Nakakapit si Hanna sa leeg ng tagapagligtas. Hindi siya makapaniwala kung sino ang tumulong sa kanya! Ang lalaki sa airport, ang mekaniko sa talyer, at ang waiter kanina! Halos magkadikit ang kanilang mga mukha. Langhap niya ang mabangong hininga nito. Napansin niyang putok ang labi at kilay nito sa pagtatanggol sa kanya. Wala sa sariling inabot niya ang mukha nito upang haplusin. Paano nito natalo ang tatlong lalaking may dalang mga baril kanina? Sino ito? Si superman?“Okay ka lang ba? Maraming salamat. Ano ang pangalan mo,” sambit niya.Hindi ito sumagot. Napansin niyang pasilip silip ito sa side mirror. Napakapit siya ng mahigpit ng bigla itong lumiko.“Kumapit ka, may humahabol sa atin. Yumuko ka!”Nakita niyang may nakasunod na puting kotse sa likuran. At may isang lalaking naglabas ng baril mula sa bintana.Mabilis ang takbo nila. Biglang kumanan ang binata. Nahulog siya sa kinauupuan.“Okay ka lang?” puno ng pag-aalala ang baritonong boses nito. “Humawak kang mabuti.”Napasiga
Kailangan ni Ethan na mapalapit kay Bella. May gusto siyang tiyakin. Kaya kahit busy sa Unicorn Marketing Agency ay magiging driver siya nito. Para lamang naman siyang naghahatid at sundo ng asawa niya sa trabaho. At isa pa ay muli siyang sumaya simula ng makita ito. Biglang nagkakulay ang kanyang mundo. Kahit alam niyang mali na isiping si Hanna ang babae ay gagawin niya. Upang mapagbigyan ang kanyang pusong labis na nagungulila sa pagkawala nito.Napaawang ang labi ng dalaga ng makita siyang naghihintay sa labas ng mansyon na nakatayo sa kanyang kotse.“Ang aga mo ah. Tsaka hindi ka kailangang umarkila ng suit, trousers, and dress shirt. Kahit simpleng t-shirt ay okay na,” anang babae na tinignan siya mula ulo hanggang paa.Kumunot ang noo niya. Tsaka lamang niya naisip na inaakala pala ni Bella na isa siyang pangkaraniwang empleyado lang. Napangiti siya. He liked it. Babaeng mayaman na posibleng magkagusto sa isang pobreng binata. Mula talaga ng mawala si Hanna ay nawala na siya sa
Napalingon si Ethan kay Bella. “Saan mo nadinig ang pangalang ‘yan?”“Sa’yo, tinawag mo akong Hanna kanina bago ka lumabas para bumili ng gatas.”“Ako? Sinabi ko sa’yo? Hindi ko matandaan,” kaila niya. Sinadya niyang tawagin itong Hanna ngunit bigo siya sa reaksyon nito. Hindi ito nagpapanggap na ibang tao.Napakibit balikat na lamang ito at patuloy na kinain ang burger. Swak sa panlasa nito ang binili niya dahil halos naubos agad. Alam niyang hindi naglunch ang dalaga kanina sa dami ng trabaho ayon sa secretary nito na binayaran na niya upang magbigay ng impormasyon.Nakarating na sila ng mansyon ng mga Montemayor. Naglakad na si Bella papasok.“Ms. Bella, may nakalimutan ka.”Napalingon ito sa kanya at inabot niya ang roses. “Para sa’yo ang bulaklak na ito. I’m sure gusto mo sila.”“Para saan ito?”“Hindi mo naitatanong, hardinero din ako. May maliit akong garden ng roses. Next time, isasama kita tapos ikaw mamimitas ng bulaklak.”Tinanggap ng dalaga ang roses. Kung titignan mula sa
Nanlilisik ang mata ng stalker ni Bella. Lumayo ito at may tinawagan sa telepono. Kitang kita nito ng halikan ni Ethan ang dalaga. Samantala, ngitngit naman ang nararamdaman ni Lyn. Nakatalikod ang babae. Hindi siya makalapit dahil alam niyang may security si Ethan. Pumirma siya na hindi lalapit dito kung gusto pa niyang makatanggap ng sustento. May babae na pala itong kinalolokohan kaya biglang inurong ang kasal nila. Nakita niyang niyakap nito ng mahigpit ang babae. Sino ang ipinalit nito kay Hanna? Kung mawawala ito ay madali siyang makakabalik sa buhay ni Ethan. Kailangan makaisip siya ng plano. Hindi siya papayag na hindi matuloy ang kasal nila ng dahil sa bagong girlfriend nito. Kakausapin niya si Lucas.***Pauwi na sila Bella at Ethan. Natakot siya sa stalker pero mas natakot siya sa pinagsaluhan nilang halik ni Ethan. Kinuha niya ang phone at tinignan ang mga picture nilang dalawa. Madami siyang nakitang gwapo pero iba ang dating ni Ethan. Type kaya siya nito? Bakit may pabul
