“Laura, huy!” Pag ulit na tawag ni Laila kay Laura na tulala pa rin, “sigurado ka ba talaga dito sa balak mo, ang sabi-sabi ay hindi basta-basta nagpapapasok d’yan kung walang appointment.” Nag-aalala nitong tanong.
Pareho silang tumingin sa mataas na building sa harapan nila, “sa tingin mo ba ay pupunta ako rito ng hindi buo ang loob ko? Wala akong oras na pwedeng sayangin, hindi pwedeng magtagal si Daddy sa detention center. Alam mo naman ang sakit niya, hindi siya pwede na ma-stress ng sobra.”
Huminga ng malalim si Laura at taas noo na naglakad papasok sa building, ilang hakbang palang ang nalalakad niya ay agad na siyang hinarang ng nasa front desk.
“Excuse me, ma’am. May appointment po ba kayo?” Nakangiti ang babae, pero alam ni Laura na peke iyon.
Hinawi niya ang nakalugay na buhok ng buo ng confidence, “wala, pero kailangan ko na makausap si Mr. Del Rosario.”
Agad umasim ang timpla ng itsura ng babae, “sorry, ma’am. Pero hindi lang po ka’yo ang nagsabi n’yan, kung gusto n’yo po na makausap si Lawyer Del Rosario ay magpa-appointment nalang po ka’yo.”
“Sandali lang naman, aalis rin ako agad.” Puno ng pagbabakasakali ni Laura na makausap ang lawyer, iyon nalang ang natitira niyang pag-asa para maisalba ang kahit ang daddy nalang niya sa kaso. Wala na siyang pakialam sa pabagsak nilang company, “please, saglit na saglit lang ako.”
Tumingin ang babae mula ulo hanggang paa kay Laura, “Ma’am, umalis na po kayo bago pa ako tumawag ng guard.” Iritado nitong sabi.
“Pero saglit lang naman, kailangan ko lang talaga siyang makausap.” Ilanga raw nalang ay magsisimula na ang hearing ng kaso, hindi siya pwedeng sumuko kung hindi ay makukulong ang daddy niya.
“Kuya, pakilabas naman si miss. Nakakaabala siya, parating na si Mr. Del Rosario baka maabutan pa siya dito.” Sa halip na pakinggan ay tinalikuran lang siya nito.
Agad na lumapit ang guard sa kaniya at hinawakan siya sa braso, “pasensya na miss, pero hindi po kayo pwedeng mangulo dito kami ang mawawalan ng trabaho. Sumama na po kayo sa labas, ‘wag na sana tayong gumawa ng eksena.”
Kahit ayaw ni Laura ay nanatili siyang tahimik at sumama ng tahimik palabas, hindi naman maiwasan na pagtinginan siya ng ibang tao sa lobby.
Nasa tapat na sila ng pintuan ng huminto ang isang sport car na pula sa harapan nila, “M-Ma’am, bilisan n’yo na po na lumabas.” Nagmamadali hinila ng guard si Laura, agad naman niyang naintindihan kung bakit.
Desperado siyang makausap ang lawyer, nanatili siyang nakatayo sa harapan ng sport car at hinintay ang lalaking makalabas sa sasakyan.
Lumabas doon si Lawyer Adan Del Rosario, ang pinakakilalang lawyer. Hindi lang dahil sa magaling siya, marami rin itong property na nakapangalan sa kaniya.
“S-Sorry Sir, nagpipilit po kasi na pumasok si Ma’am. Ilang beses na sinabing hindi pwede dahil wala siyang appointment, pasensya na sir.” Halata ang takot ng guard habang nagpapaliwanag, “ma’am please, sumunod na po kayo sa akin.”
“Sandali lang…”
“It’s fine, pwede mo na siyang bitawan.” Untag nito na parehong kinagulat ng guard at ni Laura.
“Sigurado po ba kayo Sir?” Paninigurado ng guard at marahan na binitawan ang braso ni Laura, “pasensya na ma’am, sumusunod lang ako sa utos. Hindi ko akalain na kilala ka ni Sir.” Yumuko ang guard at iniwan silang dalawa.
“So, should we go to my office Ms. Zapanta?” Malalim ang boses na untag ni Adan, nauna na itong naglakad papunta sa elevator.
Hindi man makapaniwala si Laura ay tahimik siyang sumunod kay Adan, hanggang makasakay sila sa elevator ay hindi siya nagsasalita.
“So, anong ang nangyari para puntahan ako ng unica ija ni Mr. Zapanta?” Pagbasag sa katahimik ni Adan, “balita ko ay nalugi ng 10 billion ang Zapanta’s company, is it true?”
