Se connecterMaraming salamat po sa pagbabasa, pagbibigay ng comments, gifts, at gems. I appreciate your support!
“Hindi na kailangan,” sabi ni Felicity. “Pauwi na rin kami.”“Hindi,” mariing sagot ni Damon. “Hintayin mo ako.”“Bakit?”“Susunduin kita.”Naputol ang tawag bago pa siya makapagtalo.Ibinaba niya ang cellphone at napatingin sa mesang kinaroroonan nina Stefie, Clarence, at Diane. Wala pang alam si Damon na naroon ang babaeng ilang taon nitong hinahanap.Mabilis siyang bumalik sa mesa at yumuko sa tabi ni Stefie.“Paparating si Damon,” bulong niya.Nawala ang ngiti nito. Palihim itong tumingin kay Clarence, saka kay Diane.“Anong gagawin natin?” tanong ni Felicity.“Teka, nag-iisip pa ako.”“Bilisan mo!”Uminom ito ng tubig. Kumuha ito ng tissue at tila pinunasan ang lipstick.Maya-maya lang ay napahawak si Stefie sa sentido. “Kuya…”Napalingon si Clarence. “Ano?”“Masakit ang ulo ko. Ilang araw na akong nahihilo at nasusuka.”Nanlaki ang mga mata ni Felicity. Napakahusay nitong umarte. Kung hindi niya alam ang plano, baka naniwala rin siyang may sakit ito.Tumayo si Stefie, ngunit mat
“Kaya mong lokohin ang lahat ng tao, pero hindi ako,” sabi ni Clarence. “Now tell me, anong masamang hangin ang nagdala sa ’yo rito?”Hindi natinag si Stefie. Inalis nito ang braso sa balikat ng kapatid at inosenteng ngumiti.“Hindi ba puwedeng gusto lang kitang makasama?”“Hindi.”“Kuya naman. Bihira na nga tayong mag-bonding.”“Dahil lumalapit ka lang kapag may kailangan ka.”“Masama bang gustuhin kong makalaro ang kapatid ko?”Tinitigan ni Clarence si Stefie na tila hinihintay nitong umamin. Nang hindi nagsalita ang kapatid, ibinaling nito ang tingin kay Felicity.Pinilit niyang ngumiti kahit pakiramdam niya ay sinusuri nito ang bawat galaw niya.“Sige,” sagot ni Clarence. “Isang game.”“Best of three,” mabilis na tawad ni Stefie.“One game.”“Fine.”Lumapit ang babaeng kasama ni Clarence, ngunit hindi man lang ito ipinakilala ng lalaki. Tahimik lamang itong tumayo sa tabi ng court habang inaayos ang hawak na paddle.Si Stefie na ang lumapit dito.“Ikaw si Diane, right? Nakita ko a
Ang nawawala niyang black ring!Lumapit si Felicity sa mesa at kinuha iyon. Nasa tabi mismo ng laptop ang singsing, ngunit tila hindi napansin ni Damon ang ginawa niya dahil nakatutok pa rin ang mga mata nito sa binabasang file.“Kanino ang ring na ito?” tanong niya.Dumako sa kamay niya ang tingin ni Damon. Mabilis itong tumayo at inabot ang singsing.“Akin na ’yan. Ebidensiya ’yan.”Nanlaki ang mga mata ni Felicity.“Ebidensiya saan?”Sa halip na sumagot, sinubukan nitong kunin ang ring. Bago tuluyang mabawi ni Damon, ipinunas niya iyon sa laylayan ng suot niyang damit upang mawala ang fingerprints niya.“Hey, huwag mong galawin ’yan,” saway nito.“Maalikabok lang.”Binawi ni Damon ang singsing at kumuha ng maliit na evidence bag mula sa drawer. Inilagay nito iyon sa loob at isinara.“Saan mo nakuha?” tanong niya.Hindi ito sumagot. Ibinalik lamang nito ang evidence bag sa drawer at muling naupo sa harap ng laptop.“Damon.”“Hmm?”“Nagtatanong ako.”“May kailangan lang akong tapusin
Sa pagitan ng malabong paningin at pagkawala ng malay, narinig ni Felicity ang pagbukas ng pinto.May isang babaeng pumasok sa private suite at tinakpan ng tela ang ilong at bibig nito.“Felicity!”Si Stefie iyon.Lumuhod ito sa tabi niya at hinila siya palayo sa kumakalat na usok. Sinubukan ni Felicity na lingunin si Damon, ngunit halos hindi na niya maigalaw ang katawan.May ilang lalaking dumating sa pasilyo. Pinalibutan ng mga ito si Damon at binuhat palabas. Hindi na niya makita ang kanilang mga mukha. Tuluyan nang nagdilim ang paningin niya bago pa niya malaman kung saan dinala ang asawa.Kinabukasan, matinding sakit ng ulo ang gumising sa kanya.Napabalikwas si Felicity at napalinga. Wala siya sa mansyon o sa silid ng resort. Nakahiga siya sa guest room ng condo ni Stefie. Suot pa rin niya ang emerald na gown.Napatingin siya sa daliri.Wala ang black ring.Kinapa niya ang kumot at sinilip ang paligid ng kama. Hindi niya maalala kung nahulog ba iyon sa private suite o kinuha ni
