Share

New client

Author: Lilybluems
last update Last Updated: 2024-06-05 20:36:40

“Good morning, Mr. Jintalan!” Sari-saring bati ang sumalubong kay Elijah pagpasok palang kung saan gaganapin ang hearing.

Napangiwi naman sa gilid si Laura habang tinitignan si Elijah na malawak ang ngiti na sinasagot ang bawat tanong, kasama pa nito ang malandi niyang secretary.

Bumaba ang mga tingin ni Laura sa tiyan ng babae, flat pa rin iyon pero alam niyang may laman na iyon. Pag-angat ng tingin niya ay nagtama ang mga mata nila ng babae, agad itong ngumisi at naglakad palapit sa kaniya.

“At talagang andito ka para ilaban ang daddy mo sa kaso, sa tingin mo ba ay may magagawa ka? Wala na ang kapangyarihan ng pamilya n’yo, sino ang inaasahan mo na tutulong sa’yo e kahit yata mumurahin na lawyer ay wala ka ng makukuha.”

Halos magngitngit ang ngipin ni Laura sa lakas ng boses ng babae, halata na gusto nitong ipahiya siya. “Ano naman sa’yo kung ilaban ko ang kaso ng daddy ko, hindi mo naman pera ang uubusin ko. Isa pa, may pinakaiba ba tayong dalawa? Wala ka rin namang pera, kung alam ko lang lahat ng suot mo ngayon ay galing sa ex-boyfriend ko.”

“Hah! Kaya ka iniwan ni Elijah e, dahil sa ugali mo. Hindi ka na nga marunong mag-ayos ay hindi mo pa alam kung saan dapat lumugar, hindi na ako makapaghintay na makita ka na umiiyak habang binibitbit ng pulis ang daddy mo papasok sa kulungan.” Mataray nitong sagot.

Hindi alam ni Laura kung anong kasalanan niya kay Sia, bakit ganoon nalang ang galit nito sa kaniya. Agad niya itong tinulak dala na rin ng galit, “Hindi makukulong ang daddy ko.” Mariin niyang untag.

“Aray!” Sabay-sabay na napalingon ang lahat dahil sa malakas nitong reklamo, isa na roon ay si Elijah na nagmamadaling lumapit sa kanila.

“Sia, ayos ka lang ba?” Puno ng pag-aalala ang mukha nito, na parang isang mamahalin at babasaging bagay ang babae. “Laura, ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?! Hindi ka pa rin ba tumitigil, diba ay napagusapan na nating tapos na tayo?”

Yumakap si Sia sa braso niya, “honey, pinipilit pa rin niyang inagaw kita sa kaniya. Hindi niya maintindihan na hindi mo siya mahal, sabi pa niya ay malandi raw ako at hindi mo anak ang batang dinadala ko.” Maiyak-iyak pa niyang sabi.

“W-Wala akong sinasabi na gan’yan, Elijah! Nagsisinungaling si’ya—”

“Shut up, Laura! Hindi mo ba matanggap na hindi na kita mahal at wala na tayo? Hanggang dito ba naman ay manggugulo ka, nakakalimutan mo yatang ngayon ang hearing ng kaso ng daddy mo. Bakit hindi ka nalang maghanap ng tatayong lawyer ng daddy mo kaysa sayangin mo ang oras mon a guluhin kami?”

“Sinabi ko na rin sa kaniya iyon, pero hindi siya marunong makinig. Sa halip na magpasalamat siya dahil may kaunting awa pa tayo ay nagalit pa siya sa akin, pakiramdam ko ay sumasakit ang tiyan ko dahil sa ginawa n’ya.” Hinaplos pa ni Sia ang tiyan niya.

Gumuhit ang kaba sa mukha ni Elijah, “pag may nangyaring masama kay Sia at sa anak namin, baka makalimutan ko ang pinagsamahan natin at pati ikaw ay makulong tulad ng daddy mo!” Tumaas ang kamay ni Elijah at akmang itutulak rin si Laura ng nagsimula muling mag-ingay ang mga tao.

Sa pagkakataon na iyon ay si Adan Del Rosario naman ang dumating, suot nito ang mamahalin niyang suit na regalo pa ng pinakasikat na fashion designer sa paris.

“Mr. Del Rosario! Anong ginagawa mo rito, ikaw ba ang may hawak ng kaso ngayon? Sinong pamilya ang client mo?” Sunod-sunod na tanong ng mga andoon pero seryoso at dire-diretso lang na naglakad si Adan patungon kung nasaan sila Elijah.

