Share

Love is Dead
Love is Dead
Author: TheCatWhoDoesntMeow

Chapter 1: RIP Pag-ibig

***

Marahas at maingit na umuuga ang malambot na kama sa condo ni Ram. May impit na d*******g. May malakas na umuungol habang pinapalo nang mahina sa puwit. Base sa dalawang pares ng paang masisilip mula sa ilalim, may nakatuwad at may nagpatuwad. Sigurado si Aly na ang boyfriend niyang si Ram ang lalaki. Siya dapat ang babaeng sumabog na ang utak sa alapaap habang isinisigaw ang lahat ng patinig sa alpabeto. Pero siya na girlfriend ay nagtatago sa ilalim ng kasumpa-sumpang kama habang suot ang Victoria’s Secret lingerie na bagong bili.

‘Shit ka, Ram. Sino ’yang babaeng ’yan . . .?’ 

Sa halip na itanong iyon ay tutop ni Aly ang bibig. Ayaw niyang makagawa ng ingay gaya halimbawa ng pagmumura nang walang humpay sa dalawang gumagawa ng bata. Gumagapang sa balat niya ang panlalamig kasabay ng pamamanhid ng kalooban.

Ni hindi niya maalala kung paano siyang nagsuot sa ilalim ng kama o kung gaano kabilis. Basta one hour and fifteen minutes ago, pumasok siya nang palihim sa bedroom sa condo ni Ramon para sorpresahin ito. Third year anniversary kasi nila. Galing itong airport mula sa isang business trip sa Manhattan. Siguradong pagod. Para i-welcome ito ay naghubad si Aly. Ang tanging iniwan sa katawan ay ang thong na nagdi-display ng bagong tattoo ng pangalan nito sa puson niya. Humiga siya sa kama para pagdating nito ay dadambahin na lang siya. Pero nang bumukas ang pinto ay siya ang nasorpresa. Nakikipagkainan ng mukha si Ram sa isang babaeng hindi niya kilala. At bago pa siya makita ay sumuot siya sa ilalim. 

‘Nagpa-tattoo pa ’ko ng shit mong pangalan! Nagastusan pa ’ko ng pambili sa malantod na T-back. Ang sweet pa ng huli mong text. You will wait for me here? You miss me? Putspa ka! Kanina pa ’ko nandito!’

Nagpapaiyak ang init at alikabok sa puwesto niya. Kaso ay hindi matuloy-tuloy ang luha dahil sa pangangabayo ng dalawa. 

“More! More!” utos ng babae sa pagitan ng ungol.

 ‘More? Tumigil na kayo!’ naisip niya. ‘Mamamaga na ’yang kipay mo sa kapipiga sa hotdog ni Ramon mula kaninang 1:35!’

Pero lalo yatang ginanahan ang boyfriend niya. Lalo kasing umuga ang kama. Magnitude 5. Maingay ang salpukan ng laman ng dalawa. Nangangamoy ang katas na pinawawalan. At lalong nagngingitngit si Aly.

Sa isip niya ay naibalibag na niya ang kama, nabugbog na niya si Ramon, at na-karate ang babae. Nasunog na niya ang condo. Pero hanggang sa isip niya lang ang mga iyon. Hindi niya kayang totohanin dahil manipis ang braso niya. Bilang isang De Guia ay namana niya ang mainiting ulo ng angkan at maging ang kabaliwan. Pero wala siya ng lakas ng braso ng pinsan niyang si Erin o ng baril ng pinsan niyang si Sierra. Hindi siya marunong ng Jujutsu gaya ni Liana o Muay Thai gaya ni Arissa. Wala siyang taser gun gaya ni Idris. Gigil, laxative, at lason lang ang puwede niyang gamitin sa tuwing nagbabalak siyang maghiganti. At wala na siya sa posisyong lasunin ang dalawang taong matatag mag-ubos ng lakas.

Pagkalipas ng sampung minuto pa ay nauulol ang ungol na kumawala sa silid. Bumulwak ang katas ng taksil niyang nobyo. Nangisay sa ligaya ang haliparot na babae. Tumigil sa pag-uga ang kama.

“Hey . . . What were you saying again kanina?” humihingal na tanong ng babae.

Tinandaan niya ang timbre ng boses nito. Base sa manipis na d***g ni Ramon ay nilalaro ng babae ang sensitibong parte ng lalaki.

‘’Yong pesteng nipples siguro!’ himutok niya.

“Stop that, Carlyn.”

‘Carlyn.’ Pinakatandaan niya ang pangalan. ‘Patay kang talandi ka sa ’kin. Iiyak ’yang tumbong mo sa banyo.’

