ログインWalang ibang hinangad si Suki kundi ang maialis sa kahirapan ang pamilya niya. Kahit anong part-time job na alam niyang makakatulong sa kanila, pinapatos niya. Nang dumating mula sa ibang bansa ang ninong niya na minsan lang niya makita, kinuha siya nito para magtrabaho sa mansyon. Pero hindi niya alam kung bakit ganon na lamang ang nararamdaman niya sa tuwing maglalapit sila. Parang apoy na nag-aalab ang kanyang dibdib.
もっと見る“Wala ka na bang klase mamaya?” tanong ng ina ni Suki.
Umupo si Suki sa kanyang tabi at tumulong na rin. Hindi pa siya nagbibihis ng pangkatulong na damit dahil nandito pa naman siya sa likod. Mamaya na siya magbibihis kapag papasok na siya.
Mababait ang pamilya ng mga Salvador, lalo na si Donya Alondra na namatay dahil sa sakit sa puso isang linggo lang ang lumipas. Mabait at matulungin iyon at madalas pa niya itong nakakausap dahil pinapatanggal nito sa kanya ang puting buhok nito. Pwede naman itong magpakulay ng itim pero ewan niya kung bakit siya pa ang nagbubunot. Nakakagulat ang naging pagkamatay nito. Nakaratay pa ito rito sa mansyon nila at sa susunod na araw pa ang kanyang libing.
“’Ang mabuti pa, pumunta ka na doon sa loob at tumulong ka sa kanila dahil uuwi ngayon si Senyorito Hector.”
Ang kuripot niyang ninong. Ngayon niya lang ito makakaharap at maniningil talaga siya sa utang nito sa kanya. What if hindi siya nito kilala? Sa bagay, ang tagal na rin nun.
Nagpalit siya ng damit at pumasok na rin sa loob. Hapon na kaya unti-unti na ring dumadami ang mga taong dumadalaw. Abala silang lahat sa paghahatid ng mga inumin at pagkain sa mga bisita.
Nasa kusina sila at nagchichismisan pa ang mga kasama niya.
“Ito ang unang pagkakataon na makukumpleto ulit ang magkapatid! Excited na akong makita ulit si Senyorito Hector!”
“Ang daming gwapo na mga kamag-anak nila! Sa side ni Don Eduardo na dumating kanina!”
Umiling na lang si Suki. May pamilya at asawa na ang mga iyon.
“Tama na ang chismisan at maraming bisita sa labas. Ang tanda-tanda niyo na, kumakaringking pa rin kayo. Isusumbong ko kayo sa mga asawa niyo,” pagbibiro niya.
Humalakhak lang ang dalawa. Dahil dito na siya lumaki, close na rin siya sa kanila. Tinuring nila siyang bunsong anak.
“Ito namang si Suki, kung makasabi ng matanda! May asim pa kami, ’no! Kung hindi ka titingin sa mga lalaki, Suki, nako, tatanda kang dalaga!”
Bente pa lang siya. Wala pa sa isip niya ang mga ganoon. Ang nasa isip niya ngayon ay ang pag-aaral niya. Tsaka na ang lalaki kapag may stable job na siya.
Nakita niya ang dalawang magkapatid sa gilid ng kabaong ng Mommy nila. Nakatayo ang mga ito at nag-uusap. Ang Daddy naman nila ay may kausap na isang matandang lalaki.
Nagkaroon ng bulong-bulungan at medyo umingay ang paligid. Lumingon-lingon si Suki.
At doon… may namataan siyang pamilyar.
Ang ninong niyang maraming utang sa kanya.
Naka-white polo shirt ito na nakapasok sa black trousers. May hawak itong cellphone sa kanang kamay. Hindi tulad ng mga kapatid nito na snob, lahat ng bumabati rito ay tinatanguan nito at ang iba ay kinakamayan pa.
Nakikita niya lang ito sa mga litrato. Oo, gwapo ito. Pero hindi niya akalain na mas gwapo pala ito sa personal.
Dumaan ito sa kanyang harapan at kahit siya ay nakatanggap ng ngiti mula rito.
Muntik na niyang mabitawan ang hawak niyang tray nang magtagpo ang mga mata nila.
Tiningnan siya nito. Ngumiti pa.
