LOGINTahimik na iniabot ni Fiona ang phone kay Theo.Binasa nito ang message. Walang gulat sa mukha nito.“Gusto niyang magduda ka,” mahina nitong sabi.Tumingin si Fiona sa kanya.“Then he doesn’t know me well enough.”Saglit na nanahimik si Theo.Bago pa siya makasagot, muling nag-vibrate ang phone ni Fiona.Another message from Warren.“Ask your loyal husband where he was at 6:32 AM.”Biglang tumahimik ang security room.Angel moved fast. Binalik niya ang CCTV timestamp at pinahinto ang video sa frame kung saan pumasok ang taong naka-hoodie.6:32 AM.Napatingin si Fiona kay Theo.Walang pagdududa pero may concern.“Theo,” mahina niyang sabi. “Nasaan ka noon?”“Magkasama tayong pumasok before 8AM. Pero nagpunta ako earlier dahil inutusan ako ng daddy mo na ayusin ang office. Alas sais pa lang, kausap ko na ang team na nag-aayos ng office ko.”“Theo, we need evidence na hindi ikaw ang lalaking nagkabit ng wiretapping device.”“Yes, huwag kang mag-alala. I can prove it.”***Kinaumagahan,
Pangalan ni Angel ang lumitaw sa screen ng cellphone ni Theo.Sa unang segundo, kumirot ang dibdib ni Fiona.Pero hindi niya binitiwan ang kamay ni Theo.Ramdam niya ang init ng palad nito sa palad niya. Ramdam din niya ang bahagyang pagtigil nito nang mapansin na hindi siya umatras.“Kailangan kong sagutin,” mahinang sabi ni Theo.Tumingin siya sa screen, pagkatapos ay sa kanya.“I know,” sagot ni Fiona.Dalawang salita lang iyon.Pero para sa kanya, iyon ay pagpili.Sinagot nito ang tawag at nilagay sa loudspeaker.“Hello. Angel, anong balita?”Mabilis ang hinga ni Angel sa kabilang linya, parang naglalakad ito habang nagsasalita. “Initial access log is out. Hindi ito puwedeng ipagpabukas.”Nawala ang konting lambot sa mukha ni Theo. “What did you find?”“The wiretap was planted using executive clearance,” sabi ni Angel. “At huwag kang magugulat, ang ginamit ay clearance ID mo, Sir Theo.”Tumigil ang mundo ni Fiona.Hindi dahil naniwala siya.Ang unang pumasok sa isip niya ay may gu
“And I didn’t even know you had a dream.”Pagkasabi ni Fiona niyon, tila pati hangin sa baywalk ay tumigil.Hindi niya sinadya na lumabas iyon nang ganoon kalungkot. Hindi rin niya sinadyang marinig ang sarili niyang parang nanghihinayang sa isang bagay na hindi naman niya pag-aari.Nabitawan na niya.At hindi na niya kayang bawiin.Tumigil si Theo sa paglalakad.Sa ilalim ng dilaw na ilaw sa baywalk, bahagyang gumalaw ang anino nito sa semento. Nasa balikat pa rin ni Fiona ang jacket nito. Suot niya pa rin ang simpleng tsinelas na binili nito.Hindi agad nagsalita si Theo.Tahimik lang itong tumingin sa kanya.“Hindi mo naman ako tinatanong noon.”Walang galit.Walang sumbat.Katotohanan lang.At iyon ang mas masakit.Napahinto si Fiona.Parang may kamay na marahang pumisil sa puso niya. Tila ipinapaalala sa kanya ang mga bagay na matagal na niyang iniiwasang tingnan.Noon, kapag may dala itong kape, tinatanggap niya. Kapag may inaabot itong file, kinukuha niya. Kapag may inaayos ito
Matagal bago nakasagot si Fiona.Nakatingin siya sa dagat, pero parang mas malayo pa roon ang hinahanap niya.“Hindi ko alam.”Hindi nagsalita si Theo.Napangiti siya. “Nakakatawa, ’di ba? Ang dami kong alam tungkol sa kumpanya at negosyo. Pero kapag tinanggal mo ang Ayala sa pangalan ko… hindi ko alam kung ano ang matitira.”“Actually, hindi ka nag-iisa, madaming tao ang nagtatrabaho o gumagawa ng isang bagay hindi dahil gusto nila kundi dahil kailangan.”“Mahirap kapag wala kang pagpipilian,” aniyang napayuko.“Not making a choice is a choice.”Napatingin siya sa binata.“But don’t worry, we’ll find out.”“We?”Ngumiti ito nang marahan. “Kung gusto mo lang. Hindi kita pipilitin. Sasamahan lang kita habang hinahanap mo kung ano ang gusto mong gawin.”Hindi niya alam kung bakit mas tumama iyon kaysa kahit anong pangako.Natulala siya sa sinabi nito. Sa ilang sandali, gusto niyang maniwalang puwede niyang hanapin ang sarili niya. Pero kasabay noon, bumalik ang bigat ng katotohanan, kai