“Oh, Mr. Del Rosario. Mabuti naman at dumating ka na,” masayang bati ni Sia sa lalaki, “salamat sa pagpunta.” Puno ng lambing ang tono ng boses niya. Sa pagkakataon na iyon ay tinuon naman ni Sia ang tingin kay Laura, “ngayon ay alam mo na wala talaga kayong pag-asa na Manalo, we have Mr. Del Rosario and you got nothing.”

Mayabang ang tono ni Sia, puno ng confidence na sila na ang panalo sa kaso.

Tulalang nakatingin si Laura sa lalaking nasa gilid, binalot ng kaba ang buo niyang pagkatao. Alam niyang wala siyang maibibigay sa lawyer na malaking halaga una palang, kaya ng pumayag ito na kunin ang kaso ng daddy niya ay sobra siyang nabigla.

Ngayon ay hindi na siya magtataka kung makalimutan nito ang usapan nila lalo na kung may offer sila Elijah na malaking halaga para sila ang tulungan nito.

Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa, “S-Still… Ilalaban ko ang kaso ng daddy ko—”

Natigilan siya ng pumatong ang kamay ni Adan sa balikat niya, “I think there is misunderstanding here, Miss. Hindi ako nagpunta rito para sa inyo, my client is Ms. Zapanta.” Diretso at malamig na sabi ni Adan sa kanila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Akin dapat s'ya

    “Mr. Jintalan, mabuti naman at dumating ka.” Nakangiti ang mga matatandang businessman habang palapit si Elijah sa table kung nasaan sila, “akala namin ay hindi ka sisipot, lalo na at hindi mo naman na kailangan ang ganitong mga okasyon.” Makahulugan pa na sabi ng isa.Napangisi naman si Elijah dahil sa narinig, umiling siya at umakto na parang hindi naiintindihan ang ibig sabihin ng matanda. “Nako, bakit naman hindi ako a-attend sa ganitong okasyon lalo na at alam ko na andito kayo?”Muli silang nagtawanan, nanatili ang ngiti sa labi ni Elijah. Ang mga matatanda na ang tingin lang sa kaniya dati ay boyfriend ni Laura ay sa wakas alam na kung paano siya tawagin sa kung sino talaga siya.Napapailing nalang siya sa isip habang sumisimsim ang wine sa kupita na hawak, alam niyang iba ang nagagawa ng kapangyarihan at pera kung paano ang pakikitungo ng tao. Ngayon na meron na siya pareho, labis ang pagbabago ng mga ito.“Magkakaroon ako ng branch sa Singapore, baka gusto mo na makita ang pl

  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Ano ba tayo?

    Ang tanawin sa labas ng veranda ay talagang maganda, pero hindi maitatago ni Laura na mas higit doon ang ngiting sumilay sa labi ng lawyer. Sobrang sarap noon sa mata na parang kinikiliti ang puso niya.Nabalik lang ang kaniyang atensyon ng umihip ang malamig na hangin, agad niyang hinaplos ang expose na mga braso. Nakasuot lamang siya ng cocktail dress, nagsimula na rin na mamula ang kaniyang ilong, pisngi, hanggang leeg. Mas lalong lumabas ang maputi niyang balat.Napabuntong hininga naman si Adan at maingat na hinubad ang suit jacket at walang pasabing pinatong ito sa balikat niya, “gamitin mo, hindi kita dinala dito para ma- hospital na naman.”Hindi iyon tinanggihan ni Laura, sa halip ay binalot niya iyon sa sarili. Sa paraan na iyon ay mas amoy niya ang lawyer muna sa jacket nito, hindi niya maiwasan na mas lalong mamula ang pisngi dahil sa kaniyang ginawa.“Thank you.” Bulong niya, halos makagat pa niya ang dila sa kaba. Ayaw niyang malaman ni Adan ang ginagawa niya, pero hindi

