LOGINMay kung anong nabasag sa loob ni Candice.“Lumaki akong takot sa inyo,” sabi niya, nanginginig pero malinaw. “Palagi kong iniisip kung ano ang sasabihin ninyo. Na baka magalit kayo. I did my best pero parang palagi akong kulang. Parang si Cassandra lang ang anak ninyo.”Natahimik si Don Carlos.Tumayo si Candice. Agad na umalalay si Brent, pero bahagya niyang pinisil ang kamay nito, hudyat na kaya niya.“Hindi ko hahayaang lumaki ang anak ko sa parehong bahay na puno ng pananakot.”Nanlisik ang mga mata ng ama niya. “Kung hindi dahil sa akin, wala ka sa mundong ito.”Napaiyak siya, pero hindi siya umatras.“Tama kayo.” Huminga siya nang malalim. “Pero hindi ibig sabihin noon pag-aari n’yo ang buhay ko.”“At hindi ko piniling maging ama kayo,” dagdag niya, basag ang boses pero matalim ang bawat salita. “Kung pwede lang… hindi kayo ang pipiliin ko.”Parang tumigil ang oras.Nakita ni Candice ang pagdaan ng sakit sa mukha ng ama niya. Saglit lang. Mabilis at halos hindi makita.“Pag-isi
Tahimik si Brent.Ilang segundo ang lumipas. Sapat para kabahan siya at bumalik ang dating takot.Pero imbes na lumayo, inilapit ni Brent ang kamay sa mukha niya at marahang hinaplos ang pisngi niya.“Sshhh, hindi ba napag-usapan na natin na magsisimula tayo uli?”“Pero mali pa rin na ginamit kita.”“Oo. May mga mali tayong pareho. Pero hindi ko na gustong mabuhay sa bilangan ng kasalanan. Kung magsisimula tayo, magsisimula tayo nang walang tinatago.”Napatingin siya sa asawa.“Kalimutan na natin ang hindi magandang nakaraan,” dagdag nito. “Hindi ibig sabihin noon ay walang nangyari. Ibig sabihin lang, hindi na iyon ang magdedesisyon para sa atin.”Tumulo ang luha niya.Pinahid iyon ni Brent. Pagkatapos ay yumuko ito sa tiyan niya.“Baby,” bulong nito, “pakisabi kay Mommy, kakampi ninyo ako palagi.”***Kinabukasan, dumating si Atty. Tecson nang eksaktong alas-diyes ng umaga.Nasa study room si Candice, nakaupo sa tabi ni Brent. Hawak nito ang kamay niya.Pumasok si Atty. Tecson dala
“Good. At least may silbi ang paghihirap kong hulihin ang mga palakang ‘yan.”Tinuruan siya ni Manang Elena kung paano linisin ang palaka. Nakaabang din ang dalawang cook. Sinigurado niyang malinis iyon nang ilang ulit. Nang isalang niya sa mantika, napaatras pa siya nang tumalsik. Hawak niya ang sandok habang nakakubli sa takip ng kaldero.“Brent! Para kang sundalo,” natatawang tawag ni Candice.Nang maluto na, inilagay niya iyon sa plato. Golden brown at crispy. Nakakagulat na mukhang… masarap pero kitang kita niyang korteng palaka.Inihain niya iyon kay Candice na para bang nagpresinta siya ng peace offering sa reyna.“Your fried frog, Madam.”Napangiti si Candice. “Tikman mo. Masarap ’yan.”Napako si Brent.“Ako?”“Ikaw muna.”“Ha? Di ba ikaw ang naglilihi?”“Tikman mo muna.”“Candice, hindi ako kumakain ng palaka.”Umangat ang kilay nito. “Ako ba ang buntis o ikaw?” anitong pinagpapawisan na.Wala siyang naisagot.“Kainin mo na,” utos niya.Dahan-dahang kumuha si Brent ng maliit
“Nag-aaral ka?” tanong ni Candice.Bumaba ang tingin nito sa mga papel. “Oo.”“Bakit?”“Ayokong pumalpak ulit,” sabi nito. “Zero knowledge ako sa pagiging ama. Zero knowledge din ako sa pagiging mabuting asawa, apparently.”“Brent…”“I’m serious, Candice.” Tumayo ito. “Hindi sapat na mahal kita. Kailangan kong matutunan kung paano hindi ka masasaktan habang minamahal kita.”Natahimik siya.May mga salitang madaling paniwalaan kapag maganda ang pagkakasabi. Pero may mga gawaing mas malakas kaysa kahit anong confession.Kinabukasan, pagkababa niya sa dining area, sinalubong siya ni Brent na may hawak na bulaklak.Mga puting bulaklak na nakatali sa ribbon na alam niyang kinuha sa garden nila.Kumunot ang noo niya. “Ano naman ’yan?”“Flowers.”“Alam ko. Bakit?”“Panliligaw.”“Brent, asawa mo na ako.”“I know.” Lumapit ito nang kaunti. “Pero dati… hindi maganda ang intensyon ko sa panliligaw. This time, tama na.”Tumahimik siya.Inabot nito ang kamay sa kanya.“Nakahanda na ang breakfast n
