin mo ay ginawa ko ang lahat ng ito para sa’yo?”
Kumunot ang noo niya at napalis ang matamis na ngiti sa kanyang labi.
“Anong ibig mong sabihin, sir?”
“Hanna, nagpunta ako dito dahil kailangang palabasin na totoo ang relasyon natin. Pabalik na ang Lola Rosa ko galing Amerika. Nakausap ko siya at gusto ka niyang makilala. Tiyak na mag-iimbestiga ang matanda. Kaya mainam na alam ng mga kapitbahay mo ang relasyon natin.”
Kumirot ang dibdib niya. Bakit masakit? Akala pa naman niya ay para sa kanya kaya ito nagpunta at tumulong.
“Wait, huwag kang kiligin sa pagdalaw ko sa mainit at masikip ninyong lugar. Ginagawa ko ang isang bagay para sa sarili kong kapakanan. Wala akong pakialam sa’yo o sa pamilya mo. Kailangan kong mapaniwala ang lola ko na tunay ang relasyon natin. Perfect ang pagkakakuha ko sa’yo. Laki sa hirap si lola Rosa, kaya tiyak na makakarelate siya sa’yo. At isa pa, hinding hindi ka na makakaatras sa kasunduan natin. Dalawang milyon na ang nabawas sa bayad sa’yo.”
Tumango siya. Bakit parang nagdugo ang puso niya? At tila pabagsak ang luha sa kanyang mga mata. Nagiging sensitive yata siya.
“Sige, hindi ako nakakalimot sa kasunduan natin.” Kumurap kurap siya upang pabalikin ang luha sa mga mata. At bakit siya iiyak? Talaga namang bayaran siya ni Ethan.
“Anong kasunduan?” Biglang sumulpot ang ama sa kanyang likuran.
Si Ethan ang sumagot. “Kasunduan po. Napagkasunduan po namin na huwag ng patagalin pa ang aming relasyon bilang magkasintahan. At nagpaplano na po kaming magpakasal.”Nagningning ang mata ng ama niyang oportunista. “Suportado ko ang pagmamahalan ninyo.” Tinapik pa nito sa balikat ang binata. Kay bait ng ama niya. Naglaho ang sungay at buntot nito.“Sige na ‘tay, aalis na po si Ethan. Goodnight, sweetheart,” aniya. Itinulak na niya ito papasok sa kotse.“Teka lang sweetheart, may sasabihin pa ako sa’yo. Tatay Edgar, ipagpapaalam ko lang po sana si Hanna ng ilang minuto para magkasarilinan po kami.”“Walang problema. May malapit na motel diyan sa malapit. Sa unang kanto, liko ka sa kaliwa.”Nasamid silang dalawa ni Ethan. Wala talagang preno ang bibig ng tatay niya.“Oh, bakit ganyan ang tingin ninyo sa akin. Ano ba ang ginagawa ng magkasintahan? Imposibleng magtititigan lang kayo. Mga bata pa kayo at malakas, kayang kaya ninyo ang ilang rounds. O sige, mauna na ako. Kung gusto ninyo ma
“Kung in-love ka na sa akin. Condolences sa puso mo. It will be broken into million pieces.” Malamig ang titig ni Ethan sa kanya.Agad siyang bumawi. “Joke lang, sir. Masyado ka namang seryoso sa buhay. Hindi ako ma-iin-love sa kagaya mo. Tsaka may iba akong mahal.” Pagsisinungaling niya. Naging mailap ang mga mata niya. Alam naman niyang hindi dapat mahulog ang damdamin niya sa boss. Langit at lupa ang pagitan nila.“Anong sabi mo?” Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang braso.“May iba akong mahal kaya huwag kang matakot na ma-fall ako sa’yo. Hindi mangyayari ‘yon.”“Binasa mo ba nag kasunduan natin? Hindi ka makikipagrelasyon sa iba habang nagpapanggap kang girlfriend ko. Hindi ko gusto ang may kahati sa kahit ano, bagay man o tao.”“Hindi ko naman siya boyfriend. Naghihintay ako sa pagbabalik niya.”“Akin ka, Hanna. Naiintindihan mo?”Gusto sana niyang kiligin sa sinabi nito pero alam niyang nagbabanta lamang ang binata. Marahan siyang tumango. Tinitigan niya ang gwapong mukha ng