Nanigas si Felicity sa mga bisig nito.Hindi siya nakilala bilang asawa nito, ngunit natuklasan naman nito ang pagkakakilanlang ilang taon niyang iningatan.Hindi siya maaaring umamin.“Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo.” Iniba niyang muli ang boses at sinubukang bawiin ang kamay. “Ordinaryong black ring lang ito.”Hindi siya pinakawalan ni Damon. Nanatili ang mga daliri nito sa kamay niya habang patuloy silang umiikot sa saliw ng musika.“Ilang buwan kong pinag-aralan ang mga video mo,” sabi nito. “Pareho ang singsing at hugis ng mga daliri.”“May kakaibang hugis ba ang mga daliri ko?”“Hindi. Pero kabisado ko ang mga iyon.”Napalunok si Felicity. Hindi niya alam kung matutuwa ba siyang ilang buwan nitong pinagmamasdan ang mga kamay niya o kakabahan dahil unti-unti nitong inilalantad ang lihim niya.“Nagkakamali ka,” giit niya.Susubukan sana niyang kumawala nang mapansin ni Damon ang security guard sa gilid ng hall. Nakatutok sa kanila ang tingin nito. Maging ang ilang bisita a
Nanatili si Felicity sa likod ng nakausling dingding habang nakatutok ang tingin kay Damon.Ngunit matapos ang ilang segundo, napansin niyang hindi naman magkasabay na naglalakad ang lalaki at ang babae. Nauuna ang babae at tila sinusundan lamang ito ni Damon. Hindi sila nag-uusap.Mabilis na pumasok ang babae sa private lounge.Huminto si Damon sa harap ng security guard at may ipinakitang itim na card. Sinuri iyon ng bantay bago tumabi upang papasukin ito.Naroon din ba si Damon upang hanapin si Divine?Kung ganoon, hindi overtime sa opisina ang ibig nitong sabihin. Bahagi ng trabaho nito ang pagpunta sa soirée. So technically, hindi nga ito nagsinungaling.Bago tuluyang magsara ang pinto, lumabas si Felicity mula sa pinagtataguan at nagmadaling sumunod.“Excuse me, ma’am.”Humarang sa kanya ang security guard.“Nasa loob ang kaibigan ko,” sabi niya habang nakatingin sa papalayong likod ni Damon.“Access pass, please.”Napatingin siya sa pintong nagsara. “Nasa loob ang kasama ko.”“
Saglit na katahimikan.Nakatukod ang siko ni Victor sa mesa, nakapatong ang mga daliri sa baso ng tubig. Hindi ito nagmamadali. Ganoon ito lagi, parang kahit oras ang kalaban, ito pa rin ang may hawak. Isa sa hinahangaan niya dito.“Kaya, ang tanong” malamig niyang sabi, “tatanggapin mo ba? Two year
Napalingon si Don Apollo kay Harvey. “Sigurado ka bang kakayanin mo siya? Hindi siya madaling kontrolin.”Ngumiti si Harvey. “Hindi ko kailangang kontrolin si Iris. Kailangan ko lang siyang itali sa tamang dahilan.”“Hindi ka ba nagmamadali? Gusto ko sanang ligawan mo siya kahit kasal na kayo at huw
Lumapit si Daryl. “Hindi ko tinanggap.”“Pero hindi mo rin sinabi,” sagot niya, naiiyak na siya. “Bakit?”Huminga nang malalim si Daryl. “Dahil ayokong lumaki pa ang gulo ninyo ng daddy mo.”Tahimik ang paligid. Tanging hikbi ni Iris ang maririnig.“Alam mo bang pinag-iinitan na ni daddy ang negosyo
Alam ni Maya na ramdam ni Lucas ang tibok ng puso niya.Uminom siya ng wine, ang pisngi niya ay na-iinit na.Si Lucas ay tahimik lang na nakaupo sa tabi niya, pilit iniiwas ang tingin.Nagtagpo ang kanilang mga mata. Nababasa niya ang pangungulila nito.Hindi niya alam kung lakas ng loob ba o lakas







