Share

Chapter 3: If you can't take it...

*** 

“He’s cheating on me . . .” bulong ni Alyson pagmulat. Nananaba ang eyebags at nangangapal ang labi niya. Mainit at masakit ang sikmura  habang halos nakasaklob sa mukha niya ang pulang thong na hawak nang gabing nagdaan. “Still the smelly thong . . .”

“Hey, damsel in distress . . .”

Kasabay ng pag-iitsa ng thong ay napatingala siya sa uluhan sa pamilyar na lagom ng boses ni Noonie. Hubad-baro itong nagtutuyo ng buhok gamit ang isang tuwalyita. Nakasabit ang maong jeans na suot sa matikas na V-line. Kahit masakit ang mata ay nagawa niyang hagurin ng tingin ang abdominal muscles ng lalaki. May balahibo itong tulay mula sa pusod papasok sa nakatago sa pantalon. May mumunting balahibo rin sa dibdib. 

Nilunok niya ang pait sa lalamunan. 

“Bakit kayong magkaibigan . . . may ridiculous na abs . . .?” pabulong niyang tanong. Hindi pa siya makakilos sa couch. Masakit ang katawan niya dahil sa makipot na espasyong hinigaan.

“It’s for the girls, Aly. Women love abs.”

Mahina siyang natawa. “Babae talaga agad ang rason? Hindi ka man lang magpabebe at sabihing gusto mo lang maging physically fit?”

“I could get physically fit without pushing myself to get abs. But I found out that women are more likely to perform better in bed with abs like this so . . .”

“Wow.” Hindi alam kung hahanga o maiirita o mamamangha sa kaderetsuhan ng dila ng lalaki.

Tinuhod nito nang kaunti ang sofa. “Enough about my abs. Bumangon ka na. 6:30 na at maya-maya lang ay gising na si Erin para kalampagin ka.”

Mabigat ang katawan niyang umupo. Sinuklay ang buhok gamit ang daliri. “Shit. Si Erin nga pala . . .” She tilted her head to warm up. Pakiramdam niya ay barado ang lahat ng ugat niya.

Nawala naman sa tabi niya si Noonie. Pagbalik nito ay nag-abot ng tasa. “Drink this.”

Kinuha niya. Inamoy. “Ano ’to?”

“Peppermint tea,” anitong naupo sa katapat. Naglapag din ito ng maliit na bote ng tubig. “It’s good for hangover. ’Tapos, uminom ka ng tubig.”

Humigop siya. Dinama ang paggapang ng mapaklang inumin sa lalamunan. Nang ilapag niya ang tasa sa mesa ay hinilot-hilot niya ang balikat, ang braso, at ang balakang.

“Sore?”

“Oo.”

Napatingin siya rito. Nagtsa-tsaa rin si Bigote.

“San ka natulog?” usisa niya.

“I have a single bed in the backroom.”

Pinanlakihan niya ito ng mata. “May kama ka sa backroom nitong bar?! At ako, pinabayaan mong matulog sa couch?! Bastard!”

Ngumiti lang ito. “Naninipa ka kanina no’ng sinusubukan kitang hawakan. Hindi ko kasalanan na mas gusto ng lasing mong sarili na diyan sa couch matulog.”

Nahihirapan siyang maniwala. Singkit ang mga mata niya sa pagdududa nang tamaan ng sariling paa ang cellphone niyang nakasabog sa sahig. Magkakahiwalay ang mga parte niyon—katawan, takip, battery.

“Hala! Ang cellphone ko!” Dinampot niya ang mga iyon. In-assemble pabalik bago sinubukang i-power on. Ayaw bumukas. “Ano’ng nangyari?”

“Dunno.”

“Bakit sira na . . .? Ayos naman ’to kagabi, ah.”

“How sure are you? Kung ano-anong pinaggagawa mo kagabi. Naaalala mo man lang ba?”

“Ano’ng ginawa ko?” Laging malabo ang bloopers niya ’pag nalalasing. “Uminom lang tayo, ah. Saka . . .”

Saka bumuhos ang ilang malabong memorya.

“Wala akong muscles sa braso, Noonie! Do you even know how hard that is? Sa aming magpipinsan, ako lang ang hindi makapagbalibag ng tao kahit na gusto ko! I could have gone nuts and thrown the bed to those cheaters! Kung hindi lang manipis ang braso ko . . . It’s a curse! This is a curse!” Nakaupo siya sa kandungan ng lalaki habang umiiyak. Kamal niya pa rin ang pulang thong.