May naramdaman siyang mahinang bumunggo sa kanyang balikat. Si Manang Lucy iyon na may nakakalokong ngiti sa labi.
“Gwapo, ’di ba?”
Sasagot sana siya ng “oo” pero pinigilan niya ang sarili. Aasarin lang siya nito kapag umamin siya.
“Sakto lang,” nagkibit-balikat siya.
Halata sa mukha nito na hindi ito naniniwala.
“Sus, kunwari pa siya,”
Pigil ang pagngiti niya at napailing na lang.
“Magtrabaho na tayo. Nandito tayo para magsilbi sa kanila, hindi para pantasyahan ang mga mukha nila,” wika niya bago naglakad papunta sa kusina.
“Haynako, Suki!” Sumunod ito sa kanya.
Nang makita niya sa wakas si Senyorito Hector, bigla siyang tinubuan ng hiya para maningil ng regalo rito.
Kumuha siya ulit ng mga inumin sa loob. Mga mayayaman kasi ang mga bisita nila. Hindi pwedeng mag-display lang ng inumin at sila na ang bahalang kumuha. Kailangan pagsilbihan mo talaga.
Ang mga mayayaman, nawawalan din ng kamay minsan, naisip niya.
“Ikaw na ang maghatid ng inumin doon sa tatlong magkakapatid, Suki,” utos sa kanya ni Manang Lucy.
Paglabas niya, hinanap ng kanyang mga mata ang magkapatid at nakita niya ang mga itong nakaupo na sa bandang unahan. Magkatabi ang tatlo at halos magkasingtangkad at magkasinglaki ng katawan.
Nangangatog ang kanyang mga binti habang naglalakad papunta sa mga ito.
Nang malapit na siya, sa hindi inaasahang pagkakataon ay natalisod siya.
Nabitawan niya ang tray at tumama iyon sa kanilang tatlo.
Nabuhos kay Senyorito Hector ang isang basong juice at tumalsik naman ang iba sa dalawang magkapatid. Ang ibang baso ay nabasag sa sahig at nabasa ang paligid.
Tumayo si Senyorito Hector at hinawakan ang basang-basa nitong damit.
“Pasensya na po! Hindi ko po sinasadya!” napasigaw siya.
Muli siyang napasigaw nang ihakbang niya ang kanyang paa at nadulas siya.
Pinikit niya ang kanyang mga mata at hinintay ang pagbagsak niya sa lupa.
Pero ilang segundo ang lumipas, wala siyang naramdamang kahit ano.
Hindi niya alam kung paano nangyari, pero nang imulat niya ang kanyang mga mata, ilang pulgada na lang ang pagitan ng mukha nila ni Senyorito Hector.
Ang kamay nito ay nakapulupot na sa kanyang bewang.
“Sorry po! Hindi ko po sinasadya, pasensya na po talaga!”
Umayos si Suki ng tayo at paulit-ulit na humingi ng paumanhin sa kanya.
May dumalo sa kanila na mga kasamahan niya at may hawak na mop. Kulay puti pa naman ang suot nitong polo shirt kaya kitang-kita ang orange juice na natapon sa damit nito.
“Lalabhan ko na lang po ang damit n’yo! Matatanggal pa naman po ’yan!” nauutal na sabi niya.
Pinagpiyestahan siya ng tingin ng iba dahil nagkaingay at nagkaroon ng eksena.
“It’s okay, I’m gonna go upstairs and change my clothes,” sabi ni Senyorito Hector sa mahinahong boses.
Dumikit na ang damit nito sa katawan kaya mas lalong naging kita ang hulma nito.
“Pasensya na po talaga. Lalabhan ko na lang po nang mabuti ang damit n’yo. Pasensya na po.”
Tumulong si Suki sa paglinis ng kalat na ginawa niya. Umakyat muna si Senyorito Hector para magbihis.
Napailing siya sa sarili. "Ang tanga-tanga mo, Suki. Hindi ka lang natalisod, nadamay mo pa si Senyorito Hector."
Pumasok siya sa kusina at handa na sanang magkwento kina Manang Lucy, pero nang makita niya si Manang Hermeña sa gilid ay hindi na siya tumuloy. Sumenyas si Manang Lucy na para bang sinasabing patay siya.
“Ang dami-daming bisita sa labas, Suki! Ngayon mo pa talagang naisipang magpakatanga?” madiing sabi nito.
