Dear readers, thank you very much po sa pagsubaybay, comments, at gems na galing sa inyo. Malaking bagay po ang mga ito para sa akin. Godbless po!
Nag-angat ng tingin si Mira. Namumula ang kanyang pisngi, hindi lang dahil sa alak kundi dahil sa pagkalantad ng sarili niyang damdamin. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, pero hindi na niya pinigilan ang pagtulo nito."Mahal kita, Kyle," mahina niyang pagtatapat halos hindi lumabas sa bibig niya.Napapikit ang binata. Para bang hindi nito alam kung anong gagawin sa narinig. Tila hindi ito handa sa pagtatapat na iyon.“Shut up! Lasing ka kaya kung ano ano ang sinasabi mo.”"Si-simula pa lang, crush na kita, unang kita ko palang sa’yo. Lalong nahulog ang loob ko sa’yo ng makasama kita araw-araw. Kahit inuubos mo ang pasensya ko,” aniyang nabubulol.“Kasama ba ito sa plano mo? Nasa iyo na ang fifty percent ang share. Ngayon naman gusto mong ma-secure ang posisyon bilang Mrs. Alvarado. Masyado kang ambisyosa.”"Hindi mo kailangang maniwala sa sinasabi ko. Gusto ko lang malamang mong mahal kita,” aniyang tumalikod at mabilis na naglakad hanggang sa matapilok."Aray…"Napaigtad siya
Tahimik ang buong silid. Walang nagtatangkang magbigay ng negatibong reaksyon.“Ngayon, kung magkaanak kayo, lahat ng shares ay ililipat sa inyong anak. Sa ganitong paraan, mananatili sa dugo ng pamilya Alvarado ang Megawide Corporation.”Napatitig si Mira kay Kyle. Hindi maipinta ang reaksyon nito, tila nagulat ngunit pilit ikinukubli ang damdamin sa desisyon ng lolo.Sa harap ng lahat, tinapik ni Lolo Mario ang mesa at ngumiti.“Simula ngayon, Kyle at Mira, kayong dalawa ang magiging puso ng Megawide. Gamitin ninyo ito sa tama. Malaki ang tiwala ko sa inyong dalawa.”Napasulyap siya kay Don Renato na nagtagis ang bagang.Natapos ang meeting at naiwan sila ni Kyle. Nanlalamig pa din ang kanyang katawan. Kasunod ng shocking na anunsyo ni Lolo Mario, hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Hindi niya inasahan, ni hindi niya hinangad na mapasakamay niya ang kalahati ng Megawide Corporation. Ni hindi sumagi sa isip niya.“Ang galing mo, Mira,” ani Kyle.Napatingin siya sa lalaki,
Hapon na ng makabalik sila Mira at Kyle sa mansyon matapos ang team building. Pagkababa pa lang nila sa kotse, bumungad na agad ang kaway ni Lolo Mario.Nasa veranda ito at may hawak na dyaryo na nagbabasa ng headline tungkol sa Megawide. Tumayo ito agad nang makita sila."Ay naku, ayan na ang lovebirds! Kumusta ang team building? May pictures ba kayong dalawa? Patingin bilis."Napakamot si Kyle habang nakangiti siya. Inabot nila ang pasalubong na isang basket na may lamang kung ano-anong pwede mabili sa lugar."Aba’y salamat sa pasalubong! Narinig ko na, napakaganda ng feedback sa team building. At ang apo ko, syempre, mahusay mamuno. Lalo pang umangat ang Megawide ng hawakan mo."Ngumiti si Kyle at tinapik ang balikat niya."Hindi ko magagawa lahat 'yon kung wala ang mahal kong asawa."“Totoo ‘yan, behind every successful man, there is a woman. Dapat kayong magtulungan talaga.”Biglang bumukas ang front door. Dumating si Don Renato at Calyx, may bitbit na imported wine at prutas."D
Nanlamig ang katawan ni Mira. Hindi niya kinakaya ang palabas nilang dalawa ni Kyle sa harap ng nakapadaming audience."Woooohhh!!!" sigawan ng lahat.Tumayo si Kyle mula sa bean bag nila, hawak ang kanyang kamay, at ngumiti sa lahat.Tumango siya sa acoustic guitarist ng bandang naka-standby. Tumugtog ang kilalang intro ng classic love song, “Can’t Help Falling in Love.” At nagsimulang kumanta ang CEO na may ginintuang tinig.Tahimik ang paligid. Walang kumukurap. Ang tinig nito ay malamig pero damang-dama, malalim at puno ng lambing. Lahat ay tila nahipnotismo, kabilang siya.Ngunit siya ay nanatiling tahimik. Nakatingin siya kay Kyle, hindi dahil sa kilig kundi sa gulo sa kanyang dibdib. Habang umaawit ito, habang binibigkas ang bawat salita na tila patama sa kanya, pinapaalalahanin niya ng sarili. Hindi siya dapat magpadala. Hindi ito totoo. Isa lang itong palabas.Pagkatapos ng kanta, palakpakan ang lahat. May hiyawan, may tilian. Tumango lang si Kyle sa kanila, saka bumalik sa t
Masigla ang paligid habang nagsisiksikan at nagsasalubungan ang mga empleyado ng Megawide Corporation papasok sa bus na maghahatid sa kanila sa isang kilalang 5-star resort hotel sa labas ng lungsod. Puno ng tawanan at kulitan, bitbit ang overnight bags at snacks na tila high school field trip lang."Bes, hindi ko kinakaya, ang saya nito! Overnight sa mamahaling resort, sana may spa! Anong dala mong outfit para sa beach games?" ani Jenny habang panay ang selfie."Wala... simpleng t-shirt lang. Hindi naman kailangang umawra.”"Last call para sa mga latecomers!" anang tour guide.Biglang tumahimik ang paligid.Pag-angat ng ulo ng lahat, isang matangkad, naka-shorts at simpleng t-shirt na lalaki ang pumanhik sa bus. Kahit anong suot ni Kyle, CEO pa rin ang dating.“Grabe na ‘to! True ang tsismis na sasama siya sa Team Building,” bulong ng isang empleyado."OMG. Sumama siya sa team building? Bakit?! Anong nangyayari?" hirit ng isa pa.Nilingon ni Kyle ang loob ng bus. Dumiretso ito sa git
Pagdating sa canteen nila Mira, Jenny, at Kyle, tila may slow motion na naganap. Isa-isang napalingon ang mga empleyado. Lahat ay natigilan, parang eksena sa pelikula. May nahulog pang tray sa gulat.Nagkagulo ang pila. Ang mga empleyado na kanina ay chill sa pagpili ng ulam ay biglang sumeryoso. Ang mga serbidora naman, halos di na makapagsandok ng pagkain. Nanginginig ang kamay ng isa habang sinasalin ang sabaw."Grabe, ang pogi pala talaga ni Sir Kyle sa personal. Pero nakakatakot," bulong ng isang tagasilbi ng pagkain.Tahimik lang ang CEO at nagmamasid sa paligid. Nagmamadali silang lumayo ni Jenny at naghanap ng mauupuan. Laking gulat ng lahat nang umupo ito sa mismong mesa nila na may bitbit na tray na may lamang meryenda. Lumaganap ang katahimikan at tanging tunog ng kubyertos ang madidinig mula sa mga kabadong empleyado."Wow, Sir Kyle first time ninyo pong kumain dito sa canteen, ano?""Hmm. Yes." Tumingin ito sa kanya."At gusto kong sabayan ang asawa kong kumain."“Yiiiii,