“You’re so horny. Aren’t you having enough with your girl?” anito pa.

“What girl? You’re my girl at the moment,” sagot ni Ram.

‘Shutang ina! Shit kang lalaki ka!’

“Anniversary n’yo rin ngayon, ’di ba?”

“Anniversary . . .” parang nag-iisip na sabi ni Ram at, “Shit! Aly’s coming over. Move your pretty ass, babe. Come on. Get up and shower.”

‘Shit. Salamat, ah. Naalala mo ’ko ngayon. Puta ka!’

Mahinang natawa ang kausap nito. “You said she’s not coming over until dinner. Take a shower with me. I need to squeeze more juice from you, babe.”

Tutop niya pa rin ang bibig nang magtungo ang dalawa sa banyo. She heard the bathroom door closed. Nanghihina ang kalamnan na gumapang siya palabas ng kama at talagang lalabas na sa pinto ng silid nang bumuwelta. Galit niyang dinampot ang mamasa-masang thong ng babaeng kaniig ni Ramon. Hindi niya pa alam kung ano’ng gagawin niya roon pero mabuti nang prepared siya kung maisip man niyang magpakulam. Saka siya dumeretso sa sala at kinuha ang tote bag niya.

***

Alas-tres ng hapon ay lumalaklak ng alak si Aly sa isang bar habang hawak ang thong. Sinabayan niya ng pag-iyak ang mapait na likidong gumuguhit sa lalamunan kahit hindi niya alam kung ano ang ipinagluluksa. Nagluluksa ba siya dahil natuklasan niyang hindi siya ang nag-iisang babae sa buhay ni Ramon sa araw pa mismo ng anniversary nila? O dahil nakarinig siya ng malaswang bed scene habang pinagpapawisan sa ilalim ng kama? O dahil nalaman na nga niyang niloloko siya ay hindi man lang siya nakapangarate dahil sa nipis ng braso niya?

Nag-ring ang cellphone sa counter. Sinilip niya ang screen. Si Ram. Sa halip na sagutin ay tumungga siya ng shot ng vodka.

“Shit ka. Tatawag ka ngayon? Bakit? Umuwi na ’yong babae mo?”

Nasapo niya ang ulo. Hindi niya alam kung ano’ng gagawin. Si Ram pa lang ang naging nobyo niya nang ganito katagal. Si Ram pa lang ang lalaking nakasama niya hanggang sa kama. Kasi akala niya ay forever na sila. Si Ram pa lang ang nakapanloko sa kanya.

Tatlong taon silang magkasama. Wala siyang naging clue sa buong panahon na iyon kung may mali man sa relasyon nila. Hindi niya tuloy alam kung ano’ng dapat isipin ngayon maliban sa hindi bagay sa pagngawa niya ang soundtrack ng bar. Upbeat iyon at nakakukulili ng tainga. Gusto niyang sumabog na ang stereo para matigil. Pero bago pa niya bulyawan ang kung sinumang sound operator, may dumikit na lalaki sa kanya.

“Hi, babe . . .”

Inalibadbaran siya sa braso nitong kumiskis sa braso niya. “Back off.”

“Whoa. Napansin ko lang na umiiyak ka. I want to comfort you.”

Pinaningkitan niya ito ng mata. “Umiiyak talaga ako, stupid. May luha sa mata ko, ’di ba? Imposibleng laway ’yan dahil nasa mata at hindi naman ako palalaway. Namamaga na nga halos, ’di ba? Kahit bata, mapapansin na umiiyak ako.”

“That’s why I want to soothe your broken heart.”

“Wow. Soothe my broken heart agad.” Pinasadahan niya ang buong katauhan nito. May itsura ang lalaki. Matangkad. Medyo kulot ang buhok. Mukha namang matino kung tatanggalin lang ang malaking ngisi at ang paghaplos sa braso niya. “Do you know how to soothe my broken heart?”

“Oo naman,” anitong lalong dumikit.

 Nalanghap ni Aly ang hininga nito. Amoy-durian times four. “Umusog ka. Ang baho ng hininga mo.”

Nawala ang ngiti nito bago napaurong. “And what? Your thong’s better smelling?”

“Ba’t parang galit ka? Na-offend ka na sinabi kong mabaho ang hininga mo? Wala bang ibang nagsabi sa ’yo?” That’s weird. Dapat may nagsabi rito.

Dumilim ang mukha ng lalaki. “You better . . .”

“Shhh . . .” aniya at sinapo ang ulo. “Masakit ka sa ulo. Layo naman, please. Ang hirap mag-emote.”