“Get off me. Hindi mo kailangang kumandong para lang magsumbong. You’re not a child! And why do you have to hold on to that thong all night?”

“Then kanino ako magsusumbong? I don’t even know what to do with cheaters. And why do men cheat anyway? Is it because of the sex? Dapat ba maya’t maya? O baka may nagawa akong mali? Is there something wrong with me?” giit niya na ipinulseras ang thong.

“How would I know? Hindi ako si Ram,” asar na sabi nito. “And seriously . . . get off me.”

“Ayoko,” maktol niya at yumakap. Sumubsob sa leeg nito. “Don’t I have enough boobs? Malaki naman, ’di ba?” Idinuldol niya sa katawan nito ang dibdib. “Hindi ba ’ko sexy?”

“Jeez. You’re sexy, okay? And your boobs is hu—just right. Hindi lang dahil sa katawan kaya may lalaking manloloko.”

“Eh ’di saan? Ano’ng mga dahilan? Ano’ng nangyari?”

“I don’t know, Aly. Get off me.”

Sa halip na umalis ay sinapo niya sa magkabilang pisngi si Noonie at pinilit itong tumingin sa kanya.“Tell me: Am I not enough? Kung girlfriend mo ’ko . . . lolokohin mo rin ba ’ko?”

“Jeez. Watch that thong. It’s in my face! At ’wag kang iinom na kasama ang kung sino-sino kung kumakandong ka kapag lasing. You could get—”

“Wala ka namang pakialam sa akin, eh. At kaibigan ka ni Adam. Kapag may ginawa ka sa ’kin, isusumbong kita kay Erin. Bubugbugin kayo no’n.”

Nailing ang lalaki sa rason niya.

“Tell me: Am I not pretty enough? Am I not sexy enough? Am I not . . . enough?” pilit pa rin niya.

“I don’t know how to answer that, Alyson. I am not your boyfriend.”

Napatungo siya. A lot of thoughts kept on spinning in her head. Halo-halo. Salo-salo. Papalit-palit. She’s suddenly insecure of herself. Unsure of herself. Wala siyang matandaang kulang sa relasyon niya kay Ram para magbaling ito ng atensyon sa iba. She’s been very understanding and loyal. 

Ramon Verganza is the second child of Lucien and Selida Verganza. Steel manufacturing ang business ng mga ito na nakabase sa tatlong bansa—Pilipinas, United States, at Singapore. Madalas na bumiyahe si Ram abroad. There were months when they would just communicate via phone or Skype. Aly believed that she had been very understanding sa loob ng tatlong taong relasyon nila. Nagtatrabaho siya bilang Purchasing Officer sa isang malaking kumpanya pero sa tuwing uuwi ng bansa ang nobyo at gugustuhin nitong mag-out of town sila ay lumiliban siya sa trabaho. All her vacation leaves are for Ram. All her holidays too. Kung magtataksil ito, dapat ay may napansin siyang senyales, hindi ba? Sana ay may nakita siyang pagkukulang sa pagitan nila. Dahil hindi ka naman basta hahanap ng atensyon at pagmamahal sa iba kung kontento ka sa isa. There should be signs for her to see. Bakit wala?

Kaya sinapok siya nang natuklasan sa condo nito. Sapok na hindi niya alam kung paano gagantihan dahil hindi niya rin alam kung paano pakikibagayan. 

Ano’ng nangyari? Wala siyang ideya. 

Paano nangyari? Wala siyang alam. 

Ano’ng iisipin niya? Wala siyang mapagdesisyunan.

Nagagalit siya, nasasaktan, at nabablangko. Pero wala siyang malinaw na resolusyon. Hindi niya kayang harapin o isipin ang nangyari. Marami siyang tanong na kailangan ng sagot para makita nang mas malinaw ang sitwasyon. She has to know how long he’s been cheating. Why did  he cheat? What’s on his mind? Nasaan siya sa isipan nito sa pagtataksil nito. Doon lang yata niya mapagdedesisyunan kung ano ang gagawin.

“For you . . . am I not pretty? Am I not sexy? Am I not enough?” umiiyak na tanong niya sa lalaki. 

It’s pathetic to ask Noonie that. Anong consolation ang ibibigay niyon sa kanya kung sabihin nitong hindi? Anong kakulangan ang mararamdaman niya kung sasabihin nitong oo? Anuman ang isagot ng lalaking kaharap, hindi magbabago ang katotohanang niloloko siya ni Ram at hindi niya alam kung paano haharapin ang nobyo. 

