Share

Chapter 2: Unwilling

*** 

“I like your beard,” mapungay ang mata at may ngiti sa labi na sabi ng kaharap na babae ni Noonie. She was leaning seductively on the counter. Pinasisilip siya sa mababang neckline ng dress na suot nito.

Hindi niya itinago ang ginawang pagsilip. She has big, milky white breast accentuated by the low light of the bar. He liked what he saw.

“So you like beards. Does that mean that your boyfriend has a beard too?” simple niyang tanong habang naghahanda ng alak nito.

“Stop that. Do I look like I have a man?” anitong makintab sa insinuations ang mga mata.

He smiled. She just bit on the bait. Mukhang ito ang makakasama niya sa magdamag. “You shouldn’t be single, lady.”

“Oh, but I am.”

“You shouldn’t be left alone. It’s hard to imagine you without a guy pursuing.”

“Well, let’s just say that . . .”—pinalagkit nito ang titig sa kanya. Pinababa ang tinig—“I’m not looking for anything serious right now. Just someone to get me through the night.”

Lumapad ang ngiti niya. “I’m easily seduced by statements like that. Watch your words.” Itinukod niya ang siko sa counter para magkalapit sila ng mukha. 

“But I am really—”

“Noonie!”

Sumingit sa tainga niya ang boses ni Aly.

“—not looking for—”

“Noonie! Yohoo!”

Napapikit siya. Pilit na itinutuon ang atensyon sa kausap.

“—anything serious right—”  

“’Oy! Noonie! Yehaw!”

Sa tagiliran ng mga mata niya ay nakita niyang tumayo si Aly mula sa bar couch sa sulok kung saan niya ito idineposito kanina. Tumalon-talon ito. Kumaway-kaway. Malinaw niyang nakikita ang pagyugyog ng katawan. She’s a bombshell with big, bouncy boobs. Hindi ba nito alam na napapatingin ang mga parokyanong lalaki sa pigura nito? 

“Shit,” bulong niya.

“What? Come again?” tanong ng kaharap.

“I’m sorry. I’ve got—”

“Noonie! ’Oy!”

Ngayon ay nakatingin na talaga siya sa makulit na babae. Bumungisngis ito. Itinaas niya ang kamay bilang tugon. Lalong kumulit ang kaway nito. Tumalon-talon. Napahawak sa sandalan ng couch nang muntik na mabuwal.

“Jeez,” aniya at apologetic na tumingin sa kaharap. “Sorry, lady. I have to . . . uh, attend to someone.”

Hindi na niya pinansin ang pag-ismid nito. Mabilis siyang umalis sa counter at lumapit kay Aly.

“What is it this time?” matabang na tanong niya.

“Ay. Kunot ang noo mo, Bigote, ah,” anitong nakatawa. Mapula ang mukha nito at naniningkit ang mga mata sa alak. Patawa-tawa pa nang mahina. “Samahan mo na ’ko rito.”

Namulsa siya. “You’re already drunk. How long are you gonna keep drinking?”

“Hangga’t may libreng alak,” nakangising sagot nito. 

Pumalatak siya. Magsasara nang wala sa oras ang bar niya dahil sa panlilibre sa babae. Sa payat ng katawan nito, walang mag-aakalang malakas itong uminom. Nanganganib ang inventory niya.

“You should stop drinking and go home. Madaling-araw na. Wala bang maghahanap sa ’yo?” may pagalit na sabi niya.

Ngumuso ito. “Oh! Someone’s been calling. That cheater shit. Pero . . . bakit ang sungit mo? Naglalandian na ba kayo no’ng babaeng iniwan mo ro’n sa counter?”

Napailing siya. “Yes.”

“Naglalandian nga kayo? Grabe. Pang-ilang babae na ’yon tonight? Panlima? Ang bilis mong lumandi, ah. May quota ka bang hinahabol?”

“I won’t need to flirt to five girls in a night kung hindi mo lang ako laging tinatawag sa tuwing may kausap ako.”

“Ah! Kaya ka pala bad trip.” Tumawa ito. “Sorry naman. Eh kasi . . . ’wag ka na munang makipaglandian ngayon. Samahan mo na lang akong uminom.”

Umiling siya uli. “I’m working, Aly.”

“You’re not. Nakikipaglandian ka lang sa counter. Naghahanap ng flavor of the night. Marami kang bartenders.”

“Is it not enough na libre ang alak? Maya’t maya mo ’ko tinatawag.” 

Tumaas ang sulok ng labi nito. “Eh kasi nga . . . wala akong kasama. Wala akong kausap. Natural, tatawagin kita. Come on. Is it enough na bigyan mo ang kaibigan mo ng alak? Dapat sinasamahan mo ring uminom. Grabe ka. Para lang sa kalandian, nang-iiwan ka.”

“Who told you that you can impose on me?”

“Wala. Pero . . . hindi ka man lang ba concern sa ’kin?”

