LOGINDear readers, thank you so much for choosing to spend your time with my stories. I really appreciate your support.
Gising pa si Felicity nang bumalik si Damon. Hindi siya makatulog sa inis.Narinig niya ang pagbukas ng pinto, pero nanatili siyang nakatalikod sa kama. Hindi pa niya alam kung ano ang mas masakit, ang pag-alis nito o ang katotohanang hinihintay pa rin niya itong umuwi. Naniwala na naman siya sa pambobola nito.Umupo si Damon sa tabi niya.“Fel, sorry sa pag-alis ko. Pagod na ako.”“Huwag mo akong kausapin at baka kung ano ang masabi ko sa’yo!”“Sige, bukas na lang tayo mag-usap.”Ilang sandali lamang ay dumampi ang mga labi nito sa noo niya.Hindi siya umiwas. Hindi rin siya humarap.Kinaumagahan, kinumpirma ni Damon ang pamamasyal nila sa parke.“Bandang alas-singko tayo bukas,” sabi nito habang inilalapag ang almusal niya.Tumango si Felicity.Sasama siya dahil gusto niyang marinig ang paliwanag nito. Gusto niyang malaman kung ano ba talaga ang relasyon nila, kung seryoso itong nanliligaw o kung muli lamang siyang umaasa sa mga kilos na mali ang pagkakaunawa niya.Ngunit pagsapit n
Tinapos ni Damon ang tawag bago pa makalapit si Felicity.Nakatayo ito sa veranda ng kanilang silid, hawak pa rin ang cellphone. Pagkakita sa kanya, ngumiti ito at isinuksok ang device sa bulsa.“Si Julian?” tanong niya.“Oo. May inaayos lang kami.”Tumango si Felicity. Sanay na siyang may tumatawag dito tungkol sa IronGate kahit gabi. Hindi naman bago ang biglaang meeting o problemang kailangang asikasuhin.“Matutulog ka na?” tanong ni Damon.“Kung tapos ka na.”“Tapos na.”Sumunod ito sa kanya sa loob.Nang humiga sila, iniabot ni Damon ang manipis na kumot at inayos ang unan sa likod niya. Hindi niya ito sinaway. Pagod na rin siyang magkunwaring hindi niya nagugustuhan ang pag-aalaga nito.Pero bago pa niya maipikit ang mga mata, umilaw ang cellphone ni Damon.Binasa nito ang message.Ngumiti.“May nakakatawa?” tanong niya.“Wala.”“Ngumingiti ka.”“May kausap lang ako.”Hindi siya nakasagot dahil tumunog ang cellphone. Bumangon si Damon at nagtungo sa veranda.Naiwan si Felicity n
Hindi binawi ni Felicity ang kamay nito.Ilang sandali nang tapos ang usapan nila, ngunit nanatiling nakasuksok ang mga daliri nito sa pagitan ng kanyang mga daliri. Pinagmasdan iyon ni Damon, halos takot gumalaw at sirain ang sandaling matagal niyang hinintay.“Baka puwede na ang makeup sex?”Isang malakas na suntok sa balikat ang isinagot ni Felicity.“Joke lang!”“Sinira mo na naman ang moment. Damon Yu ka talaga!”“Sorry. Hindi na mauulit.”“Ang joke o ang pagiging bastos?”“Puwede bang next question?”Napailing si Felicity. Akala niya, tatayo na ito at iiwan siya sa veranda. Sa halip, muling hinawakan nito ang kanyang kamay at isinandal ang ulo sa balikat niya.Natahimik si Damon.Sa harap nila, humahampas ang mga alon sa dalampasigan. Napatingala siya sa langit, kung saan unti-unting lumilitaw ang mga bituin.Wala siyang ibang hihilingin ngayong gabi.“Dito muna tayo,” bulong ni Felicity.Tumango siya kahit hindi ito nakatingin.Mananatili siya hangga’t gusto nitong manatili.Na
“Gusto ko ng isang buong mais na kalahating inihaw at kalahating nilaga.”Natahimik ang buong mesa.Pinagmasdan ni Felicity ang mga mukhang nakaharap sa kanya. Tila naghihintay ang lahat na sabihin niyang nagbibiro lamang siya.Si Damon ang unang nakabawi.“Bakit hindi na lang dalawang mais?”“Dahil kambal ang anak natin. Magkasama pero magkaiba.”Napahawak ito sa baywang. “May simbolismo pa talaga ang craving mo?”“Kung ayaw mo, huwag na.”“Akong bahala. Ako ang gagawa.”“Marunong ka ba?”“Gaano ba kahirap magluto ng mais?”Makalipas ang kalahating oras, napatunayan ni Damon na mas mahirap iyon kaysa inaakala nito.Nagtipon ang pamilya sa outdoor kitchen ng resort habang hawak ni Damon ang unang mais na inilaga nito nang patayo. Malambot ang kalahating nakababad sa tubig, ngunit naluto rin sa singaw ang bahaging dapat ihawin.“Parang nilagang mais lang,” puna ni Angel.“Alam ko,” matigas na sagot ni Damon.“Ayusin mo ang hawak sa mais, dapat yata harangan mo ang usok para di ma-steam