“You are pretty, sexy, and drunk, Alyson. I know you must be feeling insecure right now because of your jerk boyfriend but . . . the feeling is up to you. He is cheating on you. At malaki ang posibilidad na hindi ’yon dahil sa ’yo.”

“Pa’no mo naman nalaman ’yan . . .?”

“Earlier, you showed me the tattoo that you got for him. I also saw that you wore a thong for him. You left work early and went to his condo to surprise him. You stick with him for three years. Three long years. That’s a record. Every man is an asshole in one way or another. Every man is a child in one way or another. To stick to a man for that long without being married to him is loyalty. Having his name tattooed on your belly after all those years is devotion. Wearing lace just to offer yourself to him is a gift. That tells me, you are doing everything for that fucker. With that said, there’s a high chance that he is cheating because he is a cheater. It’s not because of you. Believe me,” malumanay na sabi nito. Ipinananamnam sa kanya ang bawat salita.

Gumaan nang kaunti ang pakiramdam niya.“Thank you for saying that . . . even though . . . you are not concerned about me.”

“Jeez,” anito at uminom sa shot glass. “Get off me, now, okay?”

Umalis siya sa kandungan nito, ibinagsak ang sarili sa couch, at pinahid ang luha.“But I still want to know . . . how it happened. I’m afraid to ask him myself.”

Hindi nagkomento si Noonie.

“I want to avoid him. Pero siguradong . . . magtatanong siya bukas. Kung bakit ako wala sa dinner dapat namin. Kung bakit hindi ko sinasagot ang mga tawag niya. I don’t want to face him . . .”

Nailing ang lalaki. “Just how much are you in love with that guy?”

Sumandal siya sa couch at tumingala sa kisame, sa dilaw na ilaw ng bar. May halo na iyon. Sinisilaw siya.“I’m a romantic fool, okay? Ako na ang magsasabi bago mo pa malaman kay Erin o sa iba kong pinsan. Ram is my first everything. I already imagined myself growing old with him. That’s how much.”

“Jeez. You’re fucked.”

“I am. That’s why . . . I feel empty and angry and confused and hurt and a lot of different things. I never saw this coming. This scenario never once crossed my mind. Never.”

Walang sinabi ang lalaki.

“I don’t want . . . to face him tomorrow. What do I tell him once he asked where I was?”

“You’re thinking too much. Just drink up for now. Makakaisip ka rin ng idadahilan mo bukas.”

Nangiti siya.“For someone who’s not concerned about me, you sure know what to say.”

“Shut up and drink, Aly.”

“I like you, beard-guy.”

Iling. “Shut up and drink.”

Nakamata siya kay Noonie pagkatapos.

“Kumandong ako . . . sa ’yo?” hindi makapaniwalang tanong niya. Kinakalabit siya ng kahihiyan, lalo na’t idinuldol niya pa ang dibdib dito.

“’Yon lang ang naaalala mo?” natatawang anito.

“Why? What else did I do?”

“Tumawag ka sa kakilala mong nagbebenta ng lote sa sementeryo. Nagpa-reserve ka ng lote na paglilibingan sa manloloko mong boyfriend. Tumawag ka rin kina Liana at Arissa at um-order ng mga itim na damit. Sabi mo, magluluksa ka dahil patay na si Ramon.”

“What?!” Nasapo niya ang ulo. “Ugh. I can’t remember those.”

“Hurry with the tea. Ihahatid kita sa condo mo,” sabi nito at tumayo.

Sinundan niya ng tingin ang binata. Bahagya na itong nakatalikod at bakas sa pantalon nito ang maumbok na pang-upo. Kumunot ang noo niya. The guy is seriously sexy. Kaya siguro mabilis itong makalandi ng babae.

“Hindi ka pa concerned sa akin niyan, ah . . . pero ihahatid mo ’ko sa condo ko.”

“You don’t have a car, Aly. Hurry up. That’s the last favor I will do for you.”

Umirap siya. Oo nga pala. Wala siyang kotse. Kung makapag-assume naman siya. Pero para sa isang taong hindi concerned sa kanya, mabait si Bigote. Hinigop na lang niya ang natitirang tsaa at sumigaw. “Pa-shower din, ah! May shower ka rito, right?”

“Then, double time!” sigaw nito pabalik.

***

Sa daan pauwi ay nakatulog uli si Aly. Nang magmulat siya ay nasa parking na sila ng condo.

“Wake up. We’re here,” anunsyo ni Noonie.

Humikab siya at nag-inat. “What do I tell Ram?” baling niya sa kasama.

“Tell him your car broke down on the way home from work. You got sick and you can’t call because you lost your phone.”