Gusto niyang sabihing ‘hindi’ pero pinigil niya ang sarili. If truth be told, he didn’t want anything to do with a De Guia like her. Ilang De Guia na ang nakilala niya dahil kay Adam at sa asawa nitong si Erin. De Guia girls are too much for him. They’re complicated, hormonal, and demanding. If he could help it, he didn’t want to be involved with one.

“Hindi ka concern?” ulit nito. Lukot ang mukha.

Napatitig siya kay Aly. She looked like she’s about to cry again. Napabuntonghininga siya. “Are you for real? Iiyak ka kung sasabihin kong hindi ako concern?”

“Kahit katiting? Hindi ka concern?”

“No.”

“Aray!” anito at tinampal siya sa braso. “Brokenhearted ako pero hindi ka concerned? Kahit sabihin mong si Adam talaga ang kaibigan mo at kakilala mo lang ako, hindi ka concerned? Ha? Hindi? Kahit mga ten percent?”

Napabuga siya ng hangin. “I’m curious about what happened but I’m not concerned, okay? It’s your life. Bakit ako makikialam?”

“Pero kanina lang, ang sinabi mo sa ’kin, makipag-break ako,” nagtatampong sabi nito.

“Opinyon ko lang ’yon, hindi concern. People are bound to give opinion to whatever they hear without really being concerned about it.”

“Shit.” Naluha ito. Kinuha ang bote na nasa itim na salaming mesa at tumungga roon. “Hindi ka nga concerned.”

Hindi siya nagkomento. Inilayo niya ang tingin dito hanggang sa marinig niya itong sumisinghot.

“Apo ka ba ni Sokrates? O ni Plato? Bakit ganyan ang mga paniniwala mo?” anito.

“Aly . . .” Natigilan siya nang mapatingin dito at makitang umiiyak nga ito. Panay ang pahid nito sa luha. Napabuga siya ng hangin.

“Naiintindihan ko naman kung hindi ka nga talaga concerned. At least, hindi ka pakialamero. Saka, hindi naman kasi tayo close,” patuloy pa.

Naiinis siya nang kaunti sa sarili dahil sa pag-iyak nito. Lalo na dahil parang contributor pa siya sa sama ng loob. Uminom uli ito sa bote ng alak. Sumandal sa couch habang humihikbi.

“I’ve been keeping my thoughts and my feelings to myself. Pati pag-iyak, hindi ko maitodo ngayong gabi. Sigurado kasing . . . pupunta si Erin sa apartment bukas para magpasama kay Shaun. Naglilihi ’yon, eh. Hindi niya ’ko puwedeng makitang may namamagang mata. Hindi niya puwedeng malaman ang nangyari sa ’kin habang mainit ang ulo niya. Baka . . . makalbo si Ram.”

‘Who else with a broken heart could think like this? Isn’t she supposed to be too absorbed in herself or her needs to even think about Erin or that cheater?’ Sinarili niya ang opinyon. “Then you should go home,” sabi na lang niya.

Iniangat nito ang luhaang mata sa kanya. Nakalabi sa pinipigilang hikbi. “But . . .”—sa mahinang ilaw ng bar ay nakita niya ang munting panginginig ng labi nito— “no one’s home. I’ll be alone. Baka . . . lalo akong mapraning at maiyak.”

Hindi niya maialis ang mga mata rito. Telling Aly to find herself a companion for the night would be too rude. She’s crying because of her cheating boyfriend. Of course, she wouldn’t be up to a one-night stand. Telling her that she distracts him and his lifestyle was also rude. 

At kailan pa isyu sa kanya ang maging rude?

“Bawling your eyes won’t make things better.”

“Alam ko naman. But it will lessen the weight in my chest.”

Napatingin siya sa dibdib nitong bakas ang kabilugan sa suot na maluwag na blusa. Mukhang mabigat nga. “You will look terrible in the morning.”

“Alam ko,” sabi ni Aly at suminghot.

“I’m not—” Napabuntonghininga siya. “I’m not good with crying girls, okay?”

“Halata naman, eh.”

“So tell me again what I should do for you.”

Matagal muna itong tumitig bago sumagot. “Keep me company.”

Hindi siya handang samahan ito pero naupo siya sa katabing couch. “And then . . .?”

“Ang layo mo. Dito ka umupo malapit sa akin.”

Lumipat siya sa tabi nito. “Then?”

“I know I’m imposing. I’m sorry.”

“You are imposing. What else?”

“Mangako kang hindi mo ’ko idadaldal kay Adam. Kapag nalaman ni Adam ang nangyari sa ’kin, malalaman ni Erin. Kapag nalaman ni Erin, malalaman nina Tito Ernie and it will be bad . . .”

“Bad for you or for your boyfriend?”

“For me.”

Hindi siya nagkomento.

“Promise me,” sabi ni Aly.

“Okay.” Nagbuntonghininga siya. Maraming pre-requisite ang babae. “What else?”

“Uminom tayo. Okay?”