Lihim na naikuyom ni Laura ang kamay niya at tumango, “yes, nalugi ang company namin at wala ng pag-asa na mailigtas pa ang pagbagsak noon. Pero hindi iyon ang pinunta ko rito, Mr. Del Rosario.” Marahan siyang tumikhim para alisin ang wari’y nakabara sa kaniyang lalamunan.
“Gusto ko na ikaw ang humawak sa kaso ng daddy ko, Mr. Del Rosario.”
“Gusto mo na ako ang maging lawyer ng daddy mo? Aware ka ba kung magkano ang talent f*e ko, Miss. Zapanta?” Seryosong tanong ni Adan ng walang halong pangungutya sa boses nito.
Saglit na natigilan si Laura, alam niyang wala siyang sapat na pera para bayaran ang lalaking kausap hanggang sa dulo ng kaso. Pero ayaw niyang masayang ang pagkakataon na meron siya ngayon, “w-wala akong sapat na pera, pero gagawin ko lahat para pumayag ka na kunin ang kaso ni Daddy.”
“Lahat?” Napangisi si Adan dahil sa huling sinabi niya, “sigurado ka na kaya mo na gawin ang lahat para kunin ko ang kaso ng daddy mo? Paano kung iba ang bagay na hilingin ko, kaya mo kayang ibigay?” Tinignan ni Adan ng diretso sa mata si Laura.
Ang mga kamay ni Adan ay nagsimulang haplusin ang pisngi niya.
Paulit-ulit na napalunok ng laway si Laura dahil doon, “O-Oo, kaya ko na ibigay ang gusto mo para sa kaso ng daddy ko.”
Sa pagkakataon na iyon ay tumawa si Adan at tinignan siya ng namamangha, “you really amaze me, Ms. Zapanta. Sure then, I will help you.” Yumuko siya at nilapit ang bibig sa tenga ng Laura, “but from now on, you’re my woman.”
“Mr. Jintalan, mabuti naman at dumating ka.” Nakangiti ang mga matatandang businessman habang palapit si Elijah sa table kung nasaan sila, “akala namin ay hindi ka sisipot, lalo na at hindi mo naman na kailangan ang ganitong mga okasyon.” Makahulugan pa na sabi ng isa.Napangisi naman si Elijah dahil sa narinig, umiling siya at umakto na parang hindi naiintindihan ang ibig sabihin ng matanda. “Nako, bakit naman hindi ako a-attend sa ganitong okasyon lalo na at alam ko na andito kayo?”Muli silang nagtawanan, nanatili ang ngiti sa labi ni Elijah. Ang mga matatanda na ang tingin lang sa kaniya dati ay boyfriend ni Laura ay sa wakas alam na kung paano siya tawagin sa kung sino talaga siya.Napapailing nalang siya sa isip habang sumisimsim ang wine sa kupita na hawak, alam niyang iba ang nagagawa ng kapangyarihan at pera kung paano ang pakikitungo ng tao. Ngayon na meron na siya pareho, labis ang pagbabago ng mga ito.“Magkakaroon ako ng branch sa Singapore, baka gusto mo na makita ang pl
Ang tanawin sa labas ng veranda ay talagang maganda, pero hindi maitatago ni Laura na mas higit doon ang ngiting sumilay sa labi ng lawyer. Sobrang sarap noon sa mata na parang kinikiliti ang puso niya.Nabalik lang ang kaniyang atensyon ng umihip ang malamig na hangin, agad niyang hinaplos ang expose na mga braso. Nakasuot lamang siya ng cocktail dress, nagsimula na rin na mamula ang kaniyang ilong, pisngi, hanggang leeg. Mas lalong lumabas ang maputi niyang balat.Napabuntong hininga naman si Adan at maingat na hinubad ang suit jacket at walang pasabing pinatong ito sa balikat niya, “gamitin mo, hindi kita dinala dito para ma- hospital na naman.”Hindi iyon tinanggihan ni Laura, sa halip ay binalot niya iyon sa sarili. Sa paraan na iyon ay mas amoy niya ang lawyer muna sa jacket nito, hindi niya maiwasan na mas lalong mamula ang pisngi dahil sa kaniyang ginawa.“Thank you.” Bulong niya, halos makagat pa niya ang dila sa kaba. Ayaw niyang malaman ni Adan ang ginagawa niya, pero hindi