“Basta. Sumama ka na lang.”“May crisis tayo.”“Exactly.”“Theo.”“Fiona,” mahinahon nitong sabi, “kung uupo ka rito hanggang gabi, hindi ka makakagawa ng mas magandang proposal. Mas lalo ka lang mapapagod.”Wala siyang naisagot.“Thirty minutes,” dagdag nito. “Kung ayaw mo pa rin, babalik tayo dito.”Hindi niya napigilan ang maliit na pag-angat ng labi niya.“Fine. Thirty minutes.”Dinala siya nito sa malapit na baywalk.Hindi iyong magarbong lugar na may reservation at chandelier. Hindi rin fancy restaurant na kailangan niyang umarte na composed. Simple lang at tahimik. May hangin mula sa dagat, may ilaw sa gilid ng promenade, may iilang taong naglalakad, may batang tumatawa habang may hawak na cotton candy, at may mga cart ng iba’t ibang street food sa tabi.Nakatayo si Fiona, suot pa rin ang corporate blazer at heels, habang ang hangin ay ginugulo ang maayos niyang buhok.“Seriously?” tanong niya.“Anong seriously?”“Dinala mo ako rito?”“Oo.”“Ganito ka mag-handle ng corporate es
High school foundation day.Nasa backstage si Fiona, suot ang white dress na pinili ng daddy niya. Magbibigay siya ng speech.Pero matapos siyang tawagin sa stage, nagloko ang microphone.“Bakit ayaw gumana?” tarantang tanong ng student council officer.“Hoy, si Fiona ‘yan! Nanonood parents niya,” anang isang student.“Anong gagawin natin?”Nakatayo si Fiona sa stage, iritado at kinakabahan. Ayaw niyang halatang kinakabahan siya. Ayaw niyang may makakita na hindi niya kontrolado ang sitwasyon. Lalo at nasa audience ang mga magulang niya.Hanggang may biglang lumuhod sa tabi ng mga wire.Si Theo.Naka-school uniform. Pawisan. Hindi member ng committee. Pero tahimik nitong inayos ang connection sa likod ng speaker, tinanggal ang loose wire, at ikinabit muli.Nagkaroon ng tunog ang microphone.“Fiona, okay na.”Lumingon siya rito.Ngumiti si Theo, na naka-thumbs up pa. “Good luck.”Nagpalakpakan ang buong auditorium. Nag-ideliver niya nang maayos ang speech. Pinuri siya ng teachers at cl
Ipinagpatuloy ni Jenny ang pagpapaligo kay Sebastian na hindi niya matawag sa pangalan. Ayaw din naman niya itong tawaging Christian. Piniga niya ang bimpo at marahang pinunasan ang mukha nito, saka napatingin sa mga mata nitong laging nakatitig sa kanya. Mabilis na dinampian niya ito ng halik sa
Nagpalinga-linga si Jenny mula sa likod ng kotse, halos hindi makahinga. Napatingin siya sa labas ng bintana, nagsimula ng umulan ng malakas. Nakita niya si Sebastian na padating, hawak ang cellphone at mabilis na sumakay. Agad siyang nagtago sa likod. Hindi siya nito napansin.“Doctor, kumusta ang
Pinilit ni Jenny na huminga nang malalim, pilit niyang ikinubli ang nanginginig na kamay habang isinuksok ang envelope sa bag. Masyado pang magulo ang lahat, ang amnesia ni Sebastian, ang panganib na nasa paligid, at ngayon, ang pagbubuntis niya.“Jenny?” mahinang tawag ni Sebastian mula sa kama. Na
Umiling nang marahan si Sebastian, saka muling pumikit, tila pinipilit alalahanin ang nakaraan ngunit bigo.Napatakip ng bibig si Jenny upang pigilan ang pag-iyak. Ang inaasahan niyang muling pagkikita na magbibigay linaw sa lahat, ngayon ay naging panibagong bangungot.Nakatulala siya sa labas ng






