Ninerbyos siya at agad na lumabas ng banyo. Nakasalubong niya si Lyca. “Ate, may tao po ba sa banyo?”“Oo, si kuya Ethan. Sandali lang ha? Palabas na ‘yun,” aniya sa kapatid.Lumabas ang amo sa banyo. Iniwas niya ang mga mata. Napansin niya ang pilyong ngiti sa labi nito. Bakit parang minamanyak siya nito na gusto naman niya? Ganoon ba talaga kapag hindi mahal? Katawan lang ang habol nito sa kanya. Eto na naman siya at nakakalimot na bayad nga pala siya nito, hindi lang ang serbisyo niya kundi pati ang kanyang katawan.Nakipagkwentuhan pa saglit ang boss bago ito nagpaalam na uuwi na. Hinatid niya ito hanggang sa kotse. May inabot itong paper bag na maliit.“Para sa’yo. Happy birthday.”“Maraming salamat. Bakit naman napakadami mong regalo? Masyado ng nakakahiya sa’yo.”“May kapalit ang lahat ng ibinibigay ko sa’yo.” Hinalikan siya nito sa noo.Binuksan niya ang maliit na box at isang kwintas at hikaw ito na katerno ng kanyang singsing. Diamond din ba ito? Anyway, wala naman siyang pa
Binuksan ng binata ang zipper ng kanyang pantalong maong. Ipinasok nito ang kamay sa loob. Sinapo nito ang kanyang pagkababae. Nanlaki ang kanyang mga matang nakatitig dito ng hagurin ng daliri nito ang kanyang biyak at kalabitin ang nakausling laman ng ilang ulit.Napanganga siya sa matinding sensasyon. Paitaas at paibaba ang hagod ng daliri nito. Hindi niya mapigil ang daing na kumawala sa bibig. Hinubad nito ang kanyang suot na jeans. Ngunit masyadong masikip kaya hindi nito agad maalis. Naubos ang pasensya ng binata. Tinulungan na niya ito ngunit mahigpit talaga. Huminto ang ulan at nag-umpisa ng magbalikan ang mga tao.“Next time, no maong pants during dates,” sabi nitong nakasimangot. Napangiti na lamang siya.Hinatid siya nito sa bahay.“Tulog na ba ang mga tao sa inyo?”“Oo, bakit?Hindi ito sumagot. Ito na ang nagbukas ng pinto at agad siyang hinalikan sa labi. Maalab ang halik ng binata na kanyang tinugon. Kinagat nito ang pang-ibabang labi niya. Gumapang ang halik sa kanyan
“Wala pa din hanggang ngayon. Sa oras na mahuli ang taong nagnakaw kay Ethan, magbabayad siya ng malaki. Matindi ang traumang naranasan ng buong pamilya namin dahil sa ginawa niya. Walang kapatawaran ang ginawa nilang kalupitan sa apo ko.”“Hindi po tumitigil ang taong inutusan natin upang mangalap ng impormasyon. Madam, sasabihin ko po ba kay Sir Ethan na si Hanna ang babaeng hinahanap niya?”“Hindi na, malalaman din naman niyang tiyak. At ayokong malaman niya na nag-uusap tayo at kumukuha ako sa’yo ng impormasyon. Kilala mo naman ang apo ko, ayaw ng pinapakialaman. Gusto ko lang na matiyak na maayos ang kanyang kalagayan.”“Makakaasa po kayo na mababantayan pong mabuti si Sir Ethan.”“Ang babaeng naaksidente sa labas ng kumpanya. May kinalaman ba siya sa nawawalang malaking halaga?”“Yes po. Siya po ang head ng Accounting Department. At mukhang dahil hindi na siya makakapagsalita kaya kasama na niyang mababaon kung may iba pang sangkot sa pagnanakaw kung mayroon man.”“Tiyak na may
Naging mailap ang mata ng babae. “Nagkasundo ang daddy ko at si Ethan na magpakasal kami. Kaso dahil sa kagagahan ko nasira ang usapan nila. Nagalit ang daddy ko sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ako kinakausap. Para magkabati kami, kailangang magkabalikan kami ni Ethan. Kaya parang awa mo na, kailangan ko ng tulong mo.”“Hindi mo naman sinagot ang tanong ko. Gusto mo ba si Ethan? Mahal mo ba siya?”“Sino ba naman ang tatanggi sa nag-iisang tagapagmana ng mga Rodriguez. Wala naman hindi ba? Buhay reyna ako kapag nagkataon.”Hindi na siya nangulit. Mukhang hindi nito gustong sagutin ang kanyang tanong ng deretso.“Pero may isa tayong kalaban. Ang first love niya.”Nakuha muli ni Cali ang kanyang atensyon. “Sino ang first love niya?”Kinuha ng babae ang cellphone. “Isang magaling na chef na may chain of restaurants sa ibang bansa. Eto ang social media account niya. Casey Villareal.”Ipinakita ni Cali sa kanya ang larawan ng magandang babae. Gumapang ang panibugho sa kanyang puso. May pi