Mula sa pagkakayakap, matagal silang hindi nagsalita.Nakapikit ang mga mata ni Candice habang nakasandal ang pisngi sa dibdib ni Brent. Dinig niya ang mabilis na tibok ng puso nito.Hindi siya tinanong ni Brent kung okay na ba siya. Hindi siya pinahinto sa pag-iyak. Hindi rin nito sinabing kalimutan na lang ang lahat. Hinayaan lang siya nitong manatili roon, sa pagitan ng mga bisig nito.Hanggang sa naramdaman niyang bahagyang gumalaw si Brent.Dahan-dahan itong kumalas. Napatingin siya rito.Nasa mukha pa rin nito ang pag-aalala, pero may kakaibang lambot sa mga mata nito ngayon.Bumaba ang tingin ni Brent sa kanyang tiyan.Hindi ito humawak.Tumingin lang ito roon, na para bang may pinakamahalagang bagay sa mundo sa pagitan nilang dalawa.“Pwede bang hawakan?” mahinang tanong nito.Napahinto ang paghinga ni Candice.Simple lang ang tanong. Pero sa kanya, napakalaki noon. Dahil ilang araw niyang kinimkim ang takot, sakit, at hiya. Ilang araw niyang inisip na baka hindi nito gusto an
Dahan-dahang lumapit si Brent kay Candice.Wala na iyong galit na kanina niyang nakita. Wala na rin ang yabang at tigas na pilit nitong ipinantatapal sa sugat nito. Ang nasa mukha na lang nito ngayon ay pagod, panghihinayang, at isang uri ng kaba na hindi niya sanay makita sa isang Brent Esguerra.“Look, I--” bahagya itong napahinto, saka mariing lumunok. “I’m stupid for saying those things. I didn’t mean those words. Hindi ko matanggap na nahuhulog na ako sa’yo.”Hindi gumalaw si Candice.Nakatayo pa rin siya sa gilid ng mesa, mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa likod ng upuan na para bang iyon na lang ang tanging pumipigil sa kanya na tuluyang manghina.“Ano ba ang narinig mo?” mahinang tanong ni Brent. “I’ll explain.”Hindi siya sumagot.Sa katahimikang iyon, tila lalo lang humina ang tindig ng lalaki sa harap niya.“I was afraid and confused,” patuloy nito, mas mababa na ang boses. “Pero mali na sinabi ko ’yon. Kung ano man ang narinig mo na nakasakit sa’yo, I’m so sorry.”“Hind
Parang may apoy na matagal ng pinipigilan nila Iris at Daryl at sabay na nagliyab sa iisang halik. Nagtagal at lumalim ang halik. Naghahalo ang laway nilang dalawa. Nagulat pa siyang maramdaman ang dila nitong gumagalugad sa kanyang bibig.Hindi na ito yung maingat, hindi na yung paalam na dampi kun
Saglit na katahimikan.Nakatukod ang siko ni Victor sa mesa, nakapatong ang mga daliri sa baso ng tubig. Hindi ito nagmamadali. Ganoon ito lagi, parang kahit oras ang kalaban, ito pa rin ang may hawak. Isa sa hinahangaan niya dito.“Kaya, ang tanong” malamig niyang sabi, “tatanggapin mo ba? Two year
“Okay ka lang?” unang tanong ni Daryl, hindi alintana ang pinsala sa sarili.Tumango si Iris, umiiyak. “Kung hindi ka humarang baka--”Hindi na niya tinapos. Paano kung sa mukha niya sumaboy ang asido?Dumating ang ambulansya. Humahangos si Lucas, nanginginig sa galit ng lapitan ang kapatid.Tiningn
Hindi agad makapaniwala si Iris sa mga salitang binitiwan ni Daryl. Hindi niya inasahan ang pagtatapat nito.Para bang huminto ang mundo sa pagitan nila. Matagal na pala siyang minamahal ng lalaking kaharap niya ngayon.“Iris,” mahinahon ang boses ni Daryl, hindi mapilit, hindi nagmamadali. “Hindi