Hindi huminga si Damon habang nakatitig sa monitor. Ang mabilis at tuloy-tuloy na tunog ay tila dumiretso sa kanyang dibdib.Ngunit sa halip na tapusin ang ultrasound, muling iginalaw ng doktor ang probe at pinagmasdan ang kabilang bahagi ng screen.“Sandali lang po,” sabi nito. “May isa pa akong kailangang tingnan.”Nawala ang saya ni Damon. “May problema ba?”“Wala naman po. Tinitiyak ko lang.”Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Felicity. Nakatutok din sa monitor ang paningin nito. Ilang segundo silang naghintay hanggang ituro ng doktor ang isa pang maliit na hugis.“Hindi lang po isa ang baby.”Napakunot ang noo ni Damon. “Ano?”“Dalawa po.” Ngumiti ang doktor. “Kambal ang anak ninyo.”Biglang napatayo si Damon. Tumama ang likod ng kanyang tuhod sa upuan kaya muntik iyong matumba.“Doc, sigurado po ba kayo?”“Opo. Dalawa ang nakikita natin at dalawa rin ang tibok ng puso.”“Dalawa?” Inilapit niya ang mukha sa monitor. “Baka reflection lang iyong isa.”Napatawa ang doktor. “Hindi p
“Kapag inulit mo iyon, cancelled ang panliligaw.”Masakit pa rin ang tagilirang kinurot ni Felicity, ngunit wala siyang pinagsisisihan.“Isang halik lang iyon.”“Wala. Bawal.”“Ang higpit naman ng rules.”“Umalis ka kung ayaw mo.”“Wala akong sinabing susuko ako.”Nagtawanan sina Fiona at Theo habang nakatingin sa kanilang dalawa. Bubuksan pa sana ni Damon ang bibig upang tumawad nang dumating si Prince.“Felicity, maaari ba kitang makausap?”Nawala ang ngiti ni Damon.“Ano’ng pag-uusapan ninyo?”“Hindi ikaw ang kinakausap ko,” sagot ni Prince.Tumaas ang kilay ni Damon. “At hindi rin kita pinapayagang—”“Damon,” putol ni Felicity. “Tara, Prince.”Sumunod ito kay Prince patungo sa tahimik na bahagi ng viewing deck.Gusto sanang sumunod ni Damon, ngunit pinigilan siya ni Theo sa balikat.“Hayaan mong mag-usap.”“Bakit kailangan nilang mapag-isa?”Napailing si Theo at sumama kay Fiona pabalik sa breakfast area. Naiwan si Damon na nakatitig sa direksiyong pinuntahan nina Felicity at Pri
Napalingon si Don Apollo kay Harvey. “Sigurado ka bang kakayanin mo siya? Hindi siya madaling kontrolin.”Ngumiti si Harvey. “Hindi ko kailangang kontrolin si Iris. Kailangan ko lang siyang itali sa tamang dahilan.”“Hindi ka ba nagmamadali? Gusto ko sanang ligawan mo siya kahit kasal na kayo at huw
Sumugod si Cassandra paakyat, halos mabitawan ang phone sa panginginig ng kamay.“Ganyan ka ba talaga kainggit sa akin kaya gusto mong kuhanin ang room ko?”“Cassandra, sinong kausap mo? Ako o sarili mo?”“Aba’t mayabang ka talaga!”“Cassandra!” tawag ni Don Carlos mula sa ibaba, pilit pinapakalma
“Oh,” sabi ni Ivory, nakangiting hindi umaabot sa mata. “So… ikaw pala.”Nanlaki ang mata ni Candice, pero pinilit niyang magmukhang kalmado. Hindi siya puwedeng magpakita ng kahinaan sa babaeng ‘to, lalo na sa harap ni Brent.Ivory tilted her head, parang nag-e-enjoy sa tensyon. “Ikaw pala ang nil
Kumabog ang dibdib ni Candice.May kumuha ng larawan.At alam niya, kapag kumalat ‘to, hindi lang buhay niya sa Timeless ang apektado.Pati ang dissertation niya at foundation ng mommy niya.Pati… si Brent, madadamay.Umayos aiya at pilit tumawa. “Okay lang.”Pero yung mga mata niya, hindi okay.At