Pero ilang sandali itong tumitig lang. Paggalaw nito ay hinablot ang thong na hawak niya. Nakipaghablutan siya.

“Bitawan mo ’yang thong na ’yan!” banta niya.

“Why? Kanino mo ba ’to ireregalo?” anitong nakangisi. “It’s still damp, babe . . .”

Nakikita niya sa umaalong daigdig ang pakikiusyoso ng mga tao. 

‘Shit. May CCTV ba rito?’ naisip niya. Baka magkaroon ng footage ang pakikipag-agawan niya ng nangangalingasaw na thong. “Alam kong basa! Akin na ’yan!”

Pinaglalaruan ng lalaki ang hina ng braso niya. Hindi ito gagalaw kapag hindi siya gumalaw. Kapag malakas naman na niyang hahablutin ang panloob ay saka nito malakas na hihilahin din. Nananakit ang braso niya.

“Shit ka!” Nag-crack ang boses niya at bumalong ang luha sa mga mata. May kasama pang runny nose. “Niloko na nga ako, aagawin mo pa ’tong T-back? Dahil lang sinabi kong mabaho ang hininga mo?! Totoo naman, ah! Mag-toothbrush ka kasi! Magpa-dentist ka! Hindi ’yong ibubuhos mo sa ’kin ’yang sama ng ugali mo! Pumi-pick up ka nang hindi nagto-toothbrush?! Hindi ko kasalanan ’yon! Malandi! Malaswa! ’Yong mga kagaya mong malalaswang lalaki ang nagpapahirap sa mga babaeng kagaya ko! Puro kayo p****k! Puro kayo sex! Shutang ina kayo!”

May nagtatawanan sa paligid kahit na malabo ang mga mata niya sa luha. Pahamak na thong. Basa na nga, inaagaw pa. Nagiging katatawanan pa siya dahil lang doon. Wala pang nagliligtas sa kanya mula sa lalaking malandi na mabaho ang hininga.

“Don’t cry on me. Hindi naman kita pinapaiyak . . .” defensive na sabi nito. Bahagyang humina ang pakikipag-agawan. 

Panay ang patak ng luha niya. Hindi niya mapunasan. Shit talaga. Kung matibay o mamasel lang ang braso niya, kayang-kaya niyang ibalibag ang lalaki o suntukin. Kung may kasama siyang kamag-anak, manghihiram ito ng mukha sa aso. At kung hindi taksil si Ram, may magtatanggol sa kanya. Pero dahil talandi ang nobyong akala niya ay loyal, dahil hindi siya biniyayaan ng malakas na katawan, at dahil pagnanakaw lang ang kaya niyang gawin bilang paunang ganti sa panloloko sa kanya, nakikipaghilahan siya ng nakaw na T-back habang umiiyak. Dito dapat hinahanap si Hustisya. Dahil walang-wala. Tinalikuran siya.

“Shit ka! Hindi mo ’ko pinapaiyak? Hinihila mo ’tong T-back at masakit na ang braso ko! Dahil lang mabaho ang hininga mo at ayokong magpa-pick up, manggagago ka?! Gusto kong umiyak mag-isa! Bawal ba ’yon? Bawal ba mag-emote? Bawal ba ang magnakaw ng T-back ng babaeng talandi?! Bawal ba, ha?! Shit ka!”

Singhot. Hila sa T-back. Nangangati ang ilong niya sa uhog pero hindi niya makamot. Mababaklas na ang braso niya nang makakita siya ng lalaking may bigote sa tagiliran. Sintangkad ni Adam. Pamilyar. Nanonood lang. 

‘Wala talagang hustisya,’ naisip niya bago desperadang sumigaw. “Noonie!” Akmang tatalikod ito kaya lalo niyang nilakasan ang pagtawag. “Noonie! Shit ka ring lalaki ka! Nakita na kita, ha!”

Napahawak ito sa batok at alanganing napangiti bago lumapit. 

“Bro, give her the thong,” mahinahong sabi nito sa lalaking kaaway niya. Tinapik lang nito sa likod.

“Eh bakit—”

“Don’t piss her off. She’s a De Guia. Pupulbusin ka ng clan niyan kapag hindi ka tumigil. Everything will be destroyed—your life, your car, your dick. Stop it, bro. It’s just a thong. It’s not worth it.”

Nagusot ang mukha niya sa narinig. Totoo naman ang mga sinabi nito pero medyo masakit. Ang expectation niya, siya ang ililigtas at ipagtatanggol. Pero ang lalaking mabaho ang hininga ang iniiwas nito sa disgrasya.

