Mag-log inMaraming salamat po sa pagbabasa, comments, gifts, at gems! Godbless po!
Kinabukasan, bumalik si Lorie, bitbit ang report kay Camille.“Ma’am… we confirmed it. The founder’s name is Candice Rosales.”“Who the hell is she? Ni hindi ko nadidinig ang pangalan niya sa industriya.”“Bago lang po ma’am. Pero base sa imbestigasyon, may business partner siya na gumagawa ng pabango.”Tumalikod siya, kinuha ang wine glass sa mesa.“Well, game on, darling. Madaling pabagsakin ang mga baguhang ‘yan.”Sa labas ng bintana, kumidlat ang langit at ngumiti si Camille ng ngiting naghuhudyat ng giyera. Matagal na ding walang thrill ang buhay niya.Nakaupo si Camille Montemayor sa dulo ng mesa, nakasuot ng pula, nang dumating sina Lance at ang PR strategist na si Mr. Jerry Santos.Sa gitna ng lamesa, naka-display ang ilang bote ng Eternity Perfume.“May bago tayong kalaban,” malamig na sabi ni Camille habang pinaglalaruan ang bote.“Ma’am, sumisikat ang Eternity Perfume at natatalo tayo,” sagot ni Jerry.Tumawa ng mahina si Camille, “Madaling pabagsakin ang mga pipitsuging ka
“Eternity Perfume,” mahinang sabi ni Lucas.Napatigil siya, napatingin sa label.Pinisil niya ang bote, pilit pinapakalma ang sarili.“Do you know where I can contact her?”“Kasama po namin ang magandang owner. Wait lang po, tatawagin ko.”Lucas nodded, still holding the tester bottle of Eternity Perfume. His heartbeat had not calmed since he caught that faint trace of jasmine and vanilla.Why does it feel like I’ve smelled this before?Lumingon sa likuran ng booth ang sales staff. “Ma’am, may gustong kumausap sa’yo--”Napalingon si Maya mula sa kabilang stall. Agad siyang napasugod ng makitang nadapa si Dahlia, halos malaglag ang hawak na mga pabango.Yumuko siya at tinulungan ang bata, hinaplos ang tuhod. “Okay ka lang, anak? May sugat ba?”Umiiyak na tumango si Dahlia. “Masakit po.”“Okay lang, gagamutin ko.” Maya pulled out a small band-aid from her bag, tinakpan ang gasgas, saka hinalikan ang tuhod ng anak. “There, magic kiss. No more pain.”Napangiti ang bata. “Salamat po, Ma.”
Mainit ang hangin na humahaplos sa balat ni Maya habang pinagmamasdan ang dagat. Ang mga alon ay hindi kasing tindi ng gabing muntik na siyang lamunin ng karagatan. Sa tuwing bumabalik siya dito, pakiramdam niya ay muling nagbabalik ang lahat.Limang taon na ang lumipas mula nang mangyari ang lindol at tsunami.Limang taong payapa, ngunit puno ng lihim.Matapos siyang sagipin ng mga mangingisda, dinala siya sa isang maliit na isla. Sugatan at nanghihina, pero buhay. Sa una, gusto niyang bumalik agad sa lungsod hanggang sa natuklasan niyang buntis siya.Niyakap niya ang tiyan, sabay patak ng luha. Desidido siyang buhayin ang bata sa sinapupunan kahit mag-isa.“Lucas…” bulong niya noon. “Patawad. Pero kailangan kong protektahan ang anak natin.”Sa tulong ng ate niyang si Mira at ni Kyle, nakapagtago at nakapagsimula siya ng bagong buhay.Ginamit nila ang koneksyon ni Kyle para makahanap ng tahimik na bahay sa liblib na baryo.Walang internet. Walang social media. Walang ingay ng siyudad
Nakaharap si Lucas sa dokumentong magpapalaya sa kanya kay Maya, ngunit magbibigkis naman sa kanya kay Camille.Kinuha niya ang ballpen. Hindi niya maigalaw ang kamay.Nakangiti si Camille sa tabi niya. “You did the right thing, my love.”Pero bago pa man tumama ang ballpen sa papel.Isang malakas na pag-uga ang yumanig sa mataas na gusali.Sumunod ang nakakabinging alarm.“Lumilindol!” sigaw ng isa sa mga security.Bago pa makapagsalita si Lucas, umuga nang malakas ang buong gusali.Gumalaw ang mga ilaw, nalaglag ang mga gamit, at nagtilian ang mga empleyado.“Everyone out! Now!” utos ni Lucas.Umalis siya mula sa upuan, agad na hinila si Camille palayo sa mesa.Ngunit bago pa sila makalabas, bumalik si Camille sa loob. Dinampot nito ang dokumento at isinilid sa bag.“Camille, leave it! Let’s go!”Pero ngumiti ito kahit nanginginig ang paligid. “Hindi ko to pwedeng iwan, Lucas. This is our future.”Naglakad silang mabilis, nanginginig ang sahig sa ilalim ng paa. Ang elevator ay nagla
Habang sa loob ng ospital, sabay-sabay napalingon sa TV sina Lucas, Donya Ester, Iris, at Camille na bagong dating.Tensyonado at walang makapagsalita.“Shit, sino ang nagpakalat ng Marriage Certificate?” galit na sabi ni Lucas.“Malamang si Maya Marasigan. Mukhang gusto talaga ng gulo ng babaeng iyon!” ani Camille na nakahawak sa braso ni Donya Ester.Nagmamadaling lumabas ng ospital si Lucas.Mainit ang sikat ng araw, pero mas mainit ang tensyon sa harap ng ospital ng lumabas si Lucas na nabunyag na din ang katauhan.Nagkumpulan ang mga reporter, halos itulak ang isa’t isa makakuha lang ng magandang shot.“Lucas! Mr. Esguerra! Is it true you secretly married your secretary?”“Are you planning to step down as the CEO of Timeless Essence?”“Did your wife cause Don Apollo’s heart attack?”“Anong pakiramdam na kilala ka na ng publiko?”Kumikislap ang mga flash ng camera, parang mga kidlat na walang tigil.Lucas tried to shield his face, pero walang silbi.Nakatayo lang siya sa gitna ng
Kinabahan si Maya.Pagbukas niya ng Messenger, may tatlong larawan.Pag-scroll niya, halos mabitawan niya ang cellphone.Si Lucas at si Camille.Magkatabi sa kama. Nakahawak ang babae sa dibdib ni Lucas, parehong walang suot pang-itaas.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.Tila umikot ang paligid at ang dibdib niya ay sumikip.“Hindi…” bulong niya, nanginginig. “Hindi totoo ‘to.”Pero paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Camille sa selda.“Bibigyan kita ng isang linggo. Kapag hindi ka pumirma, baka sa susunod na makita ka ni Lucas, nasa kabaong ka na.”Ngayon, parang literal na namatay ang puso niya.Napakapit siya sa posting malapit, pilit pinipigilan ang luha.Nagvibrate muli ang cellphone niya, another message from Divine.“Sabi nila, nagbalikan na raw talaga. Si Camille na ulit ang girlfriend ng CEO.”Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.Ang larawan ni Lucas at Camille sa screen ay parang kutsilyong tumatarak sa dibdib niya.Tumayo siya, mar







