Se connecterAgad na tumayo si Nate.Ngunit bago pa sila makatakbo, mabilis nang lumapit ang mga lalaki.Hinawakan ng isa si Nate sa braso habang sinunggaban naman ng isa si Lia.“Pakawalan n’yo kami!” sigaw ni Nate.Pilit siyang kumawala, ngunit lalo lamang humigpit ang kamay ng lalaki sa kanya.Kumawala si Lia sa pagkakahawak ng lalaki at mariing kinagat ang kamay nito.“Aray! Bwisit kang bata ka!”Kasabay niyon, buong lakas namang sinipa ni Nate sa binti ang lalaking humahawak sa kanya.“Tulong!” sabay nilang sigaw. “Tulungan ninyo kami!”Ngunit mabilis na tinakpan ng lalaki ang bibig ni Nate. Binuhat sila ng mga ito at isinakay sa puting van. Sa pagpupumiglas ni Nate, natanggal ang isa niyang sapatos at nahulog sa tabi ng tulay.Agad na umandar ang sasakyan.Narinig ng tindera sa panaderya ang sigawan. Paglabas niya, nakita niyang pilit na isinasakay ang dalawang bata sa van.“Hoy! Ano’ng ginagawa n’yo sa mga bata?”Hindi huminto ang mga lalaki.Sinubukan niyang basahin ang plate number, nguni
Napalingon si Theo.Tumayo siya at mabilis na tumingin sa paligid. “Nate!”“Anong nangyari?”“Kanina lang, katabi siya ng triplets.”Mabilis silang lumapit sa triplets.“Nasaan si Nate?” nanginginig niyang tanong.Itinuro ng isa sa mga bata ang gilid ng pavilion.“May nagyaya po sa kanya.”Nanlamig ang buong katawan niya.“Sino?”“Yung naka-white rabbit costume po.”Napalingon siya sa direksiyong itinuro nito.Bukas ang maliit na pinto patungo sa hardin.Mabilis na lumibot ang tingin ni Theo sa buong venue. Pagkatapos ay inilabas nito ang cellphone habang tumatakbo patungo sa hardin.“Lock down the entire venue,” mariin nitong utos. “Isara ang lahat ng exit. Walang lalabas, kahit sino.”“T-Theo—” tawag ni Fiona na nakasunod sa asawa.Kausap na ni Zion ang security team. Mabilis itong nagbigay ng utos na tingnan ang lahat ng palikuran, backstage area, storage room, at parking lot.“Nate! Anak!” sigaw ni Fiona.Hindi na niya alintana ang mga taong napapatingin sa kanya. Isang bagay lama
Nanigas si Fiona.Mabilis na humakbang si Theo sa harap niya.“Sa likod ka, Fiona!”Hindi pa man siya nakagagalaw ay hinila na siya nito palapit. Iniharang ni Theo ang sariling katawan sa pagitan niya at ng baril.Isang malakas na putok ang umalingawngaw.Napapikit siya.Kasabay ng putok ay mabilis siyang itinulak ni Theo pababa. Bumagsak silang dalawa sa sementadong gilid ng kalsada habang tinatakpan siya nito ng buong katawan.May narinig siyang malakas na pagkabasag.Pagmulat niya, nakita niyang patay ang isang ilaw sa parke. Tumama roon ang bala.Walang plano ang mga ito na patayin sila.Babala lamang iyon. Mabilis na umalis ang sasakyan.Tinangka ni Theo na kunan ng litrato ang plaka, ngunit mabilis nang nakalayo ang SUV.“Fiona.” Hinawakan ni Theo ang mukha niya. “Nasaktan ka ba?”Doon niya tuluyang naunawaan kung gaano siya kamahal nito.Nakahanda itong saluhin ang balang para sa kanya.“Sir! Ma’am!”Ang mga tauhan nilang nakasunod ilang metro sa likuran ay mabilis na tumakbo n
Parang may malamig na kamay na pumisil sa dibdib ni Fiona.“Ito rin ang kumpanyang bumibili ngayon ng shares natin?”Tumango si Damon.Tahimik na pinagmasdan ni Theo ang lumang dokumento.Biglang bumukas ang p***o ng conference room.Napalingon silang lahat.Nakatayo sa bungad si Don Leandro, hawak ang mamahaling baston at matiim na inililibot ang tingin sa mga dokumentong nakakalat sa ibabaw ng mesa.“Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyo,” sabi nito. “Ano’ng ginagawa ninyo rito?”Mabilis na isinara ni Damon ang lumang dokumentong nakabukas sa laptop. Kasabay nito, hinila ni Angel ang isang folder at itinakip sa mga papeles na may pangalan ng North Crest Holdings.Naramdaman ni Fiona ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso, ngunit pinanatili niyang kalmado ang mukha.“Sinusuri lang namin ang mga lumang transaksiyon ng kumpanya.”Hindi agad sumagot ang tiyuhin.Isa-isa nitong tiningnan sina Damon, Angel, Felicity, at Theo. Pagkatapos ay muli nitong ibinalik ang tingin kay Fiona.“Li