Puwede ba siyang sumagot ng hindi? “Okay.”

Sinalinan nito ng alak ang shot glass na naroon at iniabot sa kanya. Ngumiti ito nang bahagya—an apologetic and painful smile.

Nangunot ang noo niya sa ekspresyon nito bago tanggapin ang alak.

***

Makalipas ang tatlong oras . . .

Nahihilo na si Noonie. Si Aly naman ay nakahiga na sa couch na dating kinauupuan nito. Nakailang hila na siya pababa ng suot nitong mini-skirt para hindi ito masilipan kahit pa nga halos wala nang tao. Nasilip din niya nang hindi sinasadya ang lace underwear nito. 

Sa buong tatlong oras ay uminom lang siya at nakinig sa pamomroblema ng babae sa sarili nitong braso. Manipis kasi iyon. Walang lakas sa pambabalibag o pagwawala. Mas problemado pa ito sa braso nito kaysa sa nalamang pagtataksil ng nobyo. O baka naman sadya nitong iniiwasan ang topic na iyon. 

Either way, she’s humorous if only she’s not crying.

Kalahating oras na rin mula nang magsara sila. Patayo na siya sa couch para kumuha ng maaaring ikumot kay Aly nang makita niyang umiilaw na naman ang cellphone nitong nasa salaming mesa. May tumatawag. Nasilip niya ang pangalan sa screen: Ram. The boyfriend. May sticker pa ng puso sa unahan at hulihan ng pangalan ng lalaki.

Napatingin siya sa babaeng natutulog. He shouldn’t meddle with a De Guia’s affair, but his guts tell him to—

“Hello?” aniya nang sagutin ang tawag. 

“Hello?” Nangingilala ang tinig sa kabilang linya.

“Who’s this?”

“What? I’m the one who’s supposed to ask you. Who are you? Why are you answering my girl’s phone?”

Halos mag-isang linya sa pagsasalubong ang kilay niya dahil sa angas ng boses ng kausap. The cheater was pissed off!

“Your girl? Who exactly?” walang anumang tanong niya.

“Alyson De Guia, of course! Who are you?”

Mahina siyang tumawa. Ipinahahalatang pinagtatawanan niya ito. “Ah, si Aly. She’s sleeping. And I won’t wake her up for a fucker like you.”

“Hey! Sino ka ba? Bakit kayo magkasama ni Alyson? ’Wag mong sabihing . . .”

Nag-disconnect siya. Pagkatapos ay binuhusan niya ng alak ang cellphone hanggang sa mamatay ang screen niyon. Inilaglag niya nang paulit-ulit sa makinis na semento. Saka niya kinuha ang sariling cellphone sa bulsa at tinawagan si Adam.

“Hey, man! You’re already awake?”

“Yeah. I have to wake up before Erin does to make sure she won’t escape to see Shaun this early in the morning.”

Napasulyap siya sa tulog na si Alyson. “Akala ko ba, ang sabi mo, ayaw ng asawa mo na ikaw ang maghahatid sa kanya kay Shaun?”

“Yeah. But she’s pregnant. How could I let her go alone? And she’s been bugging Shaun every morning. I pity the guy.”

Siya man ay naaawa sa mga kaibigan. Uma-umaga kasing nangangailangang pumisil si Erin sa abs at pisngi ni Shaun dahil sa paglilihi, kasehodang madilim pa o tulog ang lalaki galing sa shooting o taping. Bawal daw pagkaitan ang hilig o topak ng babaeng naglilihi. Kaya naman puyat ang dapat mapuyat masiguro lang na nakakapit nang mabuti ang panganay ni Adam. 

Nailing siya. Erin without the pregnancy is already outrageous. With a child in her womb, she’s all-out crazy.

“Anyway, what is it? Why are you calling?” usisa ng lalaki sa linya.

“Mangako kang hindi mo ’ko idadaldal kay Adam.”

“I need to borrow your condo. Emergency,” pagsisinungaling niya. “What time do you think I can drop by at your house for the keys?”

Sandaling natahimik ang kausap. “Erin will wake up by seven. Drop by anytime before that.”

“Okay, man. Thank you.”

“What do you need it for?”

“I’ll tell you after.”

Ibinaba na niya ang cellphone. Pagkatapos ay sinipat naman ang wall clock na malapit sa counter. 5:32 a.m. 

Sinulyapan niya si Aly. She still has an hour to sleep off the liquor. Pababayaan niya muna itong mahimbing. Gigisingin na lang niya kapag kailangan na nitong umuwi.

Lumakad siya sa counter at kinuha ang maliit niyang kumot sa isa sa mga kabinet doon. Ginagamit niya iyon kapag tinatamad siyang umuwi sa sariling bahay at nagpapalipas muna ng oras ng tulog sa bar. Ikinumot niya iyon kay Aly. 

When she wakes up, she would have to confront the truth again. He was hoping he wouldn’t be there to see it. #

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status