تسجيل الدخولAng pangalang kumikislap sa screen ang nagpabigat sa katahimikan ng silid.Boss Leandro.Hindi agad gumalaw sina Fiona at Theo. Nasa loob pa rin ng malinaw na evidence bag ang cellphone, nakapatong sa mesa kasama ng iba pang gamit na nakuha sa mga dumukot.“Walang hahawak,” mariing bilin ng imbestigador. Nagsuot ito ng bagong pares ng gloves bago maingat na kinuha ang cellphone. “Kailangan nating mapanatili ang chain of custody.”Sa utos nito, ibinalik sa interrogation room ang nahuling lider. Nakaposas ang isang kamay nito sa bakal na mesa, habang dalawang pulis ang nakabantay sa likuran.“Kailangan naming malaman kung sino ang nag-utos sa inyo,” sabi ng imbestigador. “Makipagtulungan ka, at ilalagay namin iyon sa report. Posible ka ring mabigyan ng konsiderasyon sa kaso kung makapagbibigay ka ng impormasyong makatutulong upang mahuli ang mastermind.”Napalunok ang lalaki. Nakatitig lamang ito sa tumutunog na cellphone na inilapag ng imbestigador sa ibabaw ng mesa.“Sagutin mo,” utos
Samantala, pinalilibutan na ng mga pulis ang guesthouse nang makarinig si Fiona ng sunod-sunod na kalabog mula sa loob.Napahawak siya sa braso ni Theo. “Narinig mo iyon?”Mula sa loob ay umalingawngaw ang munting tinig na halos durugin ang kanyang puso.“Daddy!”Biglang kumilos si Theo, ngunit agad siyang hinarangan ng pulis.“Sir, hintayin ninyo ang signal. Maaaring armado sila.”“Nasa loob ang anak ko.”“Sir—”Hindi na naghintay si Theo. Mabilis itong tumakbo patungo sa pintuan. Kinuha nito ang lisensyadong baril sa tagiliran.“Theo!”Sumunod si Fiona kahit pilit siyang pinipigilan. Nakadinig sila ng sigawan sa loob kasabay ng pagpasok ng mga pulis sa magkabilang bahagi ng guesthouse.“Nate!” sigaw niya.Isang putok ang umalingawngaw.Napatigil si Fiona. Para bang nawala ang lahat ng hangin sa kanyang katawan.Pagdating niya sa loob, nakita niyang hawak ng lider si Nate. Nakapulupot ang isang braso nito sa leeg ng bata habang nakatutok ang baril sa sentido.“Lumayo kayo!” sigaw ng
Samantala, pinahinto ni Zion ang CCTV footage at pinalaki ang marka sa likod ng van.“May nakita ako,” sabi nito. “Logo ito ng dating Wingspan Delivery Company. Tatlong taon nang sarado ang negosyo, pero mayroon silang abandonadong bodega sa labas ng lungsod.”Agad na tumayo si Theo. “Ipadala mo ang lokasyon sa pulis.”Mabilis silang nagtungo roon kasama ang mga awtoridad. Pagdating nila, sapilitang binuksan ng mga pulis ang pinto.Walang tao.May mga tali sa sahig, bakas ng gulong, at isang upuang natumba.“Nate!” sigaw ni Fiona habang hinahalughog ang paligid. “Anak!”Walang sumagot.Hanggang sa mapansin niya ang pulang guhit sa dingding.Dahan-dahan siyang lumapit.Isang simpleng drawing iyon ng tatlong taong magkakahawak-kamay. Sa ilalim, may maliliit na letrang isinulat gamit ang krayola.“Si Nate ang gumawa nito,” naiiyak na sabi ni Fiona. Kilala niya ang drawing ng anak. “Alam niyang hahanapin natin siya.”Ngunit huli na sila.Wala na roon ang mga bata.***Sa bagong pinagdalha
Agad na tumayo si Nate.Ngunit bago pa sila makatakbo, mabilis nang lumapit ang mga lalaki.Hinawakan ng isa si Nate sa braso habang sinunggaban naman ng isa si Lia.“Pakawalan n’yo kami!” sigaw ni Nate.Pilit siyang kumawala, ngunit lalo lamang humigpit ang kamay ng lalaki sa kanya.Kumawala si Lia sa pagkakahawak ng lalaki at mariing kinagat ang kamay nito.“Aray! Bwisit kang bata ka!”Kasabay niyon, buong lakas namang sinipa ni Nate sa binti ang lalaking humahawak sa kanya.“Tulong!” sabay nilang sigaw. “Tulungan ninyo kami!”Ngunit mabilis na tinakpan ng lalaki ang bibig ni Nate. Binuhat sila ng mga ito at isinakay sa puting van. Sa pagpupumiglas ni Nate, natanggal ang isa niyang sapatos at nahulog sa tabi ng tulay.Agad na umandar ang sasakyan.Narinig ng tindera sa panaderya ang sigawan. Paglabas niya, nakita niyang pilit na isinasakay ang dalawang bata sa van.“Hoy! Ano’ng ginagawa n’yo sa mga bata?”Hindi huminto ang mga lalaki.Sinubukan niyang basahin ang plate number, nguni
