LOGINIsang madilaw na wall lamp lamang ang nakasindi sa loob ng silid, na nagbibigay ng malambot at tila hamog na liwanag sa buong kwarto. Ang init na dala ng hot spring ay nananatili pa rin sa balat ni Haile. Nang maingat siyang ilapag ni Hudson sa kama, tila ba sumunod ang init na iyon, na bumabalot sa kanya sa isang mahalumigmig na yakap. Maging ang kanyang hininga ay may dala ring tamis at init. Nananatili ang kamay ni Hudson sa kanyang baywang, at ang init ng palad nito ay nanunuot sa manipis na tela ng kanyang bathrobe. Tahimik itong nakatingin sa kanya. Sa gitna ng malamlam na ilaw, ang tingin nito ay mas malalim kaysa sa dati—kontrolado, pigil, ngunit puno ng mga emosyong hindi niya lubos na mabasa... pero sa kabila nito, pinapadama siya nito na ligtas siya. “Hudson,” mahina niyang tawag, halos hindi matatag ang kanyang boses. “Hmm?” Maingat nitong inalis ang mga basang hibla ng buhok sa kanyang pisngi gamit ang mga daliri. Kinagat ni Haile ang kanyang labi. Matapos ang mahaba
Sa biyahe pabalik sa mountain villa mula sa banquet hall, iminungkahi ni Hudson na magpunta sila ni Haile sa hot spring. Paminsan-minsan, sinusulyapan niya ang asawa habang nagmamaneho, may isang maliit at hindi mawaring ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi. Inabot niya ang car stereo at binuksan ito. Ang malambot na musika ng piyano ay pumuno sa loob ng sasakyan, na nagpagaan sa tahimik na tensyon sa pagitan nilang dalawa. “Masyado mong pinagod ang sarili mo nitong mga nakaraang araw. You deserve a proper rest,” sabi niya, ang boses ay mas malambot kaysa sa dati sa ilalim ng musika. “Nilinis ang hot spring sa backyard kanina. Ang tubig ay direktang nanggagaling sa bukal sa bundok.” Bahagyang tumango si Haile, ang kanyang mga daliri ay hindi sinasadyang nagkakawit-kawit. Pumasok ang sasakyan sa villa district at nagsimulang akyatin ang paliku-likong kalsada sa bundok. Ang hilltop villa na ito ay pag-aari ni Hudson—isang pribadong kanlungan na bihirang-bihira niyang gamitin malib
Pagkatapos makauwi mula Paris ay ang paghahanda para sa banquet naman ngayon ang pinagkakaabalahan ng lahat. Ang pinaka-marangyang banquet hall sa buong lungsod, ang Cloud Peak, ay tuluyang inarkila ng Miller Group para sa gabing iyon. Upang ipagdiwang ang Gold Award ni Haile sa Global Design Show, personal na nag-organisa si Hudson ng isang pagtitipon na may pambihirang engrande—dahil dito, agad itong naging laman ng usap-usapan sa mundo ng negosyo at sining. Sa pasukan, ang kanyang nagwaging koleksyon na "Tracing the Light" ay nakadispley sa mga eleganteng installations, habang ang malalaking screens sa magkabilang panig ng bulwagan ay nagpapalabas ng mga highlights mula sa fashion show sa Paris. Sa gitna ng lahat, isang dambuhalang circular screen ang paulit-ulit na nagpapalabas ng mismong runway show nang gabing iyon. Bawat sandali na lumilitaw si Hudson sa runway, muling nag-uumpisa ang bulungan ng paghanga sa buong bulwagan. Ang bawat swabe niyang pag-ikot, ang pagwagayway ng
Ang mga kalsada ng Paris ay sadyang napakalamig sa kalaliman ng gabi. Halos tatlong oras nang naghihintay si Conrad sa labas ng venue, at ang kanyang mga binti ay halos mamanhid na sa tindi ng ginaw. Bugso-bugso ang mga taong lumalabas sa pangunahing pinto—mga eleganteng editors, mga tumatawang designers, at mga reporters na mahigpit ang hawak sa kanilang mga camera. Maririnig ang pananabik sa kanilang mga boses habang pinag-uusapan ang malaking tagumpay ng gabi. Paulit-ulit na nababanggit ang pangalan ni Haile, na laging kaakibat ng mga salitang "henyo" at "world-class designer." Titig na titig si Conrad sa bawat mukha, desperadong hinahanap ang isang pamilyar na pigura. Nang magsimulang lumabas ang huling grupo ng mga staff, isang security guard ang lumapit sa kanya, ang tono ay halatang naiinip. “Sir, the event is over. There's no one left inside. The person you’re waiting for might have already used a different exit.” “Different exit?” gulat na napatingin si Conrad. “A place