Agad napalayo si Fiona sa asawa. Mabilis niyang inayos ang buhok at pinunasan ang bahagyang nabasang labi.Hindi inalis ni Theo ang kamay sa kanyang baywang, parang ayaw siyang pakawalan.“Kanina pa naka-lock ang p***o, ha?” bulong niya habang pinandidilatan ito.Umangat ang isang sulok ng labi nito.“Hindi ko sinabing walang kakatok.”“Theo!”Mula sa labas ay narinig nila ang boses ni Angel. “Pasensiya na, pero kailangan ninyong makita ito.”Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ni Theo.Binuksan nito ang p***o.Pumasok si Angel na may hawak na tablet.“May nakuha si Damon mula sa isang private club,” sabi nito. “May kinalaman sa MedCore.”Tumigil ang paghinga ni Fiona.Agad inilapag ni Angel ang tablet sa ibabaw ng mesa at binuksan ang video.Medyo malabo ang kuha, ngunit malinaw na makikita ang isang lalaki na pumasok sa pribadong silid ng club.Nanigas si Fiona.“Si Uncle Leandro.”Hindi siya maaaring magkamali. Pamilyar sa kaniya ang paraan ng paglalakad nito, maging ang mamahaling
Lumingon si Don Leandro.“Usapan ito ng pamilya. Huwag kang makisali.”“Asawa niya ako.” Lalong humigpit ang hawak ni Theo sa kamay niya. “Pamilya rin ako.”“At para malinaw,” dagdag nito, “hindi ibebenta ni Fiona ang shares niya. Hindi sa inyo. Hindi kaninuman.”Tumalim ang mga mata ni Don Leandro.“Ipapaalala ko lang sa iyo na nagsimula ang Ayala Premier sa ideya ko. Ako ang nakaisip ng lahat hanggang sa makialam ang mga magulang namin at ipaubaya sa magaling na si Lorenzo ang kumpanya.”Lumapit ito kay Theo.“At ikaw, Theo Alarcon, huwag kang makialam.”Hindi natinag si Theo.“Makikialam ako kapag asawa ko ang binabastos ninyo.”Ilang segundo silang nagtitigan bago ngumisi si Don Leandro.“Makikita natin kung hanggang kailan ninyo kayang magmatapang.”Pagkatapos ay tumalikod ito at tuluyang umalis.Napabuntong-hininga si Fiona.“Okay ka lang?”Tumango lamang siya.“May kailangan din sana akong sabihin sa’yo,” aniya.“Ano iyon?”“Naghahanap ako ng bahay na malilipatan ng pamilya ko.
Saglit na napatingin si Daryl sa kamay nilang magkahawak… tapos dahan-dahang humigpit ang hawak nito, parang pinipigilan ang sakit.“Fake sa papel siguro. Pero ‘yung nararamdaman ko, hindi,” anitong kita ang sakit sa mata.Napatigil ang paghinga ni Iris. Biglang gusto niyang bawiin ang sinabi. Gusto
Saglit na katahimikan.Nakatukod ang siko ni Victor sa mesa, nakapatong ang mga daliri sa baso ng tubig. Hindi ito nagmamadali. Ganoon ito lagi, parang kahit oras ang kalaban, ito pa rin ang may hawak. Isa sa hinahangaan niya dito.“Kaya, ang tanong” malamig niyang sabi, “tatanggapin mo ba? Two year
Binasa niya ang mensahe mula sa head ng security.“Sir, nakatakas po ang suspect. Hindi namin siya nahuli. Malinis ang galaw. Mukhang professional.”Humigpit ang hawak ni Daryl sa cellphone. Tumayo siya at lumabas sa balcony. Tahimik ang paligid, tanaw niya ang dagat na kumikislap sa ilalim ng buwan
Tahimik ang gabi sa ospital.Mahina ang ilaw sa private room ni Daryl, sapat lang para makita ni Iris ang mahinahong pag-angat-baba ng dibdib nito habang mahimbing ang tulog. Nakaupo siya sa gilid ng kama, may kumot sa balikat, hawak ang cellphone pero mas nakatutok ang mga mata niya kay Daryl.Tum