Napalingon si Theo.Tumayo siya at mabilis na tumingin sa paligid. “Nate!”“Anong nangyari?”“Kanina lang, katabi siya ng triplets.”Mabilis silang lumapit sa triplets.“Nasaan si Nate?” nanginginig niyang tanong.Itinuro ng isa sa mga bata ang gilid ng pavilion.“May nagyaya po sa kanya.”Nanlamig ang buong katawan niya.“Sino?”“Yung naka-white rabbit costume po.”Napalingon siya sa direksiyong itinuro nito.Bukas ang maliit na pinto patungo sa hardin.Mabilis na lumibot ang tingin ni Theo sa buong venue. Pagkatapos ay inilabas nito ang cellphone habang tumatakbo patungo sa hardin.“Lock down the entire venue,” mariin nitong utos. “Isara ang lahat ng exit. Walang lalabas, kahit sino.”“T-Theo—” tawag ni Fiona na nakasunod sa asawa.Kausap na ni Zion ang security team. Mabilis itong nagbigay ng utos na tingnan ang lahat ng palikuran, backstage area, storage room, at parking lot.“Nate! Anak!” sigaw ni Fiona.Hindi na niya alintana ang mga taong napapatingin sa kanya. Isang bagay lama
Nanigas si Fiona.Mabilis na humakbang si Theo sa harap niya.“Sa likod ka, Fiona!”Hindi pa man siya nakagagalaw ay hinila na siya nito palapit. Iniharang ni Theo ang sariling katawan sa pagitan niya at ng baril.Isang malakas na putok ang umalingawngaw.Napapikit siya.Kasabay ng putok ay mabilis siyang itinulak ni Theo pababa. Bumagsak silang dalawa sa sementadong gilid ng kalsada habang tinatakpan siya nito ng buong katawan.May narinig siyang malakas na pagkabasag.Pagmulat niya, nakita niyang patay ang isang ilaw sa parke. Tumama roon ang bala.Walang plano ang mga ito na patayin sila.Babala lamang iyon. Mabilis na umalis ang sasakyan.Tinangka ni Theo na kunan ng litrato ang plaka, ngunit mabilis nang nakalayo ang SUV.“Fiona.” Hinawakan ni Theo ang mukha niya. “Nasaktan ka ba?”Doon niya tuluyang naunawaan kung gaano siya kamahal nito.Nakahanda itong saluhin ang balang para sa kanya.“Sir! Ma’am!”Ang mga tauhan nilang nakasunod ilang metro sa likuran ay mabilis na tumakbo n
“Let’s meet. Same time. Pero this time sa katabing coffee shop,” sabi ni Noah sa chat.Napasinghap si Jenny, agad na lumingon sa terrace kung saan may kausap si Sebastian. Mabuti na lang at abala ito. Naramdaman niyang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi pa man siya nakakasagot, biglang nag-
Nagpatuloy si Jenny sa pagsasalita.“Alam kong marami ang nagdududa. Ngunit hindi ako nandito para ipilit ang sarili ko. Nandito ako para ipakita na kaya nating ituloy ang pangarap ni Sebastian para sa kumpanyang ito.”Tahimik ang buong silid. Ang kaba niya, halata pa rin, ngunit may lakas ang tinig
Umiling nang marahan si Sebastian, saka muling pumikit, tila pinipilit alalahanin ang nakaraan ngunit bigo.Napatakip ng bibig si Jenny upang pigilan ang pag-iyak. Ang inaasahan niyang muling pagkikita na magbibigay linaw sa lahat, ngayon ay naging panibagong bangungot.Nakatulala siya sa labas ng
Pagdating ni Jenny sa bahay, pakiramdam niya ay mabigat ang buong katawan niya. Tahimik ang paligid pero ang utak niya ay parang gulo-gulo. Hindi niya maiwasang panay tingin sa cellphone.“Baka nasa meeting lang talaga sila… baka busy… baka…” paulit-ulit niyang sinasabi sa isip pero hindi niya mapaw