  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Selos

    “Hurry, can’t you move faster?” Inip na tanong ni Adan habang nakasandal sa kotse at paulit-ulit na tinitignan ang oras sa relong suot niya, “sabi mo ay ayaw mong makatanggap ng maraming atensyon sa pupuntahan natin, pero sa tagal mong gumalaw ay baka tayo ang pinaka-late doon.”Napaikot naman ang mata ni Laura, gusto niyang magreklamo at sabihin na ang lalaki rin naman ang dahilan bakit sila natagalan. “Ito na nga, nagmamadali na.”~Mabuti nalang rin at hindi traffic ng mga oras na iyon dahilan para agad silang makarating sa venue, pagpasok palang nila ng building ay marami na agad ang sumalubong sa lalaking kasama niya. Isa na roon ang isang babaeng naka velvet red dress na talagang bumagay sa maputi nitong balat.“Adan,” matamis nitong tawag sa pangalan ng lawyer habang may matamis na ngiting nakapaskil sa labi niya, “akala ko ay hindi ka darating, ngayon ka lang na-late sa mga ganitong event.”Ilang minuto pa na tinitigan ni Laura ang babae bago niya makilala ito, Ang female arti

  • Love me obediently, Mr. Billionaire   With him

    Tulad ng pinagkasunduan at alok na serbisyo ni Laura, nung hapon rin na ‘yun ay agad siyang naghanda para magluto ng hapunan.“Sinabi ko na ipagluluto ko siya ng pagkain, pero paano ko gagawin yun kung ganito lang ang laman ng refrigerator niya?” Stress na tinignan ni Laura ang mga can beer, bottled water, at iilan na pack food na kailangan na lang iinit.Hindi naman niya magawang guluhin ang lawyer na ngayon ay nakatalikod sa kaniya habang suot ang reading glass nito at isa-isang binabasa ang mga papel na nakakalat sa lamesa.Ilang saglit pa ay lumingon ito sa kaniya dahilan para mapaigtad siya, “baka mabutas ang likod ko sa titig mo, kung may gusto kang sabihin ay sabihin mo na.”Hindi ganoon kalamig ang tono ng boses nito, pero dahil sa suot niyang reading glass ay mas lalong naging intimidating ang aura niya. Hindi agad nakakibo si Laura, nagdadalawang -isip pa rin kung sasabihin niya ang kaniya pa niyang problema.Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang umamin, “hmm, sa totoo la

  • Love me obediently, Mr. Billionaire   He want it

    Paghinto palang ng kotse ay ramdam na agad ni Laura ang katahimikan ng paligid, sa totoo lang ay umaasa siyang pagdating nila ay naguunahan ang mga maid na lumabas para salubungin ang lawyer pero kabaliktaran ang lahat sa inaasahan niya.Tatlong palapag ang bahay nito ngunit sa labas palang ay masasabi na niya agad na maluwang iyon, “h’wag kang masyadong kabahan, marami ang kwarto at pwede mong piliin ang pinakamalayo sa kwarto ko, kung gugustuhin mo ay pwede tayong hindi magkita sa loob ng bahay hanggang matapos ang pag stay mo dito.”Seryoso ang mukha ni Adan habang sinasabi iyon, walang halong biro ang bawat salita. Hindi tuloy alam ni Laura kung talagang seryoso iyon o sarkastiko lamang ito.“Hindi naman ako kinakabahan, isa pa ay ikaw ang tumanggi sa akin nung nakaraan.” Pagbalik niyang sabi habang seryoso rin ang mukha, pero mabilis siyang tumingin palayo ng maramdam ang tingin ni Adan sa kaniya.“Well, hindi naman ako hayok at walang pusong lalaki. Pero kung ipipilit mo talaga

  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Stay with me

    Dalawang-araw pa ang tinagal ni Laura sa hospital bago siya tuluyan na ma- discharged. Hindi na bumalik si Adan simula ng mangyari ang bagay na ‘yun, wala pa rin siyang idea kung ano ang dahilan ng pagka-bad moon bigla ng lawyer.“Nakakahiya naman kung tatawagan ko siya,” bulong niya sa sarili habang hawak ang cellphone at bitbit sa kabilang kamay ang maliit na bag. Paika-ika pa man ay sinubukan na niyang maglakad sa hallway, alam niyang sa mukha ng iba ay para siyang kawawa pero wala naman siyang magagawa.Sinubukan niyang katawan ang kaibigan pero mukhang busy, wala naman siyang ibang matatawagan dahil nasa detention center pa ang daddy niya.Nakakailang hakbang palang siya ng may humawak sa braso niya at pigilan siyang maglakad, “bakit parang nagmamadali kang umalis Ms. Zapanta na parang tinatakasan? Sa tingin mo ba ay makakauwi ka mag-isa ng ganyan ang sitwasyon mo?” Umagang-umaga palang ay magkasalubong na kilay agad ang bumungad sa kaniya.“Mr. Del Rosario, anong ginagawa mo dit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status