Nakita niya ang takot sa mukha ni Ethan pagkakita sa matanda. “Lola Rosa, mayroon lang po kaming maliit na hindi pagkakaunawaan. Maaayos din po agad namin.” Umakbay ang binata sa kanya.“I saw everything, Ethan. Sinungaling ang dati mong kasintahan. Siya ang naunang makipag-away kay Hanna. Sa susunod, makinig ka muna sa taong totoong nagmamahal sa’yo,” pagtatanggol sa kanya ni Lola Rosa.“Kaya nga po kinakausap ko si Hanna ng mahinahon para malaman ko po ang side niya. Hindi lang po talaga maiiwasan ang pagtatalo kung minsan.”Tumunog ang cellphone ng binata. “Excuse me at sasagutin ko lang po ang tawag.”Tinabihan niya ang matanda. “Salamat po, Lola Rosa. Nakita ninyo po ba ng hilahin niya ang buhok ko?”“Hindi, wala akong nakita. Pinagtanggol lang kita dahil wala akong tiwala sa babaeng iyon.” Alanganing ngumiti niya sa matanda.“Lola Rosa, makakaasa po kayo na mapagkakatiwalaan ninyo ako.”“Hindi pa ako sure kung mapagkakatiwalaan ka nga o isa ka ding oportunista kagaya ng iba. Mag
“At bakit ikaw ang tinatawagan niya? Hindi ba at may asawa na siya? Dapat una niyang hingin ng tulong ang asawa niya,” sabi ni Hanna kay Ethan.“Wait, Hanna. Ipapaalala ko lang na hindi kita totoong girlfriend. Nagpapanggap lang tayo. Wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko. Bayad ka sa trabahong ito.”Tila siya sinampal sa nadinig. Nabitawan niya ang kamay ng amo. Bakit nga ba nawawala siya sa reyalidad? At bakit nasasaktan siya? Tila nagseselos siya kahit wala siyang karapatan.Tumawa siya upang itago ang pagkapahiya. “Sorry, sir. Sa sobrang ginagalingan ko sa trabaho, akala ko totoo na. Sige po, puntahan na ninyo si Ms. Cali at baka kailangan niya kayo.” Hindi na nagsayang ng ilang segundo ang binata at umalis na ito.Napaupo siya sa malambot na kama. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Tinampal niya ang magkabilang pisngi upang magising sa katotohanang nagpapanggap lamang sila. Imposibleng magkagusto ang CEO sa isang dyanitres.Lumabas na din siya ng condo unit ng
“Sir, masyado na pong personal na tanong ‘yan,” sabi ni Hanna sa boss.“Ayaw mong sagutin dahil baka nagsinungaling ka kanina sa duktor. Baka hindi lang isa ang lalaki. Magsabi ka ng totoo.”Pinigil niyang irapan ang binata sa kanyang tabi. “Si Dylan. Naalala mo ang lalaking kausap ko sa video call?” Wala na siyang maisip na iba. Hindi naman niya pwedeng sabihin na ito ang lalaki nakauna sa kanya at baka ipakulong pa siya nito dahil natangay niya ang wallet nito na may lamang halos dalawampung libo na nagastos na niya.Tila nagngalit ang bagang ng boss ng madinig ang pangalan ni Dylan. Ngunit malamang ay guni-guni lamang niya dahil imposibleng magalit ito sa kung sino mang lalaki ang nakakuha sa pagka-birhen niya.“Siguraduhin mo lang na hindi ka makikipag-ugnayan sa kahit na sinong lalaki habang may kasunduan tayo. Pag-aari kita. Naiintindihan mo?”Tumango siya. “Huwag po kayong mag-alala at mahal ko ang trabaho ko at ang perang kikitain ko.” At mahal kita! Huy! Bakit may pumapasok n