Binitiwan ng lalaki ang thong. Walang lingon-likod na umalis. Kinamal naman niya iyon.

“Siraulo kang bigotilyo ka . . .” reklamo niya. Matalas ang tingin niya sa balbas-saradong si Noonie. 

Nagbuga ito ng hangin. Napahawak uli sa batok habang alanganing nakatingin. “Tahan na. Nabawi mo na ’yong thong, ’di ba?”

“Siraulo ka . . . Kung hindi pa kita tinawag . . . hindi mo talaga ’ko tutulungan . . .”

He smiled lazily but unapologetically. “Sorry.”

“Sorry mong mukha mo. Hindi ka mukhang nagsisisi.”

Nanatili ang ngiti nito.

“Shit. You’re also shit.”

“I thought you got it under control,” anitong kaswal na umakbay. Iginiya siya pabalik sa counter.

Suminghot siya at pinahid ng likod ng palad ang luha. “No. Hindi ako amazona.”

“Oh. I thought . . .”

Alam niya ang posibleng iniisip nito. “Hindi lahat ng De Guia, amazona.”

“I used to watch Erin manhandle Adrian so . . .”

“Hindi. Lahat. Ng De Guia. Amazona,” diin niya. 

Lalo siyang naaasar sa hindi mawalang ngiti nito. Malago na nga ang facial hair ng lalaki, nakikita niya pa ang ngisi. Iniupo siya nito sa bar stool. Pagkatapos ay tumango sa bartender doon para gumawa ng alak.

“Sorry. I didn’t realize that you’re a damsel in distress,” anito.

“Shit. I’m not a damsel in distress.”

“Okay.”

Suminghot siya. Nagsisimula na namang tumulo ang luha niya.

“Calm down, Aly.” Inabutan siya nito ng shot ng vodka. “Just keep drinking.”

Ininom niya ang shot habang nakatitig ito.

“Is that thong . . . yours?” anito. “It smells.”

Lalo siyang naiyak. “It would have been better if this was mine . . . but . . .”

“Oh. Niloloko ka ng boyfriend mo,” sabi nitong walang simpatya sa tinig. Parang nag-abiso lang kung anong oras na.

Matalas siyang tumingin dito. Walang talab. “Oo! Kanina ko lang nalaman kung kailan—” Nanginig na naman siya. “Third year anniversary namin ngayon eh . . .”

“Hmm. That sucks.”

Napalakas ang singhot niya.

“Your drinks are free. I can’t let you pay for drinking to a breakup,” sabi pa.

Lalo siyang naiyak. “Break na ba kami dapat? Dahil nanloko siya . . .? Hindi ko man lang ba hihingian ng paliwanag?”

“Walang lalaking nadadapa lang deretso sa pussy, Aly. If he fucked it, he liked it. That is cheating. Anong paliwanag ang hihingiin mo ro’n?”

“Pa’no mo naman nalamang may ano . . . kinabayo siyang iba?”

“Come on. Look at your face.”

Pinahid niya ang luha. Naka-spell out ba sa mukha niyang nangabayo ng iba si Ram?

“And you’re holding a smelly thong while crying,” dugtong nito.

Irap. Obvious nga siguro. Pahamak na thong talaga.

“What should I do?” tanong niya.

“Break up and find a new one,” simpleng sagot nito.

“Ipakulam ko ang babae niya?”

“Break up with him and find a new one,” ulit nito. Mas madiin ang mga salita.

“Pero . . . baka kasi may mali sa akin. Baka may kailangan siya na hindi ko naibigay. I should ask him what we could do to save our relationship.”

“He cheated on you, Aly. Break up with him.”

“But I should talk to him first! Kailangan kong marinig ang paliwanag niya.”

“Just break up. Jeez.”

Umiling siya. Madali para kay Noonie na sabihin iyon pero mahirap para sa kanya. How is she going to break up with someone like Ram? Sa isang taong gusto na niyang makasama at pinlano na niyang makasama habambuhay?

“No! May magagawa pa ako!” aniya at naiyak uli. Marami pa siyang puwedeng gawin. Ram made a mistake. That’s that. But he could repent. Baka nga ngayon ay pinagsisisihan na nito ang ginawa.

“Don’t be a fool, Aly!”

Is this just being a fool?

“Mahal ko siya . . .” aniyang tuwid na nakatingin kay Noonie at kinagat ang labi sa pag-iyak. “I have to find a way to save us.”

Napailing sa kanya ang lalaki. Napabuntonghininga bago nag-iwas ng tingin. Lumagok ito ng shot ng vodka.

“Love . . .” Pumalatak ito. “I’ll be damned.” #

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status