Nasa rurok na ng kasiglahan ang celebration banquet habang ang dambuhalang screen sa gitna ng bulwagan ay nagsimulang magpakita ng mga highlights mula sa global design show. Nang lumabas ang mga eksena mula sa “Tracing the Light,” muling sumabog ang palakpakan sa buong silid. Ipinakita sa slow motion ang sandali ni Hudson sa runway—ang kanyang kalkuladong mga hakbang, ang eleganteng pagwagayway ng kanyang trench coat habang lumingon, at ang tahimik na sidhi ng kanyang tingin. Bawat kuwadro ay tila isang maingat na nilikhang obra maestra. Pagkatapos, ang footage naman ni Haile ang lumitaw. Nakatayo siya sa entablado, tinatanggap ang kanyang tropeo—ang kanyang ekspresyon ay pinaghalong gulat at ningning. Sa huli, umalingawngaw muli ang boses ng host: “Ms. Haile has not only won the Gold Award, but has also been unanimously recognized as one of the world’s top designers of the year!” Dumagundong ang palakpakan sa bulwagan. Agad na pinalibutan si Haile ng kanyang koponan—nagkakantinga
“Nanalo tayo! Director Montinola—tayo ang number one!”“Isang world-class designer! Kasama na si Director Montinola sa pinakamagagaling sa buong mundo!”Sumabog sa selebrasyon ang buong koponan, nagkakayakapan sa tindi ng kagalakan. Ang ilan sa mga nakababatang designers ay hindi na napigilang maiyak, dala ng labis na emosyon sa sandaling iyon.Ilang buwan na paghahanda. Walang bilang na puyat. Walang katapusang rebisyon at pagpapakinis sa bawat detalye. Ang lahat ng iyon ay humantong sa puntong ito.Nakatayo lang si Haile sa gitna ng kaguluhan, naririnig nang malinaw ang anunsyo—pero tila ba hindi pa rin ito totoo para sa kanya.“Designer Haile, representing the Philippines, has won the Gold Award at this year’s Global Design Show for her collection ‘Tracing the Light.’ She has also been unanimously selected by the judges as one of the world’s top designers of the year…” pagpapatuloy ng master of the ceremony.Top designer.Ang mga salitang iyon ay umalingawngaw sa kanyang isipan, hu
Sana talaga hindi na lang niya isinama ang anak niyang iyon!“Hindi siya basta-bastang babae lang… Si Haile siya! Montinola ng pamilya Montinola! Ang mga Montinola ng BGC City!”Nanginginig ang boses ni Stephanie, ang kaba niya ay mabilis na nag-transform sa mga luhang malapit nang pumatak.“Narinig
Natigilan si Kyle nang banggitin ni Haile ang pangalang ‘Amelia’ tsaka ito paulit-ulit na tumango.“Oo! Siya nga! Si Amelia! Naalala mo rin!”Isang bakas ng nostalgia ang nagpalambot sa mukha niya. “Nasa art school siya noon, siguro siya ang pinakahinahangaan sa department namin… pero medyo… tsk.”
Muntik nang tumakbo si Haile palabas.Malinaw niyang naramdaman ang pagkagulat sa mga mata ni Hudson nung sandaling iyon. Gusto niyang tumayo at takasan ang hindi makontrol na ambiguity pero mahigpit siyang hinahawakan ng malalakas na braso nito.Iminapa nito ang kanyang ulo. May kung anong madilim
Nakatayo si Conrad sa kalsada, nilalamon ng isang hindi pa nararanasang pakiramdam ng pagkabigo at kawalan ng pag-asa.Kaya pala… sa wakas ay naintindihan na niya.Ang dahilan kung bakit nagawa ni Haile na manatili sa BGC nang ganoon kadesidido, at balewalain lang siya—Hindi dahil sa tuluyan na it