Napayuko siya at hindi na sumagot. Nakatayo lang siya sa harapan nito. Sanay na siya sa ganitong sermon tuwing may kapalpakan siya.
“Ang simple-simple lang ng trabaho mo, hindi mo pa magawa nang maayos! Nakakahiya sa mga bisita, gumawa ka pa talaga ng eksena!” dagdag pa nito.
Alam niyang malaki ang kasalanan niya. Kaya hindi na siya nagsalita at tinanggap na lang ang sermon.
“Kayo? Anong tinitingin-tingin n’yo diyan? Magsilabas na kayo at gawin ang trabaho n’yo! Uunahin n’yo pa ang pakikinig dito? Gusto n’yo bang lahat kayo pagalitan ko?” sigaw nito.
Nagtulakan palabas sina Manang Lucy at Manang Esme, takot na madamay.
“At ikaw!”
Napatuwid si Suki at tumingin dito. Itinuro siya nito.
“Dito ka na lang sa kusina at ’wag na ’wag kang lalabas dahil baka kung ano na namang kapalpakan ang gawin mo. Naiintindihan mo ba ako?”
“Opo, Manang. Hindi po ako lalabas,” sagot niya.
Nagpasyang maghugas na lang siya ng plato. Habang ginagawa iyon, bumalik sa isip niya ang nangyari kanina. Tandang-tanda pa niya kung paano hinawakan ni Senyorito Hector ang bewang niya. Parang nararamdaman pa rin niya iyon hanggang ngayon. Sinalo siya nito kaya hindi siya bumagsak sa sahig.
Napaigtad siya nang may magsalita sa likuran niya.
“Where do I put this?”
Napalingon si Suki. Nakita niya si Senyorito Hector na hawak ang puting polo shirt nito, ang suot nito kanina. Nakapagpalit na ito ng kaparehong damit. Mukhang bagong ligo pa, basa pa ang dulo ng buhok nito. Kahit may distansya sila, naamoy niya ang mamahaling sabon nito.
“Senyorito, akin na po! Lalabhan ko agad mamaya kapag natapos na ako rito.” Pinunasan niya muna ang kamay sa suot na pantalon bago kinuha iyon.
“Pasensya na po sa nangyari kanina. Hindi ko po sinasadya,” muli niyang sabi.
“It’s okay. It was an accident. What is your name, by the way?”
Napatigil siya. Tama ba ang narinig niya? Tinanong nito ang pangalan niya.
“Ako po si Suki, senyorito,”
Mas lalo siyang natigilan nang iabot nito ang kamay nito. Saglit niya iyong tinitigan bago nag-atubiling tanggapin. Pinunasan niya ulit ang kamay niya bago hinawakan ang kamay nito.
“Suki…” sambit nito habang tumatango, may bahagyang ngiti.
Mabilis niyang binitawan ang kamay nito, para bang nakuryente.
Hindi ba nito naaalala na inaanak siya nito?
“Ahm… may kailangan po ba kayo, Senyorito?” tanong niya.
Humigpit ang hawak niya sa damit nang mapansin niyang nakatitig ito sa kanyang labi. Saglit siyang napaisip kung guni-guni lang ba iyon o totoo.
“No, nothing. So, where should I get my shirt?”
“Isasabay ko na lang po sa mga damit nila ni Senyorito Mauro at Senyorito Santino,” magalang niyang sagot.
May dryer naman sila kaya mabilis lang matatapos iyon.
“When is that? I need it now,” matigas nitong sabi sa English.
“Kung kailangan n’yo po ngayon, lalabhan ko po agad tapos ibibigay ko sa inyo, Senyorito,” sagot niya.
“Bring it to me, okay? I’ll come back here later to get my shirt.”
Tumalikod ito at naglakad palabas ng kusina. Ngunit bago tuluyang makalayo, lumingon ito.
“By the way, change your clothes.”
Nakahinga nang maluwag si Suki nang tuluyan itong umalis. Pakiramdam niya, sa buong oras na magkausap sila, hindi siya huminga. Napilitan pa siyang uminom ng tubig pagkatapos.
Napatingin siya sa sarili at napansin na basa rin pala ang suot niya.
Mabilis niyang tinapos ang paghuhugas at inasikaso ang damit nito. Pumunta siya sa likod kung nasaan ang washing machine.