“Hurry, can’t you move faster?” Inip na tanong ni Adan habang nakasandal sa kotse at paulit-ulit na tinitignan ang oras sa relong suot niya, “sabi mo ay ayaw mong makatanggap ng maraming atensyon sa pupuntahan natin, pero sa tagal mong gumalaw ay baka tayo ang pinaka-late doon.”Napaikot naman ang mata ni Laura, gusto niyang magreklamo at sabihin na ang lalaki rin naman ang dahilan bakit sila natagalan. “Ito na nga, nagmamadali na.”~Mabuti nalang rin at hindi traffic ng mga oras na iyon dahilan para agad silang makarating sa venue, pagpasok palang nila ng building ay marami na agad ang sumalubong sa lalaking kasama niya. Isa na roon ang isang babaeng naka velvet red dress na talagang bumagay sa maputi nitong balat.“Adan,” matamis nitong tawag sa pangalan ng lawyer habang may matamis na ngiting nakapaskil sa labi niya, “akala ko ay hindi ka darating, ngayon ka lang na-late sa mga ganitong event.”Ilang minuto pa na tinitigan ni Laura ang babae bago niya makilala ito, Ang female arti
Tulad ng pinagkasunduan at alok na serbisyo ni Laura, nung hapon rin na ‘yun ay agad siyang naghanda para magluto ng hapunan.“Sinabi ko na ipagluluto ko siya ng pagkain, pero paano ko gagawin yun kung ganito lang ang laman ng refrigerator niya?” Stress na tinignan ni Laura ang mga can beer, bottled water, at iilan na pack food na kailangan na lang iinit.Hindi naman niya magawang guluhin ang lawyer na ngayon ay nakatalikod sa kaniya habang suot ang reading glass nito at isa-isang binabasa ang mga papel na nakakalat sa lamesa.Ilang saglit pa ay lumingon ito sa kaniya dahilan para mapaigtad siya, “baka mabutas ang likod ko sa titig mo, kung may gusto kang sabihin ay sabihin mo na.”Hindi ganoon kalamig ang tono ng boses nito, pero dahil sa suot niyang reading glass ay mas lalong naging intimidating ang aura niya. Hindi agad nakakibo si Laura, nagdadalawang -isip pa rin kung sasabihin niya ang kaniya pa niyang problema.Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang umamin, “hmm, sa totoo la
Paghinto palang ng kotse ay ramdam na agad ni Laura ang katahimikan ng paligid, sa totoo lang ay umaasa siyang pagdating nila ay naguunahan ang mga maid na lumabas para salubungin ang lawyer pero kabaliktaran ang lahat sa inaasahan niya.Tatlong palapag ang bahay nito ngunit sa labas palang ay masasabi na niya agad na maluwang iyon, “h’wag kang masyadong kabahan, marami ang kwarto at pwede mong piliin ang pinakamalayo sa kwarto ko, kung gugustuhin mo ay pwede tayong hindi magkita sa loob ng bahay hanggang matapos ang pag stay mo dito.”Seryoso ang mukha ni Adan habang sinasabi iyon, walang halong biro ang bawat salita. Hindi tuloy alam ni Laura kung talagang seryoso iyon o sarkastiko lamang ito.“Hindi naman ako kinakabahan, isa pa ay ikaw ang tumanggi sa akin nung nakaraan.” Pagbalik niyang sabi habang seryoso rin ang mukha, pero mabilis siyang tumingin palayo ng maramdam ang tingin ni Adan sa kaniya.“Well, hindi naman ako hayok at walang pusong lalaki. Pero kung ipipilit mo talaga
Dalawang-araw pa ang tinagal ni Laura sa hospital bago siya tuluyan na ma- discharged. Hindi na bumalik si Adan simula ng mangyari ang bagay na ‘yun, wala pa rin siyang idea kung ano ang dahilan ng pagka-bad moon bigla ng lawyer.“Nakakahiya naman kung tatawagan ko siya,” bulong niya sa sarili habang hawak ang cellphone at bitbit sa kabilang kamay ang maliit na bag. Paika-ika pa man ay sinubukan na niyang maglakad sa hallway, alam niyang sa mukha ng iba ay para siyang kawawa pero wala naman siyang magagawa.Sinubukan niyang katawan ang kaibigan pero mukhang busy, wala naman siyang ibang matatawagan dahil nasa detention center pa ang daddy niya.Nakakailang hakbang palang siya ng may humawak sa braso niya at pigilan siyang maglakad, “bakit parang nagmamadali kang umalis Ms. Zapanta na parang tinatakasan? Sa tingin mo ba ay makakauwi ka mag-isa ng ganyan ang sitwasyon mo?” Umagang-umaga palang ay magkasalubong na kilay agad ang bumungad sa kaniya.“Mr. Del Rosario, anong ginagawa mo dit