Pumasok sa loob ng condo si Ethan. Nayakap niya ang sarili at nagkubli sa ilalim ng kumot.“May nangyari po ba sa atin kagabi? Pasensya ka na wala akong maalala.”Ibinigay nito sa kanya ang dalang isang basong tubig at gamot. “Ano sa tingin mo?” nakakalokong ngumiti ito.Pinakiramdaman niya ang sarili. Hindi naman masakit ang ibabang bahagi ng kanyang katawan hindi kagaya noon na hindi siya nakalakad ng maayos dahil malaki at mataba ang ari nito. Namula ang kanyang pisngi. Pero baka dahil first time niya dati at ngayon ay pangalawang pagkakataon na kaya wala siyang naramdamang sakit.“Bumangon ka na diyan at maligo. Sabay na tayong pumasok sa opisina.”Inabot nito ang bagong set ng damit at sapatos. Tapos na siyang maligo at nadatnan niya itong naghahanda ng agahan. Wow, husband material. Ang sweet naman. “Breakfast is ready,” anang binata.Susubo na sana siya ngunit inawat siya ng binata. Picture muna tayo at send ko kay mommy at Lolo Rosa. Ah kaya pala nag-effort ito, gusto lang ma
Inabot ni Dylan ang kamay kay Ethan na alam niyang hindi tatanggapin ng kanyang amo. Mas lalong humaba ang kanyang buhok dahil dalawang makikisig na lalaki ang tila nais magsuntukan para sa kanya. Ipinilig niya ang ulo dahil naisip niyang parehas na hindi niya kasintahan ang dalawa.Lumabas ang tatay Edgar niya at tinawag ang mga lalaki papasok sa loob ng kanilang bahay.“May mga bisita pala tayo. Pumasok kayo mga ginoo. Shot tayo.” Tuwang tuwa na naman ang kanyang ama dahil masasayaran na naman ang lalamunan nito ng alak. Bakit ba ang mga lalaki ay hindi makakapag-usap ng walang alak sa harapan?“Tay, magpapadala ako ng masarap na alak,” ani Ethan.“Tay, umorder na kayo ng pulutan na gusto ninyo,” sabi naman ni Dylan.May mga kapitbahay na namang nakikiusyoso sa kanila. Kilala ng mga ito si Dylan.Mag-iinuman ang tatlo at nagtawag pa ng mga kaibigan ang kanyang ama.Tumabi sa kanya si Ethan at umakbay. “Tay Edgar at Nanay Lourdes, tutal ay kaharap ko na po kayo. Hihingiin ko na po an
“Nadinig ko ang lahat. So, hindi totoo ang relasyon ninyo ni Ethan?” Abot tenga ang ngiti ni Cali.Agad niya itong hinila sa malapit sa hagdan upang kausapin.“Hey, bitawan mo nga ako! Anong binabalak mo sa akin?” angil ng babae.“Wala akong binabalak na masama sa’yo. Huwag mong sasabihin kay Ethan na alam mo ang totoo kundi ay magagalit ‘yun. Walang dapat ibang makaalam na peke ang relasyon namin.”Pinagsalikop nito sa dibdib ang mga kamay. “Well, madali akong kausap. Hindi ko sasabihin sa kanya pero may hihingin akong pabor sa’yo.”Lagot na. “Sige, ano ang hihingin mong pabor?” kunot noong tanong niya.“Tutulungan mo akong muling mapaibig si Ethan kapag naghiwalay na kayo. I want him back.”“Teka, hindi ba at mahal ka pa niya?”“Talaga? Sinabi niya sa’yo?” Nagliwanag ang mukha ng kaharap.“Hindi, pero sa tingin ko ay mahal ka pa niya.”“Talaga ba? Akala ko ay imposible na kaming magkabalikan uli dahil sayo. Mukhang magiging mag-BFF tayo.”Kinilabutan siya sa sinabi nito. Mukhang may