Nang matapos niyang labhan at matuyo iyon, maayos niya itong tinupi.
Naglakad siya pabalik sa loob. Nasa bandang swimming pool na siya nang makasalubong niya si Senyorito Hector.
“Senyorito, bakit po kayo nandito?” tanong niya.
Bumaba ang tingin nito sa dibdib niya.
“You... You didn’t change your clothes?”
Napakurap si Suki. Sa pagmamadali niyang unahin ang damit nito, hindi na siya nakapagpalit.
Kulay blue at white ang uniform nila. Pants din ang suot niya.
“Magbihis ka na, bago pa ako ang gumawa nun sa'yo,” sabi nito.
Nakatitig si Hector sa basong hawak niya habang umiinom silang tatlo ng mga kapatid niya sa isang bar. Kahapon pa nangyari iyon, pero parang nakatatak pa rin sa bawat hibla ng pagkatao niya ang lambot at tamis ng halik ni Suki.Napailing siya bago inisang lagok ang laman ng baso.“Kuya, what’s your plan? Are you going back to States?” tanong ni Santino.Napatingin si Mauro sa kanya, naghihintay ng sagot.“No, not yet,” sagot ni Hector.Sabay tumango ang dalawa. May hinala silang may kinalaman ang ama nila sa pagkamatay ng ina nila, pero wala silang ebidensya.“Kailangang malaman natin kung ano ang totoong kinamatay ni Mommy. You know how powerful Dad is. He can manipulate everything,” dugtong ni Hector.Alam nilang magkakapatid kung anong klaseng tao ang ama nila. Malupit ito. Kawawa ang ina nila.“Let’s not talk about that here,” putol ni Santino. “Pumunta tayo rito para mag-enjoy. Hindi bagay sa lugar na ’to ang topic na ’yan. Let’s change our topic to—”Naputol ito at tumingin kay
Namula ang buong mukha ni Suki. Pakiramdam niya ay parang lalabas na ang mga mata niya sa sobrang laki.“P-Po? Bakit n’yo naman po ako bibihisan, Senyorito? Marunong naman po ako,” pabulong niyang sabiHumagalpak ng tawa si Senyorito Hector. Napakunot ang noo ni Suki. May nakakatawa ba sa sinabi niya?“By the way, is that my shirt? Can I get it now?”Inabot niya iyon. “Opo, nalabhan ko na po ’yan. Malinis na po ulit. Pasensya na po talaga sa nangyari kanina,”Napapansin ni Suki na sa tuwing nagsasalita siya, imbes na sa kanyang mga mata tumingin si Senyorito Hector, sa kanyang labi ito nakatitig. Magkaharap lang sila kaya halata iyon sa kanya.“Thanks, Suki.”Muling namula si Suki nang amuyin nito ang damit sa harapan niya. Tumango-tango pa ito pagkatapos.“Babalik na ako sa loob. Thanks for this. Change your clothes,”Wala sa sariling napatango si Suki.Pinanood niya ang likuran nito hanggang sa tuluyan itong makaalis.“Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?” bulong niya sa sarili.Nap
“Wala ka na bang klase mamaya?” tanong ng ina ni Suki.Umupo si Suki sa kanyang tabi at tumulong na rin. Hindi pa siya nagbibihis ng pangkatulong na damit dahil nandito pa naman siya sa likod. Mamaya na siya magbibihis kapag papasok na siya.Mababait ang pamilya ng mga Salvador, lalo na si Donya Alondra na namatay dahil sa sakit sa puso isang linggo lang ang lumipas. Mabait at matulungin iyon at madalas pa niya itong nakakausap dahil pinapatanggal nito sa kanya ang puting buhok nito. Pwede naman itong magpakulay ng itim pero ewan niya kung bakit siya pa ang nagbubunot. Nakakagulat ang naging pagkamatay nito. Nakaratay pa ito rito sa mansyon nila at sa susunod na araw pa ang kanyang libing.“’Ang mabuti pa, pumunta ka na doon sa loob at tumulong ka sa kanila dahil uuwi ngayon si Senyorito Hector.”Ang kuripot niyang ninong. Ngayon niya lang ito makakaharap at maniningil talaga siya sa utang nito sa kanya. What if hindi siya nito kilala? Sa bagay, ang tagal na rin nun.Nagpalit siya ng
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.