Napansin ni Ethan na umiiyak si Bella. Tila nabahala ito ng makita siyang natatakot. Inapakan nito ang preno at huminto. “Ayaw mo bang sumama sa akin?” nag-aalalang sabi nito.“Ethan, hindi kita kilala. Tigilan mo na ako. Malalagay ka din sa panganib. Hindi mo kilala si Lola Miranda. Baka ipakulong ka niya kapag tinangay mo ako. At isa pa, natatakot ako sa’yo.” Tuluyan ng pumatak ang kanyang luha.Tumango si Ethan. “Okay, hindi kita pipilitin. Gusto ko lang malaman mo na miss na miss na kita. Bumalik ka na sa amin. Kailangan ka namin ng anak mo. Naalala ko ang sinabi mo noon sa akin na lalayo ka at may gusto kang gawin sa buhay mo.”“Ethan, hindi ako si Hanna.”“Ikaw si Hanna. The way you say my name. The way you kiss me. Everything about you! Ikaw si Hanna!”“Buksan mo ang pinto. Lalabas na ako!” Parang sasabog na ang kanyang dibdib.Inalis nito ang lock ng kotse. “Hanna, maghihintay ako sa’yo. Kami ng anak mo.”Nagmamadali siyang lumabas ng sasakyan. Nakahinga siya ng maluwag ng nat
Hindi makakapayag si Lola Rosa na makulong si Ethan kaya naman haharapin niya ang nasa likod ng pagdakip sa apo.May nakatalikod na dalawang babaeng kausap ang mga pulis. Agad siyang lumapit upang hanapin si Ethan.“Sgt. Antonio, nasaan ang apo ko? Huwag mong ipapasok sa selda si Ethan! Kilala ko ang apo ko, hindi siya masamang tao.” Napatingin ang dalawang babae kay Lola Rosa.“Mabigat po ang kaso sa apo ninyo. Sila po ang naghain ng demanda,” sabi ng pulis.Nagkatitigan ang dalawang matanda. Natigilan ang mga ito.“Miranda?”“Rosa?”“Hindi ba at sabi ko ay ayokong makakasalubong ang landas natin? Anong ginagawa mo dito sa bayan ng San Jose?” banat agad ni Lola Rosa.“Bilog talaga ang mundo! Bakit kita iiwasan? Mukhang ikaw ang may kailangan sa akin ngayon!” sagot ni Lola Miranda.Nagkatitig si Hanna sa dalawang matanda. Mukhang matagal ng magkakilala ang mga ito.“At bakit kita kakailanganin? Magugunaw ang mundo ngunit hindi kita hihingan ng tulong?!”“Rosa, matanda ka na, mapagtan
Natumba sila Ethan at Bella sa damuhan. Nainam na lamang at walang ingay na nilikha ang pagbagsak nila sa lupa. Nakadagan siya kay Ethan. Nagtama ang kanilang mga mata. Nahulog siya sa mahika at nahalina sa taglay na karisma ng binata.“Ms. Bella,” tawag ni Luis. Hindi sila halos humihinga ni Ethan. Nadinig nila ang palayong yabag nito. Nakahinga siya ng maluwag ng makita ang anino nitong naglalakad ng pabalik sa mansyon.“Ethan umalis ka na. Baka makita ka pa nila at hinahanap na ako ni Luis. Baka mabugbog ka nila kapag naabutan ka nila dito. Delikado at bawal kang lumapit sa akin.”“Teka lang,” mahinang anas ng binata.Kinabig siya nito at hinalikan sa mga labi. Nagpalit sila ng posisyon. Siya na ngayon ang nasa ilalim nito at nanlaki ang mga mata niya ng maramdaman ang matigas na bagay na tumatama sa kanyang puson.Gumapang ang labi nito sa kanyang leeg at balikat. Nag-iiwan ng marka ang bawat daanan ng halik nito. Malamig ang hangin ngunit tila nag-aapoy ang kanilang mga katawan.
Isinugod sa ospital si Bella at dinala naman si Lyn sa presinto. Nag-aabang sa labas ng emergency room si Lola Miranda. Masama ang bagsak ng ulo ni Bella sa semento. Ipinakulong niya si Lyn dahil sa ginawang tangkang pagpatay sa apo. Kailangan niya ito ng buhay. Dalawang buwan na lamang ay kaarawan na nito. Baka mabulilyaso pa ang perang makukuha niya.Lumabas ang duktor makalipas ang mahigit na isang oras na operasyon. Matagumpay ang surgery upang alisin ang namuong dugo sa ulo ni Bella dala ng pagtama nito sa semento. Malaking factor din na dalawang beses na itong dumaan sa brain surgery kaya masama ang epekto ng pagbagok ng ulo nito. Wala pa din itong malay at under observation sa ICU.Kausap ni Lola Miranda si Luis. Umuusok ang ilong nito sa galit dahil sa nangyari.“Ikaw Luis, wala kang kwenta. Isang babae hindi mo masiguro ang kaligtasan. Malapit na akong mapuno sa’yo. Isang mali mo pa, may kakalagyan ka!”“Lola Miranda, hindi ko inasahan na may nakasunod pala kay Ms. Bella at m