Sa imahinasyon lamang niya kayang sabihin ang kanyang damdamin. Nanatili siyang nakatitig kay Ethan. Hindi niya kayang aminin ang nararamdaman kahit pa nagsusumigaw na ang mga letra sa kanyang utak. Hindi niya kayang ipagtapat ang pag-ibig dito. Hindi! Hindi naman pag-ibig ang kanyang nararamdaman. Baka madalas niya itong kasama kaya akala niya ay in-love na siya.Pinili niyang kimkimin ang niloloob. Nagmamadali siyang tumakbo palabas bago sumabog ang dibdib.“Boss, hahabulin ko po ba?” tanong ni George.Umiling ang binata. “Hayaan mo siya.”Nagpunta siya sa rooftop. Sumigaw siya ng malakas at nagmura. “Putang-ina! Aaaaahhhhhhh!”Sinabunutan niya ang sarili. Huli na para mapansin na may ibang tao pala bukod sa kanya. Si Lucas. Namula siya sa kahihiyan.“Pasensya na po sa ingay.”“I do the same. Kapag wala akong mapagsabihan ng galit ko ay sumisigaw din ako sa at nagmumura dito sa rooftop.”“Sino ba ang kaaway mo? Huhulaan ko, si Ethan?”Tumalikod na siya. Alam niyang masamang tao ito
Maluwang ang kalsada, may ilan silang nakakasalubong na sasakyan. Hindi na makontrol ni Ethan ang manibela. May malaking truck na padating. Muntik na siyang tumilapon ng kabigin ng binata ang manibela upang umiwas sa mga sasakyan. Wala ng ibang pagpipilian kundi ang ibangga ang kotse sa isang puno o poste na walang tao o ibang masasaktan.“Hanna, magtiwala ka. Ipikit mo ang mga mata mo. Sapilitan kong ihihinto ang kotse. Huwag kang matakot. Okay? Trust me.”“Sige, nagtitiwala ako sa’yo.” Kahit pa ang totoo ay matindi ang kanyang takot. Ipinikit na niya ang mga mata at umusal ng panalangin para sa kaligtasan nila ni Ethan.Napakapit siya ng mahigpit sa upuan. Naramdaman niya ang malakas na impact ng pagtama ng kanilang sasakyan sa isang puno.Idinilat niya ang mga mata. Umuusok ang unahang bahagi ng kotse. Maayos ang kanyang lagay maliban sa galos sa braso na natamaan ng nabasag na windshield. Kahit medyo hilo ay niyugyog niya ang balikat ng binata. Ngunit wala itong malay. Inalis niya
Kinabukasan ay nakalabas na ng ospital at nakauwi na si Ethan sa mansyon. Mag-uumpisa siyang mag-work from home bukas. Kailangan niyang lubusang magpagaling ngunit ayaw naman niyang magpaawat sa trabaho.Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Nanaginip na naman siya kagabi. At wala namang bago doon. Madalas siyang dalawin ng pait ng nakaraan. Napagkamalan pa niya na si Hanna ang babaeng hinahanap niya. Parehas kasi si Hanna at ang bayarang babae ng sinabi ng managinip siya ng gabing iyon. Eksaktong salita at kung paano nito tinapik at hinagod ang kanyang likod to comfort him. Ganoon yata lahat ng babae. Ang bayarang babae ang kauna-unahang tao na nakatabi niya sa kama dahil sa kalasingan at hindi niya maipaliwanag ang atraksyon dito. Nanaginip siya at ginising nito. Napayapa nito ang magulong utak at damdamin niya lalo ng maamoy niya ang pabango nito. Matagal niyang niyakap ang babae at naganap nga ang pag-angkin niya dito. Ito lamang ang babaeng hinawakan niya ang katawan. Apat na bes
Bakit ba kasi dinakma niya ang pagkalalaki nito? Umatras siya ngunit sumunod ang binata sa kanya.May tindahan ang lola niya dati at hindi siya pinapapasok dahil nga malas daw ang taong may balat sa puwet. Kaya naman itinatago niya itong mabuti. Negosyante si Ethan at ang pamilya nito. Baka naniniwala ang mga ito sa ganoong pamahiin. Baka putulin nito ang kontrata kapag nakita ang kanyang lihim. At isa pa ay nakakahiya ang tila dumi sa kanyang balat.Itinalikod siya ng binata. Hinawi nito ang kanyang basang buhok. Pinaliguan nito ng halik ang kanyang leeg.“Nasaan ang pabango mo?” Agad siya dumistansya dito at kinuha ang pabango sa bag. Adik nga ang amo niya sa pabango. Kahit noong gabing unang beses na may nangyari sa kanila ay hindi ito lumayo sa kanya. Pero nakakapagtaka lamang dahil nagsiping sila sa kama at hinawakan nito ang kanyang katawan. Nakatulog pa nga silang magkayakap. Bakit naging malapit ito sa kanya ng gabing iyon?Ang alam lang niya ay pinilit niya itong mapasaya. N