Dear readers, thank you so much for choosing to spend your time with my books. I write because of readers like you. Mas pagbubutihan ko pa po!
Napatigil si Jenny, humigpit ang hawak sa tasa.“Madami talagang ambisyosa,” patuloy ni Emma, kinuha ang bote ng creamer at bahagya siyang tinabig. “Sa dami nang nagtangkang makalapit kay Sir Sebastian, walang nakakaabot sa level ng special treatment. Bukod tanging ikaw lang! Mukhang gumagamit ka ng illegal na teknik para mapalapit sa CEO!”Napakagat-labi siya pigil na pigil ang sarili. Kailangan niyang kumalma at huwag patulan ang HR manager.“Kay bago bago mo, gusto mo agad umangat!”Ngunit hindi na rin siya nakatiis. “Isa ka po ba sa nagtangkang lumapit dahil gusto ding umangat pero hindi napansin?” Mahina pero diretso ang boses niya.“Matapang ka ah! Piliin mo ang binabangga mo!”“Ms. Emma, wala po akong ginagawang masama, nagmagandang loob lang si Sir Sebastian na ihatid ako dahil maulan kagabi.”“Ah gano’n ba?” sarkastikong tugon ni Emma, sabay irap na parang hindi kumbinsido. “Well… sana nga.” Lumapit ito at idinikit ang labi sa tasa ng kape bago sumulyap muli sa kanya.“Kasi a
Napapikit si Jenny at kinurot ang sarili. Nagiging ilusyunada siya. Buti na lang na wala si Sebastian at baka marinig si Yaya Cora.Nagtimpla siya ng kape.“Ay hija, wag ka nang mahiya. Kita ko sa mga mata ni Sir Sebastian na may gusto siya sa ’yo. Kung hindi, eh bakit dito ka niya pinatuloy, ha? Hindi ba, pwede ka naman niyang dalahin sa condo o hotel? Pero dito ka niya dinala. Ibig sabihin--”“Yaya! Hindi po talaga ganoon. Mali po ang iniisip ninyo. Emergency po ito kaya ako napatira dito.”Pero hindi pa natatapos ang paliwanag niya nang biglang bumaba mula sa hagdan si Sebastian.Napalunok siya nang makita ang itsura nito, shirtless, may tuwalya lang nakasampay sa balikat, pawis na pawis, halatang kagagaling sa gym sa loob ng bahay.Nanlaki ang mata niya. Napatingin sa six pack abs at biceps ni Sebastian, pababa sa flat nitong tiyan at nakabukol nitong harapan na malaki. Hindi lang malaki, malaking malaki. Agad niyang sinaway ang sarili.“Oh, Sir Sebastian!” tuwang-tuwang bati ni Y
Hinarap siya ni Sebastian, basang-basa na rin ang polo at buhok. “Makinig ka, Jenny. Mas mahalaga ang buhay mo kaysa sa mga ‘yan. Konting damit lang dalahin mo. Iwan mo na ang iba.”Nanginginig ang labi niya, ayaw tanggapin ang sinasabi ni Sebastian. Madaling magsalita para sa taong madaming pambili. Pero nang biglang bumagsak ang isa pang piraso ng bubong, muntik na siyang tamaan kung hindi siya nahila ni Sebastian, napasigaw siya.“Diyos ko…” bulong niya, halos umiyak na sa takot.“Damit lang!” ulit ni Sebastian, habang ito mismo ang nagbukas ng aparador at nagsalansan ng mga damit sa bag. “The rest is replaceable. Ikaw, hindi.”Natigilan siya, nakatitig sa boss. Basang-basa sila pareho, hingal at kabado.Bumuhos ang ulan na tila walang balak tumigil, at halos kalahati ng bubong ng inuupahan ni Jenny ay tuluyang natangay ng hangin. Wala na siyang magawa kundi yakapin ang bag na puno ng damit habang nakatayo sa gitna ng basa at gulong-gulong sala.“Jenny, kailangan mo ng lumikas,” ma
Namilog ang mata ni Jenny.“Boss, seryoso, wala ka talagang dahilan para manatili dito,” aniyang walang preno ang bibig. “Mainit, masikip, walang flat-screen TV, walang wine, wala kang—”“Pero may kape,” putol ni Sebastian, sabay higop muli ng 3-in-1.Napatulala siya. Ano ba ‘tong taong ‘to, parang hindi nauubusan ng dahilan?Bago pa siya makaisip ng susunod na pambara, biglang may kumatok sa pinto. Malakas, sunod-sunod, parang gigibain ang kahoy.Nagulat siya, halos madulas ang paa sa pagmamadali.“Sandali lang!” aniya bago lumapit sa pinto. Binuksan niya ng kaunti, sapat lang para sumilip.Nandoon si Mang Tommy, ang may-ari ng apartment, amoy sigarilyo at alak. Naramdaman agad ni Jenny na parang may sumipa sa sikmura niya, ilang buwan na nga pala siyang hindi nakakabayad ng upa.“Aba, Jenny,” madiin na sabi ni Mang Tommy, nakahalukipkip. “Alam mo bang mahigit tatlong buwan ka nang palyado sa renta? Puro pangako, wala namang bayad.”“Pasensya na po, Mang Tommy. Sa susunod na sweldo,
Isang maliit na sala na halos kasya lang ang lumang sofa at folding table. May kusinang halos kasing laki lang ng cabinet, at mga nakatambak na libro at papel sa gilid. Ang sahig, may ilang basahan para sumalo ng tumutulong tubig-ulan mula sa bubong. Nakakahiya at hindi pa siya nakakapaglinis ng bahay. Hindi naman kasi siya tumatanggap ng bisita.Napayuko siya, napapakamot sa batok. “Pasensya na po. Hindi ko inasahan na maliligaw kayo dito kaya madumi.”Tahimik lang si Sebastian. Nakaupo ito sa sira-sirang sofa, nakasandal, at parang walang nakikitang mali.Lalong nahulog ang balikat niya. Bakit pa ba ito pumasok sa loob?Napakagat-labi siya, hindi alam kung saan lulugar. Para maibsan ang kaba at hiya, mabilis siyang nagsalita, “Boss, baka gusto mo ng kape? May 3-in-1 ako diyan, medyo matamis pero okay na pampatanggal lamig.”Hindi agad sumagot si Sebastian. Nakatingin lang ito sa paligid, saka dahan-dahang bumaling sa kanya. “Jenny,” mahinahon nitong tanong, “ganito ba araw-araw ang
Nakatayo si Sebastian sa tabi ni Mira, hawak ang isang malaking itim na payong, seryoso ang mukha. At kung tama ang kutob niya lahat ng masama niyang sinabi, nadinig nito.“B-boss…” halos pabulong niyang sabi, nanginginig ang boses, hindi niya alam kung dahil sa lamig o sa takot.Saglit na katahimikan. Tanging tunog ng ulan ang pumapagitna sa kanila. Hanggang sa marinig niya ang mababang tinig ni Sebastian.“Interesting,” mahinang sabi nito, diretso ang tingin sa kanya. “So that’s what you really think of me.”Napakagat-labi siya.Hindi siya makagalaw. Hawak pa rin niya ang cellphone, si Mira sa kabilang linya, pero hindi na niya marinig ang boses nito sa lakas ng kabog ng puso niya.Tahimik lang si Sebastian habang nakatayo sa tabi niya, matatag na hawak ang payong. Walang imik, walang galit na lumalabas sa labi, pero ang katahimikan nito ang mas nakakakilabot.Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. Para bang bawat patak ng ulan ay nagiging martilyo na tumatama sa dibdib niya. Hindi siy