“It’s too obvious of a lie.”

“It’s okay. He will believe you.”

“How did you know?”

“He’s cheating on you, Aly. He will be sweet and considerate because he’s screwing behind your back. It doesn’t matter if you sound lying. He will believe you.”

“Pa’no kung sabihin niyang . . . nagsisinungaling ako?”

“Then, sabihin mo sa kanya ang totong nangyari. Kaya mo, ’di ba?”

Nilunok niya ang atubili pero nanatili iyon sa bibig niya. Kaya niya ba talaga? Parang hindi pa kasi.

“Come on. You’re a De Guia. Show me your crazy.”

“Siraulo,” aniya rito. Gaano ba kabaliw ang tingin nito sa angkan niya?

“Baba na, damsel in distress. Baka maningil na ako ng pamasahe.”

Tinapik niya ito sa braso. “Salamat sa paghatid.”

Tumango lang ito. Bumaba naman siya at kumaway hanggang sa mawala sa parking ang sasakyan nito. 

Masakit pa rin ang katawan niya nang maglakad papunta sa sariling condo. Pinarurusahan pa siya ng pesteng high heels.

‘Shit. Kung darating na si Erin, kailangan kong mag-drive papunta kay Shaun. Am I fit to drive like this?’ naisip niya habang iniikot ang susi sa knob.

Pagbukas niya ng pinto—

“Baby, where have you been?”

Tinakasan siya ng dugo sa katawan habang nakatingin sa nobyo. “Ram . . .”

Mabilis itong lumapit. Niyakap siya at siniil ng halik. Nangapa sa katawan niya. Ni hindi siya makapikit. Kumuyom ang kamao niya nang maalala ang mga nasaksihan sa condo nito.

“I waited for you the entire night. Where have you been?” bulong nito habang nakahapit pa rin.

‘Waited for me? You could’ve checked on my whereabouts! Baka naman may kinalantari kang iba na naman kagabi!’ Natrapik sa lalamunan niya ang mga salita.

Nang humiwalay ito ng yakap ay hinagod siya ng tingin. Hinaplos ang magulo pang buhok niya.

“You look . . .” Nangunot ang noo nito. Tumalas ang mga mata. “Where have you been last night, baby?”

Naumid siya. Wala na ang tsansa niyang sabihin dito na nagkasakit siya o tumirik ang kotse o nasira ang phone niya. “I-I . . . I saw . . . You were . . .” Hindi niya madugtungan ang mga salita.

Noon bumukas ang pinto at iniluwa si Noonie. “Hey, Aly. Bakit hindi nakasara ang pinto mo? And you left this—”

Natigilan ang binata nang magtama ang mata nila at mapansin nito ang nobyo niya. Hawak nito ang kanyang maliit na purse. Naiwan niya siguro sa kotse. Nagkatinginan ito at si Ram. Base sa pagdilim ng mukha ng nobyo ay iba ang iniisip nitong nangyari sa kanya at kay Noonie.

“What is this, baby?” Matigas ang bawat linya sa mukha ni Ram nang magtanong habang palitan ang tingin sa kanya at sa bagong dating.

Ngumisi lang si Bigote rito. “So . . . this is the boyfriend. Ram, right?” anitong ikiniling pa ang ulo sa nobyo niya.

Sumisikip ang buhol ng tensyon sa sikmura niya dahil sa biglaang pagbaligtad ng sitwasyon. 

“Alyson . . .”—madiin ang pananalita ni Ram—“what happened last night? Did you . . . spend the night with this man?”

Napalunok siya. “Ram . . .”

“Are you cheating on me?!” malagom na tanong nito.

Nanlaki ang mga mata niya sa akusasyon.

Siya ang nanloloko? Siya? Tumusok sa kanya ang pana ng sakit, pagdaramdam, at kaasaran sa lalaki. Ang kapal ng mukha nito na akusahan siya ng panloloko samantalang ito ang nangangabayo sa ibang babae!

“Tell him, Aly,” susog ni Noonie sa kanya. Madilim din ang mukha nito sa tinitimping galit.

She knew she should tell Ram what she saw in his condo. She knew she should slap the truth on his cheating face. Pero mas nangingibabaw ang ngitngit niya sa basta na lang nitong pag-aakusa.

“Right. I will tell you what happened, Ram,” sabi niya sa nobyo at lumapit kay Noonie. “Nah. Why don’t I show you what I mean?”

At bago pa may makapagtanong sa dalawang lalaki, lumambitin siya sa leeg ni Noonie at mapusok itong hinalikan sa labi. #

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status